logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 17

Dahil nga nakuha na ni Tiden ang bagong number ko, palagi na akong nakakatanggap ng text message sa kaniya. Kadalasan ay good morning at kain ka na. Hindi ako nagri-reply dahil wala lang. 'Di ko feel.
Bagot akong nag-scroll sa newsfeed nang may nag-pop up na notification. Galing sa reading app. May reply daw si CareLikeGoldFish. Napangiti ako. Binasa ko ang reply niya sa bagong posts ko sa author's wall niya. At sheems! Nakikipag-meet up siya.
Binaon ko ang mukha sa unan sabay tili. Nakangiti akong nag-angat ng tingin. Babae kaya siya? O lalaki? Maganda kaya or... gwapo?
Tapos, mabilis akong nag-post ng bagong status sa Facebook.
'May idol akong author. Sikat na sikat. Kapag may bago siyang story, rarakrakan ko talaga ang message board ng profile niya. Tapos, kapag napansin na niya ako, haaays... sobrang saya ng feeling. Screenshot ko agad para ipakita sa friends kong mga reader din niya.
Pampainggit sa kanila. Mahirap kasing makuha ang atensyon ni author. Sobrang ilag pa. Kaya hangang-hanga ako, e. Tapos ngayon, nag-invite siya! As in! In-invite niya ako sa isang meet-up! Waah! Ansaya lang! Mainggit kayo please!'
Status posted! Natawa ako at nag-scroll ulit sa newsfeed. Puro CareLikeGoldFish ang nababasa ko. Sikat na nga ang idol ko. Nanlaki ang mga mata ko nang sumabog bigla ang notifications ko.
Napailing ako at natawa. Naku naman, hundred comments in one minute? Aba, paniguradong naiinggit 'tong mga taong nag-comment. E, halos reader ni CareLikeGoldFish ang mga friends ng account kong 'to, e.
Nag-log out ako at nagpunta sa reading app. Nag-post na naman ako ng motivational message sa message board ni author. Pansin ko lang, ha? Ako lang 'yong niri-reply-an niya. Does it mean special ako sa kaniya?
Napahagikgik ako. Kapag talaga babae 'to, gagawin ko siyang bestfriend. Pero kapag lalaki... napangisi ako. Siyempre, jojowain agad!
ILANG ARAW na akong naghintay ng reply ni CareLikeGoldFish kaso hanggang ngayon ay wala pa rin. Tinanong ko lang kung saan at kailan kami magkikita. At kung taga-Cebu ba siya. E kasi naman, baka taga-Maynila o kaya Mindanao, edi kailangan ko pa magkuha ng plane ticket.
"Your face sucks."
Napatingala ako sa babaeng bigla na lang lumapit sa mesa ko. Naningkit ang mga mata ko at umupo nang maayos. "O, anong kailangan mo?"
Umikot ang mga mata niya. "I don't need anything from you, Larica. I just find your face so disgusting."
"Inaaway mo ba ako dahil naiinggit ka sa post ko kahapon?" Umirap ako. "Sorry, pero hindi ka kailanman mano-notice ni CareLikeGoldFish. You're not special like me."
"What?" Humalakhak siya. Tapos humalukipkip at nagbaba ng tingin sa akin. "You really think that I envy you? No, Larica. I don't and won't. I don't care about your idols. I don't even care if they notice you. You're really pathetic, aren't you?"
"Sumusobra ka na!" Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang siya. Naningkit ang mga mata ko at tinuro ang mukha niya. "If I know naiinggit ka sa akin! Hindi ka masaya tulad ko!"
"Why? Are you really happy, Larica? Oh..." Tiningan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're happy because of your idols, huh? Your good for nothing idols."
Huminga ako nang malalim dahil sa inis. "Pwede ba, 'wag mong insultuhin ang mga idol ko? Wala silang ginagawang masama sa 'yo!"
"You know that you are wasting your time and resources. That idols are cheap. What is the name of that one... Vine? Oh, I think that's Vine. Well, Larica, that boyband will never shine like stars. And the name of that author? Ara Taliman and the new CareLikeGoldFish?" Natawa siya. "Are they the ones you always boast to me? Poor, Larica. You're nothing but a loser attention seeker."
Mabilis kong inabot ang buhok niya at marahas siyang sinabunutan. Napaigik siya. Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa buhok ko at hinila 'yon patanggal sa anit ko. Naglapat nang mariin ang mga ngipin ko.
"Wag na wag..." Isang marahas na hila sabay sampal sa pisngi niya. "... mong mainsulto ang mga idol ko!"
Napasalampak siya sa sahig. Matalim niya akong tiningala. "People like you are toxic!"
"Aba!" Akmang sasampalin ko siya ulit nang hinarang niya ang braso sa mukha. Huminga ako nang malalim at tumayo nang tuwid. "Naiinggit ka lang," sabi ko sabay suklay sa nagulong buhok gamit ang daliri.
Natawa na naman siya. "I will never do that, Larica. Unlike you, I'm not an attention seeker."
"Jamaica!"
Napatingin ako kay Generica na tumatakbo palapit sa gawi namin. Nilibot ko ang tingin. Nakahinto na ang mga estudyante sa canteen at nakatingin sa amin ni Jamaica. May ilan pang kumukuha ng video. Napabuga ako ng hangin at pumihit. Sinukbit ko sa balikat ang shoulder bag at nagbaba ng tingin kay Jamaica na kasalukuyan pa ring nasa sahig. Dinaluhan siya ni Generica.
Umirap ako at nagmartsa paalis ng canteen. Psst. Naiinggit lang 'yon kaya iniinsulto ang mga idol ko. Inggit na inggit siya kasi kahit wala akong kaibigan, masaya pa rin ako sa school. Kaya gusto niya akong mainis kasi alam niyang sa mahigit isandaang estudyanteng nakapalibot sa kaniya, si Generica lang ang tunay niyang kaibigan. Hindi tulad ko na kontento nang nag-iisa, at wala pang kaaway sa CTU.
Well, hindi naman talaga ako lonely. Kasa-kasama ko rati sina Tiden at Jun pero simula noong pumasok sila sa Vine ay hindi na sila pumasok. Kaya heto, mag-isa na lang ako sa University.
Pero ayos lang naman. Nasanay na rin ako. Isa pa, nawawala ang lungkot ko tuwing nanonood sa music video nila. At least, wala man sila sa tabi ko ay napapanood ko pa rin sila sa Xiaomi.
Tumingin ako sa relong nasa bisig. Hayst. Quarter to ten na. Malapit na ang second subject ko. Mabilis kong binagtas ang daan papunta sa Education building. Pero nahinto ako sa paghakbang nang may tatlong babae ang lumapit sa akin.
Sinipat nila ang mukha ko, tapos sabay na tumingin sa hawak na cellphone. Bigla na lang tumili 'yong isang babae. Sa kanan. "Girls! Siya nga 'yon!"
"Hala!"
Tumili pa sila kaya sinaway ko. Tumahimik naman sila agad. Umikhim ako. "Sino kayo?" tanong ko.
"Hi, I'm Avien. Isa rin akong fan ni CareLikeGoldFish. Ate, totoo ba na makikipagkita siya sa 'yo?"
"Ha?" Napalabi ako. Paano nila nalaman? Naka-set sa friends ang privacy ng post ko kahapon.
"Ate, tingnan mo, o." Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone. Nangunot ang noo ko. "Viral sa Facebook 'yong screenshot ng post mo. Hinanap namin ang profile mo at nalaman namin na nag-aaral ka pala rito."
Tumawa 'yong isa niyang kasama. "Oo nga. Nag-stalk ako sa account mo. Pero totoo? Kilala mo si author? As in person?"
Unti-unting naplantsa ang kunot sa noo ko. Napangisi ako nang mapagtanto ang sinasabi nila. "Makikipagkita lang siya sa akin. I think, gusto niya ako. Sa akin lang siya nagri-reply, e."
Tumili na naman sila. Natawa ako. Grabe, hindi ko inasahang hahanapin nila ako rito sa ground. Sobrang dami kaya ng estudyante. Araw-araw, iba-ibang mukha ang nakakasalubong.
"Ate, ibigay mo 'to sa kaniya, ha? Tapos, fansign na rin."
"Oo nga, te. Pramis, bigyan kita ng tip."
"O, girl. Ibigay mo rin 'tong book ko sa kaniya. Pambihira, hindi niya napapansin ang messages ko. Swerte mo."
Natatawa kong tinanggap ang mga bigay nila. "Saan ko ipapadala ang fansign?"
"Nakaipit diyan 'yong email address namin. Doon na lang para hindi lowkey ang quality ng picture."
"Okay, sige. Mauna na ako. Mali-late na ako sa next sub," paalam ko sa kanila. Agad ko silang nilampasan.
Kumaway pa sila. Binilisan ko ang hakbang palayo. Hayst, napag-utusan pa ako, e no? Napanguso ako. Di bale, ilalagay ko nalang 'to sa isang paper bag. Si CareLikeGoldFish na lang 'yong bahalang magbukas sa gifts nila.
Nabitiwan ko bigla sa gulat ang dala-dala ko nang may biglang kumalabit sa akin. Pumihit ako at isang lalaking naka-bull cap at naka-face mask ang nakita ko. Naningkit ang mga mata ko sa kaniya.
"Rishell," tawag niya.
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang marinig ang boses ng lalaking kaharap ko. Ngayon ko lang napansing pamilyar ang kulay almond niyang mga mata. "Tiden?" mangha kong tanong.

Comentário do Livro (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes