logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2: Offer

Dahil sa engrandeng pasok nila sa school kanina, hindi na ako nagulat no'ng sila ang halos bukambibig ng mga kaklase ko, pati na rin no'ng nag-lunch break. Pakiramdam ko nga lahat ng babae luluhod sa harap nila dahil sa sobrang dakila nila. Isa na ro'n si Malou na nagtayo kaagad ng fans club para sa dalawa.
Hindi rin sila matinong estudyante gaya ng karamihan sa nag-aaral sa school na 'to. Classmates ko sila pareho. Natulog 'yong Cyviel sa klase, 'yong Raven naman nag-drawing lang at hindi nakinig. Sinamaan niya pa nga ako no'ng nahuli niya akong nakatingin sa kanya e. Gano'n siya sa lahat ng mahuli niyang nakatingin sa kanya. Ang sungit!
So 'yon, kahit dito sa cafeteria ng school pinagkakaguluhan sila. Nasa 'di kalayuan ang dalawa at kumakain. Nag-uusap sila at patawa-tawa 'tong si Cyviel habang 'yong isa e galit ang mukha at parang badtrip.
"Girls! Naguguluhan ako!"
"Follow your heart, Malou! Kung sino ang sinasabi nito sundan mo!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Malou II. Nasa likod ko lang kasi sila Malou kaya naririnig ko ng maayos ang pinag-uusapan nila kahit ayaw ko.
"E paano 'to? Si Cyviel ang pinipintig ng mga ovaries ko at si Raven naman ang pinipintig ng puso ko?" Aligagang tanong ni Malou sa mga alipores niya.
Ano raw? Pumipintig pala ang ovaries niya? Katakot.
"Girl, you should choose na! Isa lang dapat e! Si Raven nalang kasi mas hot 'yon! Dugyot naman si Cyviel e, nakita ko kanina natutulog sa classroom namin tumutulo 'yung laway!" Sulsol naman no'ng isang minion niya.
Eh?
"Anong dugyot, ha? Ihampas kaya kita gusto mo, bitch?" singhal ni Malou na siyang ikinagulat ko---namin pala. Halos lahat kasi ng tao sa cafeteria ay napatingin sa kanila. Ang lakas kasi ng boses e at ang tinis pa!
Sinubo ko ang kutsarang puno ng kanin at bahagyang sumilip sa kanila saka yumuko ulit. Baka mapansin pa nila ako e, ako na naman ang pagdiskitahan ng mga 'yan. Dapat invisible ako sa mga mata ni Malou lalo na dahil beastmode siya ngayon.
"Look, I'm so sorry Malou! Nagsu-suggest lang naman kasi ako e!" Tarantang paliwanag no'ng minion niya sa matinis na boses.
Napailing ako. Hinihintay ko nalang talagang mabasag ang salamin ng nerd na nakaupo sa mesang malapit sa'kin dahil sa tinis ng boses nilang tatlo.
"Ingatan mo kasi 'yang bunganga mo girl! Puro ka kasi kuda, wala ka namang utak!" saway ni Malou II sa nagkamaling minion.
Para talaga silang mga engot. Kasing engot ng mga pangalan nila. Isa pa, 'yong kinababaliwan nila wala naman talagang paki sa kanila. Ayan oh, nag-uusap parin at parang walang naririnig. Haynako.
Nakatanggap ako ng matalim na tingin nang mapansin ni Raven na nakatingin ako sa kanila. Iniwas ko kaagad ang mata sa takot na baka kung ano ang isipin niya. Hindi pa naman ako nagpa-member sa fans club nila. In short, hindi ako interested.
Hindi pa man ako tapos kumain nang may lumapit sa'kin. Ang alam ko scholar din siya kasi nakasama ko siya dati na magbantay sa Library ng school para humalili sa librarian.
"Pinapatawag ka ni Principal," aniya habang bitbit ang isang libro gamit ang isang kamay at ang isa, nakahawak sa strap ng backpack niya.
"Bakit daw?"
"Ewan ko. Napadaan lang ako kanina and he told me na pag nakita kita sa Cafeteria, papuntahin ka kaagad sa office niya." Nagkibit siya ng balikat.
"Sige, salamat." Ngumiti ako kaya nagpaalam na siya. Niligpit ko ang mga gamit ko at dali-daling pumunta sa office ng Principal.
Kinakabahan ako. Baka kakausapin niya ako tungkol sa pagiging late ko kanina sa opening ceremony. After all, kitang-kita pag may absent na isang scholar kasi wala sila sa stage at most probably ako lang ang wala doon.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Good afternoon po!" sabi ko nang pumasok sa office. Tinuro niya ang malayong sofa kaya umupo ako ro'n.
May kausap si sir na Teacher nang dumating ako. Umiiyak ito at narinig kong sinabi na magq-quit na ito sa trabaho at magpapalipat ng school. Seryosong nakaupo at tango lang ang sinagot ni Principal na parang normal na nangyayari 'to.
"Thank you sir! I'll go ahead," ani ng Teacher at tumayo.
"Again, sorry Miss Pelaez."
Ngumiti lang ng malungkot ang guro at tinapunan ako ng tingin saka lumabas.
"Come here," ani Principal at binalingan ako.
Umahon ulit ang takot ko. Kinakabahang tumayo ako sa sofa at lumapit do'n sa upuan sa harap ng table niya. Damang-dama ko ang malakas na pintig ng puso ko. Last time na nandito ako ay no'ng winarningan niya ako.
"A-ano po 'yon, Principal?" tanong ko na nahihirapang tumingin kay Sir. Mas lalo akong kinakabahan sa kung paano niya ako tignan e. Para kasing sobrang seryoso ng itsura niya. Not that hindi siya seryoso pag nagkikita kami kasi hindi naman. Iba lang talaga ngayon. Palagi kasi siyang nakangiti ng palakaibigan kapag kinakausap ako. Well, liban no'ng winarningan niya ako?
"Hindi ko alam paano sisimulan 'to," aniya at huminga ng malalim.
"Seryoso po ba 'yong nagawa ko?"
"Ha?" Kumunot ang noo niya at umiling. "Hindi, wala kang nagawa. Actually, it's an offer. It will benefit you in the future kung magagawa mo ng tama."
Napalunok ako.
"You see, may mga new students tayo. Isa na ro'n si Cyviel Premacio which is my cousin and Raven Guevara. Siguro naman kilala mo na sila at classmate mo pa sila pareho."
Marahan akong tumango.
Syempre sino ba namang 'di makakakilala sa mga 'yon e talk of the town sila.
"I want you to..." Minuwestra niya ang kamay ng paikot at tinagilid ang ulo. "Change them. Help them to be a better person or at least... tulungan mo silang maging tao."
"Eh?"
Hinilot niya ang sintido. "I know mahirap 'tong pinapagawa ko."
"Paano po?" tanong ko kasi hindi ko naiintindihan ang gusto niyang mangyari.
Hayop ba 'yong dalawa at kailangan ko silang tulungan para maging tao? Eh?
"Desperado na kasi ang mga magulang nila. I just want you to look closely at them especially si Raven. Kaibiganin mo siya and convince him na umayos sa pag---"
"Teka po, tama po ba ang naririnig ko?" Tumawa ako ng hilaw.
Para kasing ang labo naman ng gusto niyang mangyare e. Kaibiganin? I-convince na umayos? Si Raven pa ha? Hindi ba pwedeng si Cyviel? Tingin ko may mas chance pa kami no'n e.
"I know this is hard miss Aragon. Pero malaki ang kapalit nito at alam kong magugustuhan mo," aniya na parang alam niya talaga kung saan ako banda pipindutin para pumayag.
"Ano po ba 'yon?" tanong ko at umayos sa pag-upo.
"Mag-aaral ka sa kolehiyo free from any expenses," lahad niya. "Kahit ano pang courses, even 'yong mga kurso na matagal bago matapos. After all, hindi naman mahirap ibigay sa'yo 'yon kasi pursigido kang mag-aral."
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
"At syempre hindi lang 'yon ang benefit na makukuha mo pag napatino mo si Raven. His parents and Cyviel's parent are rich. Kahit ano pa ang hingin mo kaya nilang ibigay aside from what I said."
"May I ask po?" Bahagyang tinaas ko ang kamay para tumigil siya sa pagsasalita.
"Go on."
"Bakit po ako 'yong napili niyo?" I asked.
Lima kaming scholar tapos ako pa talaga napili ni Sir e ang hirap-hirap nito? Hindi ba pwedeng gumraduate ako ng tahimik?
"Kasi sa lahat ng scholar, I think you have the perseverance needed for this mission," aniya. "And besides, I wanted to help you. We both know na mahihirapan kang pumasa sa ano mang scholarship program for college."
Tumango ako. Hindi naman kasi talaga ako matalino e. Naka avail ako ng scholarship hindi dahil pumasa ako sa kahit na anong test dito. Pumasa ako kasi gusto kong mag-aral at kilala ako ng ibang teacher dito since malapit lang ang bahay ko. They helped me especially si Sir. Hindi umabot sa passing ang score ko and I'm average kaya malabo na matanggap ako kung mag-apply man ako ng scholarship sa college. It's impossible. At kung magkokolehiyo man ako kailangan ko pang mag-ipon para sa sarili kasi wala akong pera. Malaking opportunidad na 'to para sa'kin.
"Pwede naman po akong sumubok diba?" tanong ko.
Marahang tumango siya at ngumiti sa'kin.
"So pwede po akong mag-fail?"
"I know you wouldn't back off that easily. You can try and try. After all, wala namang mawawala diba?" aniya.
Tumango ako. Tama naman siya. Walang mawawala sa'kin kung susubukan ko. Matiisin naman ako e, baka nga kaya ko pala silang baguhin. Jackpot din 'yon. Magiging maayos ang buhay nila ta's sakin din magiging ayos. Edi win win.
"So is this a deal?" tanong ni Principal kaya bumaling ako sa kanya.
"Deal po." Determinadong sabi ko.
"Alright, you can go. Pasensya na kasi naantala ko ang lunch break mo."
Umiling ako at tumayo. "Okay lang po."
Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas ako ng office niya. Nilibot ko ang mata sa paligid. Sinalubong ako ng mga malalaking school building ng Torrington at ng mga estudyante na naglalakad kung saan-saan. Hindi ko na naitago ang excitement ko at napatalon ako sa saya.
"Yes! Makakapag-aral ako sa college!" sigaw ko at masayang nagtatalon-talon habang naglalakad. Tinignan ako ng mga nakakakita sa'kin na para bang nababaliw na ako. I don't mind. Sobrang saya ko lang.
Kaagad akong nag-isip ng mga strategies ko. Mahirap pero ibibigay ko ang best ko sa isang 'to. Dito pa naman nakasalalay ang future ko.
Buong araw na masaya ako hanggang sa pag-uwi. Hindi ko alam. Siguro dahil sa usapan namin ni principal. Hindi pa ako nakakapag-formulate ng magandang strategy dahil sobra akong nao-overwhelm. Nakaka kilig kasi e. Buong araw tuloy na hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
Napahinto ako sa gate ng bahay namin at napasimangot nang may mapansing kakaiba. Dahan-dahang binasa ko ang malaking karatulang nakasabit sa mismong gate.
"Bed spacer is a... must? Needed? Accepted? Leche! Tumatanggap kami ng bed spacer, dalawa o tatlo. Pwedeng lalake, pwedeng babae. 10k lang ang buwan. May down payment syempre. Katok ka lang dito if interested."
Bumagsak ang balikat ko matapos itong basahin. Si Auntie na naman 'to, panigurado!
Ngumuso ako. Gustong-gusto niya talagang pagkaperahan 'to. Kesyo malaki raw kaya dapat pagkakitaan. E ano naman? Ako naman nagbabayad lahat dito ah? Kuryente, tubig saka pagkain pati tax. Siguro, noon, ang pera ni Papa. Pero ngayong naubos na 'yon dahil sa buwan-buwan na panghihingi ni Auntie kaya ako na.
Ngumiti ako at umiling. Hindi ito ang makakasira sa magandang mood ko ngayon. Kinuha ko ang karatula at pinasok sa loob ng gate. Maayos na nilagay ko ito sa bakuran saka kinuha ang susi ng bahay. Lunes ngayon, kailangan ko pang maghanda para sa trabaho kong part time mamaya. Magluluto saglit para sa amin ni Auntie at kakain saka aalis.
Bumungad sa'kin ang tahimik na loob ng bahay. Huminga ako ng maluwag saka ngumiti at sinarado ang pinto.
Hinakbang ko ang paa at tinanggal ang sapatos. Binuksan ko ang mga ilaw at dumiretso sa kwarto ko. Nilapag ko ng maayos ang bag saka kumuha ng masosoot sa cabinet. Kaagad akong naghilamos at nagpalit ng damit.
Pagkatapos kong magpalit bumaba ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at tumingin ng makakain. Kumuha ako ng isang pirasong manok at gulay.
Habang naghihintay na kumulo ang sabaw nagsaing naman ako ng dalawang cup na bigas sa rice cooker. Pagkatapos kong gawin 'yon ay umupo na ako at naghintay.
Nagulat ako nang biglang narinig kong bumukas ang pinto ng bahay. Tumayo kaagad ako lalo na nang makarinig ng mga boses.
"Malaki ang bahay na ito kaya magiging komportable kayo!" Boses ni Auntie, tila excited. Binilisan ko ang mga hakbang ko.
"Sigurado ho kayo na pinapaupahan 'to? Parang hindi naman 'to sa inyo?" tanong ng isang pamilyar na boses.
"Oo naman! Sa pamangkin ko 'to, minana niya galing sa tatay niya! Dito din ako nakatira pero minsan minsan lang ako umuuwi! Papayag 'yon kasi pera na 'to---"
"Auntie!" sigaw ko nang makita si Auntie na may kasamang lalake. Hindi nga ako nagkamali, kilala ko nga ang lalakeng kasama niya.
Ang tanong, bakit siya nandito?
"Oh! Xyra, nandyan ka pala!" Excited na sabi ni Auntie at kasabay no'n ay ang pagpasok ng isa pang lalake sa pinto. Nanlaki ang mata ko. Halatang nagulat din siya.

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Medelyn Enciso

    i give you 5 star. kase super ganda ng story. sana tapusin mo po ung kwento. kac ang ganda talaga.

    24/10/2022

      0
  • avatar
    Mark John Villanueva

    thank you salamat salahat sanamakakuha ako Ng dayas dito para sa ml para mabili ko na yong skin ni zilong Maha nahal kita

    27/09/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes