logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Ikatlong Pahina

July 1, 2008
6:35 p.m
Dear Diary,
Hindi ako makatulog kagabi! Dahil paulit-ulit akong binabagabag ng salitang 'Maganda ka :)' Kahit ibabad ko pa 'yong sarili ko sa paglalaro ng snake-snake sa cellphone, wala pa ring effect! Panay text rin ako kay Jenny nang walang mga k'wentang bagay kaya 'ayon tinulugan lang ako. Gusto ko na ngang punitin 'yung illustration board ko kaso hindi pa pala 'yon nabibigyan ng marka ni Gng. Asuncion huhu! Sabog 'yong eye bags kong pumasok sa sk'welahan.
Pero kung makasalo nga naman ako ng malas, nilubos-lubos ko pa! Pagkarating ko sa sk'welahan, nakasabay kong pumasok si Clay na ngiting-ngiti pa sa akin. Oo na't kinakausap ko na siya kahit papaano magmula kahapon pero hindi ko naman akalain na magpapaka feeling close na pala siya agad.
***
"MAGANDANG UMAGA, CRISSA!" bati niya sa 'kin nang naglalakad na kami papuntang classroom.
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kan'ya. Iyong ngiting pilit at panandalian lang nang hindi tumitingin ng diretso sa kan'yang mga mata saka ko na siya inunahan sa paglalakad.
Naghuhuramintado na nga ang puso ko no'ng hindi pa kami nag-uusap, pa'no na kaya ngayon? Pino-protektahan ko lang naman itong puso ko.
"Iyon lang? Para namang napipilitan ka lang kausapin ako," habol niya pa at tinititigan na naman ako.
O, tukso! Layuan mo ako!
"Oh edi, magandang umaga rin sa 'yo, Clay!" may halong pagkairita 'yon pero mukha namang hindi niya napansin dahil hindi naman napawi 'yong ngiti niya.
"Ayan! Mas masarap pakinggan 'yong pangalan ko 'pag nanggaling sa 'yo,"
Biglang uminit 'yong pisngi ko sa sinabi niya. Ganito rin ba siya sa ibang babae? Bakit pa ba ako magtatanong? Eh, halata namang chixboy ang hinayupak. Pasimple pa ngang nagtitilian 'yong mga babaeng nadadaanan namin habang nakatingin sa kan'ya.
Mukhang hindi safe ang puso ko sa kan'ya.
"Bakit ka lumipat dito sa publikong paaralan?" hindi iyon ang gusto kong sabihin pero wala eh, lumabas na sa bibig ko. Hindi na p'wedeng bawiin.
Pansin ko lang kasi na pang mayaman 'yong datingan niya. Mula sa mga gamit, damit, kutis at pabango, isinisigaw talaga nito ang pagiging mayaman.
"Uy, interesado siya sa 'kin!" kant'yaw niya na ikinairita ko. May pa-ngisi-ngisi pa siyang nalalaman.
"Kung ayaw mong sabihin, edi 'wag! Di 'yong kung ano-ano pang propaganda ang sinasabi!" saka ako naglakad papalayo na sa kan'ya pero hinabol na naman niya ako ulit. Tapos na realize ko na mas'yado palang personal 'yong tanong ko kaya nakokonsens'ya akong lumingon sa kan'ya.
"Pasens'ya na, hindi ko sinasad'yang itanong 'yon sa 'yo kaya huwag mo nalang sagutin hehe,"
"Okay lang. Masaya nga ako't kinakausap mo na ako ngayon," sabi niya sa boses na para bang isang karangalan ang makausap ako kaya kung ano-ano na naman ang pagbibigay malisya ng puso ko.
Bakit ba kasi ang hilig niyang bumanat ng mga mabulaklaking salita? Isang banat nalang talaga at iisipin ko ng may crush siya sa 'kin. Teka, bakit parang ang saya naman ata ng dating niyon sa puso ko? Hindi ako na-inform na mayroon rin pala talagang mahadera at maharot na puso.
"Kaya ako lumipat dito kasi---"
"Clay!"
Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kasamahan niya lang pala sa drum and lyre na si Chito. Isa rin siya sa mga hinahangaan ko dati noong hindi pa dumating si Clay---oh, what?
"Oh?"
"May practice tayo mamayang hapon para sa nalalapit na intramurals siguro mga next month na 'yon," sabi ni Chito kay Clay saka tumingin sa 'kin. "Hi, Crissa!"
Babati sana ako sa kan'ya pabalik nang biglang nagsalita si Clay.
"Okay sige, kita nalang tayo mamaya. Una na kami," aniya saka ako hinawakan sa kamay at hinila na papalayo kay Chito.
Gusto kong mainis sa ginawa niya pero hindi ko magawa dahil mas nanaig 'yong malakas na pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko.
May gusto na ba talaga ako sa kan'ya? Eh, ano ngayon? Crush lang naman 'to. Mawawala rin ito paglipas ng isang buwan. So for now, I'll just let it be that way. Crush ko siya. Oo na, crush ko siya!
"Crissa? Okay ka lang?" bigla akong napaatras nang mapagtanto kong sobrang lapit na pala ng mukha ni Clay sa akin.
"H-Ha? Ah.. oo naman!" sabay iwas ng tingin sa kan'ya.
"Si Chito ba 'yong tinutukoy mo na crush mo?" tanong niya na ikinabigla ko na naman.
Ano raw?
"Ha? Sinong may sabi na crush ko si Chito?"
"Ikaw,"
"Ha?"
"Kakasabi mo pa nga ng, "Oo na, crush ko siya!"" aniya na ginaya pa talaga ang boses ko.
Sinabi ko 'yon ng malakas!? Waaahhh!
"A-Ah.. hindi, ah!"
"Ows? Eh, bakit nauutal ka?" asar niya.
"Hindi nga!" Ikaw 'yon! Ikaw! Pero siyempre 'di ko sasabihin 'yon, 'no?
"Kung hindi siya, eh sino? Ako?"
Sa pagkakataong iyon, bigla akong natahimik dahil para na namang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkakatibok nito. Dahil ba nahulaan niya? O dahil sa mga ngiti niya na kahit ngiti iyon ng pang-aasar ay sobrang nakakahumaling pa rin?
"Tigilan mo na nga ako!" sabi ko at naglakad na papasok sa loob ng classroom.
"So, ako talaga crush mo?" pasigaw niyang habol. Anak ng!
"Tumahimik ka!"
Napapatingin na sa 'min 'yong iba naming kaklase.
"Edi, ako talaga?"
"Hindi!" saka ako padabog na umupo sa aking upuan.
"Bakit parang labag naman sa loob mong sabihin iyan?" pang-aasar niya pa rin habang pilit na hinuhuli ang paningin ko.
"Sabi nang, tahimik na eh!"
"Okay, mukhang ayaw mong ipagkalat na ako ang crush mo," sabi niya saka naupo na rin sa kan'yang upuan nang may nakakaasar pa rin na ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay, chill, hindi na." pagsuko niya nang ambaan ko siya ng kamao.
Hindi na niya ako kinulit pagkatapos niyon na ikinatuwa ko dahil natigil na rin sa malakas na pagkabog ang puso ko. Napalingon ako kay Jenny sa kabila upang e-compare sana 'yong answers namin sa math assignment kaso naglalaro naman ang nakakaasar niyang ngiti sa labi kaya hindi ko nalang itinuloy.
Nakakainis talaga ang mga tao ngayon.
Maya-maya lang pumasok na si Gng. Asuncion kaya isa-isa na naming inilabas ang aming assignment. Umagang-umaga, math agad 'yong first subject.
"Bago natin e-check iyang mga assignment niyo, mayro'n muna akong announcement," si Gng. Asuncion na bahagya pang pinagpag ang kaunting gusot sa kan'yang palda. "Ngayong hapon ang opening ng nutrition month since today's July 1 kaya expected nang may program---"
"Yes!" masayang sigaw ng mga kaklase ko. Expected na kasi na hanggang alas tres lang ng hapon ang klase.
"Kailangan a-attend tayong lahat sa program, okay? Maliban lang sa mga DLC members dahil may practice sila mamayang hapon," patuloy ni Gng. Asuncion saka tumingin sa 'kin. "Ms. Del Mundo?"
"Po?"
"Since, absent 'yong class monitor natin at ikaw naman 'yong class president, ikaw na muna ang aatasan kong mag-check ng attendance mamaya, okay?"
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Mabilis namang lumipas ang oras kaya nang maghapon na ay hindi na pumasok si Clay sa first period namin sa hapon dahil excuse na silang mga DLC members hanggang five p.m kasama naman sa excuse si Marky kaya kaming dalawa nalang ni Jenny ang magkasama.
"Doon nalang tayo pum'westo," sabi niya habang itinuturo ang isang bakanteng circle na bench dito sa quadrangle. "Guys, doon tayo!" tawag niya roon sa iba pa naming kaklase.
Mabuti nalang talaga at maaga kaming di-nis-miss no'ng huling guro para hindi na namin kailangang makipag-agawan ng mauupuan sa ibang year level.
Nang makaupo na kami roon ay agad ko nang sinimulang e-check ang attendance. Nilagyan ko na ng check under sa 3 p.m ang mga present sa oras na ito.
"Teka, okay ka lang?" biglang baling ni Jenny sa 'kin.
Ewan ko rin ba kung bakit wala ako sa mood ngayon. Parang gusto kong... manuod ng DLC practice at... panuorin si Clay. Haayss. Hindi naman ako ganito kay Chito noon, ah?
"Samahan mo 'ko sa tennis court," pasimple kong sabi.
"Ano namang gagawin mo sa tennis court?"
"Manunuod lang ng DLC practice,"
Pagkasabi ko no'n ay biglang bumalik ang mapang asar niyang ngiti kaninang umaga.
"Uy, mali ka ng iniisip ah? Na bo-bored na kasi ako rito," pagsalta ko sa muntikan na niyang pang-aasar.
"Defensive mo naman ata? Okay sige, pupunta na tayo roon. Iisipin ko nalang na si Marky ang sadya natin kahit ang totoo, gusto mo lang makita si Clay. Miss mo na, ano?"
"Jenny naman, eh!" pero tinawanan lang niya ako. Kainis!
Ibinigay ko nalang muna sa vice president ang attendance sheet pagkatapos kong lagyan ng check ang pangalan namin ni Jenny hanggang five p.m at sinabihan siyang mag-c-c.r lang kami. Wala rin naman si Gng. Asuncion dahil may tinatapos pa raw na mga forms kaya madali kaming nakalusot. Panay pa rin ang asar sa 'kin ni Jenny nang dumaan muna kami sa canteen para bumili ng tubig para kay Marky.
"Anong akala mo sa tiyan ni Marky? Drum?" tanong niya habang nakatingin sa dala kong dalawang bottled water.
"Para kay Clay 'tong isa,"
"Sabi na nga ba eh!" nang aasar na naman 'yong tono niya.
"Bakit? Ikaw na nga nagsabi 'di ba na kaibiganin ko siya? Kaya heto na 'yon, nagiging good samaritan na ako sa kan'ya,"
"Owwkey, sabi moww eh!"
Pagkarating namin sa tennis court, patuloy pa rin ang kanilang practice. Agad namang napangiti mula sa pagkakasimangot si Marky nang makita kami. Isa rin siyang drummer. Umupo kami ni Jenny sa malapit na bench kung saan kitang-kita namin si Clay.
Gosh! Ang g'wapo niya pala kapag pinagpapawisan. Nakasuot siya ng isang off gray t-shirt na basang-basa ng pawis na siyang nagpapalitaw sa kan'yang ka-gwapuhan. Nakasimangot rin siya gaya ni Marky pero ang g'wapo pa rin talaga!
"Water break na muna!" anunsiyo no'ng trainor kaya halos sabay-sabay silang napahinga ng maluwag.
Nang makita kong naglakad na papunta sa 'min si Marky ay agad na rin akong tumayo at ibinigay sa kan'ya 'yong isang tubig.
"Haaay salamat! Hulog talaga kayo ng langit!" pabirong aniya saka ininom ang tubig.
"O, ano pang hinihintay mo? Ibigay mo na 'yan kay Clay," si Jenny na tinulak-tulak pa ako papunta kay Clay na sinabayan naman ng pangangantyaw ni Marky.
Pinagkakaisahan talaga ako.
Lalapit na sana ako kay Clay nang biglang may nag abot sa kan'ya ng tubig. Nakangiti niya 'yong tinanggap. Inaya pang maupo sa tabi niya ang nagbigay nito at nagsimulang magk'wentuhan.
Napasulyap ako kay Marky at mukhang hindi nga ako nagkakamali dahil nakita niya rin pala 'yon. Biglang bumalatay ang lungkot sa kan'yang mga mata at kagaya niya, para ring may biglaang kidlat ang dumaan sa puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa ni... Cristy.
***
Kung gaano kalakas ang kabog ng puso ko kapag kasama ko siya, ganoon rin ang kaakibat na sakit 'pag nakikita ko siyang may kasamang iba. Hindi ako na-inform na magkakilala pala sila ng kapatid ko, diary. At base sa mukha ni Cristy, mukha rin siyang may gusto kay Clay. Tama ba itong nararamdaman kong kaunting pagkasuklam sa kapatid ko?
Crissa

Comentário do Livro (61)

  • avatar
    Ashley Nicha Agustin Cuerdo

    good

    08/06

      0
  • avatar
    pagagonganRaiyyana

    its so good I want to graduate and this up helps me alot

    15/05

      0
  • avatar
    Ashley Riponti

    This story is so nice

    13/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes