logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

SKY GARDEN TWIN TOWER HOTEL AND CONDOMINIUM, EDENACITY
ADONIS KAI VILLARANDA-ANDROMIDA a.k.a. GABRYLLE, Alpha Division Commander and Intel Tower and information control in-charge of Nephilims flashed a slight smile to greet Ghaile who was just entering at the VIP lounge of the condominium.
"Welcome back, Ghaile! It's been a while." Sinalubong nito ang doctor.
"Yeah, it's been a while. And it's nice to be back." Ngumiti si Ghaile. "I've heard from Rheeva that you took care of everything in Infirmaria while I'm gone. Thanks."
"No, not really. I'm just lending a hand to Lyam."
Pinutol ng pagtunog ng cellphone ni Ghaile ang pag-uusap nila. Kaagad na sinagot ng binata ang tawag.
"Ghaile here..."
"This is Rheeva..."
"Yes? What's wrong?"
"The chairman's gone. Jrex and Rey lost him."
"What the hell?"
"He escaped."
"God damn it! Again? You guys taking him so lightly!"
"But he left a note, says, he'll be home before dark."
"Are we supposed to believe that? Have you called Victor?"
"Yeah, they're out looking."
"I'm gonna get some help out here and we'll find him."
"Roger that."
Ibinaba ni Ghaile ang cellphone at nag-aalalang tumingin kay Gabrylle.
"What's the matter? Did something wrong happen to the chairman?" Usisa ng lalaki. Nag-alala na rin.
"He's gone."
"He must be doing some ocular visits."
"Magsabi man lang siya kahit paano."
"Would you allow him? You won't, would you?"
"We all know he's not yet stable."
"Ghaile, have a little faith in him. Athrun will never betray us. Alam niya ang kanyang limitasyon . Kung hindi kaya ng katawan niya, hindi siya aalis."
"I know that." Huminga ng malalim si Ghaile.
He just can't help worrying about Athrun too much. It's unbearable. He doesn't want to go back to those days of fear and anxiety. Those years and months, spending long hours inside the ICU watching the doctors revived Athrun every time he stops breathing. Ayaw na niyang bumalik sa panahong iyon.
VICTORIA'S GARDEN
MULA sa burol ay sinuyod ni Athrun ng tingin ang makapigil-hiningang tanawin sa ibaba. Ang malawak na taniman ng palay, flower farms at pastulan kungsaan nanginginain ang mga baka at tupa.
Huminga ng maluwag ang binata at tumingala. Maaliwalas ang kalangitan. Walang anumang palatandaang may darating na masamang panahon. Pumikit siya nang umihip ang malakas na simoy ng hangin at inilipad ang suot niyang visor. Tinangay iyon hanggang sa ibaba ng burol.
Pumihit ang lalaki. Tinunton ang makipot na daraanan pababa. Nakita niya ang kanyang visor sa patag, sa ilalim ng malaking pine tree. Banayad ang hakbang na tinungo niya ang puno pero umihip na naman ang hangin at muling tinangay ang visor papunta sa parang.
Hinabol niya iyon. Habang tinatawid ang malawak na parang ay nawili siya sa luntiang mga tanawin at huni ng mga ibong naglalaro sa papawirin. Hindi niya napansin na humantong siya sa kakahuyan. He stopped for a while. Iginala ang asul na mga mata at natuon sa bukana ng isang ilog.
Humakbang siya. Nawala ang visor niya. Baka nandoon. Pumasok siya sa bukana at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad. Binaybay niya ang gilid ng ilog hanggang sa sinapit ang isang lawa kungsaan bumabagsak ang magandang talon.
He froze.
Beneath the crystal clear water falls is a naked woman having her glorious afternoon bath. Is it a fairy? Must be. Nakatayo ito sa tuktok ng malaking bato at nakatingala sa tubig. She is awfully beautiful. A goddess in the golden sunset. Her exotic oriental complexion sparkled in the water like a luminous gem.
Athrun caught a deep sigh. Still motionless.
Kumilos ang fairy. Sumisid sa lawa at walang kapagurang lumangoy. He decided to go before she noticed he was there watching. He was about to turn back when he caught sight of his visor somewhere near the clothes of the fairy scattering beneath the tree. There's no wrong for getting it back but if he would try to get it now, the fairy might caught him and he'll surely be punished for peeking her while taking her bath.
"Who are you?" Tinig mula sa lawa. Nagtatanong.
Athrun's heartbeat faltered. My, it's too late. She noticed him. Lagot na siya. Baka gawin siya nitong palaka. Napangiti siya sa naisip. The fairy and the frog.
PUMIHIT ang lalaki. Humarap kay Safhire. Tigagal ang dalaga at natulala.
Sleeping Adonis?
But blue eyes! Like the eyes of an angel. Vibrant blue yet mysterious behind those thick eyelashes and there's a glimpse of sadness there, but why?
"I'm sorry, I didn't mean to sneak in here," he said after a while.
"K-kanina ka pa?" Pinagalitan niya ang sarili sa pagkaantada dahil sa sobrang kaba.
"Not so," sagot nito. "A fairy-like you should be more careful."
"May nakita ka?"
Tumango ito.
Siyempre, hindi naman ito bulag. Tanga talaga niya. "Anong nakita mo?" Usisa niya. Para na siyang mabibingi. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Kumakalabog sa kanyang dibdib na tila malakas at maingay na tambol.
"Lahat."
"A-ano?" Tumikwas ang kilay niya at namula ang pisngi. "Anong lahat?"
"Lahat na mayroon ka." Straight-forward nitong sabi.
Pakiramdam niya ay buong katawan niya ang nag-blushed. Sumisid siya, umaasang paglitaw ay wala na roon ang lalaki. Ngunit nagkamali siya dahil nanatili ito sa kinatatayuan at pinapanood siya. Mabilis siyang lumigid sa likod ng malaking bato at nagtago roon. Sinilip niya ang lalaki. He was smiling slightly. Ano kayang iniisip nito? Hindi naman siguro nito balak na samahan siyang maligo. But his gorgeous blue eyes were telling her he's up to something.
"What do you want? Go away!" Taboy niya rito. Ngayon lang siya nagtaboy ng isang anghel sa tanang buhay niya.
Kumilos ito. Lumapit sa kinaroroonan ng damit niya at pinulot ang visor na noon lang niya napansin na naroon.
Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang aalis na ito. Mabuti naman. Pero gayon na lamang ang panggilalas niya nang ihagis nitong muli sa isang tabi ang visor, kasunod ay naghubad ito ng suot na sweatshirt at pantalon na maong. He kicked off his shoes and took the socks off. Leaving everything behind scattering and plunged into the flowing lake.
Sa sobrang pagkagimbal ay parang nalunok ni Safhire ang sariling dila. Oh, God! This can't be happening. What in the world is he doing? He really joined her! Tumili ang dalaga nang lumitaw ito sa likuran niya. Mabilis siyang nakalayo at tinakpan ng mga braso ang dibdib.
"There's no point hiding them now, I've seen them already." Panunukso nitong kumikindat.
"W-what do you think you're doing?" Natatarantang singhal niya. Why is he so handsome, for crying out loud!
"Taking a swim," he replied calmly.
"B-but...why? I mean, I'm here! This is crazy..."
Matiim siyang tinitigan nito. Ang asul na mga mata nito, para bang hinihigop siya. She can't breathe. It's suffocating...
"Calm down, will you? I have no intention of hurting you or whatsoever. I'm not that bad to make a beautiful fairy cry." He became so gentle and his smile is reassuring.
Pinilit niyang ikalma ang sarili. But his presence is just so provoking. She can't bear it. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nalulusaw.
"I'm Athrun. What's your name?" tanong nito.
Saglit siyang natigilan. Sasabihin ba niya ang tunay niyang pangalan? But he already told him her name back when he's still asleep.
"Fairy, would it be okay if I call you that?"
"I'm not a fairy." Iningusan niya ito. Inaasar yata siya nito.
"You do look like one to me."
"Okay, Fairy, then," she said after considering. "Then I shall call you Angel." Ganting asar niya.
"Angel," saglit itong natigilan at nag-iba ang aura ng gwapong mukha. Biglang parang nagagalit. Kinilabutan siya.
"You're a strange fairy." Komento nito.
"I told you I'm not a fairy." Napipikon na siya sa panunukso nito.
He just laughed and took a dip then goes for another graceful swim.
Napalunok siya at bumuntong-hininga. Kahit sinong babae, tiyak nanaising gumanda kapag nakita ang lalaking ito. He's definitely a super-gorgeous. Gising man o tulog. Naaaliw siya sa panonood sa lalaki na tila walang kapaguran. Hindi siya umalis sa kanyang kinaroroonan. Hindi siya makaahon kahit gustuhin pa niya. Papaano siya aahon at magbibihis nang hindi nito nakikita? Wala na siyang ibang choice kundi ang maghintay na magsawa ito at umalis .Kailan pa kaya iyon? Hindi kaya mamayang hapon pa? Huwag naman sana. Baka hindi na siya makapunta ng department store.
Natanaw niyang sumampa ito sa tuktok ng malaking bato. Tumingala ito tulad ng ginagawa niya kanina at hinayaang bumagsak sa mukha ang malamig na tubig ng talon. Bahagyang nakatalikod ito sa kanya kaya malaya niya itong napagmamasdan.
He is tall. Every inch of his body is built like a mysterious art. The muscles are well-toned. Looking at him, no one would think he just came back from a life and death situation. That he just woke up from the state of coma.
Lumingon ito at tumingin sa kanya. He gave her a disarming smile. Fixing her eyes to him, she smiled back. Ang puso niya , naging abnormal na ang tibok simula pa kanina. Nakakatuliro. Kay Ray lang niya nararamdaman ang ganito noon. Ang feeling na tila may nagliliparang mga paru-paro sa kanyang sikmura at ang pangangati ng kanyang talampakan na hindi niya malaman kung bakit.
He turned around and took a plunge into the water. Lumangoy ito palapit sa kanya at lumitaw sa kanyang harapan. Nanindig ang mga balahibo niya nang muling nagtama ang paningin nila. His gorgeous but mysterious blue eyes alone are enough to stop the beating of her heart.
"Are you okay?" Maamo nitong tanong.
Tumango lang siya. Ngumiti ng tipid.
"I'm sorry, I didn't mean to ruin your afternoon bath," sabi nito.
Umiling siya. "No, you didn't. If you don't mind me asking, tagarito ka ba?"
"Yes. I live here. How about you?"
"Tourist. Me and my husband, were here for our honeymoon." Nakakalungkot na pati rito ay kailangan niyang magsinungaling.
He nodded slightly. "So, you're married?"
"Yes," tango niya.
"I'm too late."
"What?" Tumikwas ang kilay niya. Inaasar na naman siya ah!
"Just kidding. You're from Manila?"
"Yeah. I'm a nurse."
"And your husband?"
"He's a lawyer. Taga-Manila rin."
"I see." Muli itong tumango. "I think, I better go. Baka biglang dumating ang asawa mo, ayaw kong pag-isipan ka niya ng masama dahil sa akin." Pagkuwa'y paalam nito. At umahon sa lawa.
Ngumiti siya. Sinundan ng tingin ang lalaki. Nilapitan nito ang nagkalat na mga suutin at nagbihis. Muli ay napabuntong-hininga siya habang pinapanood ito. He's just too perfect and yet too real.
"I'll go ahead, fairy! Until next time..." He gave her a salute before leaving.
Kumaway siya bilang tugon. Aalis na rin siya agad. Mahirap na, baka may dumating na naman.
NAGHIHINTAY kay Athrun ang chopper na ipinadala ni Rheeva para sunduin siya. Sumakay kaagad ang binata matapos nag-iwan ng sulyap sa direksiyon ng pinanggagalingang talon. As the chopper ascended from the ground, he caught sight of his fairy running across the open field. His fairy, huh! He couldn't help but smile. Walang kokontra sa kanya. Binawi niya ang paningin at pumikit. That woman, she's the kind that men want to die for. Hindi basta-basta nalalapitan kung kulang sa lakas ng loob ang lalaki. And worst, ang tipong nakakasira ng pride.

Comentário do Livro (108)

  • avatar
    Arlene

    Thank you for sharing this story... Sana magawan din ng kwento ang lahat ng member ng Nephilims... Good luck sa mga susunod na story mo... Abangan ko ung iba mo pang gawa... Ganda!!! Galing ng twist👏👏👏👏👏... Goodluck!!! Gawa lang gawa gang mapansin ka ng publisher at mapublish books mo...

    08/01/2022

      0
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    5⭐ . ang ganda ng kwento andaming pasabog..☺️ bawat chapter nakaka excite .

    22/12/2021

      0
  • avatar
    Mary Rose Ny Portillo

    what's your next story author? I want to know, super duper interesting Ng story mo tapos Hindi ko maimagine Yung lawak Ng kasulok sulokan Ng imagination mo para mabuo Yung story NATO 😳 Ang masasabi ko lang ,so amazing 😍 Keep it up❤️

    07/12/2021

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes