"Sashira, where are you?" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Lara mula sa aking sala. Lara is my only friend na tinuring ko na rin na parang kapatid ko. "Nandiyan ka na naman?" nakasimangot na tanong niya nang natagpuan na naman niya ako sa bakanteng kwarto ng aking bahay na ginawa ko nang painting room. "Wala ka nang ginawa buong araw kun'di ang magpainting, Sashira." "Ayos na 'to kaysa ang gumala buong araw." bahagya kong sinilip si Lara at nakita ko ang pagsimangot niya kaya napatawa ako. Wala na kasing ibang ginawa ang babaeng 'to kun'di ang gumala nang gumala. "Mas ayos 'yong gumagala kasi at least may nahahakot akong sugar daddy, may pera pa akong nakukuha!" Umirap at umiling ako. "Kapag ikaw nadisgrasya diyan sa sugar daddy mo, pagsisisihan mo talaga 'yan," sabi ko habang nakatuon ang paningin sa pini-painting ko. "Tss. 'Wag kang mag-alala, Mommy, hindi 'yan mangyayari dahil nag-iingat naman ako," biro niya saka tumawa. Umiling ulit ako. Bahala talaga siya diyan kapag nagkataon na mabuntis siya. 'Wag lang talaga siyang iiyak sa akin dahil sasapakin ko talaga siya. "By the way, Sashira, samahan mo ako mamili sa mall. Mag-grocery ka na rin." umupo siya sa sahig katabi ko at tiningnan ang pinipinta ko na parang sinusubukan niyang hulaan kung ano ang ibig sabihin no'n. Ngumiwi ako. "Ikaw na lang. Tinatamad akong lumabas ngayon." Dahil siguro hindi niya maintindihan ang pinipinta ko ay hinirap na lang niya ako. Sumimangot siya. "Lagi kang tinatamad lumabas. Sa tuwing niyaya kita ay hindi ka rin sumasama. Paano ka niyan magkakaasawa kung lagi kang nakakulong dito sa bahay mo?" umingos siya. "Tss. Ano, aasawahin mo na lang ang mga paintings mo?" Bahagya akong tumawa. "Oo. Ito na lang ang aasawahin ko kasi alam ko namang hindi ako iiwan nito." Ngumiti ako nang natapos ako sa aking pinipinta. Every time na nakakatapos ako ng ganito ay ang sarap sa feeling. Kahit na nakakapagod ay worth it pa rin kapag natapos mo na. Para na rin akong nanganganak nito at sa kabila ng hirap ay mawawala naman iyon kapag nakita mo na ang pinaghirapan mo. It's all worth it. "Alam mo, Sashira, nakikita ko na ang sarili mo sa future na tatanda kang dalaga, mag-isa." Inirapan ko si Lara. "Ano naman ngayon? I'm used to being alone. Hindi naman masama. Masaya nga, eh." nagkibit balikat ako saka tumayo bitbit ang canvas at maingat na nilagay iyon sa lamesa. Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang aking kamay na may pinta. Nabibigong umiling si Lara. "Wala ka na talagang pag-asa, Sashira." hindi rin nagtagal, ang bigo niyang itsura ay napalitan ng nakakalokong ekspresyon. Saka siya lumapit sa akin at hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero determinadong-determinado niya akong tiningnan. "Pero hindi ako papayag na tatanda kang dalaga, Sashira! Ako ang bahala sa 'yo, kung kailangan kong manghila ng lalaki para sa 'yo ay gagawin ko!" Ngumiwi ako at kinunutan siya ng noo. Bahagya rin akong umiwas sa kaniya. "Tumigil ka nga diyan, Lara. Para kang baliw. Hindi ko naman kailangan ng lalaki, eh." Sinundan niya ako at hindi pa rin nawawala ang pagkadeterminado niya pero may halo na iyong pagkaseryoso. "I'm serious, Sashira. Worried lang ako sa 'yo. Alam ko namang kaya mong mamuhay mag-isa pero hindi ko naman nakikita na masaya ka tulad nang sinabi mo kanina. I mean, yes... you are happy pero alam kong nararamdaman mo rin na parang may kulang sa 'yo." Hindi ako nagsalita at umupo na lang sa sofa saka pinasadahan ng tingin ang pader ng aking painting room. Halos mapuno na ito ng mga paintings ko dahil araw-araw ay nagpipinta ako. May iba pa nga na nasa kwarto, sala, kusina, at kahit saang sulok ng aking bahay ay may paintings ko. 'Yong iba ay binenta ko, at isa rin ito sa pinagkakakitaan ko ng pera. Marahas na bumuntong hininga si Lara at pumunta sa harapan ko saka nameywang. "Ah, basta! 'Wag kang mag-alala, Sashira. Ako na ang bahala sa lovelife mo. Just sit there and relax..." saka siya ngumisi. Bagot ko siyang tinapunan ng tingin pero hindi ulit ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang ang kaibigan kong may malaking ngisi sa labi. Sinapo ko ang aking noo at umiling. Bahala na siya diyan. "Oo nga pala." umupo siya sa tabi ko. "Samahan mo na ako mamili sa mall, Sashira. Kahit dalawang oras lang." inilapit niya ang mukha sa akin saka nagpa-cute. Inis ko siyang tinulak palayo sa akin at napabuntong hininga. "Sige na nga! Magbibihis lang ako." Halos mapairap ako nang marinig ko ang pagpalakpak niya. Kapag siya talaga ang nangungumbinsi sa akin ay hindi na talaga ako nakakatanggi. Paano ba naman kasi ako tatanggi kung kinukulit niya ako palagi hanggang sa mapa-oo na lang ako. Kapag si Lara na talaga ay wala kang takas. Ayos naman na sana itong damit kong pambahay pero natapunan na kasi ng pangpinta kaya kailangan kong magpalit. Simpleng pambahay lang ang sinuot ko dahil hindi rin naman kami magtatagal saka mamimili lang naman kami. Hindi na kailangan pang magsuot ng bonggang damit. Wala rin naman kasi akong gano'n. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa aking kwarto. Natagpuan ko si Lara sa sofa ng sala na kumakain ng chichirya habang nanonood ng palabas sa TV. Nang maramdaman niya ang presenya ko ay agad niya akong binalingan pero napasimangot din agad nang nakita ang suot ko. "Ano 'yan?" nakabusangot niyang tinuro ang suot ko. Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit saka tiningnan iyon. Tinaasan ko siya ng kilay nang balingan ko siya. "Damit?" "Alam ko!" ngiwi niya. "Pero bakit ganyan ang suot mo? Magsuot ka naman nang maganda!" Kinunutan ko siya ng noo. "Ayos naman 'to, ah. Mamimili lang naman tayo, Lara." Sumimangot siya saka dismayadong umiling. "Hay naku, Sashira. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, eh." Inirapan ko siya. Puro boyfriend na lang nasa isip nito, eh. "Halika na nga bago pa magbago ang isip ko." Bumuntong hininga na lang si Lara at wala na siyang nagawa nang nauna na akong lumabas sa kaniya sa bahay. Magtataxi lang kami dahil pareho naman kaming walang sasakyan, tricycle sana pero ayaw namang sumakay ni Lara. Pumunta kami sa pinakamalapit na mall. Ang akala ko ay maggo-grocery kami pero ang babae ay pumunta pa sa bilihan ng mga sapatos. Nagbigay kasi ng pera ang sugar daddy niya kaya gusto niya agad bumili ng mga mamahaling sapatos. Napabuntong hininga na lang ako at hinintay si Lara sa pamimili. Gustong-gusto ko na siyang iwan pero sabi niya ay ililibre raw niya ako ng grocery kaya nagkibit balikat na lang ako at tahimik siyang hinintay. Nang sa wakas ay natapos na rin siya ay agad kaming nag-grocery. Halos isang oras din akong naghintay sa kaniya kaya sinadya ko talagang damihan ang kinukuha ko. That's a payment for almost one hour of waiting her. Busangot na busangot ang mukha niya pero hindi naman siya umaalma at hinahayaan na lang niya ako. Gusto ko siyang tawanan pero pinipigilan ko lang dahil baka bawiin niya lahat ito. Ayos 'to. Good for one month din itong grocery ko. Nang natapos kami sa pamimili ay agad naman iyong binayaran ni Lara. Sa labas lang ako naghintay sa kaniya dahil wala rin naman akong maiaambag doon sa cashier saka nagpapasikip lang ako roon. Habang naghihintay kay Lara ay may naramdaman akong tumabi sa kinatatayuan ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at umusog nang bahagya para hindi kami masyadong magkalapit. Pinipilit ko naman siyang ignorahin eh, pero ang kaniyang mabangong amoy ay nagkakaagaw ng atensyon ko, at sa amoy niya ay alam kong lalaki siya. Tumikhim ako saka tiningnan ang loob, nagbabakasakaling makita si Lara pero hindi pa rin siya tapos sa pagbabayad. Bumuntong hininga ako at naghintay pa. Nang tumikhim ang katabi ko ay hindi ko na naiwasang mapabaling sa kaniya, at hindi ko inaasahan na nakatingin na rin pala siya sa akin. Nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay pero tumaas lang ang isang sulok ng labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko pero nanatili ang tingin ko sa kaniya. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, takot, o ano. Creepy. "Sashira!" Iniwas ko lang ang tingin ko sa lalaki at binalingan si Lara na siyang tumawag sa akin. Dala-dala na niya ang mga pinamili niya. Bahagya akong natawa nang makita ang itsura niya. Hirap na hirap na siya sa mga dinadala niya at kunot pa ang noo. Para tuloy siyang nanay. Nang nakalapit na siya sa akin ay kinuha ko sa kaniya ang iba naming pinamili. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay nakakunot na ang noo niya nang bumaling siya sa katabi ko. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya at agad akong hinila palayo roon. "Jusko, Sashira! Sabi ko sa 'yong ako na ang bahala sa lovelife mo. 'Wag na 'wag kang lumapit sa lalaki na 'yon!" pabulong pero mariin niyang sabi. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" "Basta! Kung ayaw mong dugo ang iluha mo ay 'wag 'yong lalaki na 'yon!" Binalingan ko ang pwesto ko kanina kung saan nando'n pa rin ang lalaki. Ang pagtataka ay halata pa rin sa aking mukha. Nakatingin sa amin ang lalaki at kitang-kita ko pa rin ang multo ng ngiti sa labi niya. Ang kaniyang kayumangging mata ay parang mata ng lawin na binabantayan ang kaniyang biktima. Biglang nanindig ang balahibo ko sa hindi malamang dahilan. "Halika na, Sashira! Uuwi na tayo!" hinila ako ni Lara kaya naputol ang pagtititigan namin ng lalaki. Pinasakay niya ako sa taxi at nang nakasakay na kaming dalawa ay agad niyang inutusan ang driver na umalis na.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Ver Todos