logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Her Revenge

Her Revenge

inkypagesssss


Chapter 1

Prologue
"T-Tumabo ka na!"
Ilang beses na niyang sinisigaw 'yon pero nakakapit pa din ako sa kaniya.
Duguan na siya.
"Ma, hindi kita kayang iwan!"
Tinutulak niya ko paalis pero hindi ako nag papatinag.
May bigla na lang humablot sa akin at itinakbo ako.
"MAMAAAAAA!!!"
Ngumiti lang siya sa akin bago ako makarinig ulit ng putok ng baril at saktong tumama iyon sa dibdib niya.
P-P-Patay na si Mama....
Dinala ako ng lalaking humablot sa'kin sa isang malaking bahay.
"S-Sino ka!? Bakit mo ko dinala dito!? Nasaan si Papa!?" Sunod-sunod kong tanong.
"Urusai!" Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Ano daw?
"I thought you know how to speak and understand Japanese." Huminga siya ng malalim bago maupo sa harapan ko. "I am Simon, your........Uncle."
Uncle? Wala namang kapatid si Mama, baka kapatid siya ni Papa.
"Kapatid mi po si Papa?"
"W-What?"
Ay bingi...
"Kapatid ka po ba ni Papa!?"
"Don't shout!" Buset. "He's not my brother. Mama mo ang.....kapatid ko."
"Pero wala pong kapatid si Mama."
"I told her not to tell to her future child that she had a brother."
"Ba----?"
"Just don't ask!"
Napanguso naman ako bago pahirin ang luha ko.
"Si Papa po nasaan?"
Bigla na lang siyang nawala pagkatapos ng barilan kanina.
"Umalis."
"Po?! Bakit po siya umalis? Saan po siya nagpunta? Nasaan siya?"
"Shut up!" Napatigil naman ako dahil sa taas ng boses niya. "I don't know where he is!"
Napaiyak na lang ako. Pati ba naman siya iniwan ako.
*****
Isang linggo. Isang linggo matapos ang libing ni Mama at hindi pa rin nag papakita si Papa. Kaming dalawa lang ni Tito Simon ang nandito sa sementeryo.
"Let's go home, Alex."
Inabot ko naman ang nakalahad na kamay ni Tito tsaka ko tumayo.
Ako na lang mag isa. Wala na si Mama. Wala rin si Papa. Matagal na rin akong iniwan ni Kuya David.
Ayoko ng mabuhay....
*****
Chapter 1
AUBREY'S POV
Nasa tapat na ako ng school namin. Pagkarating ko ng parking lot, bumaba na agad ako ng kotse.
Tsk. Mas gusto ko pa ang motor kaysa sa kotse. Masiyado kasing maarte si Lolo, kailangan naka-kotse pa kami ng pinsan ko. Buti nga lang hindi niya naisipang ipa-service kami sa driver niya 'no. Gusto ko mag-isa lang akong buma-byahe.
Pagkapasok ko pa lang ng gate, nagsi-gilid na lahat ng estudyante. Tsk.
"Boss na boss, a?" Napatingin ako bigla sa nagsalita.
"Sila ang kusang gumigilid! Wala akong kasalanan do'n!"
"E, sa taray mo ba namang 'yan----sa tingin mo hindi ka nila lalayuan?"
Hindi naman ako mataray! Sadyang palagi lang mainit ang ulo ko.
Pagkarating namin ng room----ako na naman ang topic ng tatlong bruhilda. Pag ako talaga napuno sa kanila----isasabit ko sila sa puno.
"Ganu'n talaga kapag apo ka ng may ari ng school. Lahat ng gusto niya, nagagawa niya."
"Ang sama naman ng ugali."
"Lahat na lang sinusungitan."
"Buti pa 'yung pinsan niya ang g'wapo at sobrang bait pa!"
Agad naman akong lumapit kung saan sila nakapwesto. Bahagya pa silang nagulat dahil hindi nila alam na kanina pa ako nakikinig.
"Tapos na ba kayo?" Walang emosyon kong tanong.
Ibinaba ko ang bag ko sa lamesa kung saan naka-upo si Mae.
"Tch."
"Alis d'yan. Hindi bagay ang basurang katulad mo sa upuan ko."
Agad naman siyang tumayo at lumipat sa pwesto niya.
Wala ako sa mood makipag-away. Dahil 'yung magaling kong pinsan, nakipag-away na kahapon. Hindi umuwi. Ayun, galit na galit si Lolo, muntikan pang atakihin.
Para naman kasing sira! Makikipag-away hindi naman kaya. Mahina! Tsk.
"Good Morning, class." Bungad sa amin ni Miss Cindy pagpasok niya.
Nagsi-tayo lang kami sabay bow. Nang matapos ay tsaka kami umupo.
Naka-ugalian na namin ang ganoong estilo ng pagbati. Para saan pa na babati kami sa kanila kung hindi naman kami sabay-sabay? Merong sobrang mahaba bumati, mabilis, 'yung iba late.
"You probably know that you have a new classmate tomorrow." Tumango kaming lahat. "I hope you treat her well."
Ipinatong ko ang braso ko sa lamesa at ang baba ko sa kamay ko.
"Her?" Sabat ng isa naming kaklase.
"Babae po 'yung transferee?" Tumango si Miss Cindy habang nakangiti.
Mukhang masaya siya dahil madadagdagan ang students niya,
"Lalaki siguro." Bulong ko kaya napatawa ng mahina si Crystal.
Obvious naman kasi diba? Kaya nga her kasi babae. Tsk.
Nagsimula ng magturo ang guro namin. Kahit anong gawin kong pakikinig, walang pumapasok sa utak ko.
Wala akong gana. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa nangyari kagabi kay Lolo na muntikan na siyang atakihin dahil sa magaling kong pinsan.
Kapag may nangyaring masama kay Lolo, sisiguraduhin kong basag ang mukha niya.
"Lutang?" Biglang may kumurot sa tagiliran ko dahilan para muntikan na kong mapasigaw, buti na lang napigilan ko.
Tiningnan ko siya ng masama tsaka ko hinampas 'yung kamay niya.
"Ano bang problema mo?" Irita kong tanong sa kaniya.
Tsk, ang sakit!
"Kanina pa kasi ako daldal ng daldal dito, hindi ka naman pala nakikinig." Nanaray pa ang tanga.
"Sino ba may sabi sayong dumaldal ka?"
"Gosh! Sayang ang laway ko sayo." May pahawak-hawak pa siya sa ulo niya.
"Lunikin mo plema mo para masaya."
"Yuck! You're so kadiri!"
"You're so arte!" Pang-gagaya ko sa boses niya.
Umirap muna siya bago magsalita. "Tomorrow I will give a burger to the female transferee tomorrow. I will put a lot of chili sauce. Of course because I'm kind, I'll give her juice too, may katas nga lang ng sili."
"Tch."
"You're not interested?"
"Wala na bang bago? Nagawa mo na sa lahat ng transferee 'yan."
Tinarayan muna niya ko.
Kaunti na lang, dudukutin ko na mata nito.
"Dzuh. It's so fun kaya kapag nakita mo siyang umiiyak sa sobrang anghang."
Isip bata.
Paano ko ba 'to naging kaibigan?
Nagkakilala kami noong elementary, binubully siya noon dahil pangit pa siya, puro pimples. Syempre tinulungan ko siya, alangang iwanan ko lang siya doon 'di ba? Simula noon hindi na siya humiwalay sa akin. Hindi ko nga din alam kung bakit parehas kami palagi ng section na pinapasukan.
Kahit sobrang arte at maldita nitong babaitang 'to, mabait naman siya. Hindi nga lang makasundo ng mga lalaki. Sobrang laki ng pinag-bago niya simula noong sumama siya sa akin. Natuto siyang lumaban, minsan nga, nakikita ko na lang na nakikipag-sabunutan na siya. Amazona.
Kaya lang isang ugali lang niya 'yung ayaw ko. 'Yung ginagawa niya sa iba 'yung nangyari sa kaniya.
"Class, early dismissal lang tayo ngayon. We have a meeting today. Goodbye."
Tuloy tuloy na siyang lumabas ng silid namin.
Sunod nu'n ay ang pag-ingay ng mga kaklase naming kinulang sa aruga.
Lumabas din kami ng silid ni Crystal para hanapin ang magaling kong pinsan. Pag nakita ko talaga 'yun, pasasabugin ko nguso niya.
Pumunta na kami ng room nila pero ang sabi ng mga kaklase niya hindi daw siya pumasok.
Nalibot na ata namin ang buong school pero hindi ko pa din siya nakikita. Tsk. Mukhang hindi talaga siya pumasok.
"Gosh, Aubrey! I'm so tired! Where's your cousin na ba?" Iritang tanong ni Crystal bago maupo sa may hagdanan.
"Hahanapin ko ba siya kung alam ko kung nasaan siya? Mag isip ka muna pwede?"
Sumasakit na 'yung ulo ko. Hindi pala ako nakapag-almusal kanina.
"Baka makita ako ni Aubrey dito."
"Hindi 'yan. Akong bahala sayo."
"Pag nakita talaga niya ko, lago ka sa'kin."
Parehas kaming napatingin doon sa dalawang lalaking pababa ng hagdan. Hindi pa nila kami nakikita kaya hinila ko agad si Crystal sa may pader.
"He's here!" May halong inis na bulong niya.
Pagkababa nila ng hagdan, sinabunutan ko agad ang lalaking kanina ko pa hinahanap ko.
"A-Aray! Aray!" Nagulat pa siya ng tingnan niya ko. "A-Aubrey?"
"Yes?" Hinila ko siya papuntang garden.
"Aray ko! Tama na!"
"Anong tama na? Kulang pa 'yan! Alam mo bang muntikan ng atakihin si Lolo kagabi dahil sayo?!" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka-sabunot sa buhok niya.
"Aray! O-Okay lang ba siya?"
"H'wag ako ang tanungin mo! Umuwi ka mamaya sa bahay! Tarantado ka!"
Napahimas na lang siya sa ulo niya matapos kong bitawan ang buhok niya.
Binalingan ko naman ng tingin ang kaibigan niya.
"Ikaw! Sa susunod na pagtakpan mo pa 'tong mokong na 'to, ako mismo ang tatahi d'yan sa bunganga mo!"
Rinig ko ang pagtawa ni Crystal kaya nainis lalo 'tong kaibigan ni Lucas. Tsk. Magsisimula na naman ang battle nilang dalawa. Mga isip bata.
"Tumigil ka nga sa kakatawa mo!"
"I won't."
"Nakakairita kaya!"
"I don't care."
"I don't care my ass."
"You look like your ass."
"G'wapong ass."
Mamaya pa matatapos ang bangayan nila kaya umalis na kami ni Lucas.
'Yun palagi ang ginagawa nila kapag nagku-krus ang landas nila. Kulang na lang mag-patayan na sila.
Ewan ko ba kung bakit laging magka-away 'yung dalawang 'yun. Si Crystal, obvious namang ayaw talaga niya sa lalaki. Kahit nga kay Lucas na gusto ng lahat ayaw niya.
Ito namang si William, nakikipag-bangayan pa. Kung sana hindi na lang niya pinapansin si Crystal, walang gulo. Titigil naman 'yang si Crystal kapag walang pumapansin sa kaniya. Ayaw lang talaga nilang magpatalo sa isa't isa.
"Saan ka pupunta?" Hinawakan ko agad ang kwelyo ng uniform niya bago pa siya makatakbo.
"B-Babalik sa room? Hehe." Patanong na sagot niya.
"Siguraduhin mo lang na uuwi ka mamaya."
"Oo na." Walang gana niyang sagot.
Binitawan ko na ang kwelyo ng uniform niya kaya nakaakyat na siya ng hagdan.
Tsk. Ayaw ng napapagalitan pero ang hilig gumawa ng gulo.
Umakyat na rin ako papuntang room dahil hindi ko na kayang hintayin pa si Crystal, baka ma-late pa ko. Lagi naman siyang nakakagawa ng dahilan kapag nale-late siya.
Pagpasok ko pa lang ng room, napansin kong tahimik ang lahat at nakayuko. Parang may mali. T'wing umaalis ako dito maingay sila, kahit hanggang sa pagbalik ko. Pero ngayon sobrang tahimik nila.
"Problema niyo?"
Uupo na dapat ako sa upuan ko kaso may biglang sumigaw.
"Ms. Gomez!"
Ito na naman po tayo.
Walang gana ko siyang hinarap.
"Ano?"
Lumapit siya sa akin habang nakatingin ng masama.
"Hindi mo ba alam na naiistorbo ng section niyo ang ibang section?!"
"Hindi mo ba alam na wala akong pakialam?" Mas lalo siyang nainis.
As if naman na may pakialam ako.
"Sana man lang gumagawa ka ng paraan para patahimikin sila! "
"Sana man lang bago ka manigaw inalam mo alam mo ang sinasabi mo." Walang emosyon kong sagot. "Ako va ang class president? Nakita mo ba kong nandito pagpasok mo? 'Di ba nasa labas ako?"
"I am the President of Student Council! Hindi porket apo ka ng may ari ng school na 'to ay gan'yan na ang attitude mo."
"Hindi porket ikaw ang President ng Student Council ay may karapatan ka ng sigawan ako!" Estudyante ka din dito 'di ba? Ayusin mo din 'yang attitude mo. "
"What?! Gusto mo bang makarating 'tong sinasabi mo kay Dean?!"
"Gusto mo samahan pa kita?"
Inirapan ko siya bago maupo sa upuan ko.
Lagi na lang niyang dinadamay si Lolo kapag wala na siyang mai-sagot.
Hindi ko alam kung sa section ba namin siya may galit o sa akin mismo.
Tsk. Paniguradong sasabihin niya kay Grandpa 'yung nangyari kanina.
Sumbungero.
Baka ma-high blood pa siya. Kasalanan din naman ng bwiset na John David na 'yon. Kung sana mabait siya sa akin. E, 'dicsana mabait din ako sa kanya. Easy!

Comentário do Livro (83)

  • avatar
    Rowen John Tejada

    good is a great games

    21/07

      0
  • avatar
    DelacruzVickee

    nice,nice

    27/06

      0
  • avatar
    Zedrick Yumul

    it's okay

    01/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes