logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 11

CHRYSANTHEMUM MANSION
Inalog ni Ghaile ang wine na laman ng hawak na crystal glass at pinagmasdan ang ice cubes na nagbubungguan. Mula roon ay nakikita niya ang magandang mukha ni Safhire Magdalene. Nakangiti at nangungusap ang mapupungay na mga mata.
Ayaw man niyang aminin pero matindi ang crush niya sa babaeng iyon. Nakakatawa na nakakainis. Ginawa niyang lahat para mahanap ito. Bigo siya. But Athrun found her effortlessly. Tadhana ba ang gumawa ng paraan para magtagpo ang landas ng dalawa? It feels like he's being cheated by some force beyond his control. It's disgusting.
Lumagok ng alak si Ghaile at umalis sa pagkakasandal sa malaking haligi. Humakbang ang binata palabas ng heavy glass door. At saglit na nahinto nang matanaw sa may pool ang chairman. Pasado alas-diyes na ng gabi. Dapat tulog na ito.
"Pasaway talaga!" Nabulong ng doctor.
Bumaba siya sa marble stairs at nilandas ang pathway patungong swimming pool. Nakaupo sa gilid ng pool ang chairman at may pinagkakaabalahan. Gumagawa ito ng mga bangkang-papel gamit ang luminous colored papers. Bawat matapos ay inilalagay nito sa tubig. Mayroon nang mahigit sampung bangka- bangkaang papel ang lulutang-lutang sa swimming pool at kumikinang dahil sa liwanag ng buwan.
"Chairman," pukaw niya rito.
"Hindi ka rin makatulog?" anitong hindi siya tinitingnan.
Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang reflection ng buwan sa tubig. "Those resident doctors in the district hospitals, they're all sulks. I can't believe they can't even handle minor operations there." Himutok niya.
Doon lang siya sinulyapan ni Athrun. "Be considerate, Ghaile. They're nothing like you."
"Bunch of cowards."
"You don't understand. Everything lies in there isn't about commitment. What they're after of having this kind of profession is something more tangible."
"I won't forgive doctors who compromise their patient's life for money," aniyang napapatiim.
"That's exactly the reason why I created Infirmaria and putting you and Lyam in-charge. I want you to do some changes in those hospitals under our control. Once we succeed, the rest of the world will definitely follow."
"Thank you for the trust. I'll try harder to live up to your expectation."
"That's great. Anyway, how's the renovation of Infirmaria west wing?"
Lumagok ng alak si Ghaile at ibinaba sa kanyang tabi ang crystal glass. "Regarding that, Haydees told me, he suspended the renovation for the meantime. That's about two months ago."
"Why is that?"
"May nagpasabog sa warehouse ng mga light materials. May casualty at sampu sa mga laborers ang sugatan."
"And you haven't told me anything?" Nagsalubong ang mga kilay ni Athrun.
"Inaalala ni Haydees ang kalusugan mo."
"But, still..." Ibinaba nito sa tubig ang bagong natapos na bangkang-papel. "I should be informed. My responsibilities won't change regardless of my health conditions. It's the resistance doing isn't it?"
"The elders' faction."
"The elders who thought they have the monopoly of right."
"Hindi natin sila pwedeng balewalain."
"They're just grubs. Nevertheless, I must stop them and the resistance before their forces ruined everything bit by bit."
"Leave them to us. You can't waste your time over pity things like crashing those irrelevant people." Dinampot ni Ghaile ang crystal glass at inubos ang natirang alak. Hindi pa oras para bumalik sa capital ang chairman. Pero nag-aalala siya baka hindi niya ito makayang pigilan. He has to find Haydees and talk to him. He's the only one who can persuade Athrun. But that jerk seems enjoying his own game.
VILLAMANOR
ALAS-DOSE na ng hatinggabi. Pagod na ang mga mata ni Safhire sa kapipikit. Ayaw pa rin siyang antukin. Nako-conscious siya sa lalaking natutulog sa kanyang tabi. Naririnig niya ang mahihina nitong mga hilik. At kahit hindi naman magkadikit ang kanilang mga katawan ay nararamdaman niya ang init na nagmumula rito. Parang mapapaso ang kanyang balat.
Huminga ng malalim ang dalaga at nagdilat ng mga mata. Biglang gumuhit ang matalim na kidlat at tumagos ang liwanag sa maliit na awang ng mga bintanang hindi nakasarang mabuti,kasunod ang malakas na kulog na yumanig sa kapailigiran at ang walang babalang pagkamatay ng mga ilaw.
Napasinghap si Safhire at bumalikwas ng bangon. Sa sobrang dilim ay wala siyang makita na kahit ano. Kinapa niya sa kanyang tabi si Vhendice. Nahawakan niya ang braso nito. Ginising niya ang lalaki.
"Vhendice! Vhendice!" Niyugyog niya ito.
Umungol ang binata. "Hmm...what is it?" tanong nito sa tinig na inaantok.
"Bumangon ka muna. Kumuha ka ng ilaw."
"Ano bang nangyari? Bakit ang dilim? Black-out ba?"
"Bigla na lang namatay ang mga ilaw pagkatapos kumulog ng malakas kanina," sabi niya. Unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. Naaaninag niya si Vhendice na bumangon at may inabot sa ibabaw ng side-table. Ang cellphone yata. Maya-maya'y nagliwanag iyon.
"May flashlights at mga kandela doon sa kitchen. Kukunin ko lang," wika nito at bumaba ng kama.
"Sasama ako." Mabilis din siyang nakababa.
Magkasama silang lumabas ng silid. Para siyang batang nakakapit sa damit ni Vhendice habang nilalandas nila ang madilim na hallway. Sa labas ay bumubuhos na ang malakas na ulan. Wala na ring tigil ang pagkulog at pagkidlat. Nakaramdam na siya ng takot.
"Hindi ka ba nakatulog ng mabuti?" Hinawakan ni Vhendice ang kamay niya at banayad na pinisil.
Hindi siya tumutol. "Naninibago lang ako," sabi niya. "Ikaw naman, parang sanay na sanay kang matulog na may babaeng katabi."
"I seldom sleep without a woman in my bed," he answered plainly.
"You must be very popular with the girls."
"Hindi ba halata?"
"Halata, ang kayabangan mo."
Tumawa ang lalaki. "Bakit feeling ko nagseselos ka?"
"Feeling mo. Hindi ako nag-aalaga ng ganoong virus sa katawan ko."
Lalo itong natawa.
Narating nila ang hagdanan na magkahawak-kamay pa rin. Nagtuloy sila sa kitchen. Binitiwan siya ni Vhendice at tinunton nito ang cabinet. Binuksan. Nilabas nito mula sa loob ang emergency light at tatlong malalaking kandila. Binuksan ng binata ang emergency light matapos nitong i-abot sa kanya ang mga kandela.
Muling gumuhit ang matalim na kidlat na sinundan ng malakas na kulog. Napapitlag siya. Parang nayayanig ang buong villa. Umusod siya at sumiksik kay Vhendice.
"Scared?" Isinara nito ang cabinet at kinuha sa kanya ang dalawa sa tatlong kandelang hawak niya. "It's not like you to be scared with lightnings and thunders." Komento nito.
Hindi siya nagsalita.Habang palabas sila ng kitchen ay mahigpit siyang nakakapit sa braso ng lalaki. At sa tuwing kikidlat at kukulog ay sumusubsob siya sa balikat nito. Isipin na nito ang gustong isipin. May mga candle holders sa hallway. Doon inilagay ni Vhendice ang dalawang kandela at sinindihan sa lighter.
"Si Eddie kaya?" aniya.
"Don't worry, he's fine."
Bumalik sila sa kwarto niya. Pagdating doon ay kaagad niyang isinara ng mabuti ang mga bintana habang ang binata ay naghahanap ng mapagtitirikan sa kandela. May natagpuan itong kandilero sa pinakahuling drawer ng side table. Doon nito inilagay ang kandela, ipinatong ang kandilero sa ibabaw ng mesita at sinindihan sa lighter ang kandela.
He turned-off the emergency light. Nagtungo siya sa kama at naupo roon. Bigla siyang gininaw. Kinikilabutan siyang di niya mawari.
"If you're still afraid, you can ask me to hold you." Now it's obvious that he's teasing her. Gusto niya itong sipain.
"Never mind. Thank you na lang. But I can handle this fear."
"You're acting fine but I know you're shaking. Come on, say it." Nahiga na uli ito.
"I'll be fine." Nahiga na rin siya. Hinapit niya ang kumot at tinalikuran ang lalaki.
He came closer. Then she felt his arm surrounded her from behind.
"Itigil mo 'yan kundi tatamaan ka sa akin." Babala niya.
"Come on, Safhire. Stop protecting yourself from me. You should trust me. I won't do anything against your will." Hindi nito inalis ang braso sa pagkakayakap sa kanya.
Hindi siya kumibo. Ang yakap na iyon ni Vhendice ay nakakapagdulot sa kanya ng kapayapaan kahit papaano. Unti-unting nawala ang takot niya. At ang init ng katawan ng lalaki na nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang laman ay inaalis ang nadarama niyang ginaw.
"Humarap ka sa akin," anas nito.
Pumihit siya.Humarap rito. "Huwag kang mag-isip ng kung ano. For all you know iniingatan ako ni Ray. Kahit engaged kami hindi niya sinubukang-"
"He did'nt touch you inside, I know that. And I admire his patience. Ray must have loved you so much." Hinagkan siya ni Vhendice sa noo. "Matulog na tayo."
Tumango siya at ipinikit ang mga mata. Kung mahal siya ni Ray, makikinig ito sa kanya. Kung mahal siya nito, hindi ito pupunta ng Nephilim city para lang mamatay. Kung mahal siya nito, hindi siya nito iiwan. Ibinaon niya ang mukha sa dibdib ni Vhendice. Sa unang pagkakataon, mula ng mawala si Ray, nakatulog ng mahimbing si Safhire habang nakakulong sa mga bisig ng ibang lalaki.
MELENDRES PORTAL
ITINABI ni Ghaile sa shoulder ng daan ang sasakyan at bumaba. Natanaw ng doctor ang chairman sa may guardhouse kausap ang mga guwardiya. Suot nito ang puting jogging pants, sweater na halatang basang-basa na ng pawis at running shoes.
Hindi pa pumuputok ang araw nang umalis ito kanina para mag-jogging. Now, it's seven-thirty. Kinalimutan na naman yata nito ang breakfast at ang mga gamot na kailangang inumin sa oras. Seems like he's having a good time talking to the security guards.
Napapailing na lamang si Ghaile. Kungsabagay, kapag bumalik na sa capital si Athrun, tiyak mawawalan na ito ng panahon para sa mga ganoong bagay. Malamang kahit ang ngumiti ay hindi na nito magawa. Kaya tama lang siguro na pagbigyan niya ang chairman habang may natitira pang kunting oras para makapaglibang ito. Banayad ang hakbang na lumapit ang doctor. Nakita siya ng mga guwardiya.
"Good morning po, director!" Magkakasabay-sabay na bati ng mga ito.
"Good morning," ganti niya at tumingin kay Athrun. "Good morning, chairman!" bati niya rito.
"Hi, Ghaile!" Ngumiti ito.
"If you're done here, let's go back."
"Uhm," tumango ito. At nagpaalam sa mga guwardiya. "I'm having fun, boys. Let's do this again some other time."
"Anytime po, chairman. Nandito lang po kami," sabi ng head guard.
Habang naglalakad patungong sasakyan ay kinapa niya ang likod ng chairman. Basang-basa ng pawis tulad ng hinala niya.
"I brought you an extra shirt."
"Thank you."
"You should hurry and get change."
Tumango ito. "My feet, they're hurting." Angal nito.
"Malayo ang tinakbo mo, natural sasakit 'yang mga paa mo. Binigla mo pa."
Sinapit nila ang sasakyan. Ibinigay niya rito ang extra-shirt. Kaagad nagbihis ang chairman. Bago niya binuhay ang makina ng sasakyan, inabot niya rito ang isang local newspaper.
"Take a look at their front page. It's pretty disturbing," sabi niya rito.
Kinuha ni Athrun ang pahayagan at sinilip ang front page.
CHAIRMAN NG ANDROMIDA CONGLOMERATE NAKITANG MAY DATE
"Maraming nakakitang kahawak-kamay mo siya habang nasa market kayo."
"Disturbing nga." Napahawak ito sa batok.
Pinausad ni Ghaile ang sasakyan. "This would create a ruckus. Magpatawag ka na ng press conference so you could clarify this issue."
"No. Let everyone believed what they want. I wouldn't give a damn about it."
"But the resistance-"
"Especially the resistance and the people behind them. I have to make them realize the Andromida head would never bow down to them." He smiled in spite of the controlled anger in his blue eyes. He might not be a cruel chairman but he is the most handful and stubborn of them all.
"That's right," tumango si Ghaile. "But then the media would never let it rests. Surely by now, they started banging-up Edena. And even Saf might end-up being chase by the press."
"Hmn, unless one of us clarify this issue, every single media in town won't remain easy."
"You can even expect them camping outside our walls again."
"I hate that."
Tumunog ang communication line ng sasakyan. Galing ang tawag sa guardhouse.
Isinuot ni Ghaile ang earphones at binuksan ang linya. "Ghaile here..."
"Director, may mga taga-media po na dumating at nagpupumilit pumasok." Balita ng headguard.
"Harangin n'yo. Walang papapasukin kahit isa. Kapag may nakalusot, sisante kayo." Iyon lang at pinatay ng doctor ang communication line. Binilisan ang takbo ng sasakyan.
"That's a little harsh, don't you think?" Komento ni Athrun.
"Would you allow me to send out the hunters instead?"
"That's morbid."
Sinulyapan ito ni Ghaile. He's still calm and compose as if nothing is happening out there. How can this man be so abnormally kind even now that he has the heart of another person inside him? He hasn't changed a bit.

Comentário do Livro (108)

  • avatar
    Arlene

    Thank you for sharing this story... Sana magawan din ng kwento ang lahat ng member ng Nephilims... Good luck sa mga susunod na story mo... Abangan ko ung iba mo pang gawa... Ganda!!! Galing ng twist👏👏👏👏👏... Goodluck!!! Gawa lang gawa gang mapansin ka ng publisher at mapublish books mo...

    08/01/2022

      0
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    5⭐ . ang ganda ng kwento andaming pasabog..☺️ bawat chapter nakaka excite .

    22/12/2021

      0
  • avatar
    Mary Rose Ny Portillo

    what's your next story author? I want to know, super duper interesting Ng story mo tapos Hindi ko maimagine Yung lawak Ng kasulok sulokan Ng imagination mo para mabuo Yung story NATO 😳 Ang masasabi ko lang ,so amazing 😍 Keep it up❤️

    07/12/2021

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes