logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Si CareLikeGoldFish ay isang magaling na writer. Ewan, bigla ay nahumaling ako sa mga akda niya na hindi ko na halos napagtuonan ng pansin ang mga akda ni Ara.
Mystery-thriller ang main genre niya na taliwas naman sa panlasa ko, kaso... mayro'ng iba sa istilo niya. Bigla niya akong nahuli, e.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa notif ang update niya. Kagat-kagat ko ang labi para pigilan ang isang tiling kumawala sa bibig ko. Agad ko 'yong pinindot at nag-vote.
Napunta ako sa author's message board niya at tinadtad siya ng pasasalamat. Mga thirty posts lang naman kaya ayos lang. Tapos, in-check ko ang followers, almost one hundred thousand na. Aba... famous na siya!
Pinaglandakan ko sa timeline ng Facebook account ko ang bagong update ni CareLikeGoldFish.
Tapos, bigla na namang nawala ang koneksyon ng WiFi. Napabuntong-hinga ako.
"Oo na, Ma! Papunta na riyan!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Alam kong pinatay niya ang WiFi para bumaba ako sa sala.
Kinuha ko ang Biology book at hinagis ang Xiaomi sa kama. Hindi ko na dadalhin sa ibaba dahil malamang ay hatinggabi pa ibabalik ang WiFi.
Tapos, magdadahilan na lang ako na nag-aaral kaya hindi agad ako nakababa para sa hapunan. Dadalhin ko 'tong libro bilang ebidensya.
Tinali ko ang buhok nang ponytail bago lumabas ng kuwarto. Bitbit ko ang libro hanggang makababa ako sa hagdan. Hindi ko na hinanap si Mama dahil alam kong papakainin lang niya ako.
Didiretso sana ako sa kusina kaso biglang may umikhim at tumawag sa akin. Lumingon ako sa sofa. Nakita ko si Mama at may kasama siya. Ang Vine.
Anong ginagawa nila sa bahay?
Humalukipkip si Mama. "Halika rito, Joy. Kilala mo raw sila."
Napakurap ako. "O-Okay..."
Nahigit ko ang hininga nang mahuli ko si Tiden na nakangiting nakatingin sa akin. Isa-isa ko silang tiningnan. Lahat ay nandito pwera kay Nicole. Napalunok ako. "A-Anong ginagawa niyo rito?"
Naningkit ang mga mata ni Mama. "Kayo na muna mag-usap." Bumaba ang tingin niya sa librong hawak ko. "Nag-aaral ka? Mabuti pa'y kausapin mo sila, at kumain ka pagkatapos para makapag-aral ka ulit sa itaas."
"Sige, Ma."
Nag-excuse siya sa Vine at naunang gumayak sa itaas. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Tiden. "Anong ginagawa niyo rito? A-At..." Sumulyap ako kay Levi. Nakababa ang tingin niya sa Iphone na hawak. "H-Hindi ko alam na kabisado mo pala ang El Grande Lat, Tiden."
Tumayo si Tiden at lumapit sa akin, "Si June ang naghatid sa amin dito. Hindi ko alam na nasa Arbor pala ang EGL."
"Ah." Lumunok ako. Hindi ko alam kung matutuwa dahil sobrang lapit ni Levi sa akin, o mahihiya sa kaniya dahil nakasuot lang ako ng simpleng pambahay. Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. "Sana sinabi mong bibisita kayo. Nakapagbihis sana ako ng mas maayos na damit."
Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Tiden. "Hindi na. Maganda ka naman kahit anong isuot mo."
"Talaga?" Ngumiti ako. "Uhmm... ano palang sadya niyo rito? At dinala mo pa ang buong Vine." Binulong ko ang huling salita.
Ngumiti siya at nilapit ang bibig sa tainga ko. "Hindi kita makontak kaya sinadya kita rito. At gusto kang makilala ng Vine."
"A-Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. Hinigit ko siya sa gilid sabay bulong ko sa kaniya. "Seryoso ka?" Sumulyap pa ako sa gawi ni Levi pero nanatili siyang nakatungo sa Iphone.
"Oo."
"Pero bakit? Saka, may consent ba kayo sa Manager niyo? Bawal kayong magpunta sa lugar na hindi naman dapat niyong puntahan."
Ngumisi siya at inakbayan ako. "Rishell, ako at si June lang naman ang may gustong magpunta rito. Sumama lang sila dahil wala naman silang gagawin sa Club Fort Med. 'Wag mo nang alahanin si Miss Manager. Isang lambing ko lang sa kaniya, bibigay 'yon."
Pabiro ko siyang hinampas sa braso at pinagtaasan siya ng kilay. "Wag mo ngang paglaruan ang manager mo. Pero seryoso? Nasa Club Fort Med kayo nakatoka?"
"Konting bakasyon lang bago ang panibagong concert. Sa Bohol na naman kami sa susunod na linggo."
"Ah, gano'n ba? Pero si Nicole? Hindi siya sumama?"
Ngumiwi si Tiden. "Maarte 'yon. Ayaw sumama dahil nagpapa-pedicure sa crew ng resort."
Biglang may sumingit sa usapan namin. "Rishell, Tiden."
Napatingin ako sa nagsalita. Si June. Seryoso ang mukha niya habang humahakbang palapit sa gawi namin.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinisil-pisil. Agad kong tinampal ang kamay niya. "Mashakit!" nakangiwi kong reklamo.
Natawa siya at binitiwan ang pisngi ko. "Nagluto ba si Tita ng pancake? Gutom na gutom na ako." Humawak pa si June sa tiyan niya sabay kindat sa akin.
Napailing ako. Nakita ko na lang si Ariel na papalapit sa pwesto namin. Napatitig ako sa kaniya nang tumayo siya sa gilid ni June. "Dude, ito ba siya?"
Tumango si Jun. "Rishell, si Ariel. Ariel, si Rishell. Kaibigan namin ni Tiden."
Lumunok ako at nilahad ang kamay sa harap niya. Ngumiti siya at hinubad ang gloves sabay hawak nang mahigpit sa kamay ko. Titig na titig siya sa mukha ko. "Nice to meet you, Rishell."
Hilaw akong ngumiti. "N-Nice to meet you too," sabi ko sabay bawi ng kamay.
Tinago ko ang kamay sa likod at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang nag-iba si Ariel. May mali sa kaniya, hindi ko mapangalanan.
"It was you in the dock, right?" tanong niya.
"Y-Yea," sabi ko. Lumunok na naman ako. "Naalala mo pa pala."
Natawa siya. "Oo naman. I'm sorry about that."
"A-Ayos lang."
"What a small world," bulong ni Ariel.
Hilaw akong ngumiti sa sinabi niya. Small world nga. Nagulat nga ako nang makita ko sila sa dock. Pero baka galing sa Lapu-Lapu ang grupo nila at nagpunta lang sa pier 1 saglit.
"Si Levi? Busy yata sa cellphone?" singit bigla ni Tiden.
Nagkibit-balikat si Ariel. "Baka ka-text si Nicole."
Palihim akong umirap. Okay, alam ko namang nagmamahalan ang dalawa. Pakialam ko ba?
Napahawak ako sa dibdib nang bigla na lang 'yong bumigat. Hayst. Ano bang magagawa ko kung mahal ni Levi si Nicole?
"Before I forgot..." sabi ni Ariel. Napatingin ulit ako sa kaniya. "Care to join us in Club Fort Med? That place is too lonesome without girls."
Inaaya niya ba ako sa Club Fort Med?
Sumulyap ako kina Tiden at June. Nakangiti sila. Hilaw akong napangiti. "Pero kasi ---"
"Halos araw-araw kang kinukwento ng dalawa. I want to know you more, Rishell," putol ni Ariel sa sinasabi ko. May ngiting naglalaro sa sulok ng mga labi niya.
Napalunok ako. "O-Okay..."
"That's my girl." Kumindat pa siya bago tumalikod at bumalik sa sofa.
Napatingin na naman ako kina June at Tiden. Sabay silang nagkibit-balikat. Naningkit ang mga mata ko at napabuntong-hinga. "Bukas. Sunduin niyo ako bukas dito. Gabi na at alam kong hindi ako papayagan ni Mama na matulog sa CFM."
Ginulo ni Tiden ang buhok ko. "Kung 'yan ang gusto mo." Nagbaba siya ng tingin sa relo. "Late na. Kailangan na naming bumalik. Bukas, Rishell. Susunduin kita rito. Maghanda ka. I want to see you in two piece."
Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak siya. "Biro lang," bawi niya.
Hinatid ko sila hanggang sa entrada ng main door. Panaka-naka akong sumusulyap kay Levi, nagbabakasakaling tumingin siya sa gawi ko, pero ni hindi siya nag-angat ng tingin.
Napabuga ako ng hangin. Palagi lang naman siyang ganiyan. Hindi niya pinapansin ang nasa paligid niya.
If I know, si Nicole ang ka-text niya. Malamang. Si Nicole lang yata ang nakikita niya, e. Kahit pa noong araw-araw siyang pumapasok sa CTU-Argao, ni hindi lumilingon sa paligid kapag nasa tabi ni Nicole.
His eyes were fixed on her! As if si Nicole lang ang babae sa mundo. Nakakainis na.
Pumasok na siya sa driver's seat na hindi man lang nagpaalam sa akin. See?
Humalukipkip ako. Baka si Ariel lang talaga ang may gustong makilala ako. Pero bakit naman siya sumama dito kung ayaw niya akong makilala?
"Goodbye, Rishell. See you tomorrow!" pasigaw na sabi ni Ariel.
Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang kumaway. "Okay!"
Nag-flying kiss si Tiden na ginantihan ko lang ng ngiti. Lumabi si Tiden na siyang kinatawa ni June. "Saluhin mo 'yong halik ko, Rishell," sabi ni Tiden.
"May pakpak ba 'yong halik?" tanong ko.
Humalakhak sina June at Ariel. Naiiling namang napangiti si Tiden bago pumasok sa Kia Carens. Pumasok na rin 'yong dalawa.
Pinagmasdan ko lang ang kotseng tumatakbo palayo ng bahay at palampas sa malaking gate ng El Grande Lat sa malayo.
Pumasok na ako sa loob nang mawala sa paningin ko ang ilaw ng kotse. Dumiretso ako sa kusina at kumain ng hapunan. Pagkatapos, umakyat ulit ako pabalik sa kuwarto.
May pumasok na text message galing sa unknown number.
From: +639455989***
Message: Rishell, si Tiden 'to. Save mo number ko.
Oo nga pala. Nabigay ko pala sa kaniya ang number ko bago siya umalis. Hindi niya raw ako makontak kaya sinadya niya ako rito sa bahay.
Nasa Arbor lang naman daw ang EGL kaya ayos lang na mawala kahit ilang oras sa CFM. Napailing ako.
Hindi niya lang alam na namemorya ko na ang number niya. Ayaw ko lang talaga siyang i-contact dahil nakakatamad.
Naghintay ako ng alas-dose bago muling nakikonek sa WiFi. Binuksan ko ang reading app at natigilan ako sa sampung notifications. Lahat galing kay CareLikeGoldFish.
Nag-reply siya sa mga message ko sa author's wall niya. Nahigit ko ang hininga nang mabasa ang huling reply niya.
I wish I know you personally. You are adorable. I like you now.
Nabaon ko sa unan ang mukha at impit na sumigaw.
#062020.10.51A
#031421.R

Comentário do Livro (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes