“Head Engineer!” Mabilis akong napalingon sa isang construction worker na humahangos sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Bahagyang kumunot ang noo nang makitang may dala itong cellphone na hawak ng kaliwang kamay nito. Halatang natataranta at kinakabahan. I was wondering why he’s running that fast. “Yes, of course, you may check it anytime.” mabilis na sagot ko kina Royce at Ricky. Silang dalawa ang site engineer na ipinadala ng kompanya para tumulong sa akin. Sinenyasan ko na sila na mauna sa loob kaya nauna na silang pumasok doon. Pagkapasok ng dalawang engineer sa loob ay agad akong bumaling sa construction worker upang tanungin kung ano ang kaniyang sadya sa akin. “Bakit po?” magalang na tanong ko sa construction worker na naghahabol pa ng hininga. Mukhang tumakbo pa siya mula sa main office hanggang sa mismong construction site. Medyo malayo rin ‘yon dito. Halos sampung minuto kung tatakbuhin kung hindi ako nagkakamali sa pagtantiya. Hindi siya sumagot bagkus ay mabilis niyang iniabot sa akin ang cellphone. Tumaas ang kilay ko nang makitang cellphone iyon ni Lance. Agad kong tiningnan ang pangalan ng caller at awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng bunsong anak ng may-ari ng kompanya na pinapasukan ko. “Iya.” bungad ko sa nasa kabilang linya. “Ate Ali, are you currently available? Isinugod si Papa sa hospital ten minutes ago I called kuya Lance but he said he can’t go because he’s currently in the meeting with the client. So I asked him if you’re currently in the site and he said yes. Baka available ka, ate. Please, I can’t go. Nasa klase pa kasi ako.” Napahilot ako sa sintido ko nang marinig ang balitang ‘yon. Mukhang napapadalas na yata ang pagbisita ni Tito sa hospital. Halos tuwing linggo ay nababalitaan kong isinusugod siya sa hospital. Pwede naman kasing mag-stay na lang siya roon bilang in-patient kaso talagang napakakulit nito at ayaw pumayag. Mas gusto raw nitong nasa bahay dahil mas maayos daw ang kaniyang pakiramdam doon kumpara kapag nasa hospital. “Sa dating hospital pa rin ba? Sa Diliman Doctor’s Hospital ‘no?” tanong ko kay Iya. Sanay na akong doon dinadala si Tito Justin kaya alam ko na kung saan iyon. Nang marinig niya ang sinabi ko ay mukhang nakahinga naman siya nang maluwag. Akala yata niya ay tatanggi ako. Kailan ko ba naman sila tinanggihan? Kahit pa siguro hating gabi sila tumawag ay apupunta pa rin ako. Gano’n kataas ang respeto kay Tito at isa pa napakalaki rin ng naitulong niya sa akin magmula pa noon. “No, ate.” mabilis nitong sagot. “Eh saan?” “Sa UST Hospital po” Bigla akong natahimik nang marinig ang sinabi ni Iya. Hindi ko maiwasang kabahan nang marinig ko ang pangalan ng hospital na iyon. “Ate andyan ka pa?” “Yes, Iya. I’ll be there. Send me the details.” sambit ko saka mabilis na pinatay ang tawag. Mabilis kong iniabot pabalik sa construction worker ang cellphone ni Lance at nagpasalamat dito. Bumalik ako saglit sa loob para magpaalam sa dalawang site engineer. Hindi ko alam kung magtatagal ba ako sa hospital pero sinabi ko na baka bukas na ako babalik dahil alas dos na rin naman ng hapon at paniguradong ‘pag bumalik pa ako rito mamaya ay wala na rin naman akong aabutan maliban sa mga trabahador na doon na mismo natutulog. Mabuti at hindi traffic kaya mas napaaga ang dating ko sa hospital. Pagbaba ko sa kotse ay inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid. Gano’n pa rin ang lugar. Halos wala iyong pinagbago kahit anim na taon na ang nakalilipas. Huminga ako nang malalim upang kalmahin ang aking sarili. Hindi naman siguro kami magkikita dahil masyadong malaki ang hospital at isa pa hindi rin naman ako magtatagal. Kailangan lang ni Tito nang makakasama pansamantala. Kapag tapos na ang klase ni Iya paniguradong didiretso na rin ‘yon dito. Naglakad na ako papasok sa loob at paisa-isang tiningnan ang mga room number ng pintong madadaanan ko. “Ma’am, anong room number po ang hanap niyo?” tanong ng isang lalaking nurse sa akin Agad ko namang ipinakita sa lalaking nurse ang chat ni Iya. “Ah, room 121. Doon po Ma’am sa pinakadulo. Dumiretso lang po kayo.” Nagpasalamat ako agad sa nurse bago ako muling naglakad patungo roon. Hindi na ako kumatok doon at basta na lang ako dumiretso nang pasok. “Yes, Doc. I’ll make sure to follow your suggestion.” saad ni Tito sa kaniyang Doctor na nakatalikod sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang gising na si Tito Justin. Ngumiti agad siya nang makita niyang naroon na ako. “Good thing you’re here, hija. I want you to meet my doctor here in UST, Doctor Alistair Altamirano.” sambit niya. I blinked when I heard it, not really processing what he said. Tito Justin gave me a wide smile and gestured me to come near him. The doctor turned around to look at me. The moment our eyes met, I swear parang gusto ko na lang na mawala ako bigla o ‘di kaya ay magpalamon nalang sa lupa. The doctor smiled at me. He even scoffed when he saw my reaction. “Doc Altamirano, this is Alissa Valeria, she works as the Head of Civil Engineering Department in my company and she’s like a daughter to me. She’s pretty isn’t she?” The doctor gave me a side-look before he smiled to Tito Justin. He even responded with a nod. I was about to greet them when my phone suddenly rings. Alanganin akong ngumiti sa kanilang dalawa. “Excuse me po, Tito, sasagutin ko lang po yung tawag.” pagpapaalam ko. Tito Justin immediately nodded. Tatalikod na sana ako nang biglang may maalala. “Uhm, Doc. Pwede bang h’wag mo muna siyang iiwan? Babalik din naman ako kaagad.” The doctor immediately nodded. “Sure thing, Engineer Valeria. Hindi naman ako kagaya mo.” malamig na sabi niya. Marahan umikot para muli siyang lingunin. Our eyes met but I immediately looked away because I can’t handle the stare he’s giving me. Nakakatakot. Nakakapaso. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya ng matagal dahil naaalala ko lang lahat ng pagkakamali kong nagawa anim na taon na ang nakalilipas. “I mean, hindi ako nang-iiwan basta-basta.” Alam ko. Kasalanan ko. Dahil iniwan kita.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice
27/01
0mabuting construction workers
01/01/2025
0wc too you
14/12/2024
0Ver Todos