logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

SAFARA'S POV
Nagpalit na ko ng damit matapos naming ayusin 'yung sirang gripo.
Basa pa rin ang kwarto ko kaya nililinis pa rin ng mga maid.
Pagbaba ko ng kwarto, naabutan ko sina Mama at Kirk na nag uusap.
"Dito ka na mag hapunan." Aya ni Mama. "Dito ka na rin matulog. Mukhang may jetlag ka pa, i."
"Okay lang po, Tita. Makakauwi naman po ako."
"Dito ka na lang mag hapunan. Ako magluluto---."
"Hindi pwede!" Putol ni Mama sa sinasabi ko. "May mga katulong naman, bakit ikaw pa magluluto?"
"Marunong naman akong magluto, Ma. Hindi naman ako tamad 'no. Hindi ako sanay na walang ginagawa."
"Tutulungan ko na lang po siya magluto." Ang kaninang galit na mukha ni Mama biglang lumiwanag.
'Boang.'
"Dapat mag pahinga ka lang muna. Hayaan niyo na lang ang mga katulong ang magluto."
"Okay lang po, Tita. Gusto ko pong tulungan si Safara na magluto." Tiningnan pa niya ko at tsaka ngumiti.
"Haays! Sige na nga." Napangiti naman ako.
'Sa wakas! Pinayagan din akong magluto!'
Dumiretso kami sa kusina ni Kirk.
"Suot mo 'tong apron." Sabay abot ko sa kanya ng apron.
"Pa'no ka?"
"Hindi ako nag e-apron. Hindi naman ako makalat gumawa."
"Kahit na. Isuot mo pa rin 'to." Pilit niyang sinusuot sa'kin 'yung apron pero hinaharangan ko siya ng dalawa kong braso.
"Sayo na nga 'yan." Natatawa kong usal.
"Safara." Seryosong banggit niya sa pangalan ko. "Isuot mo na 'to."
"Magluto na lang tayo." Narinig kong napabuntong hininga siya pero hindi ko na 'yon pinansin.
Tinalikuran ko siya at tsaka naghanap ng mga rekado para sa lulutuin ko.
"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod.
"Ano bang gusto mo?" Tumabi siya sa'kin.
"Tinanong kita tapos tinanong mo din ako, mag tanungan na lang tayo, h'wag na tayong magluto." Natawa naman siya.
"Your favorite menudo."
"Okay, Boss!" Kinuha ko na 'yung mga rekado.
Tinutulungan niya kong maghiwa.
"Nag text nga pala sa'kin si Kale kanina, sabi niya group study daw tayo sa Sabado, bonding na din daw."
"Saan daw?"
"Kayna Kale. Doon kami palagi nag aaral, i." Napatango na lang siya.
*****
Pagkatapos naming magluto ni Kirk, inihanda na ng mga katulong 'yung pagkain.
"Siguraduhin mo lang na masarap 'yang luto mo, Ara." Seryosong usal ni Kuya.
"Aba, mas masarap kaya ako magluto kaysa sa----." Natikom ko na lang ang bibig ko ng pandilatan niya ko ng mata.
'Hindi pala alam ni Mama na may ex si Kuya hehe.'
Nang maihanda na ng mga maid 'yung pagkain, nag simula na kaming kumain.
"Ang sarap!" Masayang sigaw ni Mama. "Ang galing mo pa lang magluto, Kirk!"
'Ako kaya ang nagluto!'
"Salamat po." Narinig ko pang mahinang natawa siya.
'Tch. Palibhasa hindi marunong magluto.'
Pinagpatuloy ko na lang 'yung pag nguya ko.
'Ako ang nagluto pero si Kirk ang pinuri? Magaling ka, Ma! Sobra!'
*****
Papasok pa lang sana ako ng kwarto ko kaso lang tinawag ako ni Mama.
"Po?"
"Ihatid mo si Kirk sa labas."
"'Di ba dito siya matutulog?"
"Ipapahatid ko ba siya sayo sa labas kung dito siya matutulog?"
'Minsan ang sarap konyatan ni Mama.'
Nakanguso akong lumabas ng bahay. Nakasunod sa akin si Kirk na kaninapa nagpipigil ng tawa.
"Mautot ka sana." Malakas na siyang tumawa.
"Hanggang ngayon pilosopo pa rin si Tita 'no?" Natatawa niyang tanong.
"Kaya mo pa bang mag drive? Pwede namang matulog ka muna dito."
"Sa condo na lang ako. Nandu'n din kasi 'yung mga bagahe ko." Ginulo niya 'yung buhok ko. "Aalis na ko. Tatawagan na lang kita bukas"
"Wala ka bang pasok bukas?"
"Meron na." Tumango ako. "Aalis na ko, pumasok ka na sa loob." Kinawayan ko siya bago pumasok sa loob.
*TING!*
From: Lyn
Message: May pagkain pa kayo?
Nahampas ko na lang ang sarili kong noo.
*TING!*
From: Lyn
Message: Ni-lock kasi ni Kale 'yung mga pagkain sa kwarto niya, hindi tuloy ako makakuha.
To: Lyn
Message: Bukas na lang. Mag pabili ka kay Kale ng pagkain.
Umakyat na ulit ako sa kwarto ko at tsaka ako nahiga sa kama at natulog.
*****
Isang linggong a-absent si Manong Kit kaya isang linggo din akong sasabay kay Kuya papuntang school.
"AAAARAAAAAA!!!" Ang lakas ng katok niya sa kwarto ko. "BILISAN MO, MALE-LATE AKO SA TRABAHO!"
"Sandali lang!" Kinuha ko ang bag ko sa kama at tsaka ako lumabas ng kwarto.
"Anong itsura 'yan? Hindi ka ba marunong mag suklay?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Makakapag-suklay pa ba ko kung pinag-mamadali mo ko? Tabi nga!" Tinulak ko siya pagilid para makadaan ako.
'Male-late daw. Tch. Gusto lang naman niyang makita si Ate Michelle.'
Kumuha na lang ako ng isang sandwich sa kusina at tsaka ako nag paalam kay Mama na papasok na ko. Sa kotse na lang ako kakain.
"Bilisan mo! Relax na relax kang maglakad pero ang totoo atat na atat ka ng makita si----." Naputol 'yung sinasabi ko ng bigla siyang tumakbo at tinakpan ang bibig ko.
Pilit niya kong pinasasakay sa kotse.
"Aray naman!" Reklaamo ko ng tanggalin niya 'yung pagkakatakip sa bibig ko.
"Masiyado kang maingay! Baka marinig ka ni Mama." Sinimulan na niyang paandarin ang kotse niya.
"Nye nye nye." Pang aasar ko pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada. "May suklay ka ba?"
"Wala. H'wag ka ng mag suklay, bagay naman sayo ang ganyang ayos."
"Palibhasa ayos na ayos ka kapag kaharap mo si Ate Michelle." Sinuklay ko na lang 'yung buhok ko gamit ang daliri ko.
"Just shut up, Ara. Baka pababain kita." Malakas naman akong tumawa.
Lagi niyang sinasabi sa'kin t'wing sumasabay ako sa kanya na kapag binanggit ko si Ate Michelle, pabababain niya ko, hindi naman niya ginagawa.
Pagkarating namin sa tapat ng school, bumaba na agad ako.
"Si Ate Michelle, o." Turo ko sa kaliwa niya.
"Pumasok ka na, sagasaan kita." Tatawa-tawa akong pumasok ng gate.
'Pikon.'
Habang paakyat ako ng hagdan, pinag-titinginan ako ng mga estudyante.
'Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?'
Pagpasok ko ng room, nagkakagulo ang lahat. Nag babatuha ng papel 'yung mga lalaki. 'yung mga babae namna, iritang-irita na.
Naglakad ako papunta sa upuan ko.
"They're so annoying!" Iritang saad ni Dorothy. "Kanina pa sila nag babatuhan ng papel."
"Natamaan pa nga ko sa mukha, i." Nakangusong usal ni Lyn habnag binubuksan 'yung isang pagkain niya.
"Nasaan si Kale?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Nasa cafeteria, may bibilhin daw siya." Tiningnan niya ako ng parang nandidiri. "Don't you know how to comb your hair?"
"Pinag-mamadali kasi ako ni Kuya kaya hindi ako nakapag-suklay."
"Here's my extra comb." Sabay abot niya sa'kin ng suklay niya. "Mag suklay ka, mukha kang bruha."
Sinuklay ko na lang ang buhok ko. Natamaan pa ko ng papel na bola sa mukha. Batuhin ko kayo ng kulangot na pinabilog?
Bigla na namang nag tilian 'yung mga kaklase naming babae. Hinid ba sila napapagod tumili?
"Caesar!"
"Bakit ang kalat?!" Malakas na sigaw ni Kristoff. "Hindi ba kayo marunong mag tapon ng maayos!? Linisin niyo 'yan!" Agad naman nag si-tayuan 'yung mga lalaki at tsaka pinulot 'yung mga papel na nakakalat.
"Bossy?"
"Ayaw niya ng makalat." Si Dorothy.
Nag tuloy-tuloy silang tatlo hanggang makarating sila sa pwesto nila. Wala 'yung Oliver.
Narinig kong napabuntong hininga si Dorothy pero hindi ko na lang 'yon pinansin.
May bigla na lang tumakbo papasok sa room namin na isang babae na hingal na hingal.
"Si Oliver sinapak ng isang babae!" Agad na tumayo sina Kristoff at tsaka mabilis na lumabas ng room.
Dahil dakilang chismosa ako, inaya ko sina Lyn na sumunod.
Nakarating kami sa cafeteria, nakisingit pa kami sa mga estudyante. Doon lang namin nakita si Oliver na tinutulungan tumayo ni Kristoff at Juan. Nasa harapan nila si Kale na nakakuyom ang kamao.
"Kale!" Lumapit kaming tatlo kay Kale. "Anong nangyari?"
"H'wag mo kong lalapitan kung ayaw mong mawalan ng mukha, naiintindihan mo!?" Padabog siyang lumabas ng cafeteria na sinundan namin ni Lyn.
Anong nangyari?

Comentário do Livro (112)

  • avatar
    Khaled Peñones

    kbdjsj

    17d

      0
  • avatar
    Angel Bolo

    nice

    11/08

      0
  • avatar
    Nela Toston Bucatcat

    hi penge dias lng plsss

    19/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes