logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Under the rain

Under the rain

unspoken_words


Prologue

I always hate the rain because of the danger it could bring. When I was still living in the city, I'm always complaining everytime a heavy rain will fall on the city. Because rain means flood. Konting ulan lang sa lugar na tinitirahan ko, bumabaha na kaagad. Typhoons are the worst case. There were times that I've experienced to go to the evacuation center because of flash floods. I don't feel happy also walking under the rain everytime I forgot to bring an umbrella after school.
That's why when my mother told me that we'll be living in some place in the province of Quezon, I didn't hesitated to agree. I was thirteen that time and a grade 8 student. Ang alam ko hindi bumabaha sa mga probinsya. Subalit kahit hindi ako magtanong sa sitwasyon namin, alam ko ang problema ng pamilya ko. Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit kami lilipat ng tirahan.
Money.
My father died because of heart attack when I was six. Naiwan ako at ang nakatatanda kong kapatid sa pangangalaga ni Mama. At a very young age, kahit hindi nila ipinapaintindi sa akin ang sitwasyon, natutunan kong magkusa upang maintindihan ang kalagayan ng pamilya namin. Si kuya, third year college lang ang natapos. Isang taon na lang sana ay makakagraduate na siya subalit napili niyang tumigil upang tulungan si Mama na magtrabaho.
That is why kahit gusto ko ring maranasang maglakwatsa, hindi ko iyon nagawa ni isang beses sa buhay ko. They say I am a typical good daughter. I don't think so. Dumadaan din ako sa mga sitwasyon kung saan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit hindi na lang kami naging mayaman. Only if we have a lot of money, siguro wala ng problema pa ang pamilya ko.
I mourned for my friends because I won't be able to see them for years. Siguro kapag kaya ko ng bumyahe mula sa Quezon hanggang Manila, pupuntahan ko sila upang bisitahin.
I hugged Abby, my closest friend. Mabait siya at maganda. Masipag ding mag-aral kaya nagkasundo kami kaagad. Sunod kong niyakap sina Panny, Tiff at Johann. Sila ang mga kaibigan na palaging kong kasama sa school.
"Kailan ka babalik?" tanong sa akin ni Abby. Napalingon ako kay Mama at kay Kuya na ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Ang sabi ni Mama doon na raw ako titira." Quezon is the province of my parents. Doon nakatira ang lolo at lola ko. Doon din nakatira ang ilan sa mga pinsan at kamag-anak ko.
"Paano na iyan? Hindi ka na babalik?" I smiled at her. Nakita ko sa mga mata niya ang pagpipigil umiyak. Si Panny at Tiff naman ay ganoon din.
"Syempre babalik pa ako. Pero matatagalan nga lang." malungkot kong anas. Gusto ko sanang ipakita na hindi ako malungkot gayong iiwan ko sila kaso nga lang, hindi ko mapigilan na maging malungkot dahil sila palagi ang kasama ko habang naninirahan kami rito. Mahirap para sa akin na iwanan sila lalo na at malaki ang naging bahagi nila sa buhay ko.
"Paano kapag inaway ka ng mga bata roon? Hindi ka namin matutulungan." napalingon ako kay Johann. Nakasimangot siya sa akin.
"Johann, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. At saka ang sabi ni Mama, mababait daw ang mga tao sa probinsya." nakita kong bumuntong-hininga siya. They are all doing the things they can to stop me from leaving. Pero ito ang gusto ni Mama. Hindi naman ako pwedeng magmarunong at suwayin ang gusto niya. Alam ko rin na nahihirapan na kaming mamuhay dito. Umuupa lang kami ng bahay. Mas mabuti kung sa probinsya na lang kami dahil may sarili kaming bahay doon. Hindi na rin namin kailangang magbayad pa ng bill para sa tubig.
"Eh paano iyan? Liligawan pa kita 'di ba? Hindi na kita maliligawan." lumapit si Panny para higitin ang patilya niya. Nag-sigawan silang dalawa sa harap naming lahat. Minsan naiisip ko nga, mas bagay silang dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit palaging sinasabi ni Johann na gusto niya ako gayong sila ni Panny ang mas madalas magkasama.
Nakita kong lumapit sa akin si kuya at hinawakan ako sa kamay. Napatingin naman ako kay Tiff na ngayon ay titig na titig na sa kuya ko. "Bawal pa ligawan si Anastacia. Kung sino man ang manliligaw sa kapatid ko, siguraduhin muna niya na matino siyang lalaki at kaya niyang panindigan ang kapatid ko."
"Kuya." hinigit ko siya sa damit upang patigilin. Heto na naman siya sa pagiging strikto niya pagdating sa mga magiging manliligaw ko kahit palagi ko namang sinasabi sa kaniya na wala pa akong balak magkaroon ng kasintahan.
Nagkatinginan kami ni Abby nang makitang namumula ang pisngi ni Tiff. Palagi niyang sinasabi sa akin dati na gustong-gusto niya ang kuya ko. Gwapo, matangkad at mabait daw kasi ito. Ganoon din naman ang tingin ko sa kuya ko. Mahal na mahal ko silang dalawa ni Mama. Strikto lamang siya sa akin pagdating sa ibang bagay dahil babae ako. Si Ate Nadera pa lang ang alam kong nagiging girlfriend niya. Alam ko kasing gusto niya muna akong mapagtapos bago siya humanap ng pamilya.
"Sige na, aalis na kami. Ana, magpaalam ka na sa kanila."
Doon ako muling humarap sa mga kaibigan ko. Dinambahan nila ako at mahigpit na niyakap. Narinig ko pa ang pagsinghot ni Abby at Panny. Tumawa ako kahit alam ko sa sarili kong nahahawa na ako sa kanila.
Siguro ganoon nga talaga ang buhay, may mga bagay na kailangan mong i-sakripisyo dahil iyon ang dapat. May mga pagkakataon na kailangan nating umalis dahil iyon ang mas makabubuti. Kapag ayos na, kapag pwede na uli, kapag bibigyan pa ako ng tadhana ng pagkakataon, babalik ako at muli kaming mabubuo.
"Mag-iingat ka, Ana!" patuloy ako sa pagkaway sa kanila habang umaandar ang bus na sinasakyan namin papunta sa Quezon. Humabol pa sila sa akin hanggang sa tuluyan na kaming pinaglayo ng distansya. Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa direksyon na iyon kahit ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko.
Kailan ko kaya sila ulit makikita?
"Mama." yumakap ako sa kaniya at umiyak nang umiyak. Kahit ayoko sa maingay na lungsod, marami pa rin akong mami-miss sa lugar na iyon. Doon ako lumaki at nagkamalay. Kahit ayoko sa traffic, maingay na kalsada, mga tambay sa daan, mga pasaway na kaklase, basura at mataas na baha sa tuwing umuulan ng malakas, hindi maipagkakailang marami akong masasayang alaala sa lugar na iyon lalo na at palagi kong kasama ang mga kaibigan ko.
"Tahan na, Ana. Magkakaroon ka rin ng maraming kaibigan doon." patuloy akong hinahagod sa likod ni kuya upang patigilin ako sa pag-iyak. Sumubsob lamang ako kay mama dahil mas lalo akong naiiyak sa pag-aalu nila sa akin. Nakatulog ako sa gitna ng biyahe. Nang magising ako ay buhat-buhat na ako ni kuya. Nakayakap ako sa leeg niya.
"Ang bigat mo na, Ana." tumawa siya at ibinaba ako. Doon ko tuluyang napagmasdan ang paligid. Literal na puro puno sa lugar na ito. May dalawang malaking bundok na makikita sa kanluran. Sa ibang bahagi naman ay matatanaw ang malawak na palayan. May matataas na puno ng niyog akong nakikita. May mga kalabaw at kabayo rin na nakatali sa mga puno. May highway sa likod namin na siyang dinaanan namin kanina.
"Mama, nandito na tayo?" ngumiti siya sa akin at tumango. "Sasakay pa tayo papunta sa bahay ng lola at lolo mo."
Sumakay kami sa isang tricycle papunta sa lugar. Buong byahe ay tahimik lamang akong nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang paligid. Doon ko napagtanto na talaga ngang nasa probinsya na kami.
"May secondary school naman dito, Ana. Doon mo na lang ipagpatuloy pag-aaral mo. Nakuha ko na lahat ng mga kakailanganin kaya makakapasok ka roon ng maayos." marahang hinawakan ni Mama ang buhok ko habang nagpapaliwanag tungkol sa mga magagandang puntahan sa lugar na ito. Ang sabi niya ay maraming ilog at mga talon dito. Doon daw sila madalas magawi ni Papa noong dito pa sila naninirahan.
"Ma? Babalik ka sa Manila 'di ba?" tanong ko sa kaniya. Narinig ko kasi ang pag-uusap nila ni kuya noong nakaraang gabi. Buong akala ko ay magkakasama kaming lilipat dito sa probinsya, iyon pala, kami lang ni Kuya.
"Oo pero babalik naman ako rito buwan-buwan para kumustahin kayo. Magtatrabaho lang ako, anak." tumango lamang ako at hindi ipinakita na naiiyak na naman ako. Ayokong makadagdag sa mga isipin ni Mama. Halos hindi na nga niya maalagaan ng maayos ang sarili niya. Ayoko ng dumagdag pa sa mga problema niya.
Marahang hangin ang sumalubong sa akin nang sandaling makababa kami sa sasakyan. Natitigan ko ang malawak na palayan hindi kalayuan at ang matataas na puno ng niyog at ng iba't-ibang klase ng prutas na nakatanim sa bakuran. Mayroon ding iba't-ibang klase ng halaman na namumukadkad sa harap ng makalumang bahay. Gawa iyon sa pinakintab na kahoy na karaniwan kong nakikita sa tuwing naghahanap ako ng mga picture ng spanish colonial houses sa internet.
"Gilbert! Anastacia! Ito na ba ang mga apo ko?" nagmamadaling bumaba sina Lola mula sa hagdan. Sinalubong nila kami ng halik at yakap. "Ang gaganda at ang gagwapo naman ng mga apo ko!" tuwang-tuwang anas nila sa amin. Ilang taon na rin simula ng huli silang bumisita sa Manila. Kaya siguro nanibago sila gayong mas malalaki na kami.
Ngumiti ako at nagmano. Ganoon din ang ginawa ni Kuya. Nagkamustahan sila sa harapan ko habang ako ay patuloy lamang ang pagmamasid sa paligid. Pumasok kami sa loob dala ang mga gamit. Pinadiretso kami nina lola sa hapag at kaagad akong nagutom nang makita ang mga nakahain doon.
Puro mga gulay at isda. May ginataang alimango at hipon din. Mabilis akong natakam dahil matagal na rin akong hindi nakakaain ng mga ganito.
"Anong grade ka na ba, Anastacia?" tanong sa akin Lola. Umangat ang tingin ko sa kaniya at naibaba ang hawak na tinidor.
"Grade 8 na po." nasa kalagitnaan pa lang ng school year. Hindi ko alam kung may tatanggap pa sa aking school lalo na at masyadong late na ako kung mag-eenrol. Second quarter lang din ang natapos ko sa grade 8 doon sa Manila. Mabuti na lamang at semetral break ngayon kaya wala pang klase.
"Pwede kitang pasamahan mag-enrol kung gusto mo? Tatanggapin ka naman doon dahil naumpisahan mo na ang pag-aaral sa ikawalong baitang." saad ni Lola. Tumingin naman ako kay Kuya. Ang akala ko siya ang sasama sa akin.
"Hindi ako makakasama, Ana. Mag-aapply pa kasi ako ng trabaho. Marami naman akong kakilala rito. Ipapakisuyo na lang kita." tumango ako sa kaniya. Saglit akong nalungkot nang malaman na magtatrabaho pa rin pala rito si kuya. Sa Manila nga ay halos hindi na siya tumigil sa pagtatrabaho. Nag-aalala na ako sa kalusugan niya.
Nang matapos akong kumain ay kukunin ko na sana ang aking pinagkainan upang ligpitin subalit pinigilan ako ni Lola. Masama raw na magligpit ng mga pinggan habang may kumakain pa. Napatango na lamang ako upang maitago ang hiya. Sa amin kasi ay walang mga ganito. Inuunahan ko na palagi sa pagliligpit upang mahugasan ko na kaagad. Ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay dahil busy sa trabaho sina Mama.
Nagpaalam muna akong lalabas dahil naguusap-usap pa naman sila. Gusto kong maging pamilyar kaagad sa paligid para hindi ako maligaw kapag mag-isa na lang ako.
"Basta huwag kang lalayo. Mag-iingat ka." paalala sa akin ni Mama. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin sa akin sina Lola.
Dali-dali akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa bakuran. Mas lalo akong namangha nang makakita ako ng pala-isdaan malapit sa palayan. May mga tilapia akong nakikita roon. Kumuha ako ng pira-pirasong dahon at hinagis iyon sa pala-isdaan. Natawa ako sa sarili ko nang mapagtanto na hindi iyon ang kinakain ng mga tilapia.
Sunod akong nagtungo sa malawak na palayan. May ilan akong nakikitang mga tao na nagtatanggal ng damo sa makitid na mga daan doon. Tumapak ako sa makitid na lupa na siyang nagsisilbing daan at pinagmasdan ang mga tanim. Hindi pa namumulaklak ang mga palay.
Napasigaw ako ng bigla akong mapamali ng tapak at madulas. Bumagsak ako sa maputik na palayan. Kaagad nanlaki ang mata ko nang makita ang aking sitwasyon. Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko, hindi ko na rin makita kung nasaan ang suot na tsinelas.
"Tulong!" naiiyak na sigaw ako. Hindi ako makaahon sa putikan dahil sa tuwing maglalakad ako ay mas lalo akong lumulubog sa malambot na putik. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil wala akong ibang makakapitan kundi ang mga damo. "Tulong po!" hindi maririnig nila kuya ang sigaw ko dahil likas na mahina ako kung magsalita. Kaya kahit sumisigaw ako, parang salita lang iyon sa kanila.
"Tulong!" mas lalo akong kinabahan nang may makita akong gumagalaw mula sa putik. Nanlambot ang mga tuhod ko lalo na ng makita na marami ang mga iyon. Nawalan ako ng pag-asa na makakaalis pa ako rito. Ipinagdadasal ko na lang na sana puntahan kaagad ako ni Kuya.
"Kumapit ka." napaangat ang tingin ko nang marinig ang lalaking nagsalita. Bumaling ang tingin ko sa kamay niyang nakaabot sa akin.
"Lumulubog ako." naiiyak kong anas. Doon ko tuluyang naalala na sa mga ganitong lugar nga pala naninirahan ang mga linta. Iyong mga malalambot na nilalang na sumisipsip ng dugo. "Tulungan mo ako, lumulubog ako." grabe ang pagpipigil ko na huwag umiyak. Hindi iyon makakatulong sa sitwasyon ko ngayon. Pero maalala ko pa lamang ang mga linta, gusto ko nang magwala.
"Hindi ka lulubog. Akin na kamay mo." mas inunat niya ang kaniyang kamay para sa akin. Naiiyak naman akong kumapit doon. "Kumapit ka lang ng mahigpit." natitigan ko ang kulay itim niyang mata. Sa loob ng isang segundo ay malinaw kong nasuri ang kabuuan ng mukha niya.
Naitikom ko ang bibig ko sa gulat nang kapitan niya ako sa baiwang at unti-unting i-angat mula sa palayan. Walang kahirap-hirap niya akong nabuhat. Napasalampak ako sa damuhan nang tuluyan akong makaahon sa palayan.
Tiningnan ko ang aking kabuuan at muling napapikit nang makita kung gaano karumi ang damit ko. Papagalitan ako ni Mama pati ni Kuya kapag nakita ang sitwasyon ko. Buti na lamang at may napadaan upang matulungan ako. Umangat ang paningin ko sa kaniya at alanganing ngumiti. Nakatayo siya sa harap ko at kunot-noong nakatingin sa akin.
"S-salamat." kung hindi siya dumating ay baka nakagat na ako ng linta. Buong akala ko ay magandang ideya na maglibot sa palayan. Dapat pala hindi na lang ako pumunta rito.
"Sa susunod huwag ka ng pupunta sa mga palayan kung takot ka naman pala sa putik." natigilan ako sa tono ng boses niya. Para siyang galit. Masama rin ang tingin niya sa akin.
Naibaba ko ang tingin ko dahil sa kahihiyan.
"Taga saan ka? Ngayon lang kita nakita rito." halatang kasing tanda ko lamang siya pero para na siyang matanda kung magsalita. Matangkad din siya.
"Doon ako sa bahay ng lola ko nakatira." itinuro ko ang bahay hindi kalayuan. Napatingin naman siya roon. Naglakad siya patungo sa isang puno at doon tinanggal ang lubid na nakatali sa isang kabayo. Nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano kaganda ang kabayong iyon. Ngayon lamang ako nakakita ng kabayo na ganito kalapit.
"Tumayo ka na. Ihahatid na kita." tumango ako at hindi na nagreklamo pa. Tahimik akong sumunod sa kaniya kahit natatakot ako sa kabayong hinihila niya. Baka bigla iyong makawala at sipain ako.
"Taga Maynila ka ba?" nabigla ako nang tumigil siya at lumingon sa akin. Tumigil din ang kabayo sa paglalakad. Mabilis naman akong napatango nang masalubong ang mata niya. Para talaga siyang galit. "Kaya pala..." makahulugang anas niya. Gusto ko sanang magtanong kung para saan iyon. Anong meron tungkol sa mga taga Manila?
"Bakit?" kuryusong tanong ko. Tumaas lamang ang kilay niya at binigyan ako ng nanghahamak na tingin.
"Sadyang maaarte ang mga taga Maynila." napatikom naman ako sa sinabi niya. Iniisip ba niyang maarte ako dahil takot ako sa putik kanina? Kung tutuusin ay hindi naman talaga ako takot sa putik. Natatakot lang ako kanina dahil malambot iyon at lumulubog ako.
Gusto ko sanang sumagot pa subalit nagpatuloy na siya sa paglalakad. Saktong nakatayo sa may bintana si Lolo kaya mabilis niya kaming nakita.
"Diyos ko, Anastacia! Anong nangyari sa'yo?" dali-dali niyang tinawag sina kuya. Sabay-sabay silang sumilip sa bintana at nanlalaki ang mga matang tiningnan ako. Bumaba naman ang paningin ko sa lupa dahil sa kahihiyan. Itinago ko ang aking dalawang kamay sa likod at doon kinutkot ang aking mga daliri.
"Anong nangyari sa'yo, Ana?" kunot-noong tanong ni Kuya habang pababa siya sa hagdan. Sunod-sunod na nagsibabaan din sina Mama. Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil sa takot. Dumako ang paningin niya sa lalaki sa likod ko. Doon bumaling ang masama niyang tingin. "Ikaw ba may gawa nito sa kapatid ko? Anong ginawa mo sa kaniya, ha? Inaway mo ba? Kalalaki mong tao nang-aaway ka ng babae?"
"Kuya!" sumigaw ako para patigilin siya. Nanatili namang tahimik ang lalaki sa aking likod. "Nahulog ako sa palayan, Kuya. Tinulungan lang niya ako." hindi natanggal ang pagkakakunot ng noo niya. Masama pa rin ang tingin niya sa lalaking tumulong sa akin.
"Hinawakan mo ba kamay ng kapatid ko? Pasimple ka lang yata, e?"
"Gilbert!" sinaway na siya ni Mama. Doon lang siya tuluyang tumigil. Lumapit sa akin si Mama at napasapo ang noo nang makita ang damit ko. Naiiyak na napayuko naman ako dahil sa takot at kahihiyan. Unang beses na nangyari ito sa buong buhay ko.
"Si Kahel pala ito, naku!" bigla ay saad ni Lola. Doon ko lang tuluyang napagtanto na kilala nila ang lalaking iyon. Lumapit sa kanila ang lalaki at nagmano. Natahimik naman ako at tinitigan siya.
"Bukas ko na lang po ulit hihiramin si Abacus. Maraming salamat po uli." kinuha ni Lolo ang kabayo at idinala iyon sa likod ng bahay.
"Pumasok ka muna, hijo. Samahan mo kaming kumain." paanyaya sa kaniya ni Lola. Umiling lamang siya bilang pagtanggi. Hindi rin nagtagal at nagpaalam na siya sa matanda. Isang beses siyang sumulyap sa akin. Ngumiti ako sa kaniya subalit mabilis na siyang tumalikod.
Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. Galit sa akin ang lalaking iyon. Ang akala siguro niya ay maarte ako kagaya ng inaasahan niya sa mga taga Manila. Hindi naman ako maarte. Sadyang natakot lang ako sa putik dahil ang akala ko lulubog ako kanina.
Tumalikod na lamang ako at sumunod kay Mama upang makapagpalit ng damit.

Comentário do Livro (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes