logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 9

EDENACITY
SA loob ng isang coffee shop ay abala si Vhendice sa pag-examine ng mga files sa kanyang laptop habang nasa bakanteng mesa sa isang sulok. Saglit na inalis ng lalaki ang mga mata sa monitor at dinampot ang tasa ng mainit na kape at sumimsim.
Dalawang babaeng college students ang pumasok sa coffee shop at naupo sa table sa gawing likuran niya. Panay ang kwentuhan ng mga ito at dinig na dinig ni Vhendice ang paksa ng usapan.
"Tumawag ang kapatid ko. May sinabi sa akin tungkol sa chairman."
"Tungkol sa chairman?"
"Nakita raw niya,may kasamang babae ang chairman."
"Saan"
"Sa market raw."
"Baka hindi ang chairman iyon. Di ba nasa hospital pa siya?"
"Balita ko nakalabas na."
"Imposible iyon. Kung nakalabas na siya dapat alam ng buong capital para masalubong natin ang pagbalik niya. Hindi naman siguro ililihim iyon ng Andromida Conglomerate. Isa pa, hindi pumupunta ang chairman sa public places. Pagkakaguluhan kaya iyon, sigurado. Tapos may kasama pang babae?"
"Pero sabi ng ate ko ang Chairman daw talaga iyon."
"Eh, sino naman daw 'yong girl na kasama?"
"Hindi kilala ni ate. Pero super-pretty daw. Baka beauty queen o di-kaya'y international supermodel."
Meanwhile, after turning off the laptop, Vhendice slipped it inside his sling bag. Inubos ng binata ang kape at nag-iwan ng kanyang bayad sa ibabaw ng mesa saka umalis. Outside the coffee shop, while taking a hike at the sidewalk which would lead him to the parking area of the nearby supermall, his lips twist into a sardonic smile. Even the chairman himself is doing some monkey business in his idle time. At bakit ba may pakiramdam siyang kilala niya ang babaeng napili nitong gawing pampalipas-oras?
STA. ROSA CHANNEL
SA labas ng park,habang hinintay maluto ang biniling fish cake, nilinga ni Safhire si Athrun sa loob ng park at nginitian ang lalaki na nakaupo sa swing. Kinawayan niya ito. Gumanti ito ng kaway. Dinig niya ang ingit ng mga kable ng swing na umuugoy ng mahina. Nag-alala tuloy siya baka biglang bumigay iyon. Pambata ang swing na iyon.
"Ma'am, ibabalot ko po ba?" tanong ng tinderong binatilyo.
"Huwag na. Kakainin din namin'yan agad."
"Sige po, heto na po."
Kinuha niya ang sampung stick ng fish cake at isinawsaw sa maanghang na sauce at suka. Amoy pa lang nakakatakam na. Binalikan niya si Athrun bitbit ang biniling street food na nakalagay sa disposable paper plate.
"Here, try this." Naupo siya sa katabing swing at inabutan ng isang stick ang binata.
Hindi ito nag-atubiling tanggapin ang pagkain na agad isinubo sa bibig. Hindi muna siya kumain. Hinintay niya ang comments nito.
"What is this food? It's just delicious!" Komento nito.
"First time mo?" tanong niya.
"Uhm," tango nito.
Ngumiti siya. "You've wasted half of your life for not trying it even once."
"You're right," anitong kumuha ng tatlong stick mula sa hawak niyang paper plate at sabay-sabay na isinubo.
Natatawang pinapanood niya ang lalaki. Pitong piraso agad ang mabilis nitong naubos at tila hindi pa rin ito kontento. Kumuha siya ng tissue sa loob ng kanyang clutch bag at pinunasan ang sauce sa gilid ng mga labi nito.
"Ano ka ba? Ayusin mong pagkain. Para kang bata. Hayan pa sa damit mo,o!" Pinahid din niya sa tissue ang tumulong sauce sa suot nitong off-white cotton long sleeved shirt kungsaan bumakat ang mamasel nitong dibdib. "Ubusin mo na iyan. Bibili lang ako ng tubig." Ibinigay niya rito ang paper plate. Dalawang piraso pa ang natira roon na kinuha nito at kinain din.
MULA sa kanyang kinatatayuan ay pinanonood ni Ghaile ang mga batang naglalaro ng patintero sa labas ng park. Karamihan sa mga batang iyon ay nakatira sa isa sa mga orphanage ng Andromida Foundation. Nakakagaan sa loob pagmasdan ang masasayang ngiti sa anyo ng mga ito. Saglit na sinipat ng binata ang oras sa suot na relos. It's time to go home. Tumawid sa kabila ang doctor at binaybay ang side-walk.
Athrun is such a royal pain in the ass. Anong ginagawa nito rito sa children's park? At may date pa raw! Ang chairman nakikipag-date? Ang laking scoop. May pagkakaguluhan na naman bukas ang media.
Tinanguan ni Ghaile ang guwardiya na bumati. Pumasok ang doctor at sinuyod ng tingin ang buong park. Sa isang dako kungsaan walang gaanong mga batang naglalaro ay naroon ang chairman. Nakaupo sa swing. Wala itong kasama bagamat tila may hinihintay. Napansin agad siya nito habang papalapit siya sa kinaroroonan nito.
"Time's up, chairman!" pahayag niya.
"Is it?" Bahagya itong ngumiti.
"Playing time is over. We need to go back."
"Hmn, tapos na ba ang meeting?"
"Thirty minutes ago." Napansin ni Ghaile na panay ang tingin ng chairman sa entrance ng gate. "Are you waiting for someone?"
"Yeah, my beautiful fairy."
"Girl?"
"Yes."
"Where did you meet her?"
"Dito lang. Kahapon."
"She must be beautiful and nice."
"Very beautiful and very nice. Your weakness." Sinipat siya nito ng nanunuksong tingin.
Natawa lang siya. "My weakness huh?"
"Let's see. There she is!" Napako ang asul na mga mata ni Athrun sa babaeng papalapit.
Napatingin na rin siya at nagsalubong ang mga kilay. The woman is familiar. Wait! She is...It can't be! But how could she be here!
SAFHIRE MAGDALENE?
Ghaile mouth dropped open. Nakatingin din sa kanya ang babae at napamulagat nang makilala siya nito.
"Dr. Ghaile Sarmiento?" bulalas nitong hindi makapaniwalang sa lugar na iyon sila muling magtatagpo. "Oh, my God! Is it really you?"
Napatingin siya kay Athrun na tumingin din sa kanya. Nagtatanong ang asul na mga mata ng chairman.
"Yeah, it's me. How are you?" Iniwas niya ang paningin dito at ibinaling kay Safhire. "I never expected to see you here. What's going on? How about your job?"
"I quit. My husband and I are here for our honeymoon."
"You've got married?"
"Yeah, about three weeks ago."
That's why she suddenly resigned from her job? Because she get married? In his investigation, her personal record reveals that she's been engaged with the man went by the name of Ray Panganiban and that he died three months ago. Mali ba ang impormasyong nakuha niya?
"Magkakilala kayo?" sabat ni Athrun na hindi nakatiis.
"Sort of." Huminga ng malalim si Ghaile. Now that fate has decided, he can do no more. "Athrun, she's the woman you're longing to see. She is Safhire Magdalene."
HEARING the name, Athrun's breath halted. For a brief moment, he fell silent, immobile. This woman who was with him the whole time is the same woman he is wishing to meet since that day he came back to life? How stupid of him not to notice. Even her voice is very familiar. The other day when he met her at the waterfalls, he spotted a sense of recognition right into her eyes and that's because she knew it was him.
"Doc, naman...hindi mo na kailangang sabihin pa sa kanya. Isang linggo ko lang siyang inaalagaan." Himutok ng dalaga na hindi matingnan ng tuwid sa mga mata si Athrun.
"He has to know. He's been looking for you ever since that day." Paliwanag ni Ghaile. "You should be proud of yourself. You've done something great to him."
Namula ang pisngi ni Safhire. "Wala naman akong ginawa."
Umahon sa swing si Athrun. "You absolutely brought me back to life. You know, I've heard you during my sleep. Your voice, I heard you sing, telling me stories, sharing experiences one after another. Those things you wanted me to listen about. The flashing waves of the sea. The birds chirping somewhere. The noisy cars. Everything...I've heard them all. But I can't forgive you for not telling me who you are."
"I'm sorry. Hindi ko alam na naririnig mo pala ako kahit tulog ka." Pangangatwiran ng dalaga. Pagkuwa'y ibinigay sa kanya ang dalang mineral water.
Tinanggap niya ang tubig at hinapit ito. Niyakap. "You're cruel, my fairy."
"Athrun..." Nagtangka itong kumawala pero hinigpitan niya ang yakap rito.
"Just for a while, let me hold you. This is your punishment for making me look stupid." He whispered.
"Athrun..."
For him, holding Safhire much longer is ridiculous but fair punishment and truth is he didn't want to let go of her. But putting her in stressing situation is the last thing he would ever wanted. He broke away from her and opened the tightly sealed bottle of mineral water, quenching his thirst that was triggered by the unexpected revelation.
"We have to go, Athrun," pahayag ni Ghaile. Dumantay sa balikat niya ang isang kamay nito.
"Uhm," tango niya. "Come on, Saf. Let's get you home."He reached out a hand to her.

Comentário do Livro (108)

  • avatar
    Arlene

    Thank you for sharing this story... Sana magawan din ng kwento ang lahat ng member ng Nephilims... Good luck sa mga susunod na story mo... Abangan ko ung iba mo pang gawa... Ganda!!! Galing ng twist👏👏👏👏👏... Goodluck!!! Gawa lang gawa gang mapansin ka ng publisher at mapublish books mo...

    08/01/2022

      0
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    5⭐ . ang ganda ng kwento andaming pasabog..☺️ bawat chapter nakaka excite .

    22/12/2021

      0
  • avatar
    Mary Rose Ny Portillo

    what's your next story author? I want to know, super duper interesting Ng story mo tapos Hindi ko maimagine Yung lawak Ng kasulok sulokan Ng imagination mo para mabuo Yung story NATO 😳 Ang masasabi ko lang ,so amazing 😍 Keep it up❤️

    07/12/2021

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes