Ano, Sash, babae ba magiging anak niyo?" excited na tanong ni Lara nang nakaupo na kami sa kama ko rito sa kwarto. Inismiran ko siya. "Mag-aapat na linggo pa nga 'to, wala pa ngang umbok oh." sabi ko at pinakita pa ang tiyan ko. "Sorry, excited lang." ngumisi siya. "May naisip ka na bang pangalan?" Umiling ako. "Wala pa, maaga pa naman, at pwede na ring si Jacob ang magpangalan sa kaniya." Tumango-tango naman si Lara. "Kailan ka ulit magpapacheck up?" "Next week pa, sasamahan raw ako ni Jacob." Nagngising aso naman si Lara. "Daddy na daddy talaga ah.. Hmm... sasama rin ako, hindi pwedeng hindi kasama ang ninang." Inirapan ko siya. "Tss. Sasama ka talaga dapat. Ayokong kami lang dalawa, nakakainis siya minsan eh." Mas lalong lumaki ang ngisi ni Lara. "Bakit ka naman naiinis kay Daddy? Hmm..." Bigla na naman akong nairita nang maalala ko kung gaano ka-bwisit si Jacob. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko sa kaniya pero naiirita talaga ako. "Palagi na lang kasi siya ang nasusunod eh, kapag may gusto akong puntahan kailangan alam niya at kailangan may bantay ako kung hindi siya makakasama. Kailangan alam niya ang—" napatigil na ako sa ay pagsusumbong sa kaniya dahil ang mukha niya halatang nagpipigil lang na tuksuhin ako. "Sige, Sash, magpatuloy ka lang," sabi niya na nakangisi pa. "Wag na nga lang! Pareho kayo ni Jacob eh, nakakainis kayo pareho!" inis kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. "Sash, the more you hate the more you love sabi nga nila." Tinaasan ko siya ng kilay. Oh, tapos? Anong connect no'n? "Naiinis ka kay Jacob dahil mahal mo siya." sinabayan pa niya nang malakas na tawa. Mas lalo naman akong nainis. "Alam mo, ang corny mo. Ang layo ng sinasabi mo eh." "Sashi, pupusta ako, mamahalin mo rin si Jacob. Malay mo siya na pala ang para sa 'yo." Napanganga ako at nginiwian siya. "Psh! Babaero nga 'yon eh, hindi natin alam baka marami na pa lang kapatid 'tong anak ko." "Selos ka mommy?" tinusok niya ang gilid ko. Kinunotan ko siya ng noo. Tumawa na naman siya nang malakas. "'Yong pagkakasabi mo kasi parang may halong pait eh. Hahahaha!" "Tigilan mo nga ako." inismiran ko siya. "Siguro pagkapanganak ko aalis naman na siguro ako rito, nandito lang naman ako dahil para raw may makakasama ako habang nagbubuntis." Ngumuso siya para pigilan ang mapangiti. "Concern din si Daddy Jacob ah. Sa tingin ko hindi ka pa rin paaalisin dito, buntis ka pa nga lang nandito ka na, paano na kaya kung nanganak ka na. Oh 'di ba? Hindi ka na papakawalan no'n, papakasalan-" "Tumigil ka na nga, kung ano-ano na lang 'yang naiisip mo," pagpipigil ko sa kaniya. Tumawa lang ulit siya. Paano nga kung tama si Lara? Tss.. maniwala naman ako. Sadyang mabait lang talaga si Jacob kaya niya ako pinapatuloy rito— Teka, mabait? Si jacob? Tss. Mabait his face! "Uyy... nag-iisip si mommy... Tama ako 'di ba?" tukso ni Lara. "Hindi nga! Ang kulit mo rin eh." inirapan ko lang siya. Magsasalita pa sana si Lara kaso biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at sinagot. "Hello, Mr. Reyes?" sabi ni Lara. "Oh.. okay sir... yes sir.. okay. Okay po, bye." Kumamot siya sa kaniyang batok at nanghihinayang akong tiningnan. "Pasensiya ka na, Sash, ha? May ipapagawa pa kasi ang boss ko, kailangan ko nang umalis." "Huh?" nagtataka kong tanong. Akala ko ba day off niya ngayon? "Bye, next time na lang, love you." hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya nagmamadaling lumabas. Napahinga na lang ako nang malalim. Ako na naman mag-isa rito. Nilibot ko ang paningin sa kwarto ko. "Nakakaboring na talaga rito." sabi ko na wala sa sarili. "Bored ka na?" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Jacob sa pintuan. Nakita niya ang gulat ko kaya agad siyang tumikhim. "I'm sorry, nakabukas kasi ang pinto, narinig lang kita. Bored ka na?" tanong niya ulit. "Uh..." nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "If you want... pwede tayong mamasyal," sabi niya saka humakbang papalapit sa akin. Nabuhayan naman ako ng loob at walang pag-aalinlangang tumango sa kaniya. "Oo! Oo, gusto ko!" excited kong sabi at patalon pa na tumayo sa kama. "Careful, Sashira!" pagsaway niya. Napatigil naman ako sa pagtalon. "Sorry," sabi ko pero nakangiti pa rin. Ngumiti na rin siya sa akin. "Get ready now," sabi niya at lumabas na sa kwarto ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko habang naliligo, nagmamadali na rin akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng simple at komportableng dress at sinuklayan lang ang buhok ko at tapos na! Pagkatapos ko ay excited naman akong lumabas at naabutan kong nakaupo na si Jacob sa sofa at pinaikot-ikot pa sa daliri niya ang susi habang naghihintay. Nang nakita ako ay tumayo naman siya agad. "Let's go?" Excited naman akong tumango at nauna na sa kaniya sa paglabas. Nang nasa pintuan naman ako ay muntik na akong madapa! Buti na lang ay nahawakan ni Jacob ang bewang ko kung hindi ay nadapa na talaga ako. "Shit! Be careful. Are you okay?" nag-aalalang sabi ni Jacob at inalalayan akong tumayo nang maayos. Bumilis naman ang tibok ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Siguro kinabahan ako dahil muntik na akong madapa at kung hindi ako nasalo ni Jacob ay baka may nangyari pang masama sa baby ko. Shit! Tumango lang ako sa kaniya at hindi ko na mahanap pa ang excitement na nararamdaman ko kanina. Tumikhim lang ako at pumunta na sa kotse ni Jacob. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok lang ako ng tahimik, umikot na rin siya at pumasok na rin sa driver's seat. Tumulak na kami papalabas. Habang nagmamaneho siya ay tahimik lang ako, iniisip ko pa rin 'yong kanina. Kinabahan talaga ako at ang bilis nang takbo ng puso ko nang nahawakan ako ni Jacob. Kung wala siya kanina baka sa hospital ang tungo namin ngayon. "Where do you want to go?" basag ni Jacob sa katahimikan. "H-hindi ko alam. Ikaw na lang bahala," mahina kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Huminto naman kami sa isang parang park. May nakalagay sa itaas ng daanan na 'FloriThan Place'. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito, para kasi itong tagong lugar at konti lang din ang taong nandito. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala si Jacob sa sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkalabas ko ay nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid. Malinis at sobrang payapa ng paligid, walang maingay at mga huni lang ng ibon ang maririnig mo, sariwa rin ang ihip ng hangin dito, nakakarelax. Kung gusto mong mapag-isa at magmuni-muni ay pwede kang pumunta rito. Inalalayan ako ni Jacob na maglakad. Nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa siko ko at siya naman ay diretso lang ang tingin sa daanan. "Alam mo bang may kwento ang lugar na ito?" biglang sabi ni Jacob kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. Napatitih ako sa kaniyang ngiti. "Unang nakatuklas ng lugar na ito ay ang magkasintahan na sina Floridelle at Nathan. Kaya pinangalan nila itong FloriThan." Napakurap-kurap ako saka nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa paligid. "Nasaan na sila?" "Matagal na panahon na 'yon kaya malamang patay na sila ngayon." tumango-tango ako habang nakikinig sa kaniya. "Hindi ito ganito noon, malaking puno ng mangga lang at may sirang fountain lang doon sa dulo ang meron dito noon pero maganda pa rin namang tingnan ngayon." Napatango-tango naman ako. "Ang swerte naman nila at nakakita sila ng lugar na katulad nito." Inilibot ko ang paningin sa paligid. Marami ng puno ang nakatanim ngayon at may upuan din kada puno. Sa dulo ay makikita mo ang pagsikat at paglubog ng araw. Tumango siya. "Maswerte nga sila. Si Floridelle ang nakaisip na ayusin ang lugar na ito dahil espesyal 'to sa kaniya. Sa kanilang dalawa..." Umupo kami sa pinakadulong upuan sa ilalim ng napakalaking puno ng mangga, 'yong makikita mo talaga ang paglubog ng araw. "Dito sila lagi noon umuupo pero wala pa itong upuan noon, nagdadala lang sila ng sarong at doon sila umuupo." tinuro niya ang isang fountain. "Wala pa 'yang tubig noon pero ngayon meron na, maganda na iyan noon pa pero mas lalong gumanda ngayon." Sumang-ayon naman ako sa kaniya dahil maganda naman talaga, halata na matagal na iyong ginawa pero hindi pa rin nawawala ang kagandahan nito, mas gumanda pa nga ngayon eh. "Ang sabi nila ay diyan daw nakita ni Floridelle na may kahalikang iba si Nathan," patuloy niya. Nagulat naman ako. "M-may kahalikang iba?" Tumango siya sa akin. "Engage na sila no'n pero nagtaksil pa si Nathan." Tiningnan ko si Jacob na nakatingin lang sa fountain. "Tapos? Anong nangyari sa kanila?" "Sabi nila ay nagkahiwalay raw sila dahil buntis daw ang babae ni Nathan. Mahal na mahal ni Floridelle si Nathan pero wala na siyang nagawa dahil wala naman na siyang laban kaya sinauli na lang niya ang singsing kay Nathan, dito mismo sa lugar na ito niya ibinalik ang singsing. Nakipagkita siya rito kay Nathan at nalaman niyang kasal na pala si Nathan doon sa babae niya." Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. Bigla akong naawa kay Floridelle. Naiiyak na nakinig lang ako sa kaniya dahil akala ko nagkatuluyan sila kaya pinagawa niya ang lugar na ito. Hindi talaga lahat ng nagmamahal ay masusuklian ang pagmamahal na ibinigay mo. May isa talaga sa inyong mawawasak. "May sabi-sabing may dahilan daw si Nathan kaya niya hiniwalayan si Floridelle pero walang nakakaalam kung ano 'yon." bumuntong hininga siya. "Pero huli na rin dahil may kaniya-kaniya na silang pamilya. Pero kahit nagkapamilya na si Floridelle ay hindi pa rin nawawala sa puso niya si Nathan dahil 'yon ang pinangako niya noong iniwan niya si Nathan dito. Mahal niya ang pamilya niya at wala namang problema iyon," patuloy ni Jacob. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya dahil siguro nakita niyang may luha sa mata ko. "Are you okay? I'm sorry, may nasabi ba akong masama?" nag-aalalang tanong ni Jacob. Umiling ako. "Ayos lang ako, naiiyak lang ako sa kuwento ni Floridelle," sabi ko at suminghot pa. "Ang sakit siguro sa part niya 'yon 'no? Mahal mo ang isang tao pero hanggang tingin ka na lang dahil syempre ayaw mo naman makasira ng pamilya." tumingin ako sa kaniya. "Jacob, sabihan mo lang ako kung may mahal kang iba at hindi mo siya nakakasama dahil sa akin, hindi mo naman ako kailangang alagaan kung may iba ka pa lang gustong alagaan." Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. "Masakit para sa taong nagmamahal sa 'yo na may inaalagaan kang ibang tao at buntis pa. Ayaw ko lang maging hadlang sa totoong mahal mo." Napatitig saglit sa akin si Jacob. Hindi rin nagtagal ay Blvumuntong hininga siya at pinunasan na rin ang luha sa pisngi ko. "Hindi naman kita kukunin, Sash, kung may mahal ako." sabi niya na nakatitig sa akin. "Kung may mahal man ako ay 'yon ang dadalhin ko sa bahay." Titig na titig ako kay Jacob at habang nakatitig ako sa kaniya ay unti-unti namang lumalakas ang tibok ng puso ko. Parang nanghihipnotismo ang mga kayumangging mata niya kaya hindi matanggal-tanggal ang pagkatitig ko sa kaniya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Ver Todos