logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Loving Heart

Loving Heart

jhelly_star


Simula

Simula
Anger
--
Irene:
Vics! Oh my gosh! You need to see this!
Kunot noo kong binasa ang mensahe ni Irene. Sumubo ako ng isang pancake at uminom ng tubig. My phone beep and I saw her send a video. The backgroud is dark so I'm not sure what that is.
"Wala na po kayong gusto?" tanong ng kasambahay.
"Wala na," sagot ko habang nakatingin pa rin sa phone.
She nodded and left. I clicked on Irene's sent video and watched it. At first, I didn't know what's happening. But when I turned up the volume and heard the crying and begging of a familiar voice, I realized what's happening on the video.
"Please tama na-ah!" sinipa sya ng isang babae kaya napahiga sya sa sahig.
Their background is dark. Tanging flash lang ng cellphone ang nagliliwanag. Parang umakyat ang dugo ko sa sobrang galit nang napagtanto kung sino ang babaeng sinasaktan! Mahigpit kong nahawakan ang cellphone.
"Ano? Pakielamera ka kasi. Dapat hindi ka na nakikialam!" sinampal siya ng isa.
Son of a...
I stopped the video and slammed the phone on our table. I got up and went to my room. Nakasalubong ko pa si tita Florence pero nagtuloy tuloy ako. She called me but I didn't look at her. I went into my room and packed.
"What are you doing?" Tita Florence asked, shocked. Sumunod sya sa akin.
"Uuwi ako."
"What?"
I didn't speak. Nagpatuloy ako sa pag iimpake. I have long heard that Elise is being bullied. I just can't go home because of my aunts there. They don't want me home. But now, nothing can stop me from going home!
"Victoria! Stop it!" pigil ni tita Florence pero nagpatuloy pa rin ako.
Nang hindi ako sumunod sa kanya, inagaw nya ang bag ko kaya iritado akong tumingin sa kanya.
"You're not going home!" she said.
"Uuwi ako! Kailangan kong umuwi, Tita!"
"You know you can't go home because of your aunts!"
"Elise needs me, tita. Binubully sya roon at wala manlang ginagawa sina tita Teressa!"
"What?" Gulat nyang tanong.
I snatched my bag from her and continued packing. Natigilan na sya at ang pag aalala ay agad gumuhit sa kanyang mukha.
"W-What happened to Elise? Tell me!" nag aalala nyang tanong.
"She's being bullied. I need to go home," hinagis ko sa kanya ang phone ko at agad nya namang nasalo yon, muntik nga lang mahulog. "Watch it."
She immediately watched the video there. I continued packing. Mas lalo lang yata akong nagalit nang narinig na naman ang pagmamaka awa ni Elise na tumigil na. Pumikit ako ng mariin.
"Oh my gosh!" napatakip ng bibig si tita Florence.
I snatched the phone from her and immediately pocketed it. I don't want to hear Elise cry anymore.
My tita looked at me worriedly. I sighed and looked at her as well.
"I'm going home. I don't know if I can return immediately but I will stay there for a while."
"What are you going to do?" nag aalala nyang tanong. "Kapag gumawa ka ng gulo, baka pauwiin ka na naman rito, Victoria."
"Wala akong pakialam. Gusto kong makaharap ang mga nanakit kay Elise," naglakad na ako palabas.
"Victoria!" habol ni tita Florence.
Nagtuloy tuloy ako. Nang nakarating sa labas ay hinarap ko si tita Florence na nakasunod pa rin sa akin. Her face is worried for me and for Elise. But she knew I couldn't be stopped now. That's why she ordered the driver to get the SUV ready. After that, she looked at me.
"Mag iingat ka. Please don't put your anger first. Don't do anything there," she said.
I just nodded even though I couldn't promise her that. Makaka patay yata ako dahil sa video na 'to.
She handed me a card. When I saw that, I immediately shook my head.
"Keep this. I know Teressa will not take care of you there so accept this. Palagi kong lalagyan iyan ng--"
"Hindi na, tita. May pera pa ako rito. Hindi na kailangan," putol ko sa kanya.
Umiling sya at kinuha ang kamay ko. Nilagay nya roon ang card at napabuntong hininga nalang ako.
"Sayo na yan. Gamitin mo kapag kailangan mo. Wag nang matigas ang ulo mo."
Tumango ako.
"Mag iingat ka roon. Ikamusta mo nalang ako kay Elise. Sabihin mo sa akin ang lagay nya roon. Palagi mo akong tatawagan. Mmm?" Sunod sunod nyang bilin.
"Mag iingat rin kayo rito."
I don't want to leave her here because she will be left alone but I can't stand my sister being bullied in Manila. I have to go home. I know Elise needs me.
Tumango si tita Florence at hinayaan na akong sumakay sa SUV. Huminga ako ng malalim at mariin tinitigan ang harapan. Nagpupuyos ako sa galit. Hindi ko akalaing hanggang doon aabot ang pang aabuso ng mga kaklase nya sa kanya. Hindi na ako makapag hintay na makauwi.
Tita Florence immediately found a way for me to get a ticket. Inabot sa akin ng isang driver na kadarating ang ticket na kinuha ni tita at umalis na ako. Sumakay ako ng eroplano.
Mabilis lang ang naging byahe. I'm just in Cebu. It was just over an hour and I arrived in Manila immediately. I didn't plan to go home but I knew what I'm going to do.
I took a taxi and told the destination. I still don't lose my temper. But now that I'm here, mas gusto kong kamustahin si Elise. Mas gusto kong malaman ang kalagayan nya.
When I arrived at the big Villanueva mansion, I didn't hesitate to ring the door bell. The maid was surprised when she saw me. She looked at me from head to toe.
"Ma'am Elise?"
"Victoria," I said.
Mas lalo syang nagulat. She immediately opened the door and helped me with my belongings. Nanlalaki ang mga mata niya.
"M-Ma'am! Ikaw po pala yan! Pasok po kayo!" natataranta nyang sinabi, gulat sa biglaang pag uwi ko.
I went in. Nothing has changed in the mansion. Still beautiful and clean. There's a grass in the front yard and there are still many plants. I'm sure there are more plants in the back yard.
"Akala ko po kayo si Ma'am Elise. Kakikita ko lang po kasi sa kanya kanina rito kaya nagtaka ako kung bakit nasa labas sya. Ikaw po pala yan," anang madaldal na kasambahay.
I didn't speak. I saw tita Teressa coming down the stairs and her eyes widened when she saw me. Tita Pamela also came out of the kitchen and was also surprised to see me. Tita Rowena also came out and of course, was also surprised. Pagod akong bumuntong hininga.
"What are you doing here?" mabilis na bumaba si tita Teressa sa hagdan at kunot noo akong nilapitan.
"Ingratang bata! What are you doing here? What right do you have to step into this mansion?" lumapit na rin si tita Pamela.
Si tita Rowena, tinignan ako mula ulo hanggang paa, lumapit na rin. Humalukipkip sya.
"Sumagot ka, babae! Anong ginagawa mo rito? Wala kang karapatang pumarito!" si tita Teressa.
"Bahay ito ni Daddy. Bakit wala akong karapatang tumapak rito?" tanong ko.
"Ha!" natawa si tita Pamela. "Pinangalan nya na ito kay Teressa! Kaya hindi na ito sa kanya! Lalong hindi sayo!"
Wala akong panahon para makipag talo sa kanila. Gusto kong makita si Elise.
"Nasaan si Elise?" tanong ko.
"At bakit mo hinahanap? Wala sya rito," si tita Rowena.
"Alam kong nandito sya. Nasaan sya?"
They are slightly stunned by my furious eyes. Mainit na ang ulo ko kaya sana hindi na nila lalo pang painitin. Puro dilim nalang ang nakikita ko sa ngayon.
Before they could speak, I saw Elise coming down the stairs. Not here, huh?
"Victoria!" nanlaki ang mga mata ni Elise nang nakita ako at agad tumakbo papunta sa akin.
Sinalubong nya ako ng yakap. I also hugged her and looked at her with a smile, setting aside my anger first. The joy in her eyes was obvious when she saw me.
"I missed you! Bakit nandito ka? Hindi ko alam na uuwi ka! Hindi ka manlang nagsabi!" sunod sunod niyang sinabi.
"May gusto akong pag usapan," sabi ko.
"Sana dinaan mo nalang sa telepono. Hindi ka na sana pumunta rito," bulong bulong ni tita Teressa.
Narinig iyon ni Elise kaya lumingon sya sa tatlong nasa likod nya.
"Tita..."
Agad syang ngumiti kay Elise. "Nagbibiro lang ako, hija."
I ignored them and pulled Elise to the stairs. My aunts said nothing because Elise was already here. They love Elise so much. They will give whatever she wants. And they knew Elise wanted to be with me so they didn't do anything.
"Marami akong ikukwento sayo! I'm so happy that you're here! Kahit nakakagulat, masaya pa rin ako! May makakasama na ako! Magtatagal ka ba rito?" tanong ni Elise nang nakarating kami sa kwarto nya.
Seryoso ko syang tinignan. "Bakit? Wala ka bang ibang nakakasama?"
Natigilan sya sa tanong ko. Nakaupo na sya sa kama habang ako nakatayo sa harapan nya. Tiningala nya ako. Para bang wala pa man, alam nya na ang ibig kong sabihin. Masyado nya akong kilala para hindi malaman ang tinutukoy ko.
"Ah!" tumawa sya, alam kong pilit. "Busy kasi minsan sina tita kaya wala akong nakakasama. Tsaka ayoko namang ikwento sa kanila ang mga nangyayari sa akin sa school. Lalo na ang lovelife," she laughed.
"Kaibigan? Wala?"
Natigilan sya ulit. Nawala ang ngiti nya at nag iwas ng tingin sa akin. She smiled again and would have spoken for another excuse but I stopped her. I stepped closer and crossed my arms.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Elise?" seryoso kong tanong.
Hindi sya nakapag salita. Lumunok sya at hindi na talaga makatingin sa akin ngayon.
"Sabihin mo, anong nangyayari sa school?"
She couldn't speak again. I know she's shock. I saw the fear on her face. She looks like she's about to cry too. I sighed and sat down next to her. Iniwas nya ang mukha sa akin.
Ayoko sanang pag usapan muna ito pero hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman ang nangyayari sa kanya. Nakita ko naman na sa video pero gusto kong malaman kung ano pa ang mga ginagawa sa kanya.
"Magsabi ka, Elise. At ano yan?" turo ko sa pasa na nasa leeg nya. Para akong nanggigigil nang nakita ko 'yon.
Agad syang umiwas. She covered her neck but it was too late. Nakita ko na. Matalim ko syang tinignan. Takot naman syang tumingin sa akin.
"W-Wala to. Nabunggo lang ng... bakal," palusot nya.
"Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari sayo? Ha?"
She swallowed hard again. I took my cellphone out of my pocket and handed her the video Irene had sent. She looked at it and her eyes widened. She immediately took my phone and deleted the video.
"Ikaw yan. Hindi ba?" seryoso kong tanong.
"N-Nagkakatuwaan lang naman kami noon..."
Halos matawa ako. "Nagkakatuwaan? Sinong niloko mo?"
Mas lalo siyang natakot sa tono ko. Alam nya ang ugali ko. I'm kind to her but I will not be easy when there are such things like this. Alam nya kung paano ako magalit.
"W-Wag ka nang mag alala sa akin. Ayos lang naman ako..."
"Ako hindi. Gusto kong makita ang mga gumawa nyan sayo."
Nanlaki ang mga mata nya. "V-Victoria. Hindi naman na kailangan--"
"Hindi ka papasok bukas. Ako ang papasok."
"W-What?"
"Pagkatapos nito, wala nang mananakit sayo."
"P-Pero, Victoria--"
"Nasaan pa ang mga sugat mo? Ayos ka lang ba?" medyo guilty ako na ngayon ko lang sya kinamusta.
She stopped. She still didn't agree with what I wanted to happen but she also pointed the wounds on her body. She has wounds on her arms and shoulders. That's why she's wearing a hoodie jacket. Meron rin sa hita at binti. Meron sa leeg na hindi naman masyadong kita. Meron rin sa mukha na tinakpan nya lang ng make up. And as she shows me all that, I get even angrier. I feel like I will explode with the intensity of the anger I feel.
"Promise me you will not do anything wrong. If you do something again, baka paalisin ka na naman nina tita. I don't want you to leave here..." Elise said.
I didn't speak. Kagagamot ko lang sa mga sugat nya. Isang oras ang tinagal namin dahil napaka rami talaga nyang sugat. Minsan nadidiin ko ang bulak sa gigil ko.
"Victoria..." she called when I didn't speak.
"I promise..." I don't know if I can fulfill that promise.
She smiled and hugged me. I hugged her too. Inabot kami ng gabi sa kwarto nya kaya nang inantok na sya, lumabas na ako at nagtungo sa kwarto ko. My room is just next to her room. Hindi naman pala ganon kasama sina tita dahil malinis pa yon. Binaba ko lang ang gamit ko at agad nang nahiga sa kama.
I forgot to text tita Florence so she texted me a lot, worried. I said I'm fine and got here safely in Manila. Doon sya napanatag.
Kinabukasan ganon nga ang ginawa ko. Sinuot ko ang uniform ni Elise at pagkababa, agad nataranta ang mga tita ko.
"What are you doing? Why are you wearing that? And... Elise," si tita Teressa.
They are all in the kitchen. Walang emosyon ko lang silang tinignan. Kinagat naman ni Elise ang labi nya at nagdahilan.
"Masama po kasi ang pakiramdam ko, tita. So I asked Victoria to come to school for me..." hindi ko alam kung saan nya nakuha yon.
"What? Are you okay?" nag aalala agad silang lumapit kay Elise.
Umirap ako. "Una na ako," sabi ko kay Elise at tatalikod na sana nang nagsalita sya.
"Hindi ka muna ba kakain? Sabay sabay na tayong kumain."
"Hindi na. Doon nalang ako sa school mo kakain."
Magsasalita pa sana sya pero tumalikod na ako. The driver drove me to her school. Of course, nanibago ako because it's my first time coming in here. Naka ponytail palagi si Elise pero ayokong mag ponytail. I just let my hair down. Hindi naman siguro yon mahahalata.
Pinagtitinginan ako habang naglalakad. Nagbubulungan sila at nagtatawanan. Iba ibang grupo ang nakita kong ganon. Mapababae man o lalaki. I looked at them from head to toe and then smirked.
I entered Elise's classroom and looked at her classmates one by one. Everyone looked at me. Nagbulungan agad.
"Bakit ganyan sya tumingin?"
"Ang yabang ng dating nya ngayon..."
"Tignan lang natin kung maka asta pa syang ganyan kapag dumating na si Mayumi."
"Oo nga."
"Siguradong maduduwag na naman yan..."
Nagtawanan sila. I didn't know where Elise's chair is so I had to ask where I should sit.
"Saan upuan ko?" tanong ko sa isang babae.
May kasama syang mga babae. Sila ang nagbubulungan kanina. Nagtaka sila pero natawa kalaunan.
"Bakit? Nagkalimot ka ba? O nagtatanga tangahan ka lang?"
Nagtawanan sila sa sinabing yon ng babae. Bahagya akong nairita. Ganito ba ang turing nila kay Elise? Imbes na makipag away, umirap nalang ako at umupo nalang kahit saan. Hindi ko hinubad ang bag ko nang tamad akong umupo sa upuang nakita ko. Bakante yon kaya doon nalang.
"Is she really stupid? She doesn't know where her seat is?"
"Talagang umupo pa sya sa upuan ni Mayumi. Lagot sya roon..."
They suddenly fell silent. I saw a group of girls enter the door. Nagtatawanan sila at maaarte ang mga galaw. Nasa lima yata sila. I followed them with my gaze until one of them stared at me.
"Look! Si Elise!"
"Oh my gosh! Why is she sitting on your chair?"
"Ang kapal ng mukha nya, ah..."
"Lapitan natin."
Lumapit sila sa akin. Tinignan ko lang sila. Ang nangunguna sa kanila at ngumisi at humalukipkip. Umupo sya sa table ko at natatawa akong tinignan.
"Anong lakas ng loob ang meron ka para umupo sa upuan ko?" tanong nya.
Hindi ako sumagot. Tinagilid ko ang ulo ko at tintigan sya ng mabuti. Pamilyar ang mukha nya, ah.
"Whoa!" ungulan ng mga kaibigan nya dahil lang hindi ako sumagot.
Hindi makapaniwalang natawa yung nakaupo sa table ko.
"Anong karapatan mo para hindi ako sagutin?"
Naalala ko na. Kaya pala. Sya yung sumampal kay Elise sa video na yon. Nag init bigla ang ulo ko. Tinignan ko ang grupo nya. Isa isa. Lima nga sila. Kung ganon sila pala yon.
"Hoy! Sumagot ka!" tinulak nya ang noo ko gamit ang hintuturo nya.
Umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa ginawa nya. Nagtawanan naman ang mga kasama nya at pati na rin siya. Binalik ko naman sa ayos ang ulo ko at tinitigan ang babaeng 'yon.
"Oh! Look! She's glaring at me! Aww! I'm scared!" then she laughed.
Nagtawanan ulit sila. Tinagilid ko ulit ang ulo ko at tinitigan pa sya.
"Hoy!" sinampal sampal nya ang pisngi ko. "Hindi ka dapat ganyan tumingin sakin. Gusto mo na naman bang masaktan--"
Hindi na nya natapos dahil kinuha ko na ang kamay nyang tinatampal ang pisngi ko at binaliktad yon. Napasigaw sya sa sakit. Ang mga kasama nya ay nagulat at napalayo ng kaunti.
"Aww! Let go of my hands!" she screamed.
"Oh my gosh! Si Mayumi!"
"Tulungan nyo!"
"Ayoko! Nakakatakot si Elise!"
Tumayo ako at tinulak sya. Napa atras sya sa mga upuan sa likod nya. Iniinda nya palang ang sakit ng likod niya dahil sa mga upuan, naglakad na ako palapit at kinuha sya sa kwelyo ng uniform niya.
"Kung ganon ikaw yon..." mariin kong sinabi.
Hinawakan nya ang kamay kong nasa kwelyo nya at takot na takot na tumingin sa akin.
"B-Bitawan mo ako!"
Hinigpitan ko ang paghawak sa kwelyo nya dahilan para bahagya syang masakal. Mas lalo syang nagpumiglas.
"T-Tulong!"
Walang tumulong sa kanya. Ang mga kaibigan nya ay umatras at natakot. I smirked.
"B-Bitawan mo ako, Elise! Anong karapatan mong gawin sa akin ito!"
I tilted my head. "Ikaw? Anong karapatan mong saktan ang kakambal ko?"
Natigilan sya sa tanong ko pero napapikit nang higpitan ko pa lalo ang pagkakahawak sa kwelyo nya. Mariin ko syang tinitigan, nagtitimping saktan sya kahit sobrang sarap nya nang saktan. Nangako ako kay Elise na walang gagawing masama. At tutuparin ko yon kahit kating kati na ang kamay kong sampalin sya kagaya ng ginawa nya kay Elise sa video.
"Subukan mo ulit saktan si Elise. Babalikan kita rito," banta ko at binitawan sya.
Tumama ulit sya sa mga upuan at napaupo. Umubo ubo sya at agad syang tinulungan ng mga kaibigan nya. Masasama ang tingin ng mga kaibigan at kaklase nya sa akin pero wala namang nagawang lumapit. I smirked and walked out of the classroom.

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes