logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Nasa kalagitnaan ng pangangaso sina Kayan at ang dalawa pa niyang kasama nang makita nila ang isang sugatang dalaga sa tabi ng ilog. Nang malaman nilang buhay pa ito ay walang alinlangang binuhat niya ang walang malay na dalaga at dinala sa kanilang tribo. Alam niyang hindi matutuwa ang kanyang mga magulang at kanayon ngunit mas pinili niyang dalhin ito roon upang magamot.
"Mapanganib ang mga gaya niya, alam mo iyon." Hindi pagsang-ayon ng ama ni Kayan nang malaman nitong nagdala siya ng taong-labas sa kanilang tribo. Noon pa man ay galit na ang kanyang mga kanayon sa hindi nila kauri. Palaging sinasabi sa kanila na masasamang tao ang mga nasa labas. Maamo ang mukha ng dalaga na tinulungan niya at hindi siya nakaramdam ng panganib nang lapitan niya ito kaya naman hindi siya nagdalawang isip na dalhin ito sa kanilang tribo. Tiyak niyang hindi lahat ng mga taong-labas na gaya nito ay maitim ang budhi.
"Alam ko naman ho iyon, Ama, ngunit mag-isa lamang siya kumpara sa ating tribo. Wala siyang kalaban-laban sa atin. Nakakaawa naman kung hahayan natin siyang mamatay." Tukoy ni Kayan sa dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.
"Paano kung hindi siya nag-iisa at may mga kasama siya?" 
"Huwag ho kayong mag-alala. Bukas na bukas din ay tutungo ako roon upang alamin kung may kasama nga siya. Lilibutin din namin ang kalapit na kagubatan upang maibsan ang inyong pangamba," kumbinsi niya rito na hanggang ngayon ay hindi mapanatag, na baka trahedya ang dala ng dalagang inuwi niya. Kinaumagahan nga ay lumisan siya kasama ang ilan sa kanyang kanayon. Pinakiusapan niya ang isang dalagita na bantayan ang nahihimbing na dalaga at pakisamahan ito sa oras na magkamalay. 
Nagising si Luna dahil sa mga ingay na kanyang narinig. "Buhay pa pala ako," aniya nang mapansin ang ilang benda sa kanyang katawan. Nagtaka siya dahil nasa loob siya ng isang kubo at wala sa hospital. Iba na rin ang kanyang suot at hindi niya mawari kung sa anong tela ito galing. Kung nasa isang kubo siya, ang ibig sabihin lang ay maaaring nasa loob pa rin siya ng gubat at may nagmagandang-loob na tulungan siya.
Akmang tatayo ang dalaga upang tingnan kung saan siya naroon nang pumasok ang isang matandang babae na may kakaibang pananamit at palamuti sa ulo, gaya na lamang ng napapanuod niya sa tv. 
"Gising ka na pala?" ani nito.
"Sino po sila?" tanong niya. Nakalimutan na niyang batiin ito dahil mukhang hindi maganda ang gising base na rin sa timpla ng mukha.
"Ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan. Sino ka at ano ang pakay mo sa aming lugar?" tanong nito nang may awtoridad.
"Ako ho si Luna, nasaan ako?"
"Ano ang pakay mo rito?" diin ng matanda.
"Wala ho akong pakay, sa totoo lang ay nahulog ang aking sinasakyan at napadpad ako rito."
"Sinungaling!" 
Nagulat siya sa tinuran nito. Paano siya magiging sinungaling kung nagsasabi lang siya ng totoo?
"Hindi ho ako nagsisinungaling," depensa niya.
"Ang mga taong-labas na gaya mo ay hindi mapagkakatiwalaan. Ano ba ang totoong pakay mo rito? May mga kasama ka ba? Nasaan sila?" 
"Wala ho akong kasama." Hindi niya alam ngunit ilang beses siyang tinanong nito nang paulit-ulit. Naubusan na siya ng pasyensiya at sinagot ito ng pabalang. "Ang tigas din ng ulo n’yo eh, sabi ngang wala akong pakay dito sa lugar ninyo. Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ang lugar na ito," kahit na masakit ang katawan ay pinilit niyang maglakad papalapit sa matanda.
"Matuto kang gumalang,” hindi natuwang saad nito.
"Ikaw kaya ang tanungin ng paulit-ulit at sabihan ng sinungaling. Matutuwa ka ba?" naiirita niyang turan. Pinaka-ayaw niya sa lahat ang sinasabihan siyang sinungaling dahil hindi siya pinalaking ganoon.
"Salamat na lang ho sa pagtulong n’yo. Don't worry, uuwi ako ngayon din." Maglalakad na sana siya palabas nang harangin siya sa pinto ng dalawang lalaki na parehong walang damit pang-itaas. Nagulat pa siya sa nakita. Hindi pangit ang katawan ng mga ito, sadyang hindi lang magandang tingnan lalo na't babae ang kaharap nila.
"Wala ba kayong mga damit?" tanong niya.
Hindi sila sumagot.
"Ah alam ko na! wala kayong pambili. Maaari ko kayong bigyan, bilang pasasalamat na rin sa pagtulong n’yo sa akin," aniya ngunit tiningnan lang siya nang masama.
"Buhatin siya at dalhin sa pook-litisan," utos ng matandang babae na nasa likuran na niya. Agad siyang binuhat ng isa at isinaklay sa balikat nito na tila sako ng palay. 
"Ano ba, saan n'yo ako dadalhin?" pagpupumiglas niya ngunit sadyang mas malakas ito kumpara sa isang kuting na gaya niya. Saka hindi pa hilom ang kanyang mga sugat, baka mas lalo itong lumala kung manlalaban siya kaya naman pinili niyang manahimik na lang.
Pagkalabas niya sa kubo ay bumungad sa kanya ang ilang mga tao na may magkakaparehong damit at palamuti sa katawan. Sila ay abala sa kani-kanilang gawain. May mga bata ring masayang naglalaro ng habulan. Sa tingin ni Luna ay nabibilang sa indigenous people o tribal group ang mga ito base na rin sa uri ng kanilang pamumuhay at pananamit. Bawat lalaking makita niya ay mga walang damit pang-itaas gaya na lang ng dalawang kasama niya. Hindi niya naman pwedeng sabihin na may shooting ang mga ito at isinama siya sa palabas. Malinaw sa kanyang isipan na nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at tinangay siya ng ilog sa lugar na 'yon. 
Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat kaya tiyak niyang hindi ita ang mga ito. Wala naman siya sa Cordillera para isiping Igorot sila. But likely, they are more close to Igorot people ayon na rin sa mga nakikita niya sa magazines… their characteristics and way of living.
Itinali ang dalawa niyang kamay at ibinitin malapit sa isang malinaw na tubig kung saan sa ilalim nito ay may mga gumagalaw na itim na bagay o kung ano man na hindi niya pa mawari. Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng mapagtantong linta ang mga ito. Hindi niya alam kung mahihimatay ba siya o ano.
"Don't tell me, ilalagay ninyo ako riyan?" may takot na tanong niya. Kita niyang gumagalaw-galaw pa ang mga linta na tila nag-aabang ng sisilain. 
"Oo, sa oras na hindi mo sinagot ang aming mga katanungan," sagot ng isang matandang lalaki, sa tabi nito ay ang matandang babae na kumausap sa kanya kanina. Sa tingin niya ay ang mga ito ang pinuno base na rin sa suot nila na mas elegante kaysa sa iba. 
"Ano ba ang mga tanong ninyo? For Pete's sake! ask me now and let me go." 
"Ano ang pakay mo sa aming lugar?" 
"Wala ho akong pakay sa lugar na ito, nahulog sa bangin ang sinasakyan ko at dito ako dinala," paliwanag niya. "Diba kayo pa nga ang nakakita sa akin at gumamot sa mga sugat ko?" 
"Laging ganyan ang katwiran ng mga taong-labas na pumaparito. Magsabi ka ng totoo."
"Iyon ho ang totoo," aniya. 
"Ibaba ang lubid!”
Ibinaba nga ang lubid at dumampi ang kanyang mga paa sa tubig. Tila uhaw na dumikit doon ang mga linta. 
"Ahhh~ let me go, please!" aniya habang iwinawaksi sa ere ang mga paa. "Nagsasabi naman ako ng totoo eh." Kung hindi lang masakit ang katawan, magagawa niya itong baluktutin para hindi sumagi ang paa sa tubig. 
"Please, get rid of them!" Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa takot at pandidiri sa mga linta. Nagsimula na ring mangati ang kanyang paa. Panay ang pagwaksi niya rito, umaasang maaalis ang lintang nakakapit. 
"May mga kasama ka bang pumarito?" tanong ng isa sa kanila.
"Wa-wala h-ho akong kasama," agad niyang sagot. Nangawit na ang kanyang mga kamay sa pagkakabitin. "Pakawalan n’yo naman ako oh, parang-awa n’yo na!" 
Mukhang naawa sa kanya ang mga ito kaya naman inalis siya sa pagkakabitin at inilagay sa isang kulungan na gawa sa kahoy. Lumapit sa kanya ang isang babae na sa tingin niya ay mas bata sa kanya ng ilang taon, at tinulungan siyang alisin ang ilang linta sa kanyang paa pagkatapos ay pinahiran nito ng dinikdik na dahon ang namumulang kutis.
"Gagaling din yan," wika nito.
"Salamat," aniya. Buti na lang at may nagmalasakit na tulungan siya. "Ako nga pala si Luna, ikaw anong pangalan mo?" 
"Mutya ho."
Nakiusap si Luna kay Mutya na kung maaari ay patakasin siya nito, ngunit ang sabi nito ay malabong makalabas siya sa lugar nila. Walang taong-labas na pumaparoon ang nakakakabalik sa pinanggalingan nito. Makalipas ang ilang minuto ay umalis ang dalagita at naiwan siyang mag-isa. Bumabalik na lang ito kung dadalhan siya ng pagkain at inumin.
Hindi maiwasang isipin ng dalaga ang ama, kung maayos na ba ang kalagayan nito. Alam na ba nilang nawawala siya? Hinahanap na ba siya? Siguro nagdiriwang na ngayon ang kanyang kapatid at ang ina nito. Baka pa nga isipin ng mga itong patay na siya. 
Naaawa siya sa kanyang sarili… naaawa siya dahil hindi na siya nauubusan ng problema. Ang kanyang pighati at pangungulila ay iniiyak na lamang hanggang sa siya ay makatulog. 
For the first time in her life, she slept inside a cage. 

Comentário do Livro (68)

  • avatar
    Jhon Erus Caballero

    okokohfzggzgz

    10/05/2025

      0
  • avatar
    Jonelo Suyom Tumulac

    JONILO

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Arnel Rustia

    thanks 😊

    08/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes