logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Saji : Her Vivid Emotions

Saji : Her Vivid Emotions

Lhybby


Capítulo 1 One

This is a work of fiction. The characters, incidents, places, and dialogue are drawn from the author’s imagination and are not to be constructed as real. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental.
--------------------------------------------------
NASA loob sila Saji at dalawa nitong kaibigan na sina Mart at Rhian sa van ng huli. Nagkataong pinayagang magbakasyon ang kaibigang si Rhian sa buong summer na iyon at maging ng kasintahan nitong si Axel, si Mart naman ay laging hawak ang sariling oras niya, dahil ito naman ang may-ari ng sarili nitong negosyo kaya sila ang nakasama niya sa trip na iyon.
Nagkataong malapit ang lang sa location ng conference na dadaluhan ng team ni Saji sa lugar kung nasaan ang Farm ng tita ni Rhian, kaya hindi hastle kung kakailanganin ng mga ito ang presensiya niya at agad makakapunta sa mga ito. Nang malaman nilang magkakaibigan iyon ay napagdesisyunan nalamang nila na manatili sa Farm ng tita ni Rhian.
Hindi na siya nakatanggi nang mismong ang ginang narin ang tumawag at umim-bita sa kanila, particular mismo sa kanya. Matagal narin niyang hindi nakikita at nakakasama o nakakausap man lang ang mga ito simula nang naghiwalay sila ng anak ng mga ito.
"Rhian, ganun parin ba yung farm nila tita? Sila manong Nestor, nandoon parin ba, sila parin ba ang nangangalaga sa mga tanim doon?" tanong ni Mart sa kaibigan.
"I think so, sabi naman ni tita hindi parin daw naman nagbabago ang mga tauhan doon. Sabi pa nga niya, lagi daw nila tayong kinukumusta sa kanila. Kaya nga noong nagyaya si tita na doon tayo magbakasyon eh hindi na ako tumanggi… alam niyo naman doon… peaceful." Sagot naman ni Rhian.
Si Rhian ay isang celebrity hosts ng isang TV network, isang lifestyle magazine on TV ang programa niya kung saan minsan ay may nakakasama siyang ibang artista na iniinterview o kaya naman ay namamasyal siya sa iba't ibang lugar para i-feature ito. Sa sunod-sunod na schedule na meron ito simula nang muli itong bumalik ay ngayon lang nagkaroon ng mahabang bakasyon. Kilala siya ng mga tao bilang si Brianna Cazares, but her close friends and relatives call her Rhian.
"Marami naring pagbabago sa lugar na ito noh? Marami nang dumagdag na tirahan ditto." Wika pa ni Mart habang nakatanaw sa nadadaanan nilang bahay-bahay.
"Come to think of it guys… kelan na noong huli tayong nakapunta ditto? That was 8 years ago pa noh? Buntis palang sina Emcee noon. Ang tagal-tagal na pala talaga. Nakaka-excite tuloy na bumalik, at nakakamiss yung mga foods na niluluto dito." Wika naman ni Rhian.
"Oo nga eh, tanda ko pa noon, halos pwede na tayong magtayo ng fruit section sa supermarket sa dami ng prutas na pinauwe sa atin." Wika naman ni Saji na doon lang nagsalita.
"Oo nga, pero Saji… ang tanong, kilala pa kaya tayo ng tao doon?" tanong pa ni Mart dito.
"Siguro naman kilala pa tayo noh, di naman sila magtatanong kila tita at mangungumusta kung hindi na, diba?" sagot naman ni Rhian.
"Ikaw oo, kasi halos araw-araw naming nasa TV ang mukha mo at pamangkin ka nila tita, eh kami?" depensa pa ni Mart.
"Basta, alam kong kilala pa nila kayo." Wika nalang ni Rhian.
"Mabuti nalang pala Rhian pinayagan kang magbakasyon muna. Kung hindi, baka di pa tayo makakabisita ulit ditto." wika pa ni Saji. "Sayang hindi nakasama yung apat."
"Oo nga eh, pero guys, pwede naman kayong bumisita ditto kahit kelan niyo gusto. Just inform tita about it. Gusto pa nga nila yun eh, I'm sure gusto rin nilang makita ang mga bata." Wika pa ni Rhian.
Ang totoo ay nagdalawang-isip si Saji na sumama sa mga kaibigan pabalik ng farm na iyon. Alam niya kasi na may nagawa siyang kasalanan sa anak ng mag-asawa na dahilan para hindi na siya maging welcome sa lugar na iyon, pero nang mismong ang ginang na ang tumawag sa kanya at mag-aya ay hindi na siya nakatanggi pa. kaya heto siya ngayon at sumama kina Rhian at Mart.
Ilang oras pang biyahe ay nakarating narin sila sa mansion sa loob ng Farm sa lugar na iyon. Pagkahinto na pagkahinto palang ng van ay lumabas na si Saji para langhapin ang fresh air sa lugar na iyon. Siya kasi ang nasa tabi ng pinto kaya siya ang unang lumabas.
"Na-miss ka rin ng hangin ditto anak." Napamulat siya ng mata nang marinig ang tinig na iyon at agad umayos ng tayo para harapin ang ginang na nakangiting nakatingin sa kanya.
"M--- T-tita." Pagtatama at pautal na bati ni Saji, na kamuntik nang tawagin ang ginang sa nakgawiang tawag dito. Gustohin niya mang yakapin ito ay nauuna ang hiya niya dahil sa nagawa niya sa anak nito. "Namiss ko po kayo." Wika nalang niya ditto na nahihiya.
"Kung na-miss mo ako eh ba't hindi mo man lang ako mayakap?" tanong pa ng ginang. Napakagat nalang siya sa ibabang-labi niya at di na sumagot. "Halika nga ditto." wika na ng ginang at ito na ang yumakap sa kanya tiyaka lang siya gumanti ng yakap ditto. "Ako rin anak, ang tagal ng hindi ka nakakadalaw ditto." sabi pa niya nang humiwalay na siya sa pagyakap ng ilang minuto. "Kumusta ka na? Ba't parang nangayayat ka ata? Hindi mo ba inaalagaan ang sarili mo?"
Napangiti nalang si Saji sa tinanong ng ginang, hindi lang kasi ito ang nakapansin na pumapayat siya at parang may sakit daw siya. Ngunit iisa lang rin ang sagot niya sa mga ito, ang kanyang ngiti.
"Tita naman, parang si Saji lang ang dumating ah." Singit nila Rhian kaya nabaling narin ang atensiyon ng ginang at kay Mart na yinakap at bineso-beso pa ito.
"Naku nagtampo pa tong isang ito, eh lagi naman kitang nakikita sa TV." Biro pa ng ginang kay Rhian matapos yakapin. "Matagal na panahon narin na hindi ko kayo nakitang magkakaibigan, sayang at hindi nakasama yung iba. Kumusta na pala ang mga yun? Sila Charles, Emcee, Zee, Reese at Aria? Yung mga baby nila? Si Zee, may balita na ba doon? Naku gusto kong makita ang mga yun. Eto na ba yung baby mo Mart? Malaki narin ah." Sabay baling sa nakatulog na batang babae na buhat ni Mart.
"Opo tita si Wayne po," nakangiting sagot lang ni Mart sa ginang. "Hindi rin po halatang matagal-tagal tayong hindi nagkakakwentuhan tita ah, ang konti ng tanong niyo." Pabiro pa nitong wika.
"Naku, kasi naman kayo." Sagot lang ng ginang.
"Anyway tita, ayos naman po sila ang lahat at ngayon ay busy sila kaya kami lang ang nandito. Some of them have their own family narin po. Including me." Paliwanag ni Rhian.
"Eh yung tatay ng anak ni Emcee? Nakabalik na ba galing ibang bansa? Ala na ba niya ang tungkol sa kambal?" tanong pa ng ginang kaya nagkatinginan sina Rhian at Saji.
Umiling lang ang mga ito bilang sagot.
"Ganun ba? Hindi na nga biro ang pagbubuntis niya noon at sa panganganak, tiyaka sa pag-aalaga ng mga bata, eh ngayon ganyan naman. Hay naku naman ang mga lalake ngayon, ang hirap espelingin. O siya, pasok na muna tayo sa loob at nang makapagpahinga muna kayo at makakain, nagpahanda ako ng mga pagkain na tiyak akong na-miss niyong kainin dito." Wika ng ginang kaya pumasok na nga silang tatlo sa loob at ang mga katulong na ang nagbuhat ng mga gamit nila para dalhin sa kani-kanilang mga kwarto.
"Salamat po Tita, grabe, ang akala ko hindi na ako makakapunta ulit ditto. Salamat po sa paanyaya tita." Wika pa ni Mart matapos ipasa ang bata sa isang katulong para siya nang mag-akyat nito sa silid na ilalan sa kanila.
"Oo nga po tita, parang walang masyadong nagbago ditto sa lugar after how many years ah." Wika naman ni Saji habang paupo sila ng sofa sa sala.
"Nakakapanibago ka naman anak," biglang wika naman ng ginang na parang may kasamang tampo pero nakangiti parin ito.
"Hah? Bakit naman po? Ganun na po ba kalaki ang pinayat ko?" tanong pa ni Saji "Di naman po ah, kain nga po ako ng kain eh, diba Rhian?" Natawa naman si Rhian kaya napakunot ang noo ni Saji, si Mart naman ay tumingin lang sa kanya na nakangiti.
"Ano ka ba naman Saji, hindi naman iyong katawan mo ang ibig sabihin ni tita eh… yung pagtawag mo ng 'tita' sa kanya ang tinutukoy niya. Siyempre nasanay na siyang 'mamang' ang tawag mo sa kanya." Sagot ni Rhian.
"Ah yun ba? Ano kasi…" napahawak siya sa batok niya… nahihiya. "Nakakahiya naman po kasi… hindi naman na po kami ng anak niyo." Tuloy pa ni Saji. Dating nobyo kasi nito ang pangaany na anak ng ginang na si Dylan, na pinsan ng kaibigan niyang si Rhian.
"Anak naman, diba sinabi ko naman sayo na kahit anong mangyri sa inyo ng anak ko eh sana ganun parin tayo? Ako parin ang mamang mo." Wika pa ng ginang.
"Tama, tiyaka matagal naman nang nangyari iyon e… isa pa, alam mo ba Saji, na malaki ang tampo sayo ni tita… kasi mantakin mo, 8 years kang hindi nagparamdam sa kanya. You didn't fulfill your promise to still be in touch, kahit wala na kayo ng pinsan ko." Wika pa ni Rhian. "And besides, alam naman na nila ni tito ang totoong dahilan mo eh, siguro yung pinsan ko nalang ang hindi pa nakakaalam, kasi naman di namin nakakausap ng matagal ang isang yun."
"Pero wag kang mag-alala anak, hindi na ako nagtatampo sayo ngayon kasi nandito ka na ulit, pero kung magiging iba ka ngayon, I mean yung pakikitungo mo sa akin… baka lalo pa akong magtampo sayo." Wika naman ng ginang na nakangiti. Ngumiti nalang si Saji ng pilit, nahihiya parin kasi siya sa nangyari.
Naisip niya na baka pag malaman ng anak nito na naroon siya sa kanila ay kung ano pang sabihin sa kanya. Kahit pa sinabi sa kanya ng mga kaibigan niya na matagal-tagal naring hindi nauuwe at nagpapakita sa kanila ang lalake.
"Ikaw nga diyan, tinatawag kang mamita minsan ng mga bata… what if one day hindi ka narin nila tawaging ganun? What will you feel?" tanong pa ni Rhian.
"O sige, isingit pa yan… tama bang yun pa ang gawing example? Siyempre ayaw ko nun kasi malaki ang maninibago sa akin. Malapit na sa akin ang loob ng mga bata eh." Depensa niya, pagdating kasi sa mga bata, iba ang impact sa kanya. "And I get your point Rhian; it's just that…" tumingin siya sa ginang. "Okay lang po ba talaga? Wala pong magagalit?" paniniguro nalang niya sa ginang.
Ayos lang naman talaga sa kanya na tawagin ulit ang ginang na 'mamang', yun na kasi ang nakasanayan niyang itawag dito pero ang iniisip niya ay ang magiging reaction ng anak nito o kaya baka may ibang magalit at sabihing wala siyang karapatan na gawin iyon. Na baka makarinig pa siya ng mga salitang masasakit dahil iyon na ang pinaka-iniiwasan niya ngayon.
"Ayos na ayos lang sa akin iyon anak, wag mo naring intindihin ang isang iyon at mukhang nakalimot naring may ina pa siya. Matapos iwanan ditto si Taliah, 3 years ago ay bumalik na ng America at hindi na muling dumalaw pa." sagot pa ng ginang. "Mabuti pa si Krent at halos sa tuwing magkakaroon ng oras ay dinadalaw kami ng tatay niya ditto at tumatawag para mangumusta."
"Wait tita… Taliah? Sino po siya?" tanong ni Mart na nagtataka. Napatingin naman ang ginang kay Rhian na parang nagtataka rin.
"Hindi pa ba nila alam?" tanong ng ginang kay Rhian.
"Hindi ko ba nabanggit sa inyo? Yung anak ni Dylan? Si Taliah?" tanong ni Rhian kay Saji.
"Eh magtatanong ba si Mart kung alam namin at sinabi mo sa amin ang tungkol doon?" balik-tanong pa ni Saji dito. "Tiyaka teka lang… may anak na po si Dylan?" tanong pa ni Saji na parang di makapaniwala. "So… kinasal na pala siya?"
"Kelan? Ba't hindi mo sinabi sa amin Rhian?" tanong naman ni Mart kay Rhian.
"Hindi ko nga pala nabanggit kasi nakakalimutan ko. Ano ba yan, kala ko nasabi ko na sa inyo." Wika pa ni Rhian na parang sila pa ang may kasalanang hindi niya sinabi. "Ganito kasi yun… nong time na nakipaghiwalay ka sa kanya, nagfocus lang siya sa pag-aaral niya, sa pagtutuloy niya bilang maging isang doctor. After 6 months may pinakilala na siya sa akin na GF niya, uhm…" wika pa nito na parang inaalala ang mga detalye. "Classmate niya rin ata sa med school sa ibang bansa… si Mads. After 6 months, they decided to get married, and then nalaman ko nalang na kaya sila magpapakasal ay dahil buntis na si Mads. Then 3 years old na ang bata nong dinala siya ditto ni Dylan, akala namin ay ditto na sila for good, iyon pala iniwan lang ang bata dito. After that he never came back para man lang bisitahin ang bata. Now she's 6 years old… teka tita, nasan na nga po pala ang pamangkin kong yun?" baling nito sa ginang.
"Sinama ni Carlos sa bukid, alam mo naman yun… lagging nagkukukulong sa kwarto. Parang takot sa mga tao kaya hayun, linalabas-labas ng lolo niya para naman maarawan." Sagot ng ginang at napatingin sa may bandang entrance ng bahay. "O heto na pala sila eh." Napalingon naman sila mga bagong dating. Buhat-buhat ng ginong ang isang batang babae.
"Magandang araw sa inyo mga binibini." Bati ng ginong sa kanila nang nakangiti. "Kumusta ang biyahe mga anak? Hindi ba kayo napagod?"
"Naks si tito, kung makabati parang si Crisostomo Ibara lang ah." Biro pa ni Mart ditto at natawa.
"Ikaw talaga Mart… pilosopo ka parin." Sagot naman ng ginong na natutuwa parin kay Mart. "Ah nga pala… little girl, Taliah, naaalala mo pa ba ang tita Rhian mo?" tanong pa nito sa bata. Umiwas lang ito ng tingin sa kanila at yumakap sa leeg ng ginong na parang natakot. Biglang may kumurot naman sa puso ni Saji sa nakita, para kasing nakikita niya ang sarili niya sa bata nong ganoong edad din siya.
"Naku Taliah, wag kang ganyan sa akin at marami akong dalang pasalubong sayo. Anyway, don't be afraid kasi walang kukuha sayo. Itong kasama ko, mga best friends ko itong mga ito at mababait sila. Her name is Saji and this is Mart, kaya wag kang matakot, ha?" wika pa ni Rhian habang hinahaplos ang likod ng pamangkin nang lapitan ito.
"Pagpasensiyahan niyo na ang bata mga anak, napakamahiyain kasi nitong apo ko." Paumanhin pa ng ginong sa kanila.
"And don't expect to hear her voice, kasi ayaw niyang magsalita, puro siya iling at tango. Pero nakakapagsalita siya. May nangyari lang kaya hindi na ulit namin narinig ang boses niya." Tuloy ni Rhian.
"Pipi?" tanong pa ni Mart.
"Hindi naman, gaya ng sabi ni Rhian, nakakapagsalita siya noon, kaso natigil lang pero nong pinatingin naman namin sa doctor, wala naman daw deperensiya sa kanya. Psychological problems lang daw yan kaya ayaw magsalita. Hindi pa naman daw ganun kalala kaya malaki ang posibilidad na makapagsalita siyang muli. We do hope and pray though." Pliwanag ng ginang.
"Psychological? Sa paanong paraan po?" tanong pa ni Saji.
"Ayaw niyang magsalita dahil nahihiya siya sa tao o kaya naman ay natatakot. Matalino naman ito sa klase nila, sadyang mahiyain lang at lagging takot makipagkaibigan." Paliwanag pa ng ginong.
"Saji, subukan mong kausapin… baka sakaling kausapin ka niya. Hindi ba't marunong ka rin ng sign language?" Baling ni Mart sa kanya.
"Hah? Bakit ako?" tanong naman niya.
"Kasi malapit sayo ang mga bata, nakakausap mo sila at napapaamo in you own very best and fastest way." Paliwanag pa ni Mart. "Tiyaka ikaw ang taong kilala ko na lapitin ng mga bata." Tuloy pa nito.
"And malay mo Saji, baka maramdaman ng bata na minahal ka naman dati ng tatay niya." wika naman ni Rhian na seryoso sa sinabi kaya tumingin lang siya ditto na nakataas ang kilay.
"May masabi lang talaga, Rhian? Magtigil nga ka nga," siko niya sa kaibigan. "Malapit nga ako sa mga bata pero dahil narin siguro iyon sa gusto nila ako."
"Saji, kita mo nga at mas malapit ka sa mga anak nila Emcee kesa sa mismong mga nanay nila, kayo ni Charles noon. Siguro kung papipiliin natin sila Qen kung yung mga mommy ba nila o ikaw na mamita nila… siguradong ikaw ang pipiliin ng mga yun." Wika pa ni Rhian.
"Hindi naman pero ewan ko sayo Rhian, time lang naman ang kailangan sa mga bata para mas mapalapit ka sa kanila eh." Wika nalang ni Saji. "At isa pa, Charles is more close to them than me."
"Tama na nga yan, gutom lang siguro kayo… tara na sa hapag at kumain nalang." Pigil naman ng ginang sa kanila na natutuwa pa. nasanay narin kasi ito sa kanilang magkakaibigan dahil noon pa man ay ganun na sila.
"Ihahatid ko na muna itong apo namin sa kwarto niya." paalam naman ng ginong at inakyat na nga nito ang bata sa taas.
Nagpunta na nga sila dining room ng mansion at nang makita nila ang mga kakilala nilang dating katulong doon ay nagbatian sila at nag-umpisa naring kumain. Tapos nun ay nagsi-punta sila sa kanya-kanya nilang para magpahinga.
Nagulat si Saji nang ihatid siya ng isang maid sa kwarting iyon… iyon ang kwartong nilalaan sa kanya ng mag-asawa sa tuwing dumadalaw siya doon. Sinabi pa nga ng ginang na official room na daw niya iyon. Napangiti nalang siya nang wala masyadong nagalaw sa kwartong iyon na siya ang nag-ayos noon.  Nandoon parin ang mga litrato niya na nakasuot ng sombrero habang tumutulong siya sa pagtanin ng palay noon. Nakatayo siya sa gitna ng palayan habang nakababad ang paa sa putik. Ang tanging nabago lang ay ang ibang litratong nakalagay sa stand sa may stante ng kwarto… ang litato nila ng lalake na magkasama.
Matapos muling magmuni-muni sa loob ng kwarto, huli niyang tinungo ang pinakapaboritong spot niya sa kwartong iyon… ang veranda, kung saan tanaw ang malawak na lupain ng Farm. Linalanghap niya ang sariwang hangin at muling pinapakiramdaman ang haplos nito sa balat niya. Maya-maya ay di niya naiwasang maalala ang unang araw na tumapak siya sa lugar na iyon… unang araw na nalaman niyang mayaman pala ang lalakeng minahal niya at sa kanila ang lahat nang natatanaw ng mga mata niya. Hindi kasi makakakitaan ng karangyaan ang lalake noon nakilala niya ito. Masyado itong humble.
***
"Welcome to the family hija," salubong ng mama ni Dylan sa kanya. Hindi niya akalain na ganun ang gagawin nilang pagsalubong sa kanya. Akala niya ay aayawan nila siya pero heto at yinakap pa nila siya.
"Mabuti naman at sinama ka ni Delaney ditto hija… aba'y ni minsan di iyan nagdala ng kasintahan ditto." wika naman ng papa ni Dylan habang nakangiti at kaakbay pa ang asawa.
Pakiramdam ni Saji, open na open sila at welcome talaga siya sa family nila. Parang kanina lang kabado siya nang malaman niyang mayaman pala ang kasintahan. Nakilala niya si Dylan dahil kay Rhian pero hindi pa niya alam noon na magpinsan ang dalawa. Kita kay Rhian na may kaya ito sa buhay, pero hindi sa lalake, dahil simple lang itong manumit o pomorma. Masyado pa itong magalang, palakaibigan, mapagbiro, maalagaain at iba pa. Wala kang makikitang ni isang sign na lumaki siyang spoiled kahit na mag-isa lang siyang anak. Matipid din ito at alam kung pano gumasta ng pera.
"Salamat po tito, tita… ang totoo po niyan ay pinilit ko lang po talagang sumama kay Dylan. Pano naman po kasi, yung mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang date at sama sa pamilya ng mga kasintahan nila ngayong bakasyon. Ayaw ko naman pong maiwan ng mag-isa sa boarding house. Ang boring po kasi." Biro nalang ni Saji para iwaksi ang kabang nararamdaman.
"Ganun ba? Ikaw talaga anak, kung di ka pa pala pinilit nitong kasintahan mo eh di pa namin siya makikilala ditto." Sita pa ng mama niya sa lalake.
"Mamang naman, eh binibiro ko lang naman po siyang di ko siya isasama, naglalambing lang ako sa kanya para lambingin niya akong sumama ditto. Pero nabaliktad naman po kasi ako ang sumuyo sa kanya… nagtampo ba naman?" sumbong naman ni Dylan sa kanila. "Ah nga pala, di pa po niyo natatanong ang pangalan, inuuna pa po kasi ang yakap eh… siya nga po pala si Saji… ang aking Sweetypie." Pakilala niya kay Saji.
'Sweetypie' ang tawag niya kay Saji, dahil raw kasing tamis ng pinakamatamis na pie ang pagmamahal nito sa kanya, noong una ay ayaw niya dahil masyadong corny pero nasanay narin siyang iyon ang tawag nto sa kanya.
"Sweetypie, sila naman ang magulang ko, si mama Stacie and papa Carlos." Pakilala niya naman sa magulang niya.
"Ang late mo naman kasing magpakilala Tart, ang bagal mo pa… tuloy." Biro pa niya sa lalake. 'Tart' ang tawag naman niya sa kanya, short for sweetheart.
"Naku, kayo talagang dalawa. Oh pano hija, halika at isasama kita sa magiging kwarto mo." Yaya pa ng ginang ng nakangiti.
Biglang kinabahan tuloy si Saji nang malamng ang ginang ang maghahatid sa kanya sa magiging kwarto niya. Maraming mga tanong ang napasok sa isip niya gaya ng: 'pano kung nagpapanggap lang ang mama ng lalake at pag sila nalang dalawa tiyaka niya ito ookrayin?', 'pano kung di talaga siya tanggap at di siya welcome sa tahanan nila o sa pamilya', o kaya naman ay 'pano kung ayaw talaga siya ng mga ito para sa anak nila at pahihirapan siya hanggang sa siya na ang makipaghiwalay sa lalake?'
"Mamang, wag na, sa kwarto ko nalang siya, para tabi kami." Biglang sabi ni Dylan kaya nabura ang mga naiisip ni Saji.
"Hoy anong tabi? Mahiya ka nga sa magulang mo. Di pa kaya tayo kasal… Di pa tayo pwede magtabi sa pagtulog," siko naman niya sa lalake.
"Eh tabi lang naman eh." Hirit pa nito.
"Kahit na noh… tiyaka… sabi ni tita ihahatid niya daw ako sa magiging kwarto ko. Ibig sabihin may kwarto na ako ditto sa bahay niyo. Haha… ang saya naman." Birong wika pa ni Saji kahit na nakaramdam na talaga siya ng takot at kaba.
"Sus, pag kasal na tayo, iisa lang rin ang kwarto natin noh." Pilit pa ni Dylan.
"Well sorry to say, boy… matagal pa yun, we're still studying noh. Diba tita?" wika pa nito at tumingin sa ginang na nakatingin sa kanila na natutuwa. At some point at sinabi ni Saji sa sarili na sana totoo ang mga iyon, at hindi pakitang-tao lamang.
"Ang saya niyo namang panooring dalawa. Mukhang malaki ang pinagbago ng anak namin muna nang nakilala ka niya anak," wika pa ng ginang.
"Masaya kami at nakilala ka ng unico hijo namin hija." Sigunda naman ng ginong
"Sus mamang, papang, wag niyo nang masyadong palakihin ang tenga ng Sweetypie ko at kanina pa lumalaki oh." Singit naman ni Dylan at hinawakan pa ang tenga ni Saji.
"Inggit ka lang kasi may baby girl na sila kaya shoopie ka na, di ka na daw nila kailangan… ihahatid daw ako ni mamang sa kwarto ko," biro pa niya at sinukbit ang kamay niya sa braso ng ginang.
"Maka-mamang ka naman diyan, iyo ba? Nasa ibang-bansa kaya ang nanay mo." Wika naman ni Dylan pero nakangiti.
"Naku anak, ayos lang yun na tawagin mo akong mamang. Mas gusto ko nga iyon eh. Halika na nga para makapagpahinga ka muna." Yaya pa ng ginang at inakay na siya paalis sa mag-ama.
"You hear that? She's also my mamang now, bleh!" belat pa nito kay Dylan at sumama na sa ginang. "Isip-bata!" habol na asar pa ni Dylan nang medjo makalayo na sila sa kanila at papuntang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
"Maganda naman," sagot naman ni Saji na nag-flip pa ng buhok kahit di na lumingon sa lalake.
"Sungit, suplada!" habol pa ng lalake habang nasa hagdan na sila ng ginang.
"Mahal mo naman," sagot pa niya ditto at nagtaas lang ng kamay at nagwave pero hindi parin lumilingon sa lalake.
"Oo na, I love you!" sigaw pa ng lalake kaya napatingin si Saji sa kasamang ginang na napapangiti nalang sa kanila.
"Yeah, I know… and I hate you too." Sagot niya sa lalake.
"Sweetypie my loves? Ano yun?" sigaw pa ng lalake na kunwari hindi narinig ang sinabi niya, ganun kasi siya, tapos kapag hindi inulit ni Saji ang sinabi ay kukulitin siya nito hanggang sa sabihin niyanf muli yung dapat na sagot sa sinabi nito.
"Haha… Love you too," sagot nalang ni Saji na bumitaw muna sa ginang at lumingon pa sa kinaroroonan ng kasintahan para magflying-kiss dito.
Napatawa tuloy ang mag-asawa sa kanila. Namula naman si Saji at napakamot lang sa batok tiyaka ngumiti sa mga ito. Maya-maya pa ay nagtungo sila sa kanang bahagi ng palapag na iyon. Napansin ni Saji na parang dalawang pinto lang ang meron sa side na iyon. Ibig sabihin ay dalawang kwarto lang ang naroon sa bandang iyon.
"So heres your room." Tapos binuksan ng ginang ang pangalawang pinto.
"Wow, ditto po ba ang magiging kwarto ko mamang?" tanong niya na namangha sa kwarto.
"Oo anak, wala namang nagkwa-kwarto ditto. Kung gusto mo ay maging permanent room mo na ito sa tuwing dadalaw kayo ng anak ko ditto." wika pa ng ginang na nakangiti parin.
"Naku, this is too much po pero ang saya naman, salamat po mamang." Baling niya sa ginang. "Asan po yung kwarto ni Tart… este ni Dylan po, sa kabilang kwarto po ba?" tanong niya ditto.
"Oo," nakangiting sagot lang ng ginang sa kanya.
"Aaah," tango niya at ngumiti narin ditto.
Mukhang hindi mangyayari yung kaninang iniisip niya. dahil tuloy-tuloy na ang pagiging mabait sa kanya ng ginang kahit silang dalawa nalang.
"Salamat po ulit mamang ah." Tuloy niya.
"Wala yun… naku nakakatuwa ka namang bata ka. Sana magtagal pa kayo ng anak kong yun kahit na may pagkabaliw yun, sana pagtiygaan mo rin ha." Wika pa ng ginang na lalong hindi niya inexpect. "Halika, ditto muna tayo sa veranda." Tapos hinila siya palabas sa isang pinto.
Bumungad sa kanila ang maaliwalas na hangin ng lugar at ang napakagandang tanawin.
"Wow! Ang ganda… naku mamang gusto ko na po atang tumira talaga ditto forever," biro pa niya na tuwang-tuwa.
"Pwede naman iyong mangyari, pero siguro pagdating ng panahon. Pag kasal na kayo ng anak ko, di naman malabong mangyari iyon eh." Wika pa ng ginang kaya siya napatingin ditto… kanina pa kasi siya nagugulat sa sinasabi ng ginang. "Gusto ko lang sanang itanong anak, kasi alam naman naming hindi ganun ka-prisintable ang anak namin nong nag-aral siya sa lungsod. Halata sa kanya na isa siyang probinsiyano… magkaganun pa man ay nagustuhan mo parin siya, ikaw na halatang may masasabi sa buhay… kaya salamat anak ah." Seryoso nang wika niya sa kanya.
"Naku mamang, hindi niyo po kailangang magpasalamat… ang totoo po niyan, ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo." Sagot niya na ditto na sumeryoso narin.
"Sa amin? Bakit naman sa amin? Wala naman kaming ginawa?" takang tanong ng ginang.
"Gusto ko pong magpasalamat sa inyo ni papang kasi po pinalaki niyo po ng maayos si Dylan, na ganun kapabit at karespeto. Kung hindi po kasi siya pasensiyoso, baka po hindi ko po siya mapapansin." Paliwanag niya. "Ang totoo po kasi niyan, naiinis po ako sa kanya noon kaya lagi ko siyang sinusungitan… sabi ng mga kaibigan ko, sadyang suplada raw ako at walang paki sa mga lalake… pero isang araw po, parang nagkaroon ako ng interes sa kanya…
"Kasi ang gentleman po niya sa mga babae, mabait, matulungin. Kaya nga po lagi ko po siyang inaasar noon… magkaganun pa man po, hindi po siya kahit kalian gumanti sa akin. Mas lalo pa nga pong nagging mabait at lagi akong nginingitian." Napaharap siyang muli sa tanawin. "Alam niyo po ba na ang buong akala ng lahat sa lungsod, maging ako man noon, ay mahirap po siya… na anak po siya ng isang magsasaka… sa mga simpleng pananamit po niya, sa mga kilos at pananalita niya… wala pong mag-aakala na isa siyang anak ng pinakamayamang pamilya sa lugar na ito.
"Kaya nga po nagulat po ako kanina nang makarating kami ditto, na halos lahat ng madaanan namin bumabati sa kanya. Bigla nga po akong kinabahan nang sabihin niyang sa inyo raw po ang lahat ng ito. Feeling ko tuloy, baka hindi niyo po ako tanggapin… napapanood ko po kasi sa TV yung ganun… pero sa TV lang po pala talaga yun." Tapos humarap ulit siya sa ginang at ngumiti. "Pero kanina po, nang makita ko po kayong nakangiti sa amin at agad akong yinakap, nawala po lahat ng kabang naramdaman ko at napalitan ng saya. Kaya mamang sobrang salamat po a,"
"Halika nga ditto." wika pa ng ginang at binuka ang mga bisig para yakapin siya at di na siya nag-inarte at yinakap rin ang ginang. "Magaling pumili ang anak ko."
"Hindi rin po mamang, suplada nga raw po ako sabi ng iba… sadyang mabait lang talaga at bolero ang anak niyo." Biro pa ni Saji at bahagyang tumawa kaya pati ang ginang ay napatawa narin. ***

Comentário do Livro (99)

  • avatar
    Jarred Custodio Labana

    good work

    18d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    sndbdbdnnskejebsnsnsjjdjdjddndnbdbdhdjdjjddjrenebrbdbdbndbdbdndjskekekendndnbfnbfnrieowkwnenenrndndndndbndnrnnnnnnnnnnnnnnnnnejjdjdjdhdjfnfnfnfjfjfjfjfjjfjfnndjdkskekejrjndndnfndnnfdkrkrkkrkrkrkrkrjrjjrnrnrnndndndjdjndnfjfnfnfnnfnfnfnnfnfnfnndnnenenrnrrnfnndndnfnrnrnfnrnnrnfnfjdjfndnrnrnrndndjdjdndndndnndndndnndnfndndfjfjjrjrnrnsoowowowjenenndddjdddjjdjdj me know if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺 😭 nnnsnsnsnndndndnndn on the news and mama not sure ka na na na song lyrics to Tripan nakikisa

    19/07

      0
  • avatar

    so beautiful 💕

    16/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes