“’Yon oh! Ang saya ng isa dyan ngayong gabi kasi andito ang kan’yang love of his life!” pangangantyaw ng isa naming kasama sa org na si Mon nang makita nila kaming papasok sa cottage na nirentahan namin, beach side din kasi ang napagkasuduan overnight nga lang. “Yie! Uy, si James kinilig kasi nakita na si Lui!” dagdag naman nung isa na katabi ni Mon na hindi ko maalala ang pangalan niya. “Pst, hoy! Magsitigil nga kayo pag ‘yan si Lui umuwi dahil sa inyo lagot kayo kay James!” saway naman ni AC sa kanila. Mabuti na lang at nakinig naman kasi hindi talaga ako magtatagal kasi hindi ako comfortable pag nagpatuloy pa. Nilalamon na kasi ako talaga ng konsensiya ko dahil sa mga sinabi sa akin ni VM nakikita kong umaasa talaga si James at seryoso siya sa relasyon namin. Samantalang ako wala lang, kasi wala eh hindi ko mapilit ang sarili ko na magkagusto sa kan’ya. “Sorry,” salubong niya sa akin habang hinihila niya ang upuan palapit sa inuupuan niya bago pa kami dumating. “Okay lang, medyo sanay naman na ‘ko sa kakulitan ng mga barkada niyo,” ‘Yon lang ang tugon ko habang nakayuko, hindi ako makatingin sa’kanya kasi naaawa ako sa totoo lang. As much as possible ayaw kong makapanakit ako ng tao kaso kung hindi ko naman itutuloy ang plano ko mas lalo lang lalaki ang kasalanan ko sa kan’ya kasi mas lalo lang siya aasa sa akin. “Okay ka lang ba?” tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya. “Yeah,” tipid kong sagot. “Gutom ka na ba? Gusto mo ikuha kita ng pagkain?” sunod-sunod niyang tanong. “Hindi pa naman. Okay lang ako,” sagot ko. “Kain na kang kahit konti kasi hindi magandang iinom ka ng alak na wala ka pang kain,” sabi niya habang tumayo agad at pumunta sa mesang puno ng pagkain. Hindi man lang nagtanong kung ako ang gusto kong kainin. Mabait siya, nakikita naman sa mga kilos niya at natural na kabaitan hindi yung pakita lang para maimpress ako sa kan’ya. Ramdam ko din ang laki ng respeto niya sa akin. Pero sabi nga hindi naman napipilit ang puso kung sino ang dapat magustuhan eh. “Kain ka na. Dito ko na din sa tabi mo ilalagay ang softdrinks mo,” sabi niya habang inaabot sa akin ang paper plate na nilgayan niya ng pagkain para sa akin. “Hala! Ang dami naman nito hindi ko ‘to mauubos kasi hindi nga ako gutom ‘di ba? Galing din kasi kami sa party sinabi naman siguro sayo ni AC,” reklamo ko sa kan’ya. “’Wag kang mag alala kung hindi mo maubos ako ang kakain sa mga natira mo,” Confident niya pang sabi. Hay naku! Bakit pa kasi ganito itong tao na ‘to? Mas lalo lang akong nilalamon ng konsensiya ko eh. Sana babaero na lang siya o ‘di kaya barumbado para hindi ako mahirapang mahanapan ng rason na hiwalayan siya. Alam kong hindi niya deserve ang mga ginawa ko sa kan’ya at sa mga gagawin pa. Nakaka-konsensya lalo, ganoon talaga siya sa akin sobrang maalaga. Hindi ko bakit ilang ulit ko nang tinanong ang sarili ko kung bakit hindi ko kayang ibaling sa kanya ang nararamdaman ko. “Hindi na, hayaan mo na. Uunti-untiin ko na lang,” sabi ko sa kan’ya. “Hindi okay lang naman sa akin eh. Hindi naman marumi yang mga matirang pagkain. Saka kasalanan ko naman dinamihan ko kasi. Sorry na.” Oh, kita niyo na! Siya pa ang nag so-sorry. Tama ba naman ‘yun? Bakit ba kasi mas pinapahirapan ako ng mokong na ‘to? Kung alam ko lang talaga nung una pa lang na ganito ang pag uugali niya hindi ko na sana ginawa ‘yung kabobohan kong ‘yun, nagsisisi na talaga po ako Lord! Promise po hinding-hindi na po talaga ako uulit. Kasi alam ko po hindi po talaga mabuti itong ito, at alam kong makakasakit ako ng damdamin. Akala ko talaga dati hindi siya ganoon ka seryoso sa pakikipag relasyon eh. “Sige na. Okay lang naman talagang kainin yan eh. Wala naman problema sa akin,” pangungumbinse pa niya sa akin. “Ikaw na nga ang bahala. Mapilit ka eh!” sabi ko na lang sabay subo spaghetti. Natawa naman siya sa sinabi ko. Nang makarating na lahat ang mga inasahan na dadalo sa party agad nagsimula ang mga hinanda nilang pa games. May solo, may pairing may per team din na mga laro. Pagkatapos nag exchange gifts saka tuloy na naman inuman. Ang iba nag-stay tulad namin na napagkasunduang bukas ng umaga na lang kami uuwi diretso na sa mga bahay namin. Magkakasabay kaming uuwi nila AC at VM kasi iisang route lang naman ang sasakyan naming bus. Hindi kasi susunduin ng papa nila kasi may lakad daw na importante kasama ang mama nila. ‘Yong ibang kasama namin sa org umuwi na nang mag hatinggabi. Habang si Nika kanina pa bumiyahe pauwi sa kanila habang papunta pa kami dito, mas pinili niyang ‘wag nang dumalo dito sa party ng org para makauwi ng maaga sa kanila. Bihira lang kasi siyang umuuwi sa kanila dahil sa laki ng gastos sa pamasahe at saka sa layo ng byahe. Pero mahigit sampu pa din kaming naiwan para mapalipas ng gabi. Nagpatuloy sa inuman ang lahat, hindi ako masyadong uminom para hindi ako mahirapang umuwi kinabukasan, saka isa pa hindi rin ako comfortable na magpakalasing na kasama ko si James. Hindi ako nagtangkang kausapin siya tungkol sa plano ko. Hinayaan ko muna kasi alam ko magkikita pa naman kami sa darating ng birthday ni VM after Christmas. Kay saka ko na lang gagawin. Casual lang ang madalas naming usapan saka halatang pinipigilan niyang maging touchy sa akin. Parang nakontento na lang siya sa pakikipag holding hands niya sa akin. Tapos inaalalayan niya ako sa tuwing pumupunta ako sa cr. Maingat siya sa mga naging kilos niya sa akin. Alam kong ayaw niya akong maging uncomfortable. Saka agad niyang sinasaway ang mga magtatangkang manunukoso sa amin. Minsan tumatawa na lang din siya ng mahina kapag nakakalusot talaga ang pang aalaska nila sa kan’ya. Tapos agad naman siyang pasimpleng bubulong sa akin para mag-sorry. “Kaya mo pa ba?” tanong niya. “Oo naman, alam ko naman kung kailan ako dapat hihinto. Bakit?” balik kong tanong sa kan’ya. “Kasi mapupungay na ang mga mata mo, tapos namumula ka na,” paliwanag naman niya habang titig na titig sa mukha ko. “Okay pa naman ako,” tango lang ang naging tugon niya. Pero nakatitig pa rin siya sa mukha ko. “May madumi ba sa mukha ko?” tanong ko sa kan’ya kasi hindi pa rin naalis ang pagkakatitig niya sa akin. “Wala naman,” sagot niya. “O’ eh, bakit gan’yan ka kung makatitig sa akin? Baka matunaw na ako niyan sa kakatitig mo,” maktol ko, nakakailang kasi. “Iniisip ko lang kung bakit ang lakas mong uminom saka dati hindi ka naman nag yoyosi pero ngayon nakailang stick ka na,” tanong niya. “Bakit may problema ba?” pabalang kong balik sa kanya ng tanong. “Wala. Saka wala naman akong ibang ibig sabihin,” explain niya. “Na turned off ka na ba?” pangungulit ko sa’kanya, naku iba talaga ang dulot sa tao ng alcohol sa katawan. “Hala siya! Wala akong sinabing ganyan ah!” pagrarason niya. “Eh bakit nga gan’yan ka makatingin?” tanong ko ulit. “Wala lang nga. Gusto lang kitang titigan saka ayon nga napaisip ako tungkol sa mga sinabi ko,” paliwanag niya ulit. “Ewan ko sa’yo!” sabi ko sabay tayo para pumunta na naman sa cr. Hindi na siya sumagot pero alam kong nakasunod lang siya sa akin kasi ramdam ko ang presence niya. Pagkalabas ko sa cr. “Saglit lang ako pahintay,” agad niyang sabi. Hindi ako sumagot pero hindi rin ako umalis. Lumapit lang ako sa tv kung saan may iilang kasama namin na nandoon sa living area ng cottage nakaupo pero halata namang walang nanonood sa kanila kasi kan’ya-kan’ya silang nakasandal at nakapikit na ang mga mata. Sa may labas ng cottage kasi kami nag iinuman nakaupo sa buhangin at may bonfire sa gitna. “Gusto mo bang manood na lang tayo dito n’g tv?” tanong ng niya na nasa likod ko na pala nakatayo habang tinitingnan ang mga nakasandal sa mga upuan naming mga kasama na natutulog na. “Hindi. Hindi naman ako gaanong mahilig sa manood, mas gusto ko pang magbasa kaysa sa manood. Hindi ko naman kasi nasusundan ang mga palabas kasi busy sa school,” paliwanag ko. “Ah ganoon ba? Ano tara na?” tanong niya. “Oo, tara balik na tayo,” agad ko namang tugon. “Kaya mo pa ba?” tanong niya ulit. “Ikaw kaya mo pa ba?” balik ko naman tanong sa kan’ya na hindi ko man lang sinagot ang naging tanong niya sa akin. “Konti na lang. Kasi may tama na akong konti,” sagot niya habang may magandang ngiti saka hawak hawak niya ang kamay ko. Hindi niya halos binibitawan para bang takot siyang iiwan ko siya. “Ako konti na lang din para hindi ako mahirapan umuwi nang maaga bukas,” sagot ko naman. “Magkikita tayo ulit sa birthday ni VM ‘di ba?” tanong niya. Bigla akong nanigas sa tanong niya. Nanlamig ako bigla at kinabahan sa tanong niya. Pilit ko kasing hindi muna iisipin ang araw na ‘yun para kahit papaano maging normal ang pakikitungo ko sa kanilang lahat. “O-Oo naman.” Nauutal kong sagot. “Bakit parang hindi ka naman yata excited na magkita ulit tayo?” nagtataka niyang tanong. “Bakit mo naman nasabi?” sagot ko at nagdadasal na sana hindi niya maisip na ‘yun na ang huling gabi na magiging kami, dahil hindi ko na kaya. Nakakapagod at mas lalong nahihirapan ako na patuloy akong nilalamon ng konsiyensya ko. “Para kasing nagulat kang magkikita tayo,” saad niya. “Bakit ‘pag nagulat ba ganoon na ang agad ang meaning?” hindi siya nakasagot sa sarcastic kong bwelta sa kanya. Wala nang naging kasunod na salita pagkatapos noon, tahimik kaming pareho naupo sa mga p’westong iniwan namin. Buti na lang at naging malalim din ang usapan ng mga kasama namin at hindi kami naisipang tuksuhin. Minsan ko lang marinig na seryoso sa pinag-uusapan lalo na sa mga pangarap nila sa buhay. Marami kasi sa kanila ang graduating na kasama na doon si James. “Ikaw Tol, anong balak mo after graduation?” seryosong tanong sa kan’ya ni Mon nang mabalingan nila kaming tahimik na nakikinig lang sa kanila. “Pahinga siguro muna kahit saglit kung papayag si mama doon na hindi muna ako pupunta sa lolo at lola ko para tumulong sa kanila at saka pinag-iisipan ko din kasi ang offer sa akin ng tito ko, kapatid ng tatay ko na sa kanila na lang ako magtatrabaho. Ewan, basta. Depende na lang kung ano ang mangyari,” sagot niya. “Bakit parang hindi ka na sure ngayon? Akala ko ba mas gusto mo doon mamalagi sa lolo at lola mo?” sabat naman agad ni AC, mas kilala kasi niya si James kasi sila ang mag bestfriends. “Eh, s’yempre may mga pagbabago naman kasi sa buhay natin. Kahit anong plano natin tapos hindi pala ‘yon ang nakalaan sa atin na mangyari kaya hindi ko na lang pino-focus sa kung alin ang mas gusto ko, para hindi ako madismaya,” seryoso niyang dagdag. “Naku tol, mas lalo kang yatang palalim nang palalim kung magsalita. Baka iwan ka niyan ni Lui kapag hindi ka niya kayang abutin ang kalaliman mo hahaha!” pangangantyaw naman ni Mon, si Mon ang isa sa maloko ng grupo. Madalas silang dalawa ni AC ang pasimuno ng kalokohan tulad na lang no’ng minsan nangyari sa isa naging pag akyat namin sa bundok. Flashback. “AC, tol! Kamo kay Condrad palit kami ayo’ko sa unahan gusto ko sweaper, mas maganda sa hulihan kasi may madami kang makikita na hindi inaasahan.” Sabi niya habang naghihintay kami sa mga kasama namin nagfi-fill up form sa loob ng opisina ng barangay kung saan kami nag register para sa pag akyat namin. Madaling araw pa kasi kaya dito na kami ikinagtagpo ng in-charge imbis na sa tourism office nila. Ang barangay hall kasi ang malapit sa starting point kaya napagkasuduan na dito na magkikita para sa registration form at briefing na din para sa amin. Kasi lahat dadaanan na process kahit ilang beses na kami nakaakyat sa iba’t-ibang bundok major climb man o minor climb may sinusunod na protocol. “Oo nga ‘no! Sige sabihan ko dalawa tayo sweaper.” Tuwang-tuwa na sagot ni AC sabay nag apir pa sila ni Mon. Napailing na lang si James at David na kasama naming nakaupo at naghihintay. Nang mag umpisa kaming maglakad, magkasabay at nag-uusap sila David at VM. Samantalang ako at si Nika tahimik lang na nakasunod sa kanila. Hindi sumama si Yara mas pinili niyang umuwi sa kanila para makasama ang family niya. Hindi naman kasi mahilig si Yara sa adventure napilitan lang naman siyang sumali dahil sa amin. Kaya hindi siya madalas sumasama sa mga climbs namin. “Lui!” Sigaw ni AC, medyo malayo kasi ang distansya namin sa kanila. “Huh?” Napalingon ako sa kanila bigla dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Sila kasi ang officers ng org namin kaya sila ang naka-icharge sa mga activities namin tulad nito. “Bakit?” Tanong ko agad kay AC. “Mamaya na tayo kasi under kayo sa amin sweaper tayo. Pakisabihan mo sila VM kasi tatanga-tanga na naman si David!” sigaw niya, napalingon naman kaagad sila VM at David nang marinig nila ang mga pangalan nila. “Sweaper pala tayo? Binago pala?” Pasigaw na tanong ni David kay AC. “Oo hindi ka kasi nakikinig wala ka namang ibang nakikita kundi ang kapatid ko!” Pabalang na sagot ni AC. Napakamot na lang sa ulo si David at nagpagilid para paraanin ang mga dapat mauna sa amin na bahagi sa ibang team. Kasi tuwing climb ang hinahati kaming lahat sa tatlong grupo, ‘yong grupo na mauuna dapat alam ang daan para hindi maligaw at sigurado na safe ang dadaanan para iwas sa disgrasya. Tapos ‘yon sa gitna and then anng pang huli ang sweaper na tawag. Dapat sinisigurado na walang naiiwan na kasama at secure lahat. Masayang kwentuhan ang nagaganap habang naglalakad na kami paakyat ng bundok. Buddy system kami para hindi mahirapan sa pag akyat sa matitirik na bahagi ng bundok. Babae at lalaki para fair daw, sabi ng officers. Ewan ko lang kung totoo o di kaya dumada-moves lang ang mokong. “Lui, saglit lang ah. Palit muna kami ni James kasi kailangan namin tulungan kong gamutin ang partner niya nasugatan kasi sa naka usling kahoy pag akyat kanina.” Hindi niya hinintay ang sagot ko, agad siyang bumalik sa pinanggalingan namin kaya huminto na muna ako. Hindi naman nagtagal nakita kong papunta na sa akin si James. “Kumusta ang partner mo?” Salubong ko sa kan’ya tantya kong sapat na marinig niya ang boses ko sa agwat namin. “Huh?” kunot noo niyang tanong. “Kako, kumusta ang kapartner mo sabi kasi ni AC nasugatan daw kaya kailangan niyong magpalit kasi tutulong siya sa paggamot,” paliwanag ko. “Ah ‘yun ba konting galos lang naman ‘yun saka nagamot na kanina pa,” sagot niya. “Ay akala ko naman malaki ang sugat dahil sa sinabi ni AC sa akin,” saad ko. “Naku! Alam mo naman si AC madaming kalokohan ‘yun sa utak niya,” sabi niya habang kamot-kamot ang likuran ng ulo niya at hindi makatingin sa akin ng diretso. “Bahala siya. ‘Wag lang talaga siyang magkamali na ako ang pagtripan niya,” banta ko agad kasi mahirap na baka anong ang pinaplano ng mokong na ‘yon. ‘Di nagtagal nakarinig kami ng ingay sa mga nakasunod sa amin. Pihadong silang AC ‘yon kasama sila Mon at iba pa. Panay ang tawanan at kantyawan, may nag hihiyawan din. “Alam ko na, ‘yan na ‘yon kaya nakipagpalit siya sa’yo,” sabi ko kay James na tahimik na nakasunod sa akin kasi hindi magsabay dahil sa makitid na daan paakyat. “Naku! Hindi na bago sa akin ‘yan sa ilang beses na kami magkasama sa bawat climb sila talaga ni Mon ang magkasama kasi partners in crime ‘yang dalawang ‘yan eh,” sagot niya. “Akala ko ba magbestfriend kayo?” tanong ko. “Oo, siguro nga kasi magkalapit kami tapos nasasabihan namin ng mga bagay bagay ang isa’t-isa at pinagkakatiwalaan pero hindi ako ang kapartner niya sa kalokohan,” paliwanag niya. “Kaya minsan nagtataka din ako kung bakit naging mag-bestfriend kayo eh ikaw tahimik tapos siya maingay,” sabi ko sabay tawa. “Alam mo mag aaway lang kayo ‘pag narinig ka noon, pagtitripan ka na naman sige ka,” pananakot niya sa akin. Mas lalo palapit sila mas lalong dinig namin ang ingay ingay nila. May kumakanta pa na halata namang may laman ng panunukso. Tapos naghiyawan ulit. Nang tuluyan silang nakalapit sa amin. “Tol, kumusta ng enjoy ka 'no?” medyo pasigaw na tanong ni AC kay James. Samantalang si James, namula na lang bigla ang mukha at alanganing ngumiti parang takot na may makakakita sa ngiti niya. Sabay pasimple siyang bumulong sa akin. “’Wag kang makinig sa mga ‘yan may naisip na naman ‘yang kalokohan mapipikon ka lang kung papakinggan mo,” sabi niya. “Uy! Luh si James may sekreto na pala agad kayo ni Lui? Share mo naman sa amin baka p’wede lang naman!” panunukso niya na agad namang naghiyawan ang mga nakarinig habang patuloy kaming naglalakad malapit sa station kung saan kami magpapahinga, magluluto at kakain ng tanghalian namin. “Anak ng!” saad ko agad. “Kami na naman ang nakita mo?” paninita ko. “Ay Lui hindi ah! Bati tayo, si James lang naman ang tinatanong ko eh. Sige na nga hindi na ako magtatanong kung ano sekreto ninyo basta’t ang importante masaya ang bestfriend ko. Di ba bestfriend!” sagot niya sabay saludo naman kay James. Hanggang sa kumakain na kami ng tanghalian doon ko lang nalaman na sinadyang makipagpalit ni AC kay James dahil may usapan sila ni Mon. At kung ano man ‘yon hindi ko na planong alamin pa dahil pihadong kalokohan lang ‘yon. Basta naririnig ko lang panay ang kantyawan nila kasi mas maganda talaga daw ang sweaper nasisimot nila lahat. Back to the present. “Hoy Lui!” kalabit sa akin ni AC. “Bakit?” nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. “Ang lalim naman ng iniisip mo. Hindi mo tuloy narinig ang sagot ni James,” tunog nanghihinayang na sabi niya. “Ang alin ba ang hindi ko narinig?” medyo inaantok na kasi ako, palusot ko. “Ay wala na, hindi na uulitin ‘yun ni James malamang,” sagot naman niya agad. Nilingon ko si James at tinignan, alam kong sa tingin ko sa kan’ya naintindihan niyang nagtatanong ako kung ano ang tungkol sa sinasabi ni AC. “Naku, wala ‘yon nagpapaniwala ka naman agad kay AC alam mo naman ‘yan maloko. Saka lasing na ‘yan kung ano na ang mga pinagsasabi,” mahabang sabi niya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
jhgffdfioojggf
17/11/2024
0so fantastic
22/06/2024
0nice
06/06/2024
0Ver Todos