logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 11

The following morning, nauna kaming umuwi nila AC, VM saka sumabay na din sa amin sina James at David. Hinatid nila kami sa terminal, hindi ko na kinulit pa si James kagabi kung ano ‘yong tungkol sa sinabi niya. Kahit pa nagpaparinig sa akin si AC na sayang daw dahil napakahalaga daw sana noon. Hinayaan ko na lang kasi tama naman si James lasing na si AC. Tahimik lang ako sa tabi ni James, wala nang nag iinuman puro kwentuhan na lang sila. Si VM naman nakasandal kay David habang natutulog. Wala na kasing bakante sa loob ng cottage kasi may mga nakahiga nang mga lasing naming kasamahan.
Agad namang umalis na sila James at David pagkasampa naming tatlo sa bus, hindi na nila hinintay pa na aalis ang bus kasi inaantok na daw sila. Okay lang naman sa akin, kasi gusto ko na din umidlip ng konti antok na antok na din kasi ako masyado.
Palapit nang palapit ang araw ng birthday ni VM mas kinakabahan ako. Kaya madalas hindi ako mapakali. Buti na lang busy ang mga tao sa bahay kaya hindi nila ako pansin. Nagkatay kasi ng baboy at saka kambing para sa pang Noche Buena kaya may mga tauhan. Ang daming ginagawa, tapos ako abala sa paglilinis at paglalagay ng mga kung anu-anong abubot na sinabi ng nanay kong ilagay sa dining area saka sa mesa kung saan kami magsalo-salo ng Noche Buena bukas ng gabi. Inayos ko din ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree para mamaya sa exchange gift. Kasama kasi namin mag-celebrate ang ilan sa mga boarders namin na hindi umuwi sa kanilang mga pamilya.
Masaya naman ang naging salo-salo, nagkaroon s’yempre ng exchange gift tapos may pa games ang mga bata. Nag iinuman naman ang mga matatanda lalo na ang mga lalaki. Uminom ako pero konti lang, okay lang naman sa kanila kasi matagal na nilang alam na umiinom ako.
Mabilis lumipas ang araw at birthday na na ni VM kaya hapon pa lang naghanda na ako hindi lang sa susuotin at dadalhin ko kundi pati na sa posibleng mangyari mamaya sa pakikipag-usap ko kay James.
“Happy Birthday!” salubong ko kay VM nang makita ko agad pagpasok ko sa bahay nila. Hindi pa nakabihis at may inaayos pa sa mesa magkatulong sila ng mama niya.
“Merry Christmas mama Shi! Kumusta po?” bati ko sa mama ni VM sabay mano at kiss.
“Merry Christmas din Lui mabuti nandito ka na!” masaya naman niyang sabi. Para na din kasi kaming anak kung ituring nila. Lalo na naging magkasama kami nila VM sa apartment. Madalas pag dumalaw sila ni Papa Jo ay sinasama din nila kami na kumain sa labas pati din sa shopping.
“Sige na, ako na ang tutulong kay mama dito magprepare ka na,” sabi ko kay VM pagkalapag ko ng bag ko sa may upuan.
“Okay. Thank you, sis! Akin na ang bag dadalhin ko sa room ko, saglit lang ako,” she answered me back.
Masaya kaming nagkwentuhan ni mama Shi tinutungan ko siyang maihanda lahat ng niluto nila. Maaga pa kaya parating palang ang mga imbitado naming mga kaibigan. Konti lang naman ang inaasahan, pero madami ang handa kasi darating mag tita at pinsan ni VM sa mother side dahil nasa iisang compound lang naman sila.
Kinagabihan pagkatapos ng magsiuwian ng mga tita at tito nila VM kasama ang mga makukulit na mga pinsan maliban sa mga kaedad namin ay nagpaiwan kasama namin nag iinuman.
Past twelve midnight nang magkayayaan kami ni James na mag-usap kabado man pero hindi ako nagpahalata. Naglakad kami papunta sa may bench na di naman gaano kalayuan kung saan kami nanggaling. Nasa loob pa din ng compound nila VM.
“Bakit? Ang seryoso mo naman,” sabi niya sa akin habang nanlamig ang mga kamay niyang may hawak sa akin.
“Bakit ka naman nanlalamig? Ano ba ang iniisip mo?” tanong ko.
“Ewan pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, ang seryoso kasi ng mukha mo,” sabi niya sabay kurot sa ilong ko.
“Gusto lang kitang makausap. May dapat ka kasing malaman saka gusto ko marinig ang niloloob mo pagkatapos mong mapakinggan ang sasabihin ko, pwede ba ‘yun?” tanong ko.
“S-Sige kahit kinakabahan ako sirit na hanggang kaya ko pa,” nauutal niyang sagot.
Sa totoo lang mas lalo akong kinain ng konsensya at awa sa kan’ya. Alam kong hindi niya deserve ang lahat ng mga nangyari. It’s really my fault. I’ll take all the blame. Matagal ko siyang tinititigan bago ako may lumabas na salita sa bibig ko.
“James, sorry ah kasi nag umpisa ang kung anuman tayo ngayon sa maling paraan,” pauna kong sabi.
“Alam ko naman ‘yun Lui hindi mo kailangan mag sorry kasi alam natin pareho ‘yun at ng barkada. Ako ang dapat magsorry kasi alam ko na-pressure ka lang noong time na ‘yon. Saka salamat kasi nagkaroon tayo ng pagkakataon na pag -usapan ito ngayon simula noong nangyari,” sagot niya.
“Oo, sorry busy kasi talaga ako kaya after noon ‘di talaga tayo nagkaroon ng time na mapag usapan. Noong sa climb naman hindi naman nagkaroon ng chance kasi makukulit sila Mon saka AC hindi tayo makakapag-usap ng maayos,” sabi ko.
“Alam mo, honestly, I felt really guilty for doing it with you. I know you don’t deserve this. You’re such a nice person James, I adore you for being a very respectful person and gentleman,” dagdag ko.
“Ayan ka na naman eh dinadaan mo na naman ako sa English mo, alam mo namang konting English lang ang kaya ko hehe, joke,” nakangiti niyang sabi sabay naka peace sign sa akin.
“Kidding aside, I wanna be honest to you James na even before we got into this kind of relationship there’s someone I liked so much and I waited for,” diretso kong sabi. Tahimik lang siyang nakinig, parang mas lalo siyang kabado sa tingin ko. Nakatingin sa mga sapatos namin o sa lupa I’m not sure habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
“Remember when the first time we watched a movie with VM and the rest of the gang? He was there, he accidentally saw us the same time he decided to confess to me pero we didn’t had time to talk coz I was so busy then for the practice and the preparation for the school intrams. A week after, he waited for me outside the campus I was with my classmates then pero nagpaiwan ako para makausap ko siya kasi he waited kaya nahiya akong hindian. Sorry ngayon ko lang nasabi ang lahat nang ito sa’yo. The reason why he patiently waited for me without assurance if he will see me or not was his plan to confess to me. I was speechless at first pero bago ko siya tuluyang iniwan sa kinatatayuan namin I was able to ask him bakit ngayon lang, kung kailan dumating ka na. The feelings I have for him was so far different from yours though. Coz frankly speaking, I tried but it didn’t blossom. Still, he’s the one I liked so much kaya patuloy akong kinakain ng konsensya ko hangga’t hindi ko maitama itong gulo na ginawa ko. Ngayon pa lang I am asking for forgiveness but I understand if you can’t forgive me right now. I know and I admit it is really my fault. I am the one to be blame for everything,” tuloy tuloy kong sabi habang diretso siyang tinitingnan sa kan’yang mga mata. I can see frustration and pain in his eyes. He just stayed quite while looking straight to my eyes.
“I’m so sorry for dragging you in this situation I know you don’t deserve any of this. You don’t deserve the pain, most of all. I don’t deserve you and your feelings coz I can’t give you the same feelings that you’re feeling for me. I want to make things right and to make it right I should start from telling all these even if this will hurt you. I need to be honest you, you deserve to know the truth. You are truly a wonderful person who deserve someone much better than me,” dagdag ko pa.
He kept on staring at me blinking his teary eyes, while griping my cold and shivering hands.
“Lui, ang haba naman ng sinabi mo panay English pa talaga. Hindi lang damdamin ko ang nasasaktan sa mga oras na ‘to pati na din utak ko,” sabi niya na may pilit na ngiti sa kan’yang mga labi.
“Alam mo Lui, hindi mo naman kailangan humingi ng tawad eh, wala ka namang kasalanan. Kahit hindi mo pa sabihin alam ko at saka ramdam ko Lui na darating ang araw na ito at mangyayari itong nangyayari ngayon. Hinintay lang talaga kitang magsalita at habang hinihintay ko na darating ang araw na ito ini-enjoy ko na lang muna na naging bahagi ka ng buhay ko kahit saglit man lang. Ang totoo, masayang-masaya ako Lui, kasi malaya akong nakakatabi ka, nakaka-usap, nahahawakan ko ang mga kamay mo, nakakasama sa mga iilang climbs at gala ng tropa. Kasi kung hindi mo naman ginawa ‘yong dare o pustahan, ‘di bale na kung ano ang tawag do’n basta para sa akin masaya ako. Kahit alam natin pareho hindi tayo normal na magkarelasyon kasi nagsimula ang lahat sa pustahan o dare at hindi ligawan at alam kong na pressure ka lang nung gabing ‘yon. Oo, aaminin ko umasa ako na sana isang araw mabago ang nararamdaman mo pero ako lang ‘yon Lui. Hindi mo kasalanan kung bakit ako umasa. Wala kang ginawa para umasa ako kasi nakikita ko at ramdam na ramdam ko, ako lang talaga itong tanga. Saka higit sa lahat ‘wag kang ma-guilty kasi hindi mo naman ako niloko simula sa umpisa alam natin pareho kung ano talaga tayo at kung paano tayo dinala sa ganitong sitwasyon,” malumanay niyang pangungumbensi sa akin na sumisinghot na din tulad ko kitang kita ko ang mga pula niyang mga mata.
“Lui, ‘wag mo sanang isipin na galit ako sa’yo dahil dito. Ngayon pa lang lilinawin ko sa’yo wala akong karapatan magalit sa’yo at hinding hindi ito maging dahilan para magalit ako sa’yo. Ginusto ko ito. Walang may utos sa akin nito para pasukin ko ‘to. Desisyon ko ‘to Lui. Itong sakit na nararamdaman ko ngayon kasalanan ko ‘to. Tahan na. Huwag ka nang mag isip ng kung ano pa man. Magiging okay din ako. Hihilingin ko lang sa’yo na kapag nakita mo ako sa school sana kung p’wede lang ‘wag ka na lang magpahalata na nakita mo ako. Gagawin ko din ang lahat na hindi ka muna makita hangga’t kaya ko na ulit kitang tingnan. Uulitin ko, hindi ako galit sa’yo masakit lang talaga pero okay lang nga kasi ako naman ang pumili na maging ganito ako. Huwag kang magtaka kung hindi mo na ako makikita bukas ng umaga mas mabuting mauna akong umalis sa inyo para hindi na kita makita. Kailangan kong ibalik sa dati ang sarili ko Lui, ‘yong nakokontento lang akong naiisip kita, natatanaw sa malayo dahil alam kong hindi kita malapitan,” bumitiw siya sa mga kamay ko at may dinuko sa bulsa na jeans niya, ‘yon pala ang panyo niya para punasan ang mga luha ko bago siya nagpunas ng mga sariling luha habang sumisinghot singhot pa.
“Lui, may favor lang sana ako ito na lang sa huling pagkakataon kung p’wede lang sana payakap lang kahit saglit,” nahihiyang tanong niya.
Wala man siyang natanggap na sagot sa akin pero ako na ang mismong yumakap sa kan’ya.
“I’m so sorry. I’m really so sorry. Sorry talaga. Thank you sa pag iintindi mo. Thank you sa lahat ng kabaitan at kabutihan mong ginawa for me. I will always cherish you and our memories,” bulong ko sa kan’ya na mas lalong nagpaiyak sa akin habang ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na parang ayaw niyang bumitaw. Hinayaan ko lang siya dahil naiiyak talaga ako mixed emotions ang hirap i-describe. Siya na nga ang nasaktan ako pa ang hinahagod niya sa likod at pinapatahan. Inabot ng ilang minuto na ganoon kaming posisyon. Hanggang siya na ang kusang bumitaw at dahan dahan tumayo.
“Saglit lang Lui, ikukuha kita ng tubig maiinom. Grabe ka palang umiyak akala ko talaga hindi ka marunong umiyak kasi astig kang tingnan eh,” biro niya sa akin bago tuluyang bumitaw sa mga balikat ko.
Ilang minuto ang lumipas bago siya bumalik, na may dalang tubig. Nakangiti siya sa akin habang papalapit. Pero ang ngiti niya halatang pinipilit lang niya dahil hindi abot sa mga niya, mugtong-mugto ang mga mata niya at namumula pa. Umupo siya ulit sa tabi ko sabay bigay sa akin ng baso na dala niya na puno ng tubig.
“Inom ka muna. Ngayon ko nalaman at nakita na may ganito ka palang side,” biniro niya ako ulit, alam ko at naintindihan ko para pagaanin ang bigat sa mga nangyari ngayong gabi dahil sa pag-uusap namin.
“Thank you. Hindi mo naman kailangan gawin sa akin ‘to eh, pinagsilbihan mo pa talaga ako mas lalo lang tuloy akong naguilty—¬¬¬¬¬¬” hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko pa sana.
“Please lang ‘wag mong sabihin na naaawa ka sa akin. At ‘di ba sabi ko naman sa’yo hindi ka dapat ma-guilty kasi may parte ako hindi lang ikaw, may consent ko lahat ang mga nangyaring ito. Tahan na. Sige ka hindi na kita idol niyan kasi nawala na ang pagiging astig mo,” pagpapalubag loob niya sa akin habang iniipit ang ibang buhok ko sa tenga.
“Okay na ako dahil nag-usap tayo ng ganito. Kaya ‘wag ka nang mag isip ng kung ano-ano,” dagdag niya pa. ¬
“Hindi na muna ako sasama sa summer climb para hindi mo ako makita,” biglang sabi ko. Napaisip naman siya habang nakatitig lang sa akin.
“Sayang naman, ‘di ba sabi mo gustong-gusto mong sumama sa summer climb kasi balak mo ‘yan na ang magiging last climb mo kasi laylo ka muna sa 4th year dahil magiging mas busy ka na? ‘Yan na ang pinaka farewell mo ‘di ba sabi mo sa akin? Naalala ko kaya ‘yon no’ng sinabi mo sa akin ‘yon hindi pa ako lasing noon kasi nahimasmasan ako sa lamig ng tubig ng falls dun kung saan tayo sabay naligo nila VM,” paalala niya sa akin.
“Hindi, okay lang. Kasi baka hindi din kayanin ng schedule ko ‘yan. May dalawng subjects kasi akong i-enroll sa summer advance subject ko sa first sem para hindi na ako loaded. Pero baka magiging tatlo lahat kung matuloy na mai-offer ‘yung isa pang minor subject na gusto ko din isabay kuhanin sa summer.
“Hindi nga? Okay lang naman Lui, siguro okay naman na ako sa time na ‘yan. Farewell climb ko na din kasi ‘yan, ‘di ba gagraduate na ako sa March ay pati pala si AC, kaya sayang naman. Sabay na tayo mag farewell climb,” pangungumbensi pa niya.
“Hindi talaga ako sure promise. Gusto ko kasi ‘yung dalawang major subjects ko na lang ang maiiwan pag dating ng first sem para hindi ako gaano ma-pressure kasi magiging busy kami sa OJT. Kaya nga nagkasundo kami ng mga classmates ko at naghahanap din kami ng iba pa kahit fifteen to twenty students man lang kami lahat para pwede namin marequest ang minor subject na ‘yan na maoffer sa summer,” paliwanag ko.
“Sige na please para maging memorable naman ang farewell climb sa org,” pakikiusap niya.
“Kahit ‘yan na lang ang graduation gift mo sa akin?” dagdag niya.
“Basta ang hirap mag-promise na hindi ako sigurado, pero susubukan ko,” sagot ko na lang.
“At least, kahit papaano susubukan hindi ‘yong hi-hindi ka na lang talaga,” sabi niya habang may pilit na ngiti sa kan’yang mga labi.
“Pero ‘wag kang masyadong umasa,” mahina kong sabi.
“Hayaan mo na Lui, aasa man ako o hindi akin na lang ‘yon basta ang importante nagpakatotoo ka sa akin,” sabi niya.
“Ang farewell climb pa ba ang pinag-uusapan natin dito o ang tungkol sa nagawa ko sa’yo?” tanong ko.
“Oo naman, maliwanag na maliwanag tungkol pa din naman talaga sa farewell climb ah! Bakit may sinabi ba akong iba?” tanong niya. Hindi ko alam kung ako lang ba o totoong nagpatutsada siya sa akin. Pero hindi naman siguro ganoon kasi hindi naman ganoon ang pagkakilala ko sa kan’ya.
“Hindi eh, parang may kaibang meaning ang dating sa akin,” dagdag ko.
“Tapos na nating napag-usapan ang tungkol sa ating dalawa Lui, sige ka kapag ipipilit mo pa din ang kung ano ang iniisip mo baka hindi na lang kita papakawalan bahala na si batman!” paghahamon niya.
“Bakit naman ganoon? Akala ko ba sabi mo tapos na tayo tapos ngayon babawiin mo ang mga sinabi mo?” tanong ko.
“Hindi ko pa binawi ah. Ang sabi ko kapag ipapipilitan mo pa, saka ko sasabihin sa’yo na hindi na kita papakawalan kahit pa alam ko at ramdam ko na hindi ako ang gusto mo. Ano?” paghahamon pa rin niya.
“Bakit pinagpipilitan ko ba? Isang beses lang naman ako nagtanong ah?” kinakabahan kong tanong sa kan’ya.
“Relax, ‘yon naman pala eh ‘di walang problema. Saka ikaw naman hindi ka na mabiro, napakaseryoso mo talaga. Ang pikon mo pa pero kahit gan’yan natutuwa ako kasi ang cute mo tingnan lalo kapag napipikon ka,” sabi niya na natatawa.
“Mag bestfriend nga kayo ni AC! Nahawa ka na sa kan’ya eh!” sabi ko.
“Bestfriend ko naman talaga siya. Pero hindi ako nahawa nature ko na talaga, kaya lang kasi hindi mo nakikita kasi hindi naman tayo araw-araw nagkakasama kasi po busy ka. Hindi ka naman nakakasama namin tumambay sa student lounge kaya hindi mo nakikita ang lahat ng kalokohan barkada kasama na ako ro’n,” natatawa niyang sabi na may pailing-iling pa.
“Hindi nga?” tanong ko ulit.
“Bakit naging curious ka yata bigla sa akin?” panunuya na naman niya sa akin.
“Wala lang. Hindi lang ako makapaniwala kasi sa ngayon ka lang naman naging gan’yan sa akin, tahimik at seryoso kang tao ang pagkakakilala ko,” pagpapaliwanag ko.
“Eh s’yempre nananantya ako lagi sa’yo eh. Baka biglang ka na lang manuntok, ba masakit kaya ang masuntok kaya iniiwasan kong maging maloko sayo,” sagot naman niya.
Hindi na namin napansin ang kung ilang minuto or oras kaming nag usap. Naging magaan kahit papaano ang atmosphere between us. Ako na mismo ang bumitaw sa usapan para hindi na siya mahirapang magpaalam. Kasi alam ko naman na gusto na niyang umalis hindi niya lang masabi. Sa huling pagkakataon nagkayakap kami nagkapag paalam ng maayos at hinalikan niya ako sa noo ko bago ako tuluyang binitawan at ako na ang naunang umalis tulad ng sabi niya. Agad akong pumasok sa loob ng bahay nila VM at diretsong pumanhik sa kwarto ni VM at humiga na ako. Magkahalong emotion para rin ang nararamdaman ko habang nakahiga, ni hindi ko na nagawang maglinis at magbihis. Nakahiga ang kalahati ng katawan ko pero nalaylay lang ang mga paa ko sa kama abot ang sahig.

Comentário do Livro (34)

  • avatar
    GuingguingJose bobby jr

    jhgffdfioojggf

    17/11/2024

      0
  • avatar
    rjn Zhns

    so fantastic

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes