logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 LEWIS YASAY

"Nagbigay din sila ng name ng bus na dapat nating sakyan, oh," Tammy said while carefully looking at the map.
We all taped it together para mas maintindihan namin kung saan kami pupunta.
"Are you okay with this, Ellie? Students might think that you're ditching because you are the supreme student government president," Janeth said with a concerned look which made me smile.
"Nicholas can handle it. I also asked Mrs. Herra my reason and she agreed, she understood," sambit ko nang taas-noo na tila ba ay nadala ko na ang lahat sa mga salita ko.
"Nicholas. Nicholas. Nicholas," Janeth said with a blank face. "Your crush, it is. Halatang-halata na may favoritism ka among your officers. Stop hoping for his love," my smile slowly faded. Nawalan tuloy ako bigla ng ganang pumunta sa kung saan man kami pupunta ngunit nandito na ang bus.
"Tama na iyan, guys! Huwag na kayo mag-away, nandito na ang bus," Tammy excitedly said so we all hopped on the bus.
Pagkapasok namin ay tatlo na lang talaga ang natitirang upuan kaya umupo na kami doom dahil sa dami ng pasahero.
Tahimik lang kaming tatlo habang nasa byahe. Si Tammy, nakangiting-nakangiti habang titig na titig sa mapa at para bagang sinusuri nang sinusuri ang bawat detalye nito. Mas maganda nga iyon para mas may alam kami sa patutunguhan namin. Si Janeth naman ay naka-earphones lang habang pinipilit ang sariling makatulog pero malubak ang daan kaya naaalog siya palagi.
Napalingon ako sa likuran at wala nang tao. Nakapagtataka naman, wala akong maalalang huminto ang bus para magbaba. Sa pagkakaalala ko, hindi rin ako nakatulog kaya baka namamalik-mata lang ako kanina kaya hindi ko na lang pinansin at pinagpabalewala na lang iyon.
Napapansin ko ang parami nang paraming mga puno at padilim nang padilim na daanan. Hindi ko sigurado kung tama pa ba 'tong dinaraanan ni manong pero I'm still putting my hopes in him. I know he will bring us safe.
Ang dalawa kong kasama ay gan'on pa rin ang ginagawa na tila ba walang kakaibang nangyayari. Pero hangga't hindi nagrereklamo si Janeth ay hindi ako kakabahan.
That's right, Ellie, don't panic. It's all normal.
Halos masubsob kami nang biglaang pumreno ang driver sa tapat na isang maliit na tunnel. Parang tao lang ang kakasya dito kung susumahin.
"Pasensiya na mga, ineng. Hanggang dito na lang ang service niyo, walang nakadadaan na sasakyan diyan kaya naglalakad ang mga pasahero papasok," ani ng driver kaya tumango na lang ako at binitbit ang mga gamit papalabas ng bus.
Tumingin ako sa driver pagkalabas namin para iabot sana ang bayad pero kaagad na siyang nagpatakbo. Libre?
"Cool. Wala tayong binayaran, astig 'di ba?" Ani Tammy pero hindi ako makampante lalo na't sobrang dilim ng tunnel na daraanan namin. Mukha pating mahaba ito.
"Are we really going to the dark and shabby tunnel?" I asked, doubting my safety. "Isn't it weird?"
"Weird?" Tammy furrowed her brows as she turned to face me. "It's just in your mind, Elle. Calm down ka lang diyan kasi, basta sundin lang natin itong mapa, hindi tayo maliligaw," she continued.
"Hanggang alas singko lang tayo, ha. Iyon lang ang oras ng paalam ko kay Mommy," singit ni Janeth sa usapan kaya tumango kaming dalawa.
Kahit ako ay hindi na pinayagan na lumagpas pa ng alas sais ng gabi.
Tammy led us while she kept on looking at the map with her flashlight on. Iyon na rin ang nagsisilbi naming liwanag kaya nakakakita pa rin kami kahit papaano.
Palapit nang palapit ay pakabog nang pakabog ang dibdib ko. I feel like something's waiting for us there... and it's not good.
I heard my phone beeped so I took a look at it and it's already an empty battery.
"What? Kacha-charge ko lang nito, ah," I complained while still looking at the phone.
Janeth did the same, kinuha niya ang phone niya at low batt na rin ito. Ang kay Tammy naman ay namatayan ng ilaw kaya wala kaming makita ni anino.
"Guys? Where are you?" Tammy said, panicking.
I couldn't feel them near me so I guess, they are going far.
"Stay in your places, girls. Don't panic, we will seek help by shouting," I suggested and I heard how they became silent for a while. Pero bago pa man kami makasigaw ay nakakita kami ng liwanag sa hindi kalayuan kaya tinahak na lang namin iyon dahil kahit papaano ay may nakikita na kami.
Akala namin malayo pa pero sobrang lapit lang ng ilaw at may isang taong humahawak nito. Naka-black hoodie siya kaya't natatakpan ang mukha niya at hindi namin siya makita.
"Are you one of us? Having an adventure?" Ramdam ko sa boses ni Tammy ang pagka-excited sa nangyayari ngayon samantalang ako naman ay kinakabahan nang kinakabahan.
"Follow me," the man said and walked.
He didn't even bother to wait for us so we all followed his lead. We are all clueless about this man's identification but I have this guts that we will help us to exit this long and dark tunnel.
Minutes of walking, may nasusulyapan na akong liwanag. Para siyang siyudad pero hindi, puro lang siyang bahay na maliliit. Hindi sementado, kahoy lang siya at pang-bahay-kubo ang datingan pero electrical lights na ang gamit, not torch.
Naagaw din ng pansin ko ang isang malaking building na bumungad sa amin pagkalabas ng tunnel, lahat ng kuwarto ay maliwanag at may ilaw kaya't may mga tao pa panigurado.
"May tao pa ng ganitong oras?" Janeth asked but the man just nodded. "Weird niyo naman," she whispered.
Napaatras ako nang humarap sa akin ang lalaking iyon nang hindi ko pa rin nasisilayan ang mukha niya. He pointed to the building I was talking about.
"That's your school," he said in a monotone voice which gave me goosebumps. "It's free," he continued.
I furrowed my brows and was about to hold his hoodie when he stepped away from us. "Why do we need school? We're here to save Lewis Yasay. By any chance, have you seen him or do you have any idea who that man is?"
"You can find Lewis Yasay in that school, feel free to go there," then after that he's gone. Para lang siyang bulang naglaho bigla dahil sa bilis niyang maglakad.
Nagdalawang-isip pa ako kung pupunta kami roon pero nauna nang maglakad ang dalawa kaya I have no choice but to follow them both. Nakararamdam ba sila ng takot or they are just ignoring what they feel?
Nang makarating kami sa harap ng school ay sobrang laki pala niya. Isang building lang siya pero sobrang daming rooms ma convenient sa mga students na nag-aaral dito. My left and right wing ang building at may rooftop din. Mukha siyang private university for college students but I guess highschools are also here.
We took a step and then the gate suddenly opened which made us all shocked. High-tec din pala sila dito dahil automatic ang gate samantalang sa university namin ay walang ganito-ganito.
"Where are we? In the future?" Tammy jokingly said. She was also amused by the gate.
"I guess so," Janeth agreed to her so we all stepped inside.
Nakaramdam ako ng kiliti sa puson ko kaya kinalabit ko si Janeth and whispered, "I'm going to pee," then she looked at me with a confusing look.
"May CR ba dito?" She asked while looking at the building.
"Mayr'on iyan, school 'to, e. Imposible namang walang comfort room dito, e, sa'n naman iihi iyong mga estudyante," sarkastikong sagot naman ni Tammy.
"Then, let's go?" Tanong ko at tumango naman sila.
Sa pagkakataong ito ay ako na ang nangunguna sa paglalakad dahil ako naman ang may kailangan umihi. Pagkapasok namin sa building ay naramdaman ko kaagad ang bigat sa pakiramdam lalo na't paroo't parito ang mga estudyante.
"They're quite serious, aren't they?" Janeth whispered while observing those students with poker faces.
"Baka mahigpit ang pamamalakad dito," Tammy replied at napatango naman ako. Baka nga.
I looked at the right side of my face and there I saw a comfort room for men and women. Without hesitation, I went there and peed.
Tammy and Janeth were waiting for me outside the cubicle. Hindi yata sila naiihi. I heard the door screech, meaning there's someone who entered this room.
Pagtapos ay lumabas na rin ako at kaagad na dumapo ang paningin ko sa misteryosong babae na nakaupo sa sink. Pinaningkitan ko siya ng mata while slowly walking towards her.
"Uhm... Excuse me? I'm going to wash my hands," I excused but it seems she didn't hear it. "I'm going to--"
"Newbies," she muttered kaya nahinto ako sa sasabihin ko. She jumped away from the sink kaya naghugas na ako ng kamay, ignoring what she said. "Mag-iingat kayo, lahat ng mata ay nasa inyo na," she continued pero hindi ko pa rin pinapansin.
"Uh... Is this a school or a world of poker faces?" Tammy teasingly said then giggled. I hid my laughter, too.
"Lahat ng galaw niyo ay may nanonood, huwag kayong magpakakampante. Nakaabang sila sa inyo," aniya kaya nagsimula na akong magseryoso.
"Sino ka ba? Bakit mo sinasabi sa 'min iyan? Besides, aalis din naman kami kaagad. May bahay din kaming uuwian, duh," I rolled my eyes.
"I'm Vivi, I'm nothing in this world. Hindi na kayo makalalabas dito. Simula nang itapak niyo ang mga paa niyo sa lugar na ito ay sinarado na nila ang daraanan niyo pabalik," para akong nabingi sa sinabi niya dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman - lamig, kaba, nginig - hindi ko alam. "Makalalabas lang kayo sa tulong NIYA," may pagdiriin sa salitang 'niya' kaya pinaningkitan ko siya ng mata para magtanong pa ng isang tanong kaso hinarangan niya ang mukha ko ng palad niyang marumi at may bahid pa ng dugo. Naamoy ko tuloy ang lansa nito. "No more further questions. Kapag sinabi ko pa sa inyo ang iba pang impormasyon ay mamamatay ako," after n'on ay umalis na rin siya.
Parang may lumabas ng question mark sa taas ng ulo ko dahil sa inaakto niya. Hindi mag-sink in sa akin kung ano ang mga pinagsasabi niya.
"What was she talking about?" Tammy's voice echoed as she asked us her questions.
"I don't know, may sapak yata sa ulo," Janeth replied.
"Her hand, did you see it?" I asked and glanced at them but they all shook their heads. "It's dirty, too stinky and has a blood stain on it," I continued.
"Napansin ko lang na marumi ang kamay niya pero hindi ko alam na may dugo pala iyon," Janeth said.
"Alis na kaya tayo?" Tanong ko at tumango naman silang dalawa. "Baka kung anong mangyari pa sa 'tin dito, e."
Tammy led our way again, heading back to the tunnel. She kept on looking at the map but I realized that we're just walking in circles. Like, para kaming nasa gubat na walang katapusan. Iyong mga lugar na nadaanan na namin ay nababalikan namim ulit. Nakapagtataka. But I have trust for Tammy.
"Guys, wait," Janeth stopped us from walking kaya napalingon kami sa kaniya. "Don't you realize that we're just walking and walking pero hindi naman gan'on kalayo ang school mula sa tunnel kanina," she explained.
Isa pa iyan, malapit lang ang school sa tunnel pero halos 30 minutes na kaming naglalakad kahahanap sa tunnel. Ipinalibot ko ang tingin ko sa paligid at napansin ko na napapaligiran kami ng mga bundok.
"Mga bundok? E, hindi naman tayo galing sa bundok kanina, 'di ba?" I could feel the trembles from Tammy's voice.
"Let's ask for the school admissions, they might know the way out. Sa tingin ko, wala namang tao itong mga bahay dito so better magtanong tayo sa siguradong may makatutulong sa atin," Janeth said kaya naglakad na naman kami pabalik sa school.
Pagpasok pa lang namin ng gate ay may nararamdaman akong matang nakatingin sa akin - sa amin. Matang nag-aabang sa amin na hindi ko alam. Tumingin ako sa itaas ng bahagi ng front building dahil doon malakas ang presensiya ng taong iyon and there I saw a bulk of man with a glass, glaring at us from the window.
Hindi ko na lang pinansin kaysa ma-paranoid ako kakaisip sa mga bagay-bagay na hindi naman totoo.
Naglakad ako kasama sila Tammy nang may isang grupo ng mga estudyante ang sumalubong sa amin kaya't nawala kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung saan sila tinangay so I did my best to find them.
Nakarating na ako sa left wing ng building but they weren't there, I tried looking at the right wing which I shouldn't have because I crossed paths with a witch.
Her face says it all. Singkit na mga mata, bleached na buhok, mahaba iyon at umaabot hanggang sa baywang niya. Naka-long black socks siya and white sneakers. Napansin ko rin ang dalawang lalaking nakapaligid sa kaniya, bodyguards siguro kuno.
"Hey girl," she waved at me but I ignored her and was about to walk away when one of her bodyguards stopped me and pushed me slightly. "Bago ka lang?" She asked like she's interested in me.
"No, I don't have plans to study in this messy school. Uuwi rin kami kaagad kaya puwede, tumabi ka? Hinahanap ko kasi ang mga kaibigan ko," sambit ko at maglalakad na sana ulit nang hilahin niya ang dress ko kaya napunit ito, revealing my undies. She laughed like a crazy girl pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Fix your attitudes, girly. Hindi iyan uubra sa akin, e," she whispered kaya lumayo ako sa kaniya dahil sa baho ng hininga.
She's beautiful but witch and has a bad breath.
"Baho ng hininga mo, gaga," sambit ko at saka tumalikod palayo na sana sa kanila nang magsalita ulit siya.
"I am Juliette Cartier, supreme student government secretary," pagpapakilala niya kaya lumingon ulit ako para lapitan siya.
Bahagya akong tumingkayad dahil medyo may katangkaran siya kaysa sa akin. "Well, I'm the supreme student government president of Clarkson University - Elliana Dizon, get it?" I rolled my eyes and turned my back at her.
"What's with the commotion?" The voice of a man stopped me from walking. I could feel his voice from behind me, in Juliette's place. "Juliette Cartier and Elliana Dizon," napatayo ako nang maayos sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko.
"What?" Inis kong bulalas sa kaniya at saka humarap, doon ko na rin napansin na marami na palang tao ang nagkakagulo para manood sa away namin. "And who are you?" I pointed to the man behind Juliette. The man wearing eyeglasses and neat uniforms.
"I am Lewis Yasay, the SSG president of this campus," nanlamig at napako ako sa kinatatayuan ko nang sambitin niya ang pangalang iyon at parang may kung anong umugong sa tainga ko.
"L-Lewis," I whispered while still glaring at him.
"Juliette, to the admin's office and explain what happened here when I came back and you," he pointed at me. "Follow me," tinignan ko lang siya without moving.
Medyo nakakalayo na siya nang lumingon ulit para senyasan ang mga kasama niyang lalaki na kargahin ako.
"Wait, what?" Gulat kong bulalas nang biglaan nila akong buhatin. Nagpupumiglas ako pero hindi nila ako binibitawan, pinagsisipa ko rin sila pero parang bakal sila na hindi nasasaktan. "Help me! Help me, people!" I yelled and it echoed in the hallway.
Napatingin ako sa hindi kalayuan, nand'on sila Tammy at Janeth, looks like they're also finding me kaso dumiretso sila sa kabilang hallway at hindi man lang ako nilingon.
"What are you going to do?!" Sigaw ko kay Lewis pero hindi ko siya makita dahil para lang akong sako kung bitbitin ng mga alipores niya.
"Kill you," nanlaki ang mga mata ko at lalong nagpumiglas sa kapit ng mga alaga niya.

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Cy Magnaye

    amazing

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Celeste Aki

    nice storya

    29/07/2023

      0
  • avatar
    Shamae Manansala

    next chapter napo😭😭😭😭😭

    24/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes