Nagising ako kinaumagahan at naramdaman kong may kung anong mabigat na bagay sa tiyan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong binti pala iyon ni Lara. Tss. Ang likot talaga matulog. Dahan-dahan kong tinanggal ang binti niya at bumangon na para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para magluto ng breakfast namin. Pagkatapos kong magluto ay inilapag ko na sa mesa ang mga pagkain. Sakto namang lumabas si Lara sa kwarto at diretsong umupo sa hapagkainan. Napangiwi ako nang 'di man lang siya nag-abalang ayusin muna ang kaniyang sarili bago lumabas. Gulo-gulo pa kasi ang buhok niya at may muta pa sa mata niya, at may tuyong laway pa sa gilid ng bibig niya. Eww! "Morning," paos niyang bati. "Hmm.. morning. Coffee?" tumango lamang siya at nagsimula nang kumain. Napailing na lang ako. Nagtimpla ako ng kape para sa kaniya lang dahil hindi naman ako mahilig sa kape. Inilapag ko na sa kaniyang tabi ang kape at ininom naman niya agad ito. "Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya sa akin habang kumakain. Kumuha muna ako ng pagkain ko bago sumagot. "Magpipinta lang," tipid kong sagot at nagismula na ring kumain. Sumimangot naman siya. "Psh! Hindi ka ba naboboringan dito? Pinta kalang nang pinta. Wala ka na bang ibang ginagawa?" Tiningnan ko lang siya sandali at nagpatuloy sa pagkain. "At least kumikita pa rin ako kahit papaano." "Kumikita ka nga wala ka namang pinaggagastusan, sarili mo lang nga ang tinutustusan mo. 'Tsaka isa pa, try mo kayang mag-shopping para naman sumaya ka kahit konti," sabi niya. "Masaya naman ako sa pagpipinta ah, hobby ko 'yon. 'Tsaka hindi ko rin naman kailangan 'yang mga mamahaling bagay. Isa pa, para sa anak ko naman ang perang kinikita ko," sabi ko at nagkibit balikat. "Anak?!" malakas na sabi niya at sinabayan pa ng sobrang lakas na tawa. "Eh paano ka magkakaanak kung wala ka namang asawa? Wala ka nga ring boyfriend, at ako lang naman kaibigan mo. Alangan namang ako ang bumuntis sa 'yo?" at tumawa ulit siya nang napakalakas na parang wala nang bukas. Inirapan ko siya. "Kung hindi ako magkakaasawa, eh 'di mag-aampon na lang ako. Madali lang 'yan," Kung magkatabi lang kami ngayon ay baka binatukan na niya ako dahil sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. "Mag-aampon? Mas maganda talaga kung nanggaling talaga sa 'yo 'yong anak mo. 'Tsaka bata ka pa naman, may makikita ka pang machong papabels diyan sa tabi-tabi," sabi niya at bumungisngis pa. "Sinasabi ko lang naman. Kung hindi naman ako makaka-ampon eh 'di tatanda na lang akong dalaga." patuloy lang ako sa pagkain. "Kaya ka walang kaibigan eh, dahil ang nega mo. Bente-singko ka pa lang pero 'yan na ang iniisip mo, paano na lang kung mag singkwenta ka na? Eh 'di tatanda ka na lang talagang dalaga. 'Tsaka kung tumanda ka na sino naman ang mag-aalaga sa 'yo?" "Eh di 'yong ampon ko, at pwede rin naman mga anak mo," sabi ko saka nginisihan siya. Inirapan niya ako at umiling sa sinabi ko kaya tinawanan ko na lang siya. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit muna kami at pagkatapos ay naligo si Lara at umalis na rin agad dahil may trabaho pa raw siya. Nagtatrabaho siya sa isang malaking kompanya bilang sekretarya. Pagkaalis niya ay nakaramdam na naman ako ng lungkot, ganito na talaga ang nararamdaman ko 'pag mag-isa lang ako. At ang ginagawa ko naman ay magpinta, pampalipas oras ko lang at para na rin makalimutan ang lungkot. Pagkatapos kong magpinta ay nilinis ko muna ang mga gamit ko at umupo sa sofa. At nag isip-isip kung ano ba ang pwede kong gawin. "Magmall kaya ako? Ano naman ang gagawin ko sa mall?" nakatingin ako sa kisame habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Hmm... shopping? Pwede na rin at bibili na rin ako ng mga groceries. Pero kakabili lang pala namin ni Lara ng groceries noong isang linggo. Dagdagan ko na lang? Para naman hindi ako pabalik-balik sa pagbili. Okay! Naligo muna ako at nagbihis. Pagkatapos ay pumara na ako ng taxi para makapunta na sa mall. Nagbayad muna ako at nagpasalamat kay Manong bago lumabas at pumasok sa mall. Nakaramdam ako ng kaba dahil first time kong pumunta ng mall nang mag-isa, dati kasi ay palagi kong kasama si Lara pero dahil may trabaho siya ngayon ay 'di ko siya pwedeng isama. Mas okay na rin sigurong masanay ako sa mga ganito dahil hindi naman palagi ay kasama ko si Lara. May sarili rin siyang buhay. At gusto ko rin naman lumabas sa comfort zone ko, lagi na lang kasi akong mag-isa kaya kailangan ko ring matutong makihalubilo sa iba. Pero hinay-hinay muna syempre. Nagsimula na akong mamili at inilagay ko ang mga 'yon sa cart at sinisigurado ko muna 'yong mga kailangan ko bago ang mga gusto ko. Habang namimili ako ay nararamdaman kong parang may nakatitig sa akin. Teka, kagabi pa 'to sa bar, ah. Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Nakaramdam ako ng takot kaya binilisan ko na lang ang pagpili para makaalis na ako at makauwi. May gusto pa sana akong gawin pero nakakatakot naman 'tong parang may nakatitig sa akin. Creepy. Nang matapos na ako ay binayaran ko na ito at lumabas pagkatapos ay pumara na ng taxi pauwi. I really wanted to stay longer but I'm not comfortable anymore. Pagkauwi ko sa bahay ay inilagay ko na sa ref ang mga pinambili ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto at humiga. Ghad! It's so boring! Wala rin akong maisip na pwede kong ipinta ngayon. It's like my braincells are sleeping because of boredom. Umayos na lang ako ng higa at natulog na lang. Baka sakaling makapanaginip ako ng pwede kong ipinta. Nagising lang ako dahil may maingay na namang napadpad sa bahay ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang madilim na pala. Saglit pa akong natulala roon. Tagal ko palang tulog. "Sashira! Tulog ka na naman?!" sigaw ni Lara at ginalaw-galaw pa ako kaya napakurap ako at nabuhay ang buong katawang lupa. "Sashira, hindi ka magkakaanak niyan kung tulog ka palagi! Halika, punta tayong bar. Tayo na diyan!" hinatak pa niya ako pabangon kaya naman ay napaupo ako sa kama. "Ano ba," inis kong sabi at binawi sa kaniya ang kamay ko. "Anong ano ba? Punta tayong bar at magpapakasaya tayo dahil wala akong trabaho bukas. Bangon na at magbihis ka!" Wala na akong nagawa at nagbihis na lang ako dahil boring din dito. Saka hindi rin naman ako tatantanan ni Lara. Inayusan niya ako at pinambihis ng maikli ulit na damit dahil hindi niya nagustuhan ang sinuot ko kanina. Pero mas maikli lang ang kay Lara. Pumunta kami sa bar na pinuntahan din namin kahapon. Umupo ulit kami doon sa may bar counter at umorder ng maiinom, pero this time mukhang mas matapang na alak ang inorder niya. Unang lagok ko pa lang ay kumalat agad ang pinaghalong pait at anghang na alak sa aking lalamunan. Muntik ko pa itong ibuga dahil hindi ko nagustuhan ang lasa pero nang lumagok ulit ako ay parang paborito ko na itong inumin, hanggang sa hindi na namin nabilang kung pang-ilang shot na namin ang iniinom namin ngayon. Basta ang nasa isip lang namin ay ang mag-enjoy habang bahagyang sumasayaw sa kinauupuan dahil nadadala na rin sa musika ng DJ. Medyo lasing na kami nang mag-aya si Lara na sumayaw, hindi na ako nakatanggi dahil sa kalasingan at parang gusto ko na ring sumayaw. Nang nakarating kami sa dancefloor ay para na kaming mga baliw habang sumasayaw. Psh! Inom pa more! Hindi ko akalain na ganito pala ako kabaliw kapag nalasing. Napagod na ako kakasayaw kaya bumalik na ako sa inuupuan namin kanina, magpapaalam sana ako kay Lara pero hindi ko na siya mahagilap kaya ipinagkibit balikat ko na lang. Pagkaupo ko pa lang ay tinawag ko agad ang bartender pero bago pa ako maka order ay may isang lalaking tumabi sa akin at siya na ang nag-order para sa aming dalawa. Binalingan ko siya, hindi ko masyadong maklaro ang mukha niya dahil para nang umiikot ang paligid ko, idagdag pa ang malilikot at makukulay na ilaw sa paligid. Pero parang pamilyar sa akin ang aura niya, hindi ko lang maalala. Inabot niya sa akin ang isang inumin at kahit na hindi ko naman siya kilala ay walang alinlangan kong kinuha ang inuman saka agad iyong ininom, gumuhit ang pait sa aking lalamunan na ikinangiwi ko. Ibang inumin ito kumpara sa inorder namin ni Lara kanina, mukhang mas matapang. Binalingan ko ulit siya. Ito na 'yong kailangan kong pakikipaghalubilo, ito na ata ang simula. Pero kapag tinititigan ko talaga siya ay pamilyar talaga siya. Sino ba siya? Nang tinitigan kong mabuti ang kaniyang mukha ay nanlaki ang aking mata. Ang kaniyang kayumangging mata at ang paraan ng pagtaas ng isang sulok ng labi niya ay nakilala ko na agad siya! "Jacob?" patanong iyon pero alam kong si Jacob talaga ito. Tumaas ulit ang isang sulok ng labi niya at tinitigan din ako. "You know me?" tanong niya sa sobrang lambing na boses pero hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan. "Ahh... s-sino ba namang hindi makakakilala sa iyo. Sikat ka kaya!" awkward akong tumawa at kunwaring uminom sa aking alak. "Hmm... I see." unti-unti siyang lumapit sa akin. Napalunok ako nang naramdaman ko ang kaniyang haplos pataas-baba sa bewang ko at inilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Wanna go with me?" bulong niya sa akin na nakapagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Shit? Anong nangyayari sa akin? Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko dahil hinatak na niya ako patayo at inalalayan ako sa aking bewang para makalakad ako nang maayos. Dahil sa kalasingan ay hindi ko na nagawang magprotesta pa. Namalayan ko na lang na pinasakay niya ako sa isang kotse at pinaandar na ito kung saan. Hindi ko na masundan dahil lasing na nga talaga ako. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa isang malambot na kama at may humahalik-halik sa akin. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito pero wala akong pakealam dahil ang tanging nasa isip ko ay ang mga matatamis na halik na dumadampi sa akin. Naramdaman kong unti-unti niyang tinatanggal ang mga saplot ko at pumatong siya sa ibabaw ko na hindi man lang nilulubayan ang labi ko. "Ahhh..." mga ungol na lang ang tanging naririnig ko at ang mga halik ng lalaking nasa ibabaw ko. Halos manigas na ako nang naramdaman ko ang unti-unti niyang pagpasok sa akin. Umawang ang labi ko kasabay ng pagdaloy ng sakit sa gitnang bahagi ko nang tuluyan na niya akong naangkin. Kinagat ko nang mariin ang aking labi para mapigilan ang mapasigaw sa sakit pero hindi ko naman napigilan ang pagkawala ng luha sa aking mata. Naramdaman ko rin ang pagkatigil niya. "Shit... you're a virgin," mahina niyang sabi saka pumikit nang mariin. Hindi ko na siya napagtuunan ng pansin dahil masakit pa rin. Pumikit ako nang mariin at parang gusto ko na lang siyang itulak paalis dahil hindi ko talaga kaya ang sakit. Parang nawala na rin ang kalasingan ko pero parang wala rin ako sa aking sarili. Hindi ko na maintindihan. Napaungol ako sa sakit nang sinubukan niyang gumalaw. Nilagay ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib at handa na sana siyang itulak pero marahan lang niya iyong hinawakan at inalis sa kaniyang dibdib. Ipinangko niya ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking ulo. Naramdaman ko rin ang paglapit niya sa akin at ang paglapat ng malambot na halik sa aking noo. "I'm sorry, but I promise... I'll be gentle." Nanindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking tenga nang ibulong niya iyon sa akin. Sinubukan kong imulat ang aking mata at ang sumalubong agad sa aking paningin ay ang mapupungay na kayumangging mga mata. Napapikit ulit ako dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata. Nang nag-iba na ang aking nararamdaman ay hindi ko na napigilan ang aking mahihinang halinghing at ang dahan-dahang paggalaw. Nang dumilat ulit ako ay nakita ko siya na nakataas na ang isang sulok ng labi niya at ang kaninang mapupungay niyang mata ay napalitan na ng nag-aalab na pagnanasa. "That's it, baby. That's it..." Tuluyan na akong napaungol na unti-unti na siyang gumalaw sa ibabaw ko. In and out. Hard and fast. "Ahh..." halos hindi ko na makilala ang sariling boses nang lumabas iyon sa bibig ko, parang may sumapi sa aking ibang babae. Hindi ko alam kung ilang beses naming ginawa iyon. Pero ang alam ko ay hindi lang iyon isang beses, maraming beses iyon dahil ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi sa gitna ko.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Ver Todos