logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Six

Nasa silid na nilaan sa kanya si Saji, nakadapa sa kama kaharap ang laptop niya. Inaayos yung mga litratong kinuhanan nila kanina at kahapon sa outing. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa ganong posisyon. Nagising nalang siya nang tumunog ang cellphone niya sa tabi.
"Hello?" sagot niya sa tawag habang nakapikit parin.
[Sunshine] wika ng boses sa kabilang linya… napatingin siya sa ID ng caller pero unregistered.
"Who's this?" tanong niya na nagtataka.
Napabangon siya sa kama nang sumagot ang babae.
"How'd you get my number?" tanong niya in her cold voice. "What's the matter?" tanong niya pa… tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ng kausap. "I can't promise, but I'll try." Yun lang ang sinabi niya at binaba na ang cellphone.
Napahiga ulit siya sa kama at napatitig sa kisame. Ilang saglit pa ay bumangon na siya at inayos sa tabi ang laptop.
Medyo lumalamig na ang panahon kaya isinara niya yung pinto palabas ng veranda at doon lang niya napansin na madilim na pala sa labas. Napatingin naman siya sa relos niya at nakitang 11 na pala ng gabi.
"Maghahating-gabi na pala, ang tagal naman naming natulog? Kumain kaya sila ng gabihan? Ba't hindi nila ako ginising? Sabagay, naparami ata ang kain namin kaninang lunch kaya hindi ko ramdam rin ang gutom ngayon." Wika niya sa sarili. "Hala, nakalimutan kong uminom ng gamut."
Naisipan niyang bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Papasok na sana siya sa kusina nang nakita niyang bukas yung ilaw kaya inakala niyang naroon pa ang mga katulong.
"Manang bak---."
Napatigil siya nang makitang hindi sila manang ang naroon kundi ang lalake na iniiwasan niya… si Dylan. Nakaupo ito sa silya sa may kitchen counter at hawak ang baso na may lamang may kulay na likido. Sa harap nito ay ang bote ng brandy na parang kabubukas palang pero medyo nakalahati na ang laman.
Napakagat nalang siya ng mga labi at dumeretso nalang sa may cabinet kung san nilalagay yung baso at kumuha ng isa tiyaka pumuntang fridge para kumuha ng tubig. Nagsasalin na siya ng tubig sa baso nang magsalita ang lalake.
"Ang kapal din naman ng mukha mong pumunta pa dito 'no?" wika nito. "Matapos ang ginawa mo sa akin. Now you're even acting like nothing happen. Nagagawa mo pang tawagin ang mgaulang ko ng mamang at papang na tulad ng dati."
'Eto na nga ba ang sinasabi ko… alam ko naman na wala akong karapatan pero wala na akong magagawa kung sila mamang at papang na mismo ang may gusto ng ganito. Hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko kung hindi talaga pwede.' Sagot niya sa isip niya pero mas minabuti niyang manahimik nalang. Matapos niyang magsalin ng tubig ay tumalikod na siya pero muling napatigil siya sa sinabi niya.
"Don't act as if everything's okay Saji - like you're still my girlfriend - because you're not." Seryososng wika nito. "And you have no right to ignore me because you're here in my house."
Napapikit nalang si Saji at humugot ng lakas ng loob para humarap dito.
"Alam ko naman kung nasan ako Dylan," lingon na niya sa lalake. "At hindi ko rin gustong mangyari ito ngayon. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at isipin mo na ang gusto mong isipin. But, for the record, I'm just here because mamang asks me to."
"Mamang..." ulit ng lalake at napa-smirk. "She's not your mom, so don't call her that way. And you will never be her daughter. So you have no right to call her that." Sabi nito sa matigas na tono. Halata sa mukha nito na galit ito.
"Alam kong wala na, pero sila na ang nagsabi sa akin noong unang araw namin dito na kahit na wala nang 'tayo' ay ganun parin ang tawag ko sa kanila. I believe I don't have to explain anything to you about it kasi wala ka namang kinalaman doon." Sagot niya nalang sa kanya with her normal voice.
"Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa kanila at ganyan parin sila sayo. Kahit alam nilang malaki ang kasalanan mo sa akin. Sige, let's put it that way… tanggap ka parin nila… pero sana man lang, ikaw na ang tumanggi dahil alam mong wala ka nang karapatan, diba? O baka naman, nakikipag-plastikan ka lang sa kanila at pinaglalaruan rin ang damdamin nila? Kasi natutuwa kang makita silang ganun parin sayo?" tanong niya habang papalapit sa babae kaya ngayon magkaharap na sila. "Dahil isa kang manloloko at manggagamit."
Masakit marinig ang mga iyon mula sa lalake mismo, pero kailangan niyang tiisin… kailangan niyang tanggapin ang kung ano man ang sasabihin nito. Aminado siyang may kasalanan siya, pero nagawa lang naman niya iyon dahil ayaw niya silang madamay.
"Kung ano man ang nangyari sa atin noon, kung ano man ang ginawa ko sayo, aminado akong mali ako. Hindi ko itatanggi na ako nga ang mali. Ako ang may kasalanan at ako ang masama. But… I think they… I mean, all of them… they have nothing to do about that. Labas sila sa kung anong meron tayo at sa kung anong nangyari sa atin. Kung galit ka… magalit ka sa akin. I'll take it. But don't force me to stay away from them, because I won't do that." Sagot niya nalang na pilit nagpapakatapang kahit kanina pa nanginginig ang tuhod niya sa takot.
Natatakot siya sa aurang meron ang lalake ngayon… sa Dylan na kaharap niya ngayon… para siyang mangangain ng tao, na anytime ay magawa niya siyang saktan… but in that case, naisip niya na siguro she deserve it, kasi sinaktan niya ito emotionally. Alam niya kasi na mahal niya siya noon and yet she broke his heart. Kaya alam niyang malaki ang sakit na nabigay niya dito.
"Tell your friend to stay away from my girlfriend and don't say anything bad about her. Kung hindi ay papalayasin ko kayong lahat dito." Wika pa niya still looking at her.
"I'm sorry about that too… sadyang ganun lang talaga si Mart. You know her. I'll stop her. I promise. So tell Stromie that we apologize." Sagot niya nalang.
Maya-maya pa ay wala nang umimik sa kanila pero patuloy parin sila sa pagtititigan na dalawa. Hindi na alam ni Saji kung gaano katagal iyon. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita ulit ito at sa pagkakataong iyon ay nasa normal tone na ang boses nito.
"Why are you being like this Saji?" tanong ni Dylan. "Are you just pretending to be nice? Why are those people treating you nicely like nothing happened. They knew what you did to me. Maraming beses ko nang tinanong kung paano silang lahat napalapit sayo agad noon. Sa tagal na panahong hindi ka nila nakita ganun parin ang trato nila sayo hanggang ngayon?
"Even me… looking at you right now, part of me says I have to be mad and kick you out of here - just like you did to me before. I want to hurt you so bad that I don't want to see your smile or your face anymore. Pero may bahagi sa pagkatao kong pumupigil na gawin lahat iyon, and I don't know why. Maybe because, nadadala rin ako sa pagpapanggap mo ngayon. Sa kabaitang pinapakita mo." Halata na sa boses nito ang poot. "So please lang, stop pretending anymore."
"Siguro nga may panahong nagpre-peretend ako. Siguro nga may bahagi sa pagkatao ko ngayon na hindi ko maipakita sa iba. Pero lahat ng mga pinapakita ko sa kanila, yung saya na makasama silang muli, hindi pagpapanggap iyon, Dylan. Alam mong hindi ako marunong umarte." Wika ni Saji at humawak ng mahigpit sa baso at napalunok para humugot ng lakas. "Maniwala ka man o hindi… pero maraming bagay parin ang mahirap baguhin lang ng basta."
"Babe?" Singit ni Stromie kaya nabasag ang intensity na meron sa kanila. "What's going on?" tanong nito sabay tingin sa dalawa.
"We were just talking. Why are you still awake?" tanong naman ni Dylan dito.
"I woke up because you were not by my side." Sagot ni Stromie sabay yakap kay Dylan.
"I'll leave you two alone. Goodnight!" Paalam ni Saji at iniwan na ang mga ito.
Pagkabalik niya sa kwarto ay agad siyang napaupo sa kama para kumuha ng energy dahil kanina pa nanlalambot ang mga tuhod niya sa takot. Ilang minuto siyang ganun hanggang sa ininom na niya ang gamot at bumalik sa pagtulog.
Pagulong-gulong na siya sa kama pero di parin ako dapuan ng antok. Pipikit ang mata pero maya-maya ay didilat nanaman.
"Aish!!!" inis na wika niya at napaupo sa kama.
Bumangon nalang siya at naisipang lumabas ng verenda at sumalubong sa akin ang lumalamig na simoy ng hangin. Napayakap siya sa sarli niya habang nakatingin sa ilang bituin na nasa kalangitan at ang maliwanag na buwan. Naalala niya nanaman yung tawag kanina.
For the first time in a very long time ay tumawag sa kanya ang kanyang ina. At sa pinagtataka at kinagulat niya ay sa sinabi nitong gusto siyang makita ng kanyang ama at humingi pa ito ng tawad sa kanya.
"Sinong niloko nila? Gusto akong makita? Para ano? Para ipamukha sa akin na wala akong kwentang anak?"  Daing niya.
3 years matapos niyang magpaalam sa mga ito para magtungong Pilipinas at dito mag-aral noon, na akala niya ay payapa ang lahat, nang ginulo nang mga ito ang buhay niya. Matutuwa na sana siya dahil sa unang pagkakataon ay dumalaw ang mga ito sa kanya, pero hindi pala para kumustahin siya kundi para muling sirain ang buhay niya. Wala siyang magawa sa mga banta nila, kaya ginawa niya at sinunod ang kagustuhan ng mga ito. Pero pagkatapos ay siya na mismo ang pumutol ng ugnayan sa mga ito.
Siya ang nagsabing kalimutan na nilang may anak pa sila dahil hindi na niya kinaya ang paninipula nang mga ito. Pagkatapos nun ay wala na siyang narinig pa sa mga ito. Namuhay siya ng tahimik at masaya kasama ang mga kaibigan niya. Nagtrabaho siya hanggang sa makapag-ipon at makapagpatayo ng sariling bahay at lupa. Pero ngayon, matapos ang ilang taon ay tatawag sila sa kanya para umuwi na dahil kailangan siyang makita ng tatay niya.
"Yeah right," wika nalang niya sabay punas sa mga nahulog na butil ng luha sa pisngi niya. Sa pag-aalala sa mga iyon ay naiyak nanaman siya.
After graduating high school, hindi niya na pinapakialam ang perang pinapadala ng mga ito. She looked for a part-time job while studying for college. Isang malaking adjustment iyon para sa kanya. Naging mahirap pero sa tulong ng mga kaibigan niya, nakaya niyang malagpasana ang lahat. They motivated her in everything she do. That's why she's very greatful to the Lord that He gave her friends like them. They helped her face the real world.
Nang makilala niya ang magulang ni Dylan na nagparamdam sa kanya ng mga bagay na hinahanap niya noon mula sa magulang niya, dumating sa punto na parang ayaw na niyang bumitaw. Na gusto na niyang magpaampon na ng tuluyan sa mga ito.
Pero ayaw niyang magmukhang kawawa ulit. Kontento na siya sa kung anong relasyon niya sa mga ito. Ang ginang ang naging labasan niya noon ng sama ng loob kapag may problema sa school o kahit sa kanila ni Dylan noon. Hindi kumakampi ang ginang sa anak kapag alam nitong si Dylan ang may mali. Kapag may sakit siya ay laging naroon ang ginang para alagaan siya, kaya sobrang napalapit ang loob nila sa isa't-isa.
Ngunit dahil sa totoong mga magulang niya, lahat ng masasayang bagay na iyon ay nawala. Ayaw na niyang isipin pang muli ang mga nangyari noon dahil lalo lang siyang nasasaktan.
---

Comentário do Livro (99)

  • avatar
    Jarred Custodio Labana

    good work

    18d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    sndbdbdnnskejebsnsnsjjdjdjddndnbdbdhdjdjjddjrenebrbdbdbndbdbdndjskekekendndnbfnbfnrieowkwnenenrndndndndbndnrnnnnnnnnnnnnnnnnnejjdjdjdhdjfnfnfnfjfjfjfjfjjfjfnndjdkskekejrjndndnfndnnfdkrkrkkrkrkrkrkrjrjjrnrnrnndndndjdjndnfjfnfnfnnfnfnfnnfnfnfnndnnenenrnrrnfnndndnfnrnrnfnrnnrnfnfjdjfndnrnrnrndndjdjdndndndnndndndnndnfndndfjfjjrjrnrnsoowowowjenenndddjdddjjdjdj me know if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺 😭 nnnsnsnsnndndndnndn on the news and mama not sure ka na na na song lyrics to Tripan nakikisa

    19/07

      0
  • avatar

    so beautiful 💕

    16/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes