logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

NMKIMB 11

JACK'S POV:
"What's happening here?" Tanong ko sa mga nagkukumpulan na mga katao. Nakipagsiksikan pa ako para lang makapunta sa pinaka-main point ng eksena.
Akala mo ay may concert sa labas ng bar ko. Hindi pa naman oras ng bukasan nito.
Nakita ko ang isang lalaki na mataba pero ang braso at dibdib ay masasabi kong malaman pa sa malaman. Araw-araw ata itong nasa gym para magpalaki ng mga braso pero nakalimutan na paliitin din ang t'yan na akala mo ay may dinadalang bata.
Nakahawak ito sa kwelyo ng lalaking hindi ko kilala. Naka-business attire ang lalaki habang nakataas ang kilay sa kaharap niya.
Napansin ko na hindi pa nagsisimula ang labanan sa pagitan nila.
Panigurado na mga customer ko ang mga itong nanonood at sila ay nag-aabang na sa pagbukas ng bar, kaso nga lang may dalawang kotse ang magkakasalpukan.
Nainis ang lalaking masboy na panigurado na siya ang nadehado. Kita pa lang sa kotse na yuping-yupi talaga ang unahan nito.
Samantalang ang lalaking naka-business attire naman kakaunti lang ang nasira sa unahan ng kotse niya.
Halata rin na may kasalanan ay 'yung masboy talaga. Nasa tamang direksyon ang lalaking naka-business attire kaso nga lang biglang umeksena sa daanan ang masboy.
Ang hindi ko lang talaga matanggap kung bakit sa lahat pa ng pagbabanggaan nila, dito pa talaga sa bar ko. Maaari naman na malayo-layo rito.
Alam kong walang pinipili ang aksidente o banggaan.
Pero mukha atang mali sila ng ginawang eksena. Imbis na gagawa nang maayos ang mga tauhan sa bar at papasok na walang problema ang mga customer ko kaso nandiyan sila. Dito pa talaga nila naisipan na makipagbuno.
"Wala kang pakialam! Manahimik ka na lang!" Singhal nang lalaking si Masboy at pinanlisikan pa talaga ako ng kaniyang maitim pero burakat na mga mata matapos sumulyap sa aking direksyon.
At muling pinagdiskitahan ang kaniyang tunay na kalaban.
Napahawak na lang ako sa aking panga at hinilot-hilot 'yun ng kaliwa kong kamay. Pagalaw-galaw rin ito upang pigilan ang ninanais ng mga kamao ko.
Nanginginig ang kanan kong kamay. Sumisiklab ang puso ko sa matinding kagustuhan na makatikim ng nagliliyabang mga suntok sa mukha ang lalaking nambastos.
"Pre... chill ka muna. Bigyan kita ng tubig. Huwag kang gagawa ng eksena. " Pagpapaalala sa akin nitong si Froyd matapos makalapit sa aking direksyon at hinawakan pa ang aking likuran para hagurin ito.
Pero winaksi ko lang ang pagkakahawak niya at matalim siyang binalingan.
"You can't stop me." Walang emosyon kong turan kay Froyd.
Napalunok na lang siya ng sariling laway. Napansin ko pa ang pagputla ng kaniyang mukha.
Kaso hindi ko na pinansin 'yon. Nagsimula nang humakbang ang aking mga paa palapit sa kanila.
Kanina ko pa rin napapansin na parang wala namang balak ang masboy na ito na suntukin ang kaaway.
Anong hinihintay niya? Pasko? Tapos na matagal na.
"Kung ako sa 'yo kanina ko pa siya sinuntok. " Pangsusuhestiyon ko naman nang tuluyan makalapit sa direksyon nila.
Mas lalong sumama ang mukha ng lalaking masboy at inilipat ang galit sa akin. Ngumisi pa ako nang maramdaman ko na hahawakan na sana niya ako sa aking kwelyo.
Pero gamit ang aking kanang kamay, mabilis ang galaw nito na dumiretso sa mga kamay na hahawak sa akin.
Sa sobrang lakas ng ginawa ko napatilapon ang masboy palayo sa aking direksyon.
"A-aba't! Hindi mo ba ako kilala!" Inis niyang singhal at saka unti-unting tumatayo sa pagkakadapa sa lupa.
Pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. Lumapit agad ako sa kaniyang direksyon at binigyan siya ng nag-aalab at nagsisiklabang mga kamao na kanina pa gustong kainin ang kaniyang mukha.
At hindi lang 'yon pinuntirya ko pa ang kaniyang t'yan para lumiit man lang.
Ilang ulit ko siyang pinapatikim ng nag-aalab kong mga kamao. Hindi ko na rin naririnig ang mga sigawan at paghingi ng tulong ng ibang tao.
Maski ang pakiusap ni Froyd ay hindi ko na rin narinig.
Nakatuon lang ang sarili ko sa taong nasa harapan ko. Ginagawa ko ang lahat para paliitin ang t'yan ng lalaking masboy na ito.
"Tama na 'yan pre! Sobra na ang ginagawa mo!" May naramdaman akong malalakas na braso na pilit akong inilalayo sa direksyon nitong lalaki na sobrang yabang.
"Don't. Touch. Me." Gamit ang aking mga siko malakas kong inilabas ang pwersa ng aking mga braso at pinatama ang aking siko sa likuran.
Narinig ko ang pagdaing ni Froyd na napaupo sa sahig ng kalsada. Pero hindi ko 'yon pinagtuunan pa ng pansin.
Muli kong iginawi ang aking mukha sa lalaking wala ng kamalay-malay.
"Wake up!" Inis kong singhal at malakas na sinampal ang mukha nitong masboy na ito.
Subalit hindi ko na nakuha pa ang sagot ko. Wala na
talagang malay ang lalaking puro dugo na ang buong mukha at ang damit na tumatakip sa may t'yan niya ay nasira. Kaya nakita ko ang nagpupulahan at may itim pa sa t'yan nito.
Napadura na lang ako sa mismong katawan ng lalaki at sinipa muli ang tagiliran nito.
"Walang kwenta! Sa susunod kung maghahamon ka sa lugar na wala sa pag-aari ko," pagbabanta ko sa wala ng malay na lalaki bago ibaling ang aking tingin sa lalaking nakatayo lang sa may kotse niya. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko bago lumingon sa mismong mukha ko.
Ngayon ko lang namukhaan ang mukha nito. Hindi pa siya matanda, panigurado ako na binatilyo pa ito pero nag-aasikaso na ng business ng magulang.
Kanina ko pa rin napapansin na may kakaiba sa lalaki. Masyadong malakas. Hindi rin siya umiimik sa galit ng lalaking tulog na at lalong-lalo na sa pagkwelyo ng kalaban niya.
Para bang wala siyang pakialam. At napansin ko rin sa mata niya ang kawalang buhay ro'n.
Ngayon ko lang naalala ang isang pamilya na nirerespeto ko buong buhay ko.
Kaya mabilis kong ibinaba ang aking ulo para yumuko sa harapan niya. Bilang paggalang na rin at paghingi ng tawad sa naging asal ko sa harapan niya.
"Kinagagalak kitang makilala, Ace." Tanging nasambit ko na lang at muling tiningnan siya.
Tanging tango na lang ang kaniyang sagot bago muling ibinaling ang tingin sa direksyon ng walang malay na lalaki.
Nakita mo ang kakaibang ngiti na sumilay sa kaniyang labi. Isang ngiti na kahit kailanman ay hindi ko gustong makita.
Bata pa nga siya, sinasabi ng iilan na kayang-kaya nilang mapatay at maalis sa pwesto ang lalaking 'to. Pero lahat ng nagsabi n'yon ay wala na sa mundo.
Bata man siya pero ang lakas niya ay doble-doble pa sa mga magulang niya.
"Wow. You're amazing. Thank you for saving my twin, but you should not do that again. Kaya na 'yan ng kambal ko." Napalingon naman ako sa likuran ko at hindi sinasadyang mapalabi nang makita ang isa pang kinahahangaan ko at kambal pa nitong si Ace.
"Hindi ko lang napigilan, patawad, Aze."
"Hehehe huwag kang maging pormal sa akin. Saka may darating na pagdiriwang sa A.J.Y Academy, pumunta ka hah!" Masiglang aniya bago ilabas ang isang papel na maganda ang disenyo katulad ng uniform sa A.J.Y Academy.
Kinuha ko na lang 'yon saka yumuko sa harapan nila.
Hanggang ngayon tahimik ang kakambal ni Aze habang nakasandal sa kotse niya.
"Salamat."
"Okie! Hey Ace. Huwag ka ng sumakay sa kotse mo. Doon ka na lang sa akin. Naaasiwa ako kapag nakikita ko ang yuping kotse mo." Binalingan naman niya ang kambal na tahimik lang nakikinig sa sinasabi nito.
"Yeah. I know." Walang buhay na sambit nito bago maglakad palayo sa aming direksyon.
Napapagilid pa ang lahat dahil sa kanila.
Pero bago pa man makarating ang dalawa sa Ferrari na kotse. Napalingon muli sa akin ang Ace na ito.
"I loved your moves. You're my hero now! Thank you for saving me." Sabay ngiti nito nang maikli bago humarap sa kotse.
Natuwa naman ang aking sistema sa naging turan nito.
Wow! Can't believe it!
"Sino sila? At bakit mo sila kilala?" Nagtatakang tanong sa akin ni Froyd ng makalapit sa aking kinaroroonan.
"Them?" Tinuro ko pa ang papalayong sasakyan na kinalalagyan nila. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango nitong si Froyd. " Anak sila ng kilalang-kilala na tao sa buong mundo. Kilala mo ang Yuazzer Clan?"
" Huh? Oo, hindi ba't matagal na silang nanahimik at gumagawa lang ng aksyon kapag kinakailangan?
" Yeah, at ang dalawang 'yon ay ang panganay na anak ng nag-iisang Queen Z. Ang namumuno sa lahat ng organisasyon, ma-pa-mafia, gangster o kahit ano pa 'yan."
Nakita ko ang pagnganga ng lahat maging si Froyd ay hindi rin makapaniwala.
" The f*ck." Narinig kong sambit niya sa hindi makapaniwalang ekspresyon.
"At panigurado ako na mas malala ang kalalagyan nitong lalaki na ito kung hindi ako umeksena kanina. Kilala ang Ace na 'yon na ma-pag-pasensya pero kung nasira na 'yon, panigurado na hiwa ang ulo nitong lalaking ito." Naiiling na aniko saka naisipan na dumiretso sa aking kotse.
" Ikaw na ang bahala sa lahat. Uuwi na muna ako." Bilin ko kay Froyd at hindi na siya pinansin pa.
Muli akong napalingon sa invitation na ito bago mapangiti.

Comentário do Livro (159)

  • avatar
    aquinorosemarie

    baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤

    07/11/2021

      0
  • avatar
    ChePie Intrepido Ronde

    Wonderful

    14/07

      0
  • avatar
    Mandirigma Cabs Bou

    this is sow wird

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes