Kumakain ako ngayon ng lasgna kahit alas dose na ng madaling araw. Ewan ko kung bakit gusto kong kumain nito pero wala akong pakealam dahil ang sarap-sarap talaga niya. Nakadalawa na nga akong order nito at hindi pa rin ako kuntento dahil pakiramdam ko ay gutom pa rin ako. Habang kumakain ay naisip ko ang sinabi ni Lara no'ng nakaraang linggo. Napahawak ako sa aking tiyan at napatigil sa pagkain, natulala sandali pero nagpatuloy pa rin sa pagkain kalaunan. Bakit ba? Gutom ako, eh. Paano kaya kung buntis talaga ako? Hindi naman siguro ako kakain nang ganito karami araw-araw kung hindi ako buntis. Dahil noon ay konti lang naman ang kinakain ko at hindi din ako babangon ng alas dose ng madaling araw para lang kumain ng napakaraming lasagna. Kinakabahan na ako dahil sa pumapasok sa aking isipan. Posible kaya? Bili kaya akong pregnancy test? Pero paano kung hindi naman pala ako buntis tapos gumastos pa ako para lang sa PT na 'yan? Pero paano kung buntis nga ako? Anong gagawin ko? "Aishh. Nababaliw na ako." ginulo ko ang aking buhok at tumayo galing sa pagkakaupo sa kama. Isa lang talaga ang paraan para malaman ang totoo at para hindi na rin ako mabaliw kakaisip. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, 'di ba? Binuksan ko ang aking closet at kumuha ng jacket saka sinuot iyon. Kinakabahan man pero buo na ang loob ko para malaman ang totoo. Lumabas na ako ng bahay para maghanap ng convenience store or kahit anong store na may binebentang PT. Sa pagkakaalam ko ay meron dito, medyo malayo pero kaya ko namang lakarin. Saka bente-kwatro oras din 'yon kaya sigurado akong bukas pa sila ngayon. Nang nakarating na ako sa isang convenience store ay pumasok na agad ako at bumili ng iba't-ibang klase ng PT. Gusto ko lang makasiguro. Pagkatapos kong bumili ay umuwi na agad ako sa bahay. Bumuga ako ng hangin saka hinubad ang jacket. Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo. Kakalbuhin ko talaga si Lara kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya? Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Syempre tatanggapin ko! Hindi ko lang alam kung ano ang mararamdaman ko. Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama. Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay na lang ako ng resulta. Maya-maya pa ay may isang kulay pulang guhit ang lumabas. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin no'n kaya naman ay binasa ko ulit ang instruction na nakalagay roon sa lalagyanan ng pregnancy test. So... kapag isang guhit lang ay negative. Lumabas ang ngiting tagumpay sa aking labi. Isang guhit lang ang lumabas sa akin! Kakalbuhin ko talaga si Lara dahil pinakaba niya ako! Para na akong baliw dahil sa laki ng ngisi ko at minsan pang tumatawa. Niyakap ko ang pregnancy test at nang tingnan ko ulit ito ay halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa nakita. Kinusot ko ang mga mata ko at ilang beses pang kumurap, nagbabakasakaling baka namalikmata lang ako. Pero hindi! Gano'n pa rin ang nakikita ko. Dalawang guhit! Tiningnan ko ulit ang instructions at ilang beses nagdasal na sana ang ibig sabihin no'n ay wala lang. Ang dalawang pulang guhit ay dapat wala lang! Napatakip ako sa aking bibig at para na akong pinagsakluban ng langit at lupa nang mabasa ang ibig sabihin no'n. Positive. "W-What the..." Umawang ang labi ko at natulala sa hawak kong pregnancy test. Shit! Nanghihinang umupo ako sa kama habang hawak pa rin ang PT. Gosh! 'Di pa rin ako makapaniwalang may laman ang tiyan ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at pinakiramdaman iyon pero wala naman akong maramdaman, siguro sobrang liit pa niya. Ilang buwan na ba ito? Teka, buwan na ba ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa amin ni Jacob? Hindi ko na alam. 'Di ko na matandaan. Ano ba ang dapat gawin ng mga buntis? Kailangan ko bang magpacheck-up? Kailan? Bukas? Napaisip naman ako. Isama ko kaya si Lara? Si Lara. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ito? Napatulala ulit ako sa pader nang may napagtanto. Kinakabahan ako kanina pero ngayon ay parang ang saya ko na. Hindi ko rin namalayan na may munting ngiti palang nagtatago sa aking labi. Kani-kanina lang ay para na akong pinagsakluban ng langit at lupa pero ngayon ay gusto ko nang lumabas agad si baby para maalagaan ko na. Unti-unti lang nawala ang ngiti ko nang dumaan sa isip ko si Jacob. Isinantabi ko na lang muna ang mga iniisip ko dahil ala una na ng madaling araw at bawal sa mga buntis ang magpuyat. Buntis. May anak na ako. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala. Dahan-dahan akong humiga sa kama at hinawakan ang tiyan ko. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan saka ngumiti. "Goodnight, baby..." hanggang sa unti-unti na akong kinain ng antok. *** Maaga akong nagising ngayon dahil napagdesisyunan kong magpacheck-up na para naman malaman ko kung ano ang mga pwede at bawal sa akin. Tinawagan ko muna si Lara dahil gusto ko sanang magpasama sa kaniya pero nakailang tawag na ako ay hindi pa rin niya sinasagot. Kaya tinext ko na lang siya. Ako: Lara, busy ka ba ngayon? Naligo na muna ako at pagkatapos ay nagbihis. Tiningnan ko ang cellphone ko kung nagreply na ba si Lara pero hindi pa, nagkibit balikat na lang ako. Baka tulog pa, ala syete pa kasi ng umaga. Hihintayin ko na lang siya. Habang naghihintay ay kumain muna ako ng breakfast, puro gulay ang mga kinakain ko dahil hindi ko pa alam kung ano ang pwede kong kainin. At least ang gulay ay healthy. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang pinagkainan ko at tinignan kung may reply na ba si Lara pero wala pa rin. Umupo muna ako sa sofa at nagscroll-scroll sa facebook para malibang ang sarili. Isang oras na ang nakakalipas hanggang sa nagsawa na ako at wala paring reply si Lara ay nagpasya na akong ako na lang mag-isa ang pumunta sa clinic. Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng bahay at nagpara ng taxi. Sinabi ko sa driver ang address ng pinakamalapit na clinic, katabi lang ito sa mall na pinuntahan namin Lara. *** Kinakabahan ako habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Nanginginig ang mga kamay ko at parang lalabas na ang puso ko sa aking lalamunan dahil sa lakas ng pagpintig nito. May iba ring mga buntis ang nandito kasama ang mga asawa nila, tatlo lang ata kaming mga walang kasamang asawa o partner dito. Ang ilan sa kanila ay malalaki na ang tiyan at mukhang ilang araw na lang ay manganganak na, may nakita rin akong menor de edad na medyo may kalakihan na ang tiyan, at ang iba ay katulad ko lang na hindi pa halata ang umbok ng tiyan. "Sashira Rodriguez?" napatingin ako sa nurse nang tawagin niya ang pangalan ko. Nang magtagpo ang paningin namin ay agad niya akong nginitian. Napalunok ako at kinakabahang tumayo. Sinenyasan ako ng nurse na pumasok na sa kwarto kung saan ako i-checheck ng dokor. Tinanguan ko naman siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago sinundan ang nurse. Pagpasok ko ay bumungad agad sa akin ang iba't-ibang kagamitan at mga karatola na may mga litrato tungkol sa pagbubuntis. Nakita ko ang may katandaang babaeng doktor na hinahanda ang mga gamit. Nakita niya ako kaya naman ay ngumiti siya sa akin at iminuwestra sa akin ang upuang nasa harapan ng lamesa niya. Umupo naman ako agad. "Hello, Mrs. Rodriguez," bati niya na sobrang palakaibigan at umupo rin sa kaniyang swivel chair saka inayos ang kaniyang coat na pang-doktor. Bigla akong nailang nang tawagin niya akong 'Mrs.' "Uh... Ms. lang po," nahihiyang sabi ko. Bahagya naman siyang nagulat. "Oww... sorry. By the way, I'm Dra. Reyes. Nice to meet you." at inilahad niya rin sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko naman agad iyon at nginitian na lang siya. Sinimulan na niya ang pag-interview sa akin at sinasagot ko naman ang totoo. Syempre, alangan namang magsinungaling pa ako, eh para naman 'to sa anak ko. Pagkatapos ng mga tanong ay pinagpalit niya ako ng hospital gown dahil kukuhanan na raw niya ako ng ultrasound. Saka niya ako pinahiga sa hospital bed. Agad naman niyang ginawa ang mga dapat niyang gawin para sa ultrasound. "Oh! Here is your baby," sabi niya at tinuro ang isang sobrang liit na bilog sa screen. Nang tingnan ko iyon ay parang may kumiliti sa puso ko. Napangiti rin ako at biglang pumungay ang mga mata. Naiiyak na tuloy ako. "Your three weeks pregnant, Ms. Rodriguez. Congratulations!" malagiyang sabi niya. Mas lalong lumaki ang ngiti ko habang nakatingin pa rin sa screen. Grabe! Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging magulang ka na. Ang sarap pala sa pakiramdam! Pagkatapos ng ultrasound ay binigyan niya rin ako ng reseta ng mga vitamins na kailangan kong bilhin at sinabi niya rin sa akin ang mga pwede at bawal sa akin. Ang dami palang bawal. Pagkatapos ay inabot niya rin sa akin ang copy ng ultrasound ng baby ko. "And you need to come here again next month for your follow up check-up, Ms. Rodriguez. Don't forget to drink your vitamins," sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko rin siya at nagpasalamat na rin ako sa kaniya. Sobrang laki ng ngiti ko pagkalabas ng clinic ni Dra. Reyes habang tinitingnan ang mga picture ni baby sa ultrasound. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko kahit alam kong wala akong maibibigay na ama sa kaniya. Pero kaya ko naman siyang mahalin nang buong-buo at ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng gusto niya. Maliban nga lang sa ama. Babaero Papa niya, eh. Pagkasarado ko ng pintuan ni Doktora ay tumingin ako sa harap para sana umalis na pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko nang iba ang nakita ko. Si Jacob. Nakita ko rin na natigilan siya sa paglalakad niya nang nakita ako. Kunot ang kaniyang noo habang tinitingnan ako, na para bang inaalala niya kung sino ako. Nakatayo lang siya sa medyo kalayuan sa akin at nanatili ang tingin sa akin. Dahan-dahan namang bumaba ang tingin niya sa hawak kong envelope na may lamang litrato ni baby at pagkatapos ay tiningnan niya ang pinto na may nakalagay na pangalan ni Dra. Reyes. Bigla akong kinabahan nang tumingin ulit siya sa akin na para bang alam niya kung ano ang pinunta ko rito. Pinilit kong ikalma ang aking sarili at hindi pinahalata sa kaniya ang kaba at gulat ko na may halong pagkatakot. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka nagsimula nang maglakad. Pero nang nakita ko naglakad din siya papalapit sa akin ay hindi ko na ulit naitago ang kaba ko. Kaya naman bago pa siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako palabas at pumara ng taxi para makauwi na. Pagkahinto pa lang ng taxi ay sumakay agad ako at sumilip sa bintana na pinagsisihan ko naman dahil nakita ko ang bagong labas na si Jacob, lumilinga-linga siya na parang may hinahanap ito. At dahil hindi naman tinted itong taxi at nang dumapo ang paningin ni Jacob banda sa akin ay tumigil siya at tiningnan ako. Kunot ang kaniyang noo at may panganib na nakaabang sa kaniyang kayumangging mga mata. Dahil sa kaba ay dali-dali kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at binigay na kay manong driver ang address ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang nagmaneho na si Manong.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Ver Todos