logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

BDW 2

SHION's POV:
(KINABUKASAN)
Malakas akong napabuntong-hininga pagkasapit ng umaga. Wala pa rin ako sa mood na magpakita sa kaniya. Pero ano pa bang magagawa ko?
I'm here because he buy me.
I'm here because he can do whatever he want with me. Play with me. Laugh at me. Tease me and judge me from the bones.
Pera lang 'yon. Dahil sa malaking halaga nasisilaw ang mga tao. Akala niya ganon lang ako. Akala niya isa akong gold digger na babae. Kaya magagawa niya ang gusto niya, dahil ang mga babae 'raw' kapag pera, nasisilaw.
But I'm not like them. Mayroong ganon, pero hindi naman lahat! The h*ll him!
Dahil sa kaniya iba na ang tingin sa akin ng mga tao. Ang daming bumabatikos. Ang daming nanghuhusga ng malamang dahil sa pera kaya ikinasal kami ni Kio.
Laman na ng balita ang tungkol sa babaeng pinakasalan ni Kio. Blurred man ang mukha ko ro'n, alam kong ako pa rin ang tinutukoy nila.
Ang gusto ko lang naman payapang buhay. 'Yung walang gulo…'yung kahit isang beses lang maging tahimik man ang mundo ko.
Pagod na ako ng mga panahon na 'yon. Pagod na akong umintindi kung bakit ganito kalala ang nangyayari sa akin.
Pero, he came. I thought he's my lucky day. But it became disaster as h*ll. Ang galing nilang magpakulo.
Ang galing niya sa mga salita. Nagawa niya akong pikutin sa tukneneng business na peke.
He didn't give a reason after the event. I needed an explanation. I need his.
Magagawan naman ng paraan. My anger would lessen if he tried to reach me out, give some manners and treat me as a human too. Not a robot.
Iyon lang naman ang ikinagagalit ko. At ang pagsira niya sa pagkatao ko sa ibang tao. Ano na lang ang ipapamukha ko? Ano na lang sasabihin ko kapag may nakakita sa akin and tell me; 'Hey she's the gold digger!', or, ' Binili lang pala siya sa malaking halaga. What a pathetic and b*tch she is!'
A-at… at paano kung malaman nila? Paano kung may suspetsa na sila?
Paano na ang lahat ng ito?
"Fackka him." Kinuyom ko ang aking kanang kamao. "Ouch." Mahinang daing ko nang makaramdam ng sakit sa aking kanang kamao.
Itinaas ko pa ito sa aking mukha. Inaalam kung malala ba.
Ganon na lang ang pagngiti ko nang mapait.
May malaking bruises sa mga buto ng daliri ko. Kitang-kita pa ang mga dugo na lumalabas. Pero mas kitang-kita na ang resulta ng ginawa ko.
"Napasobra ata ahaha." Natatawa kong sagot sa aking sarili. Napayuko pa ako at napapikit.
Pinapakiramdaman ang buong paligid. Nag-iisip din ng tama ngayong araw. Kung ano ba ang dapat kong gawin.
Siguro kailangan ko ng tigilan ang paghahanda ng pagkain para sa kanila. Sayang din kaya. Imbis na mapapakain na lang sa mga mahihirap d'yan, hindi. Naitapon ko na kasi.
Ganon talaga ako magalit. Hindi ko mapigilang alisin sa aking pagmumukha ang in-effort ko. Kapag patuloy ko itong nakikita, mas lalong sumisidhi ang poot.
Pagkain 'yun 'di ba? Ang pagkain dapat hindi tinatanggihan. Hindi dapat binabalewala. But, they did. He did.
Mga wala silang puso sa biyaya na natatanggap nila.
Hindi purket mayaman sila… hindi purket kaya nilang bilhin ang mga bagay na gusto nila o kaya'y maging tao na rin, at hindi purket sila na itong mga milyones o bilyones. Dagdagan pa na dolyar pa na mas malaki ang palit sa Philippines peso… kaya na nilang abusuhin ang mga bigay sa kanila at kusang nilalapit sa kanila.
'Fackka them.'
*Tok* *Tok*
Dalawang katok mula sa pinto ang narinig ko. Hindi na ako magtataka pa. Minsan ay ginagawa iyan ni Kio kapag aalis na siya ng bahay. Pero nandito ako sa kwarto ko, nanatiling tahimik.
Mabait siya ng .5 lang.
Mas malaki pa rin ang sama ng pagmumukha niya sa akin.
*Tok* *Tok*
Pang-uulit nito sa ginawa kanina kaya napatayo na ako sa aking pagkakaupo. Hindi na inisip pa ang aking kamao. Mamaya ko na lang aasikasuhin.
Mabilis akong pumunta sa pinto. Ginamit kong pangbukas ang kanang kamay ko. Pero napangiwi ako sa sakit.
Napalakas ngang talaga!
"What's with your face?" Malamig na tanong nito sa akin kaya napabalik ako sa aking naturang mukha.
Masungit ko rin siyang tiningnan. Tinaasan ko pa siya ng aking kilay. "Pake mo kung ganito ang mukha ko. Anong ginagawa mo rito? Kung pupunta ka sa opisina. Then go! I'm just your wife in contract. I'm just your one billion dollar wife. So, please leave me and do your task. Baka mapatay na talaga kita." May giit na aniko at nagbabanta pa ang boses ko.
" You're so noisy."
" Pake mo ba? Kung ayaw mo sa malakas ang bunganga. Dapat hindi ka na lang pumunta rito, malayo naman ang kwarto mo sa akin. Kaya—hmmpp!" Nagulat na lang ako sa ginawa niya.
He just kissed me without my consent!
Mas lalong napalaki ang mata ko sa pagkakagulat nang galawin niya ito. Pinipilit niyang buksan ko ang bibig ko para makapasok lang ang dila niya.
Pero hindi ko ginawa. Nagpupumiglas ako. Pinipilit na makalayo sa lalaking ito. Hanggang sa wala na talaga akong magawa kundi ang tapakan ang paa niya.
Ayokong bigwasan siya sa pinagkakaingatan niya. Mabait pa naman ako sa lagay na ito.
"Ouch! What's with you lady?!" Inis na singhal niya nang makalayo na siya nang tuluyan sa akin.
"At ganyan pa ang mukha mo. Akala mo kung sino ka!"
Akma ko na sana siyang susuntukin sa mukha ng aking kaliwang kamay nang mabilis niya itong makuha. Hinila niya ito palapit sa akin kaya hindi ko sinasadyang mapayakap na lang sa maskulino niyang katawan.
Matigas.  Pero wala akong pake. Galit pa rin ako sa kaniya. Kung hindi lang talaga may sugat ang aking kanang kamay, panigurado na makakasapol ako. Kaso nga lang, panira.
Mabuti na lang nailayo ko agad ang kanang kamay ko palapit sa katawan niya.
"Bitawan mo ako. I'm warning you, Kio." Pagpupumilit ko na makawala pero mas inilapit niya ako sa kaniya.
Naamoy ko na ang pabango niya. Hindi ko alam kung ano bang brand. Sobrang bango. Hindi masakit sa ilong, hindi katulad ng ibang cologne ng mga lalaki. Nakakasuka at nakakahilo.
"Then, anong kaya mong gawin sa akin? I'm also warning you, don't be so close to the three. If you want to eat nang kasama ako, dapat ako lang. Ayokong may kahati ako. Tandaan mo 'yan. Kahit na kaibigan ko pa ang tatlo, kung pag-aari ko ang pinalilibutan nila, kaya kong pumatay. " May diin na aniya at itinaas pa ang aking baba gamit ng kaniyang kaliwang kamay.
Ngayon ay nakita ko na nang maigi ang mata niya. Ang mata na sobrang ganda sa aking paningin.
It's looks like blue color…but no! I also seen something light green in his eyes. So magically lovable, beautiful and cool!
" But I'm not your property! Lupa ba ako? Lupa para magalit ka?" Napangiwi ako sa sinabi niya.
Ako property niya? Mukha ba akong lupa?
" Sa lahat ng p'wedeng sabihin. Lupa pa talaga. You always amaze me." Naiiling na aniya pero hindi pa rin maaalis ang pagkablangko ng kaniyang mukha.
Nilayo na rin niya ako sa kanya at akmang hahawakan ang aking kanang kamay nang ilayo ko ito. Hindi niya p'wedeng makita ang sugat ko.
" What's with you? Atsaka ano bang pake mo? Hindi ka pa ba aalis?" Pang-iiba ko naman ng tanong sa kaniya.
Ngayon ko lang din napansin na nakapambahay siya. Simpleng t-shirt na black lang at maong shorts na luwag 'yung laylayan niya.
"I want to spend my day with you and…" napalingon naman siya sa kamay. Pinipilit kong itago pero punyetang lalaki ito. Hinila baga palapit sa kaniya kaya napaiktad ako.
"Juicemother naman! Ang lanit!" Inis na sigaw ko sa may harapan niya.
Imbis na umangal sa aking pagsigaw, nakita ko ang mukha niya na wala ng mababakasan ng kahit isang emosyon.
Binalingan pa ako nito kaya napangiwi ako.
"You're hurting yourself. Hindi kaaya-aya sa babae ang may sugat."
"I don't care! Just give back my a—holy mother fackkar! Ang sakit kaya! Gunggong ka! Bakit mo pinisil pa?! Nakaka—"
"Sh*t up! Saan ka ba lumaki? Squatter area? Kanto? O inere ka lang sa kanal?"
" Wow ah! Wow! 'E di ikaw na ang inere sa magandang hospital! Saka grabe ka! Kanal talaga? Hindi ba p'wedeng sa damuhan? Pinapamukha mo sa akin na basura ako 'a!" Inis na asik ko sa mukha niya at pinipilit na alisin ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Pero mas hinawakan niya ito. "Titigan mo ba 'yan? O gagamutin? Wala tayo sa mundo ng mahika para gumaling agad 'yang sugat ko."
" Can. You. Shut. Up?" Seryoso niyang sambit.
Halata sa kaniyang mukha na pinipigilan niya na makapanakit. Nakita ko sa kaliwang kamay niya ang pagyukom nito.
"Galit ka na n'yan? Papatayin mo na ba ako? I'm ready! Noong ikinasal pa tayo. Saka hindi ka ba naiilang sa ginagawa mo? Kanina ka pa nakahawak sa kamay ko. Ano ka manghuhula? Hinahanap mo ang weakness ko? Sorry wala akong kahinaan. Pero may strength ako. 'Yun ang patayin ka—what? I'm just telling the fact!" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko nang matalim niya akong tinapunan ng tingin.
" Aish! Hindi ka ba titigil?" Naasar na saad na niya.
Kitang-kita ko na ang pamumula ng tenga niya sa ginawa ko.
"Hindi. Kung papaalisin mo lang ako sa pamamahay mo."
" W-what! No way! You can't escape from me, lion."
" Lion? Why I become lion? Mukha ba akong animal sa pagmumukha mo?"
" Yeah. So shut up. Let's go to my room."
"Whatever." Umismid pa ako at sumama na lang sa lalaki na ito.
Buti inalis na rin niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Kanina pa kaya ako nandidiri sa pagkakahawak niya. It's like… grrr!
Hindi ako sanay na may nakikita akong naaawa sa akin. Gustong-gusto ko talagang masuka promise!
It's just a glimpse. Nakita ko mismo ang pag-aalala sa mukha niya. But it turned out in blank face again.
"Hindi ka ba nababahala kapag pumasok tayo sa loob?" Tanong niya na nagpabalik sa aking diwa.
Nakangisi pa siya. Just like what he did, noong makita niya na natatanga ako habang pinagmamasdan ang buong tao na dumalo sa mismong araw ng kasal o sakal ko sa lalaking ito.
Tinapunan ko naman siya ng walang ganang mukha. "Hindi ka rin ba nababahala kung paano ako magpabaog ng mga lalaki? Sabihan mo lang ako. I'm ready to do that." Napansin ko naman ang pagkagulat niya pero ayun na naman, bumalik na naman sa wala.
" Don't threaten me, Shion."
" I'm not threatening you. I'm just warning you. " Pagpapakumpirma ko pa sa kaniya.
" Tsk." Iyon na lang ang narinig ko nang tuluyan na naming mapuntahan ang kwarto niya.
Malapit na ito sa hagdanan. Kunting lakad na lang nandiyan ka na.
Binuksan na nitong si Kio ang pinto. Kaya pinauna niya akong pinapasok. Sumunod na lang ako.
Wala naman ding kakaiba. Okay lang na masabihan na kwarto. Blue ang background. May lamesa rin at upuan kapag kailangan niya talagang magtrabaho sa gabi.
At cabinet na nasa tabi lang ng kaniyang higaan sa kaliwa. Nakalagay na rin doon ang lamp shade niya na hugis bilog.
'Yung amoy naman ay pang-manly talaga. Pabango rin niya ang naamoy ko. Sarap amuyin.
P'wede na ba ritong manirahan sa loob?
"Umupo ka r'yan sa kama. Takot ka ba sa alcohol?" Tanong niya sa akin saka pinakita na ang medicine kit.
Kanina pa ba ako wala sa sarili dahil sa pagtitingin lang sa kwarto niya?
Siguro nga. May alcohol na agad siya 'e.
"No. Kung sa gyera nga sumasabak ako. Sa alcohol pa kaya? "Walang gana kong sagot sa tanong niya.
Medyo naguguluhan naman siya sa sinabi ko. Kita ko kasi ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Are you a soldier?"
"No. Hindi ko kayang ibuwis ang buhay ko para sa maraming tao. Kaya saludo ako sa mga sundalo."
" What if someone hurt and almost in danger? Will you save that person? Ibubuwis mo ba ang buhay mo para sa kaniya?" Tanong niya habang pinupunasan ang kamay ko ng alcohol.
Masakit ng konti pero ayos lang din sa akin. Sanay na ako sa alcohol.
Kaso ang tanong niya ang ikinatahimik ko saglit. He's waiting. I see it through his eyes. Ngunit pinupokus niya ang kaniyang sarili sa paglilinis sa kamay ko.
Animo ay para siyang nurse sa ginagawa niya. Ingat na ingat 'e. Kita ko pa ang panginginig ng kaniyang kanang kamay habang pinupunasan ito.
Pero muli kong inalala ang tanong niya. Kaya ko ba?
"Oo, if that person is really matter to me and most important in my life. Then I'll gonna do that. Mas matigas pa sa yelo ang aking pagtao, pero kaya kong tunawin para lang iparamdam ang pagmamahal ko sa pinakamahalagang tao sa buhay ko." Seryoso kong sambit na nagpatigil sa kaniya sa ginagawa. Pero muli na naman niya itong tinuloy.
"So, that person's lucky. Lucky to have you." Mapait naman akong napangiti.
" Unluckily, wala pa. Ikaw ba?"
"Hmm yup! Hindi ko na kailangan pang magdalawang-isip pa. If she/they truly matters, you have no doubt to save them even it's exchange of your life. Mas maganda ng ikaw ang masaktan, huwag lang sila."
" Naks! Sana all!" Naiiling na turan ko at ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita na may bandage na agad ang kamay ko.
Hindi ko man lang namalayan. Dahil na rin siguro sa kakatingin sa lalaking ito.
"It's all done. We need to go downstairs." Utos niya sa akin sabay tayo na sa kaniyang pagkakaupo.
"Are you sure about what you said earlier? That you want to eat with me? Or you're just joking? " Paniniguradong tanong ko sa kaniya.
Tinaasan naman niya ako nang kilay. Nagulat na naman ako sa ginawa niya. Hinila niya ang braso ko sa kaliwa at walang pasabing niyakap ako.
"I want to embrace you just like this. And yeah, just the both of us. No Jrake, Hansel and Naver in my eyes. "
" Bakit ba big deal sa iyo na kasama ang tatlo?" Nagtatakang tanong ko at pilit na tinitingnan ang mukha ng lalaking ito.
"Cause you're my wife. Even it's just a contract, I wanna spend my one year with my one billion dollar wife. But, why didn't you accept my offer? I thought you really needed that money?"
Nagpalabas naman ako nang mahinang buntong-hininga. Bakit nga ba hindi ko kinuha?
I badly needed money for a reason. Kaya gustong-gusto kong magtrabaho dahil may mahalaga akong misyon.
"Yeah I needed money for the poor people and children in the orphanage. Hindi ko lang tinanggap dahil hindi ko pera 'yon. Gusto kong tumulong sa tao na sariling sikap ko. Kaya nga't naghahanap ako ng trabaho." Napakalakas naman siya at saka ako hinawakan sa aking dalawang balikat.
Napangiwi naman ako sa paraan ng pagtitig niya. Akala mo kakainin na talaga ako ng buhay.
"You—what? Nagtatrabaho ka para sa kanila?" Pang-uulit niya pa na ikinatango ko.
" Why? Mali ba 'yon? Hindi kaya!" Depensa ko agad sa kaniya.
" I'm just... y-you know... impress with you. People judge without getting to know you more. I know you're hurt. Alam kong malaki ang galit mo sa ginawa ko. But hell I care! I want you to feel that I'm happy that you're my wife. "Masinsero niyang saad.
Nakita ko na rin ang emosyon sa mukha niya. Halo-halo. May tuwa, galak, lungkot at inis ata sa sarili.
"Magkano ang bayad sa iyo?"
"What?!" Singhal niya sa lumabas sa bunganga ko.
" Joke lang naman. Tara na! Ipaghahanda na kita ng pagkain mo. Bubusugin kita nang sobra-sobra hanggang sa mamatay ka na. Bwahaha—ARAY!" Matalim kong tinapunan ng tingin itong si Kio.
"Baliw ka na." Mapang-uyam na aniya na ikinaismid ko.
"Whatever. Atleast magandang dilag ako.",
"May asawa ka na."
"Walampake! Damuho!"
"Bruha ka naman."
"Atleast cute kahit na bruha. Kaysa sa iyo, tsonggo! "
" Tsk! "
" Ahahahaha! "
" Can you shut up? Just cook. Kung ayaw mong hindi ko kainin 'yan."
Napaismid na naman ako at muli na ngang ginawa ang sinasabi niya. Baka magbago pa, ayokong walang kakain ng effort ko.
At kung masarapan man siya sa luto ko. Then I have reasons to stay with him. Pagluluto lang kasi ang gusto kong gawin.
Aside from that…I want to spend my day with my canvas habang tinitingnan ang pinipintura ko. Kaso nga lang off limit. Katulad na rin ngayon.
"Anong paborito mong ulam?" Tanong ko sa kaniya matapos kong i-on na ang rice cooker. Siya na ang bahala na iluto ang kanin namin.
"Kaya mong lutuin?" Tiningnan pa ako nito nang masinsinan. Inaalam talaga kung totoo ba ang sinasabi ko.
"Magtatanong ba ako kung hindi ko kayang lutuin? Baka gusto mong ibuhos ko sa iyo 'tong rice cooker."
" I said don't threaten me. Cook my favorite sinigang sa manok. And also if you know how to cook lasagna. Then do it too."
" Aba! Aba! Makautos ka wagas! Saksakin kita 'e." Gusto kong itutok ang kutsilyo sa mukha niya. Kasi naman makautos wagas. H level!
"That's a criminal case. You're a killer."
"I'm not. But I can kill chicken with a minute."
" Because it's already dead. Id*ot."
" Bakit may sinabi ba ako na 'yung mga binibili sa market? Tanga! Sinabi ko 'yung chicken as in manok na buhay!"
" Are you shouting at me?"
" Hindi. Nagpapa-cute lang. Tanga."
"Just cook!" Pagbabalik niya sa akin sa dating ginagawa ko.
Napaismid na lang ako bago may maalala. Napalingon ako sa lamesa na ayos pa rin naman.
Malapit lang ang kitchen counter sa may lamesa. Kaya kitang-kita ko rito.
"Favorite mo pala ang sinigang sa manok. Pero hindi ka kumain kagabi."
"I eat. May tira ka pa sa lutuan. Pinahirapan mo pa ako kagabi na maglinis ng kalat."
Winawagayway ko naman ang kutsilyo sa harapan niya. Nilalayo naman niya ang sarili niya sa akin.
"If I know tumulong din ang tatlo sa iyo. Speaking of them, nasa'n sila at bakit sila wala rito?"
" May sarili silang buhay. Kapag bumagsak ang kompanya nila, ikaw ang sisihin ko."
" Aba't—ikaw kaya ang nag-utos sa kanila na bantayan ako. Tadyakan kita r'yan 'e!"
"Tsk. Whatever. Amazon!"
"'Di don't care. Pake mo? Asungot."
Hindi na lang siya nagsalita pa. Kaya itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagluluto. Kung patuloy kaming mag-aasaran, baka umabot pa kami sa siyam siyam.
Natatakam na rin akong kumain. Parehas pa kami ni Kio ng paborito na ulam.
Pero ano kayang nangyayari sa lalaking ito?
Bakit napansin kong medyo nababawasan ang pagkamasungit niya sa akin?
And why did I feel that I'm happy seeing him pissed but go with the flow. Hindi siya tulad ng iba na maaasar na sa kadaldalan ko at ka-bayulentehan.
Mukhang mapapasabak din ata ako sa long patience ng lalaking ito.
Pero,
'Nagayuma ko na nga ata?'

Comentário do Livro (69)

  • avatar
    Reniel M. Montefalco

    thanks

    04/07

      0
  • avatar
    Riea Obispo

    🥰🥰🥰

    22/06

      0
  • avatar
    Leny Vidallon

    thankyouuuu

    15/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes