logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Ikaanim na Pahina

August 29, 2008
7:13 a.m
Dear Diary,
Magandang umaga! Marahil ika'y naguguluhan kung bakit maaga ako ngayong nakapagsulat sa 'yo? Hindi naman sa wala kaming pasok ngayon, hindi lang ako pumasok kasi nagkalagnat si Cristy. Madalas kasi ang pag-ulan nitong mga nakaraang linggo kaya 'ayon naambunan kagabi, nilagnat agad. Wala si Mama kasi may inaasikaso sa pagpapa-ospital sa Lola namin sa probins'ya kaya walang maiiwang mag-aalaga kay Cristy kaya ako na muna. Kahit masama 'yong loob ko sa kan'ya, wala pa rin akong choice kasi kapatid ko siya. Ikinatuwa ko rin naman na absent ako ngayon kasi hindi ko makikita si Clay.
Oo, pilit na akong nagmo-move on for the better pero nasasaktan pa rin talaga ako sa t'wing nakikita ko silang magkasama. Tiwala lang at masasanay rin itong puso ko balang araw at kusa na ring mawala itong nararamdaman ko para sa kan'ya.
***
"CRISTY?" mahinahong tawag ko sa kan'ya habang dahan-dahang hinahawakan ang kan'yang pisngi upang gisingin.
Mag-a-alas otso na kasi ng umaga at hindi pa rin siya kumakain ng agahan.
"Hmm?" marahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at tumingin sa akin na halatang nanghihina pa rin.
Oo na't naging masama akong ate dahil kung ano-anong pang ba-back stab ang ginawa ko sa kan'ya dahil lang sa siya ang gusto ni Clay kaya nga heto ako ngayon at inaalagaan siya bilang pambawi. Wala rin naman akong magagawa kung magagalit pa ako sa kan'ya dahil wala rin naman siyang ginawang masama sa akin. Ako lang naman 'tong mas'yadong nahumaling kay Clay at nagpaka selfish na dapat sa akin lang rin siya magkagusto kaso napagtanto kong hindi naman natin natuturuan ang puso kung sino ang gugustuhin nito kaya dapat maging masaya na rin ako para sa kanila.
"Kumain ka na muna para makainom ka na ng gamot," nakangiti kong ani para kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam niya.
Gustuhin ko man siyang dalhin sa ospital dahil sa nag-aalala na ako ng sobra ngunit siya naman ang may ayaw. Naipaalam ko na rin ito kay Mama kaya minadali na niyang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin doon sa probins'ya upang makabalik na agad siya rito.
"Wala akong gana," mahinang aniya saka nagtalukbong ulit ng kumot. Kagabi pa siya gan'yan.
"Kagabi ka pa hindi kumakain. Pa'no ka gagaling niyan? Alam mo bang nakakamatay ang lagnat?"
Agad siyang napatingala sa 'kin nang sabihin ko 'yon. Hindi ko intensiyon ang takutin siya pero 'yon lang ang magagawa ko para kahit papaano ay magkaroon ng laman ang tiyan niya. Napangiti ako ng bumangon na siya at nagsimulang kumain.
"Ayan, kakain rin naman pala!" biro ko habang pinagmamasdan siyang napapangiwi sa t'wing nilulunok na niya 'yong lugaw na gawa ko.
Nang matapos siyang kumain ay pinainom ko na siya ng gamot at pinagpahinga ulit.
---
MAGHAPON lang akong nakatunganga sa loob ng kuwarto ko habang unti-unting ginagawa ang mga proyekto na nakatakdang ipasa sa susunod na buwan. Maghapon rin kaming magka-text nina Jenny at Marky. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa ba ang mga 'yon sa klase dahil maya't-maya naman ang pagtext nila sa akin.
Kasalukuyan ko ng nilalagyan ng disenyo ang proyekto ko sa Filipino nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinapa sa kama sa pag-aakalang baka si Jenny iyon o di kaya'y si Marky pero ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang mabasa ang pangalang nakatatak nito sa cellphone ko.
Chito calling...
Halos isang linggo na rin niya akong tini-text o kaya'y tinatawagan kapag gabi. Hindi man nito sabihin, alam kong nililigawan na niya ako. Hindi naman ako slow na babae para hindi ma-gets ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak araw-araw, minsa'y tsokolate pa na malapit ng matunaw at pagpapadala sa akin ng mensahe bawat minuto. Masama na rin siguro akong tao dahil kahit wala naman akong gusto sa kan'ya ay pinipilit ko pa rin siyang e-entertain para malipat sa kan'ya ang atensiyon ko at nang makalimutan ko na ang nararamdaman para kay Clay pero hindi ko pa rin kaya.
"Hi, how are you?" bungad niya sa akin ng sagutin ko na ang tawag.
"Ayos lang," kaswal kong sagot.
"Good. How about your sister, Cristy?"
"Nilalagnat pa rin," napabuntong hininga nalang ako. Wala talaga akong maramdaman na kahit anong kilig 'pag magkausap kami. Siguro kung ginawa niya 'to dati kung saan, crush na crush ko pa siya ay baka may pag-asa pa.
"You want me to come over?" kaagad na tumanggi ang kabilang bahagi ng isipan ko.
Pa'no kung maabutan siya ni Mama rito? Ayoko siyang ipakilala sa kan'ya at wala rin akong balak na ipakilala siya!
"Hindi, 'wag na. Nakakaabala na sa 'yo, may klase ka pa, 'di ba? Tsaka, parating na rin naman si Mama."
"You know, I can do anything for you, Crissa."
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Gusto kong si Clay ang magsabi niyan. Ano ba 'yan? Ayoko nang isipin si Clay okay? Kaya nga ako um-absent ngayon, 'di ba? Para iwasan na rin siya?
---
PADILIM na nang matapos kong gawin ang lahat ng proyekto ko. Nakakapag productive din pala ng utak ang pagiging brokenhearted. Parang doon ko naibuhos lahat ng hinanakit ko sa mga proyekto ko at so far, maganda naman 'yong naging resulta.
Napagpasyahan ko ng dalhan nang hapunan si Cristy sa kan'yang kuwarto ngunit pagdaan ko sa lagayan namin ng gamot, wala na itong laman. Mukhang kailangan ko pang bumili sa tindahan sa may kanto. Pagkapasok ko sa kan'yang kuwarto ay naabutan ko siyang nakaupo na sa kama habang nakasandal ang ulo sa headboard at nakapikit ang mga mata. Putlang-putla pa rin siya.
"Cristy, kain ka na."
Inilapag ko na sa tabi niya ang dala kong pagkain. Nagmulat naman agad siya at tiningnan ang pagkain at napangiwi na naman ng mapansing lugaw ulit iyon. 'Yon lang naman kasi ang alam kong pinapakain sa mga may sakit.
"Siyanga pala, aalis muna ako saglit."
"Magkikita kayo ni Chito?" may halong panunuksong tanong niya kaya kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko nang masilayan ang kaunting ngiti sa kan'yang labi.
"Hindi, bibili lang ako ng gamot mo sa may kanto."
"Wala ka namang gusto kay Clay, 'di ba?" biglang nanlamig ang katawan ko sa tanong niyang iyon.
Sasabihin ko ba na may gusto ako sa kan'ya?
"Bakit mo naman naitanong 'yan?" pilit naman ang tawang tanong ko at mukhang hindi niya 'yon napansin kasi biglang lumiwanag ang mukha niya.
"Si Chito nga pala ang crush mo hehe," tumatawa na ring aniya. "Dapat ipakilala mo na rin siya kay Mama, gusto ka rin naman no'n eh, niligawan ka na nga, 'di ba?" animo'y kinikilig pang dagdag niya.
Biglang nanlumo 'yong kalooban ko. Buong akala niya na si Chito pa rin talaga ang crush ko magpahanggang ngayon. Hindi ko rin naman maamin sa kan'ya na gusto ko si Clay dahil ayokong pag-awayan namin iyon.
"Sinong ipapakilala niyo sa 'kin?"
Gulat kaming napalingon sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Mama.
"Ma!" masigla kong sabi sabay mano sa kan'ya.
"Kumusta na pakiramdam mo, Cristy?" baling niya kay Cristy matapos akong halikan sa noo at si Cristy naman ngayon ang hinalikan niya sa noo.
"Medyo, ayos na rin po. Ang galing kasing mag-alaga ni Crissa palagi akong pinapakain ng maalat na lugaw,"
Natawa naman si Mama sa sinabi niya. Kaya pala ngumingiwi siya kapag kinakain 'yong lugaw kasi maalat pala. Eh, bakit naman hindi siya nagrereklamo?
---
"NAKU, Crissa, bilisan mo ang paglalakad pauwi para hindi ka maabutan ng ulan na iyan," sabi sa akin ni Nanay Teling nang maiabot na niya sa 'kin ang gamot na binili ko.
Alas k'watro palang ng hapon pero parang alas sais na ng gabi dahil sa sobrang kulimlim ng kalangitan ngayon. Matapos kasing mag-usisa ni Mama kanina tungkol kay Chito ay agad na akong umalis ng bahay at nagtungo rito sa tindahan ni Nanay Teling para bumili ng gamot ni Cristy.
Nagpaalam na ako kay Nanay Teling dahil baka nga maabutan ako ng ulan. Wala pa naman akong dalang payong. Maglalakad na sana ako pauwi nang may tumigil na isang tricycle sa harap ng tindahan at bumaba roon si... Clay?
Nagulat rin siya nang makita ako. Anong ginagawa niya rito?!
"Mukhang hindi ko na pala kailangang magtanong kung saan ang bahay niyo," nakangiti niyang turan habang ako nama'y hindi magkumahog ang puso ko sa pagkabog ng malakas.
"A-Ano naman ang gagawin mo sa amin?"
"Baka dadalawin si Cristy?" biro niya pero iba ang hatid niyon sa akin. Nakalimutan kong 'more than friends' nga pala sila kaya malamang, bibisitahin niya talaga ang kapatid ko.
"Ano rin naman ang ginagawa mo rito? Saan din ba banda ang bahay niyo?" tanong niya na luminga-linga pa sa paligid.
"A-Ah, bumili lang ako ng---SHIT!"
Napamura ako ng wala sa oras nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Mabuti nalang at mayroong waiting shed sa malapit kaya agad kaming napatakbo roon ni Clay.
"May dala ka bang payong?" tanong ko habang kan'ya-kan'ya kaming pagpag ng tubig ulan sa damit.
"Ano ako? Babae?" natatawang aniya.
"Bakit? Babae lang din ba ang p'wedeng magdala ng payong? It's for all though,"
"Nakakabawas 'yon ng pogi points. Nakakabakla ring tignan,"
"Para sa 'kin, mas pogi ang lalaking may payong!"
"Okay, next time magdadala na ako ng payong." cool niyang sabi saka ngumiti sa 'kin.
Napatingin ako sa lupa habang hawak ang dibdib ko. Baka kasi nahulog na ang puso ko dahil sa lakas ng pagkakatibok nito. Umiwas nalang ako ng tingin nang mapansing nakatitig pa rin siya sa akin.
"Uh... May assignments ba tayo?" naiilang kong tanong.
"Hmm, nasa libro lahat. Text ko nalang sa 'yo ang pages,"
Actually, alam ko naman na may assignments kami, tinext sa 'kin ni Jenny kanina.
"Salamat in advance," tipid ang ngiting sabi ko saka tumingin sa paligid.
Madilim na ang paligid at patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan na sinasabayan pa ng malakas na pag-ihip ng hangin. Makakauwi pa kaya kami nito?
"Crissa?"
"Oh?"
Nagulat ako ng bigla siyang kumapit sa braso ko at sumiksik sa gilid ko na parang batang nanlalambing sa kan'yang ina. Hindi na naman matigil sa pagkabog ang puso ko lalo na nang maramdaman ko ang mukha niyang pumatong sa balikat ko.
"A-Ano bang.. uh, ginagawa mo?"
"Mshshjks," pabulong na sabi niya na hindi ko naman naintindihan.
"Ano?"
"May pusa!"
Napatingin ako sa p'westo niya kanina at nakita roon ang isang pusang gala na halatang giniginaw. Napatingin naman ako kay Clay na kapit na kapit pa rin sa braso ko habang pilit na pinapaalis 'yong pusa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa ng sobrang hard.
Seriously? Takot siya sa pusa?
"Lahat naman tayo may kinakatakutan," sabi niya pa at lumayo ng kaunti sa 'kin.
Hindi ko na iyon pinansin dahil sa natatawa talaga ako. Ang g'wapo-g'wapo tapos sa pusa lang takot? Blangko lang 'yong ekspresyon niya habang nakatingin sa 'kin. Sorry talaga crush, hindi ko talaga mapigilan HAHAHA---
"Oh ayan! Ang bilis talaga ng karma! HAHAHAHA!"
Ako naman 'yong pinagtawanan niya. Pa'no ba naman kasi may isang van ang napadaan sa harap namin na sobrang bilis ng pagpapatakbo kaya 'ayon natalsikan ako ng tubig baha mula sa kalsada. Diretso talaga sa mukha, medyo nainom ko pa nga 'yong iba. Yuck!
Biglang tumigil sa pagtawa si Clay saka naiilang na nag-iwas ng tingin sa akin. Anyare?
Naguguluhan kong sinuyod ng tingin ang sarili at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makitang basa na rin pala 'yong suot kong damit at doon ko lang napagtanto na wala pala akong suot na bra! Shiiiiiiiiiiitttttt! Hindi naman 'to kalakihan ang sa 'kin pero dahil nga sa basa 'yong damit ko, bumabakat pa rin 'yong nipples ko! Huhu!
***
Nakakahiya! Oo, 'yan ang tamang salita. Sobrang nakakahiya! Kaya 'ayon, kahit umuulan, napatakbo ako pauwi sa 'min nang hindi lumilingon kay Clay. Wala na, nakita na niya! Virgin pa kaya ako? Waaaahhhhh!
Crissa

Comentário do Livro (61)

  • avatar
    Ashley Nicha Agustin Cuerdo

    good

    08/06

      0
  • avatar
    pagagonganRaiyyana

    its so good I want to graduate and this up helps me alot

    15/05

      0
  • avatar
    Ashley Riponti

    This story is so nice

    13/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes