logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chaptets 4: Malabo

Alas-10 na ako natapos sa trabaho. Inuunat ko ang mga braso at balikat na sobrang nabanat kanina kaka hugas ng plato. Maraming costumer ngayon kahit Lunes naman kaya banat na banat ang katawan ko.
"Nakakapagod," sabi ko habang naglalakad at kagat ang labi. Bagsak ang balikat ko habang ang kaliwang kamay ay naka-ekis sa dibdib at nakahawak sa right shoulder. "Pag dumating ako, hihilata kaagad ako sa kama."
Hindi ko mapigilang tumingin sa paligid. Malapit na ako sa bahay. Kahit maghahating gabi na, buhay na buhay parin ang lugar namin. May nagv-videoke pa nga e at nag-iinuman kasi may birthday ata. May nag-alok pa sa'kin ng pagkain. Sinabi kong pass muna ako. Pagod na pagod kasi talaga ako e kaya gusto ko nalang umuwi at matulog.
Nang dumating ako sa bahay, naisip ko kung tulog na kaya 'yong mga 'yon?
Dahan-dahan kong binuksan ang gate at nakita 'yong bakal na nahulog ko kanina. Ginawa nila itong malaking lock. Napailing nalang ako at dumiritso sa pinto. Kinuha ko ang susi sa bulsa para buksan ang pinto nang matanto kong bukas naman ito. Kunot ang noo na pinihit ko amg doorknob.
Madilim ang loob pero maingay ang TV. Marahan akong naglakad palapit doon at tinignan ang sofa.
Wala namang tao.
"Pambihira! Iniwan ba namang bukas ang TV? Parang sila naman ang nagbabayad ng kuryente at napaka-abusado!" Reklamo ko at pinulot ang remote. Pinatay ko ang TV at saka nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas saka ininom 'yon. Panay pa rin ang reklamo ko dahil sa bukas na TV.
Pagod na pagod ako pero bigla akong nainis kaya parang nawala 'yong tulog ko.
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay umakyat na ako sa kwarto. Nagbanlaw ako saka nagbihis ng pantulog. Humiga ako at tumingin sa kisame na punong-puno ng light in the dark na mga bituin. Kung kanina ay pagod ako ngayon naman ay hindi ako makaramdam ng antok kakaisip sa dalawang lalake na namumugad ngayon sa bahay ko. Hindi ako mapakali.
Bumaling ako sa ibang direction at pinikit ang mata. Tuluyan ng naglaho ang antok ko kakaisip sa kanila at sa kaka overthink ng mga pwedeng mangyare.
Umupo ako nang biglang dumaan ang isang alaala sa utak. Mga lalake. May isang hinahawakan ako sa iba't-ibang parte ng katawan lalo na sa hita. Pinupunit ang damit ko. Nagtatawanan. Amoy ng yosi. Asaran kung sino ang susunod.
Napailing ako.
"Hindi naman siguro sila... gano'n?" Mahinang tanong ko sa sarili at tinampal ang mukha para mawala ang alaala na 'yon.
Hindi nila ako type at hindi naman sila mukhang manyak. No. I'll never know. Hindi dapat ako mag-judge base sa itsura nila, malay ko kung...
Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nilapitan ko ang unang pinto na bahagyang nakabukas at sumilip. Malakas ang tambol ng puso ko. Nakita ko si Cyviel na mahimbing na natutulog at nakanganga. Tipid na napangiti ako. Siya pala ang natutulog dito sa dati kong kwarto. Pambihira, napakaburara nito at medyo abnormal... pero mukhang mapagkakatiwalaan naman kahit papaano, ewan.
Humugot ako ng malalim na hininga. Kakainin talaga ako ng buhay ng mga fangirls nila especially si Malou kapag nalaman nilang kasama ko 'tong mga lalakeng 'to sa iisang bahay. Na nasisilayan ko ang mga ganitong eksena. Maiinggit sila sa'kin na hindi naman dapat kasi hindi ako interesado.
Sinarado ko ng maayos ang pinto at marahan na nag-move forward sa isa pang kwarto. Hindi ko alam pero mas lalo akong kinakabahan dito. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa isiping nandito si Raven at katulad ni Cyviel natutulog na rin siya.
Marahan kong binuksan iyon at sinilip ang loob. Inaninag ko ang madilim na kwarto at nagkasalubong ang kilay ko kasi wala naman itong laman ang kwarto. Baka nasa isa, apat kasi ang bakante rito. Sinara ko ang pinto at lumipat sa isa pang kwarto at binuksan iyon. Kumunot ang noo ko kasi wala parin si Raven sa isang 'yon.
Ah baka nasa isa!
"Anong sinisilip-silip mo diyan?"
Natigilan ako at hindi nakagalaw nang makarinig ng boses mula sa likod ko. Lahat ng kaba na nararamdam ko kanina ay mas lalong umigting. Nahuli niya ako. Nasa likod ko siya? Anong oras na ba? Bakit gising pa ang isang 'to? Hindi ko naman siya nakita kanina sa baba ah! Saan ba siya galing?
"Tinatanong kita, anong sinisilip-silip mo?" Masungit niyang tanong kaya humarap na ako. Baka isipin niya may ginagawa talaga akong masama.
"E, ano! Kuwan.. mali ba? Chini-check ko lang kayo!" Utal na paliwanag ko.
Nakasoot siya ng manipis na short at white printed t-shirt saka naka-tsinelas. Kahit madilim dito sa kinatatayuan namin e nagliliwanag siya sa sobrang kaputian niya. Paano kayang hindi ko siya napansin?
"Baka binobosohan," akusa niya at naglakad palapit sa'kin.
"Ano? H-hindi ah!" Umiling ako at umatras. Na-corner ako sa malaking pinto ng ikalawang kwarto. "Chini-check ko lang talaga kayo kung... maayos ba kayo at natutulog na."
"At bakit mo naman kami ichi-check?" tanong niya at tumigil sa mismong harap ko. Hindi niya hinayaan ang sarili na mailawan at nanatili sa madilim na parte.
"Gusto ko lang na... ano... mapanatag."
Nagkatinginan kami. Tanging ilaw mula sa poste sa labas na dumaan sa salaming bintana ang nagsisilbing ilaw namin.
Kahit hindi ko masyadong klaro, kitang-kita ko sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na ekspresyon. Nakatitig lang siya sa'kin. Hindi naman siya mukhang galit. Tingin ko nga lasing siya dahil na rin sa amoy ng hininga niya.
Nagulat ako ng tinaas niya ang kamay. Hindi na ako nakagalaw nang hinawakan niya ako sa pisnge. Pinigilan ko ang paghinga ng mga sandaling iyon. Nanghina ang tuhod ko at tumigil ang mundo ng maramdaman ko ang kamay niya.
Mainit ang palad ni Raven. It's comforting but awkward at the same time. Marahan ang hawak niya na para bang inaalagan ang isang babasagin.
Nanatili siya sa dilim hawak parin ang pisnge ko. Bahagyang gumagalaw ang hinlalaki niya at hinahaplos ang balat malapit sa ilong ko.
"I miss you..." Mahinang sabi niya na parang nakikipag-usap sa sarili. Ilang segundo niya akong tinitigan hanggang sa nagbuntong hininga. Maya-maya ay binaba niya ang kamay at tahimik na naglakad palayo. Pumasok siya sa pang-apat na kwartong sinisilip ko kanina at naglaho sa paningin ko.
Para akong papel na nilubayan ng lakas the moment isarado niya ang pinto. Napaupo ako sa sahig hawak ang dibdib ko na kumakalabog. Sobrang init ng pakiramdam ko lalo na ang pisnge, tingin ko nga nagbabaga na ito sa sobrang pula.
Ano ba 'yong sinabi niya?
I miss you?
Nagising ako ng maaga kahit ala una na ata ako nakatulog sa sobrang pag-iisip dahil sa nangyare. Itim na itim ang ilalim ng mata ko pagising at naglalakihan ang eyebags ko. Kaagad akong naligo at nagbihis para sa school. Pagkatapos no'n, nagluto na ako ng almusal at ng babaunin ko.
Habang nagluluto ako ng ulam naramdaman kong nagising ang dalawa. Rinig ko ang mga boses nila at tila pababa na. Tumambol ang puso ko at binilisan ang ginagawa.
I know hindi ko hawak ang nagyare kagabi pero nahihiya parin ako.
Tila nagayuma sila sa bango ng niluluto ko at sabay pa talagang pumasok sa kusina. Mukhang hindi sila naghapunan kagabi.
"G-godmorning! Ano... absent ba kayo?" tanong ko nang mapansing hindi pa sila handa para sa school. Alas sais pa naman e, may oras pa silang magluto o maligo o kung ano man ang naisin ng puso nila.
"Ba't ka nauutal?" Tumawa ni Cyviel.
Kinabahan ako sa tanong niya. Bakit nga ba ako nauutal? Tumingin ako kay Ven pero tinagilid niya ang ulo.
"Anong niluluto mo?" tanong niya.
Nagtaka ako at alam kong kita 'yon sa itsura ko ngayon. Ba't gano'n? Hindi niya ba naalala ang ginawa niya? O naaalala niya pero hindi siya nahihiya? Ang kapal naman ng mukha niya!
"Sardinas at itlog." Wala sa sariling sagot ko kasi ang daming tumatakbong tanong sa isip ko.
"Duga! Si Ven sinagot pero ako hindi!" reklamo ni Cyviel at humila ng mauupuan.
Pinagkibit balikat ko nalang. Kung siya hindi nahihiya, pwes hindi na rin ako mahihiya.
"Anong sardinas at itlog?" Dinungaw ni Cyviel ang niluluto ko. Tapos na siyang maglitanya kasi sinagot ko si Ven pero siya hindi. Pareho silang nakaupo sa kaharap kong upuan.
"Ah? Eto ba? Sardinas lang 'to saka itlog. Nilagyan ko ng sibuyas para bumango. Bakit?" Hindi ko sila nilingon.
Sa loob ng utak ko tumatawa na ako ng malakas. Asa naman pakakainin ko sila nito. Ni hindi ko sila tatanungin kung gusto nilang kumain para mahiya naman silang sumalo sa'kin.
"Ngayon ko lang narinig ang pagkaing 'yan ah?" ani Cyviel at nanghalumbaba.
Talaga! At hindi ko kayo patitikimin! Manigas kayong dalawa ni Raven na makapal ang mukha.
"Gusto niyo ba ng recipe?" tanong ko at sinulyapan sila.
"Anong recipe? Hindi mo ba kami pakakainin?" Kunot ang noo na tanong ni Raven.
Aba?
"At bakit naman?" Namamangha kong tanong. "Sakto lang 'yung bayad niyo sa pagtira niyo dito kaya kayo na ang bahala sa pagkain ninyo!"
"Edi magbibigay kami ng additional fee!"
"Nu-uh!" Umiling ako.
"Bilhin ko nalang 'yan, five hundred!" ani Cyviel.
Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. "Nagbibiro ka ba?"
Kaloka!
"Bakit? Kulang ba?" Nagkamot siya ng ulo at ngumuso.
"Ano ka ba? Sobra-sobra kaya 'yon! Twenty two lang ang sardinas, dalawang itlog is sixteen, oil five lang saka yung sibuyas naglalaro lang 'yon sa presyong-"
"Wow! Ang sarap pala! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!" aniya na may hawak ng kutsara at ngumunguya.
"Bakit mo- aba't?!" Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang kutsara. "Magbayad ka muna!"
"Eh? Okay?" Nagkamot siya ng ulo at dumukot ng kung ano sa bulsa ng gusot niyang pantalon. Nang mapagtantong wala ang pera niya, dali-dali siyang umalis at bumalik sa kwarto para ata kunin. Naiwan naman kaming dalawa ng masungit kong boarder. Nagkatinginan kami.
"So.."
"Hindi mo talaga kami pakakainin ng pipityugin mong pagkain na 'yan?" Naiinis niyang tanong habang masama ang tingin sa'kin.
Ngumiti naman ako.
"Tumpak! Kung gusto niyong kumain, magbayad kayo. Wala ng libre ngayon 'no! Nagmamahal na ang lahat ng bagay!" sabi ko para mas lalo siyang mainis.
"Sampalin kita ng saucepan e.." Bulong niya pero rinig ko.
"Anong sinabi mo!?"
"Wala!" aniya at nag-iwas. Nag-cross arm naman ako at tinaasan siya ng isang kilay. Siguro nga lasing siya no'n at hindi niya naalala ang ginawa niya.
Edi magpapanggap nalang din akong walang nangyare!
Dumating si Cyviel mayamaya dala ang five hundred na sinasabi niya at ibinigay sa'kin. Ewan ko pero bigla akong nailang. Hindi ko inaasahang aatakahin ako bigla ng hiya. Five hundred ba naman binayad. As in for real.
"Hindi ko 'to matatanggap," sabi ko at binalik sa kanya ang pera. "Hindi na ako magpapabayad."
"Marami naman ako niyan." Tawa ni Cyviel at binalik sa'kin ang five hundred. "Paubos na nga lang."
"Kaya nga. Sa'yo nalang 'yan. Kumain nalang kayo. Ngayon ko naisip na nakakahiya pala," sabi ko at binalik sa kanya ang pera.
"Tanggapin mo na, mukha ka namang pera e," ani Raven at tumayo. Kumuha siya ng plato saka kutsara at tinidor.
"For your information, hindi ako mukhang pera!"
"Ah talaga? Pero ang Auntie mo mukhang pera kaya mana-mana 'yan."
Nagpupuyos ako sa galit habang nakatingin sa kanya. Gusto ko pa sanang gantihan siya ng masasakit na salita at sabihin na hindi totoo ang sinabi niya pero kinalma ko nalang ang sarili. Palipat-lipat ang tingin ni Cyviel sa'min na kasalukuyang kumakain.
Tatayo na sana ako para makapunta sa school nang biglang sumagi ang isang bagay sa isip ko. Eto 'yong tinanong ko kay Cyviel kagabi na hindi niya inayos ang sagot. At kung hindi parin nila ako sasagutin kay Principal nalang ako magtatanong. Curious ako e.
"Tingin ko naman marami kayong pera. Bakit hindi kayo nakatira sa mga mamahaling condo o 'di kaya'y  bumili ng bago at hindi lumang bahay kagaya nitong sa'kin?" tanong ko.
Natahimik ang dalawa at nagkatinginan. Hindi ata nila inaasahan ang pang-uusisa ko.
"Ano?" tanong ko kasi kakaiba sila magtinginan. Parang mga serial killer sa kanto e.
"Ang totoo pinatapon kami," sagot ni Cyviel.
"Biro na naman ba 'yan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sino namang magulang ang magtatapon ng anak? Wala!
"You don't owe her an explanation so stop that," ani Raven para pigilan si Cyviel sa pagbunyag ng sekreto nila.
"Ganto kasi 'yan, Shyla," sabi ni Cyviel na parang walang narinig mula sa katabi. "Naglayas talaga si Ven tapos ako, sumunod ako sa kanya so basically naglayas na rin ang tawag sa'kin. Pero tinapon talaga ako ni Papa so yeah, pinatapon ako. Pinutol 'yong mga credit cards namin saka hindi kami binigyan ng pera. Sinangla namin ang mga motor namin sa mga pinsan kaya meron kaming konte rito. Wala kaming bahay na matirhan so naghanap kami ng mauupuhan na malapit lang sa school at dito ang bagsak namin. 'Di namin alam na ikaw ang may-ari nito."
"Natitiis kayo ng parents niyo?" Mangha kong tanong.
"Palagi namin 'tong ginagawa pag bored kami so hindi na 'to bago. Sa sobrang dalas, pinapabayaan nalang kami ng mga parents namin kasi alam naman nilang gagapang kami pabalik sa kanila pag ubos na ang pera namin." Kibit balikat niya.
Napabuntong hininga ako at dahan-dahang umiling. "Kaya naman pala kayo natitiis e. Ang dami niyong kalokohan sa buhay porket marami kayong pera."
"Hey, don't be so quick to judge us. Ni hindi mo alam ang dahilan bakit ginagawa namin 'to," ani Raven na parang napaso dahil sa sinabi ko.
Binalingan ko siya at nagbuntong-hininga. "Kaya nga e. Hindi ko naman talaga malalaman anong tumatakbo sa mga isip niyo kasi mahirap lang ako. Ang alam ko lang, abusado ang mga mayayaman porket sandamakmak ang pera nila."
He gritted his teeth at tumalim ang tingin niya sa'kin. "Ayon na nga, hindi mo maiintindihan because you're not rich and you will never be rich! Hindi ka na makakaakyat sa taas kasi sa ibaba ka na mamamatay!"
Napatid ulit ang pasensya ko dahil sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ven, that's below the belt," bulong ni Cyviel.
"So what? It's not like I can't mend her broken heart with money!" Mayabang na sabi nito kaya napuno na talaga ako.
"Hoy!" sabi ko at tumayo. "Sumusobra ka na ah! Hindi kaya lahat nababayaran ng pera! Ang iba, kontento na sa mga bagay na meron sila so stop acting immature dahil lang marami ka no'n!"
Tumayo rin siya at pinantayan ang galit ko. "Bakit? Masakit ba? Ikaw naman ang naunang nanghusga ah? Ayaw mong mahusgahan? Then don't do it to others! 'Wag kang umasta na alam mo ang lahat at 'wag kang umasa na babatuhin kita ng tinapay kung babatuhin mo ako ng bato!"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Marahas niyang tinulak ang inuupuan niyang silya at nagmamadaling umalis. Tumingin ako kay Cyviel. Pilit na ngumiti siya sa'kin at dahan-dahang tumayo.
"Salamat sa pagkain," mahinang sabi niya at tinalikuran ako.
Naiwan akong mag-isa sa kusina at nanlumo after I realize what I've done. Napaupo nalang ako habang sapo ang ulo.
Wala na!
Ang misyon ko'y patinuin si Raven at maging close sa kanya pero ang hirap pala. Sobrang opposite naman kasi namin e tapos ngayon nasaktan ko pa ata siya ngayon. Pati si Cyviel mukhang dissapointed. Magkakasundo pa kaya kami ng mga lalakeng 'yon? Parang ang labo kasi. Ang labo nito.

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Medelyn Enciso

    i give you 5 star. kase super ganda ng story. sana tapusin mo po ung kwento. kac ang ganda talaga.

    24/10/2022

      0
  • avatar
    Mark John Villanueva

    thank you salamat salahat sanamakakuha ako Ng dayas dito para sa ml para mabili ko na yong skin ni zilong Maha nahal kita

    27/09/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes