"Ahh..." Bigla akong napamulat dahil sa panaginip ko. Para talaga iyong totoo na kahit gising na ako ay ramdam na ramdam ko pa rin. Umiling ako at hindi makapaniwala sa napanaginipan. Sa dinami-rami ng pwedeng panaginipan ay bakit 'yon pa? Umiling ulit ako. Babangon na sana ako nang may naramdaman akong gumalaw sa aking tabi, napakunot naman ang noo ko at tiningnan kung sino iyon at baka si Lara lang. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang hindi si Lara ang nakita kong katabi ko kun'di si... si Jacob! Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking labi. Gulat na gulat ako habang nakatitig sa tulog na si Jacob sa tabi ko. Hindi ako agad nakagalaw dahil hindi pa masyadong nakuha ng utak ko kung ano ang nangyayari, kung bakit kami natutulog sa iisang kama. Unti-unti ko nang naramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso ko, kinakabahan ako pero ayaw kong maniwala na baka ang akala kong panaginip ay baka... baka totoo! Oh my gosh! This can't be! Dali-dali akong bumangon at gano'n na lang ang gulat ko nang makaramdam ako ng sakit sa gitna ng hita ko. Napatakip ako sa aking bibig. Oh my gosh! Parang nanumbalik ang lahat sa aking isip ang nangyari sa amin kagabi. Ayaw kong maniwala na nagawa namin iyon pero ang sakit, masakit ang gitna ng hita ko! At wala akong kahit na anong saplot sa katawan! Ang mga damit ko ay nasa sahig na basta-basta na lang tinapon na parang basura! Nakaawang ang aking labi habang inaalala ko ang nangyari kagabi. Ang akala ko kapag nalalasing ka ay hindi mo na maaalala kung ano ang nangyari pero bakit malinaw na malinaw pa rin sa akin?! Nagpunta kami ni Lara sa bar, uminom kami, sumayaw, napagod ako kaya bumalik ako sa upuan namin, may tumabi sa aking lalaki at inabutan ako ng alak, nakilala ko siya na siya si Jacob, at hinatak niya ako palabas at sinakay sa sasakyan at... "Ohhh..." Napatakip ulit ako sa aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. My gosh! Hindi ako makapaniwala na sa akin ang ungol na 'yon! Nanggaling mismo sa bibig ko ang malanding ungol na 'yon! Naiiyak ako dahil nawala na ang pinakaiingatan kong bataan at ang mas masklap pa ang nakakuha no'n ay si Jacob na hindi ko masyadong kilala. Sinabihan na ako ni Lara na layuan ko itong lalaki na ito pero malay ko ba kung ano ang pinaggagagawa ko dahil lasing ako, wala ako sa sarili kagabi dahil lasing ako. Dahan-dahan akong umalis sa kama ngunit napahinto lang nang biglang gumalaw si Jacob. Bumilis ang tibok ng puso ko pero nakahinga rin nang maluwag nang umiba lang pala siya ng pwesto sa pagkakahiga. Kaya naman ay dali-dali kong kinuha ang mga damit ko at agad iyong sinuot, kahit na nahihirapan dahil masakit ang ibaba ko ay binilisan ko pa rin. Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali ngunit maingat akong lumabas sa kwarto at sumakay sa nakitang malapit na elevator. Pagkabukas ng elevator ay dali-dali naman akong lumabas sa hotel at pumara ng taxi para makauwi na. "Ahh..." Shit! Ungol ko ba talaga 'yon? Napatakip ako sa aking mukha at paulit-ulit na ipinilig ang ulo. Nababaliw na ako, bigla-bigla ko na lang naalala ang nangyari kagabi. Mabilis akong nakauwi at pagkapasok ko pa lang sa bahay ay bunganga agad ni Lara ang bumungad sa akin. "Shit, Sashira! Saan ka pumunta kagabi? Bakit bigla ka na lang umalis? Akala ko kung napaano ka na! Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot dahil syempre naiwan mo ang cellphone mo!" patuloy lang siya sa kaniyang pagsermon pero hindi ko na nasundan dahil naging blangko na ang utak ko. Para akong baliw na tumungo sa sofa at umupo roon. Nakatulala lang ako kay Lara habang nakapameywang siya sa harapan ko. "Woy! Ano na? Tutunganga ka na lang d'yan? Alam mo bang gusto ko nang tumawag ng pulis kagabi dahil bigla-bigla ka na lang nawawala at naiwan mo pa ang mga gamit mo sa bar. Hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pumunta, ni hindi ka nga nagtext sa akin dahil nga iniwan mo ang lintek mong cellpho-" "May nangyari sa amin, Lara." Natigil siya sa pagsasalita at nalilito akong tiningnan. Kumunot ang noo niya habang nakapameywang pa rin. "Anong sinasabi mong may nangyari? Anong nangyari?" "H-Hindi na ako virgin, Lara," parang batang sabi ko, naiiyak na rin ako. Natigilan naman siya at parang pinoproseso pa ng utak niya ang sinabi ko. Ilang sandali pa ay nanlaki ang kaniyang mga mata hudyat na naintindihan na niya. "Ano?!" malakas na sabi niya na aabot ata hanggang sa kapit-bahay namin. "Anong sabi mo?!" napangiwi na lang ako at napatakip sa tenga ko dahil ang tulis ng boses niya. "Narinig mo naman siguro, 'di ba?" sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Ayaw ko nang ulitin dahil naiiyak ako. Tinakpan ko ang aking mukha. Halo-halo na ang nararamdaman ko. "Wag mo akong pilosopohin, Sashira, ha! Anong sabi mo, h-hindi ka na v-virgin?!" malakas pa rin ang boses niya. Hindi ba siya napapaos? Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko na kayang sabihin pa at siya naman ay madramang napasinghap at hinawakan and dibdib na animo'y aatakihin sa puso. Umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay at parang inang nag-aalala sa kaniyang anak. "S-sino ang... alam mo na?" tanong niya na para bang nagdadalawang-isip. Pumikit ako nang mariin at kinagat ang pang-ibabang labi nang maalala ko na naman ang nangyari. Para itong sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko. "S-si... J-jacob," sagot ko na parang maiiyak na. Natahimik ulit siya nang ilang sandali. "What?!" malakas ulit na sabi niya at parang hindi pa makapaniwala. Ilang sandali pa ay tumawa na siya nang napakalakas. Maiiyak na sana ako dahil akala ko magagalit siya pero napaurong ang mga luha ko dahil bigla siyang tumawa na parang mauubusan na ng hangin sa katawan. Hinampas-hampas pa niya ako kaya naman ay tumayo ako at hinampas ko rin rin siya ng unan. "Ano ba! Akala ko magagalit ka? Eh bakit parang tawang-tawa ka d'yan?" inis na sabi ko kaya naman tumigil siya sa pagtawa pero halata naman na nagpipigil lang siya ng tawa, nainis ako lalo dahil sa reaksyon niya. Tumayo naman siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Sigurado ka ba talagang si Jacob 'yon? Hindi ka ba talaga namamalikmata lang?" tanong niya na nagpalaglag ng panga ko. Mas lalo akong nainis sa kaniya dahil akala niya nag-iimagine lang ako? Totoo naman talagang si Jacob 'yon! Nakita ko pa nga kanina pagkagising ko, eh. Umalis na lang ako at pumasok sa aking kwarto nang tumawa na naman siya nang malakas. Naramdaman ko namang sumunod si Lara sa akin. "Woy! Ano ba, joke lang 'yon," sabi niya at tumawa na naman, umupo ako sa kama ko at gano'n din siya. Lumaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa leeg ko. "Oh my gosh, may hickey ka pa!" tinakpan niya ang kaniyang bibig at tinuro ang leeg ko. Kinapa ko naman iyon, as if makikita ko. "Totoo ngang may nangyari sa inyo," sabi niya na parang wala sa sarili at bigla na lang ngumisi. "So... anong pakiramdam? Masarap b-" hindi na niya natuloy dahil bigla na lang akong tumayo. "My goodness, Lara! 'Wag mo ngang ipaalala sa akin 'yon!" Inis na sabi ko at padabog na pumasok sa banyo pero hanggang sa nakapasok na ako ay rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya. Nasapo ko na lang ang noo ko. Akala ko ba hinay-hinay lang sa pakikipaghalubilo pero bakit naging mapusok? Umiling na lang ako at naligo na. *** Buwan na rin ang lumipas simula no'ng mangyari 'yong hinay-hinay na pakikipaghalubilo kuno na nauwi sa isang mapusok na gabi. Ipinilig ko ang aking ulo dahil naalala ko naman 'yon. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko sa pagpinta dahil wala naman akong maisip kung ano ang ipipinta ko at nagugutom na rin kasi ako. Tumayo ako para umorder ng pizza dahil parang gusto ko ng gano'n na may maraming cheese at toppings sa ibabaw, iniisip ko pa lang parang naglalaway na ako kaya naman ay umorder na ako agad. Pagdating ng order ay binayaran ko na iyon at pumunta sa sala dahil doon na lang ako kakain habang nanonood ng movie. Ang saya! Parang bigla ko na lang naappreciate ang pagiging mag-isa ko ngayon, noon kasi ay naboboring ako pero ngayon ay gusto ko na na araw-araw na ganito. Binuksan ko na ang pizza at kumuha agad ako ng isang slice at sinubo iyon. Pagkasubo ko ay para akong maiiyak dahil sa sarap no'n kaya naman ay dire-diretso ko iyong sinubo. "Uyy, pizza!" nabilaukan ako dahil sa sigaw ni Lara, bigla-bigla na lang siyang pumasok sa bahay ko na hindi man lang kumakatok. Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign lang siya sa akin saka umupo na sa tabi ko. Kukuha na sana siya ng pizza kaya lang tinapik ko ang kamay niya kaya hindi siya nagtagumpay. Ha! 'Kala mo, ah! Akin lang 'to. Sinamaan niya ako ng tingin, hindi naman ako nagpatalo at sinamaan ko rin siya ng tingin. "Ang takaw mo. Pahingi ako, isa lang!" sabi niya at kukuha na sana pero tinapik ko ulit ang kamay niya at inilayo sa kaniya ang pizza ko. "No! Akin lang 'to!" sabi ko at nagpatuloy lang ako sa pagkain at siya naman ay nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo. Napatingin naman ako sa kaniya na titig na titig pa rin sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kaniya na nakakunot din ang noo. "Napapansin ko lang nitong mga nagdaang araw, parang ang takaw mo na at ang tamad-tamad mo na rin. Kita mo 'yong painting mo." tinuro niya ang pinipinta ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa matapos-tapos. "Ilang araw na 'yan pero hindi mo pa rin matapos- tapos." "Oh, tapos?" tanong ko na medyo kinakabahan na dahil nakakatakot siya kung tumingin. Para kang kakainin nang buhay. HAHA! "Yung totoo. Buntis ka ba?" seryoso niyang tanong. Natigilan ako sa sinabi niya at ilang beses na kumurap. Maya-maya pa ay malakas na akong tumawa. "Bwahahaha! 'Wag ka ngang magpatawa. Ako? Buntis?" tinuro ko ang sarili ko. "Lara, normal lang naman ang kumain nang marami at magpahinga, ah," dugtong ko na natatawa pa. Nagkibit-balikat lang siya. "Malay mo, may nangyari sa inyo ni Jacob eh. Makalipas ang ilang linggo ay lagi ka na lang kumakain ng kung ano-ano at lagi kang natutulog na hindi mo naman gawain noon dahil gusto mong tapusin muna ang painting mo bago ka magpahinga. Pero ngayon parang balewala na lang sa 'yo 'yon dahil ang gusto mo na lang ay ang kumain at matulog." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Lagi nga akong tulog, laging kumakain pero sa tingin ko ay nagbago lang talaga ang lifestyle ko dahil nagsawa na ako. At isa pa, hindi naman ako nagduduwal. Tiningnan ko siya. "Hindi naman ako nagduduwal, ah." Bumuntong hininga siya. "Iba-iba kasi ang pagbubuntis, Sash. Mag PT ka kaya para malaman mo," suggest niya sa akin. Tinawanan ko ulit ang sinabi niya. "Hindi nga ako buntis, nagbago lang talaga ang lifestyle ko," sabi ko at tinawanan ulit siya pero ang totoo niyan ay kinakabahan ako. Paano nga kung may nabuo? Anong gagawin ko? Maraming beses naming nagawa iyon sa iisang gabi lang at ang alam ko ay hindi rin kami gumamit ng proteksyon. Bigla akong nanlamig sa iniisip ko at natulala. Posible nga ba? Kung totoo nga, anong gagawin ko? Magiging masaya ako dahil hindi na ako mag-iisa. Kaya ko rin naman siyang buhayin mag-isa kung totoo man. Pero ang inaalala ko ay anong gagawin ko kay Jacob? Sasabihin ko ba? Napailing na lang ako at humugot nang malalim na hininga. Hindi pa naman sigurado kung buntis talaga ako. Hindi rin naman siguro.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Ver Todos