“Papa, kailan mo ako bibilhan ng bagong camera?” nakangusong tanong ko kay Papa habang naghahain siya ng nilutong umagahan sa lamesa. Naroon sa hapag ang fried rice na kakaahon lang mula sa kawali. Mayroon ding bacon at nilagang itlog na katatapos niya rin lang balatan. Ako naman ay ini-eksamin ko ang DSLR na tatlong taon ng nasa pangangalaga ko. Nang makitang may bahid iyon ng alikabok ay agad akong kumuha ng wetwipes at pinunasan ito saka hinipan para mabilis na matuyo. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa nang matapos kong linisan iyon. Ngumiti lamang siya sa akin saka napaangat nang tingin kay kuya na katatapos lang magbutones ng suot nitong uniform. Hindi pa niya maayos na nai-tuck in ang suot na sando kaya sinenyasan ko siyang ayusin niya iyon. “Grabe ka, Faye. Alam mo na ngang marami tayong bayarin, isisingit mo pa ‘yang pagbili ng bagong camera sa mga gastusin ni Papa.” sermon ni Kuya Ryan. Mabilis siyang umupo at nagsandok ng sinangag. Kumuha rin siya ng tatlong pirasong bacon strips at inilagay sa sarili niyang plato. “Hayaan mo anak, kapag nakaluwag-luwag na tayo, bibil’hin kita ng pangarap mong camera.” Nakangiting turan ni Papa na ikinakunot ng noo ni Kuya. “Ayan ka na naman ‘Pa, nangangako ka naman kay Faye, sinabi nang h’wag kang nangangako rito dahil dinaig pa nitong nakapagmemory plus gold kapag may kinalaman sa camera ang pinag-uusapan.” naiiling na saad ni Kuya. Napasimangot na lang ako bago sumubo ng pagkain. Alam ko naman na marami kaming bayarin lalo na at malapit na ang mid-term. Mabuti na lang din at kabilang ako sa nakatanggap ng star scholarship grant sa La Salle, dahil kung hindi baka sa ibang university ako nag-aaral ngayon. Dream school ko ang La Salle kaya suwerte at nakapasok ako rito. Samantalang si Kuya ay naman pinalad din na makapasok ng medical school sa UST. I heaved a dramatic sigh. “Oo na, hindi na nga.” saad ko sabay irap sa kaniya. Kumuha ako ng isang bacon strip bago humarap kay Papa. “Hayaan mo Pa, kapag ako yumaman, sisiguraduhin kong hindi ka na magtatrabaho. Gagawin kitang hari at kukuha tayo ng maraming katulong para hindi ka na kumilos dito sa bahay.” Kunot-noong bumaling sa akin si Kuya. “At paano ka naman yayaman, aber?” taas-kilay niyang tanong. Nginisihan ko siya. Ibinaba ko muna ang hawak na kutsara at mabilis na kinuha sa tabi ko ang DSLR camera. “Magiging sikat ako na photographer. Pustahan pa tayo magiging photographer ako ng mga artista.” He winced and repeatedly shook his head. Inis na hinampas ko siya sa braso. “Konting suporta naman.” pagmamaktol ko sa kaniya pero hindi na niya ako nilingon at nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng bahay para mag-abang ng masasakyan. “Kailan ba makukuha sa pagawaan yung sasakyan natin ‘Pa?” tanong ko kay Papa habang inaayos ang sintas ng suot kong sapatos. “Baka next week, anak. Pasensya na ha. Tiis muna tayo sa pagco-commute ngayon.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya. Palagi na lang siyang humihingi ng pasensya kahit wala naman siyang kasalanan. Tinanong ko lang naman kung kailan makukuha yung sasakyan dahil naaawa ako sa kaniya. Alam naming sobrang nahihirapan siya sa pagco-commute pero hindi man lang siya nagrereklamo sa amin ni Kuya. Kung sa tutuusin ay puwede naman siyang magreklamo o maglabas man lang ng kaniyang hinanaing. Mas okay nga ‘yon kaysa sinosolo niya lang yung problema. “Bye, ‘pa, ingat sa work!” sigaw ni kuya kay Papa habang kumakaway rito. Kumaway si Papa pabalik sa amin bago tuluyang sumakay sa bus. Nagtatrabaho si Papa bilang isang assistant producer sa isa sa pinakamalaking TV Network dito sa Pilipinas. Dati, production staff lang siya pero dahil sa sipag at dedikasyon niya sa trabaho ay na-promote makalipas ang dalawang taon. Kaya niya rin kami nagagawang pag-aralin ni kuya sa university na pinapasukan namin. Nang tuluyan nang makaalis ang bus ay saka pa lang kami naghiwalay ni Kuya. Siya papuntang España, ako naman papuntang Taft. Sa hindi kalayuan ay may sakayan ng jeep. Mabilis akong naglakad patungo roon. Hindi rin naman nagtagal ay umandar na ang sasakyan. Pagkababa ko ng jeep ay mabilis kong inayos ang pagkakatali ng buhok ko isinuot ang sumbrero na baon ko. Huminga pa ako nang malalim bago pumasok sa loob ng campus. Some students look at me strange in the hallways because of my usual outfit. Loose shirt, faded jeans, white converse shoes and a DSLR camera hanging on my neck. They might see me as a weirdo but I don’t really care about them that much. “Faye!” Napapikit ako nang mariin bago humarap sa taong tumawag sa akin. Heto na naman tayo. “Oh?” tanong ko pabalik kay Jeron Cheng na team captain ng basketball team ng La Salle. Kasama pa niya ang mga teammate niyang matamang nakamasid sa akin. Mukhang katatapos lang ng practice nila dahil pawisan pa ang mga hitsura. “Okay ka lang?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Huh? Malamang okay ako. Mukha bang hindi? “Oo naman.” mabilis kong sagot. “I saw you falling from heaven a while ago, just making sure if you’re okay.” Pagkasabi niyang iyon ay agad na naghiyawan ang mga kasama niya. Everyone within the hearing distance stopped abruptly in their position. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago muling tumalikod at naglakad palayo. Dami niyang alam. “Dude, pare. You didn’t tell us na snob pala ‘yang nililigawan mo.” saad ng isa sa mga teammates niya sabay halakhak. “Faye, sagutin mo na ako!” sigaw pa niya kaya lalo akong nagmadali sa paglalakad, nanatili akong nakayuko at iniiwasan ang matatalim na tingin ng mga estudyanteng may gusto sa kaniya. Kung pwede lang talagang sapakin sa mukha ‘yong taong ‘yon ginawa ko na. Kairita talaga. Mukhang walang ibang magawa sa buhay kaya ako ang pinagdidiskitahan. Dire-diretso akong naglakad hanggang makarating sa lobby ng Yuchengco. Pagpasok ko roon ay agad kong inilabas ang laptop sa bag. Hindi ko pa kasi nagagawa ang assignment namin sa isang subject dahil sobrang aga kong nakatulog kagabi. Halos isang linggo rin akong puyat sa kae-edit ng photography portfolio na pinasa namin kahapon sa Head office. “Hey, three months na palang nanliligaw sa’yo si Jeron ha.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Adea. Kasama nito ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Allison at Einj na umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. They were my former blockmates. “Pinagsasabi mo?” taas-kilay kong tanong. “Stop denying it, Faye. Kalat na kaya. Siya pa nga ang nagpakalat sa mga estudyante kanina sa SJ walk eh.” Napailing na lang ako. Kakaiba talaga, ang bilis kumalat ng chismis dito. Dinaig pa ang bilis ng wifi connection dito sa Yuchengco. “Fake news!” sagot ko. Nang matapos kong i-click ang send button ay agad kong sinara ang laptop. Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang Miguel building dahil may isa akong klaseng kailangang pasukan ngayong araw. Mabuti na lang close proximity ang mga area at sa third floor lang ang klase ko. Maghahagdan na lang ako dahil ‘pag pumila pa ako roon sa may elevator baka wala na akong abutan sa klase namin. Kailangan kong maghabol ng lessons dahil ilang araw din akong lutang sa klase kaiisip ng concept para sa portfolio namin. Muntik ko na ngang hindi magawa yung ibang assignments kung hindi lang ako palaging pinapaalalahanan ni Papa. “I can’t believe na two weeks from now, foundation week na. One week na naman tayong free sa mga classes natin, anong plan niyo girls?” excited na saad ng isa kong blockmate sa mga close friends niya. “Baka sasama na lang ako kay Dad papuntang states for one week. Ang init kaya rito.” Napakunot ang noo ko sa narinig. Hala! seryoso siya? Eh halos manginig na nga ang baba ko sa lakas ng aircon ng classroom namin eh. Lahat naman ng classroom dito sa La Salle may aircon ah, kulang na nga lang palagyan ng administration ng bubong ang limang ektaryang lupain ng Taft Campus para lang masigurong hindi maiinitan ang mga estudyante na nag-aaral dito. “I know right. I’m planning to spend the entire week in Boracay with my boyfriend. I can pay naman sa mga pa-money sanction ng Student Council.” sagot naman ng isa habang sinusuklay nito ang mahabang buhok. “Pupunta pa rin ako rito sa school. Wala naman akong choice, member kasi ako ng isa sa mga org.” walang ganang sambit ng isa pa habang nililinis ang sariling eyeglasses gamit ang maliit na tela. I can’t help but to shake my head slightly upon hearing their conversations. Iba talaga ‘pag rich kid, ang daming choices. Masuwerte sila at hindi nila pinoproblema ang pera. Samantalang kaming mga scholars, kailangang todo aral para ma-maintain ang grades namin. “Faye! Kararating mo lang?” tanong ng president ng klase namin na si Johan Aguilar. Kabababa ko lang ng bag ko sa lamesa nang lumapit siya. Sa lahat ng mga kaklase ko, siya lang ang malapit sa akin. “Obvious ba?” Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa bago may inilabas na papel mula sa dala niyang brown envelope. “Attend ka naman sa performance ng club namin sa auditorium mamaya.” “Sige basta may kapalit.” Sagot ko sabay kuha ng invitation na hawak niya. Iyon ang ipinapakita sa guard bago ka makapasok ng auditorium para masigurado na invited ka sa event na magaganap. “Sino bang gusto mo sa mga tropa ko?” pang-aasar niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Mukha bang mahilig ako sa lalaki? “Pass! libre mo na lang ako ng samgyup sa Muhan ‘pag may time.” Nagliwanag naman ang kaniyang hitsura saka ngumiti. “Deal!” Ngumisi ako. Nakipag-apir pa ako sa kaniya bago siya umalis sa harapan ko at bumalik sa kaniyang upuan. Ilang sandali lang ay dumating na ang Prof namin sa subject na Music Concentration, ang subject na naging paborito ko sa tulong ni Papa. Papa used to be a part of an indie musical band before kaya marami siyang alam tungkol sa music at musical instruments. Kaya lang hindi sila pinalad na mabigyan ng big break sa industry no’ng kapanahunan niya. Pero imbes na sumama ang kaniyang loob, tinuruan niya na lang kami ni Kuya kung paano tumugtog ng piano at gitara. “Good morning class!” bati ng propesor. Wala itong dalang gamit ngayong araw, tanging index cards lamang at ang kaniyang maliit na reminder notebook na may nakasingit na ballpen sa loob. “Nakalimutan kong ipaalala sa inyo kahapon na mayroon tayong event bukas sa auditorium.” Biglang natahimik ang buong klase. I heard a few groans in the left corner of the classroom. I totally understand why. Sa dami ba namang activities na binibigay nila sa amin sa araw-araw talagang naisipan pa nilang idagdag sa isipin namin ang event na gaganapin bukas? “May games at pa-quizbee ang mga professor ng College of Liberal Arts. Hindi naman kayo required na umattend.” he said as-a-matter-of-fact. At this point I heard sigh of relief from my classmates. “But those who will attend tomorrow, may special credits sila sa subject natin.” Napalingon ako sa katabi kong si Diane na ngayon ay nagkakamot na ng batok. She even took a deep defeated breath after hearing the announcement. “Dapat ni-require niya na lang kung gano’n.” reklamo niya na sinang-ayunan ng katabi niyang si Marian. “Ikaw, Faye? A-attend ka?” Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya nang bigla niya akong tanungin. “Ha?” nabiglang tanong ko. I wasn’t really expecting that people around me will notice me or talk to me kahit na blockmate ko pa ‘yan. Actually, most people at school didn’t even notice my presence. I’m one of the outcasts and I’m fine with that. I don’t need attention. It’s just making me awkward. “Miss Ramirez.” Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Sir Nicolas. “Naghahanap kami ng contestant na magre-represent sa buong fourth year bukas para sa gaganaping quiz bee. Do you want to join?” Lahat ng kaklase ko ay napalingon sa akin. Lahat sila naghihintay sa isasagot ko. I even saw one of my classmates raised one of her brows at me. At this point, I already know what to do. I never wanted complications. I never wanted to excel in extra-curricular activities maliban sa club na mayroon kami. Okay na ako na mataas ang general weighted average, sapat na mapanatili ko ang pagiging top 1 sa classroom at pagiging top 1 sa mga star scholars na nag-aaral sa La Salle. I managed to smile politely bago sumagot. “No, Sir. Pasensya na po.” Ngumiti si Sir Nicolas bago marahang tumango. Alam kong naiintindihan niya dahil ilang beses ko na rin siyang natanggihan noon pa. Nag-discuss lang si Sir ng mga pointers para sa final exam namin kahit na matagal pa iyon. Pagkatapos ng klase namin ay nagtungo na ako sa club room namin. Pagpasok ko ay agad akong nag-dive sa sofa na matatagpuan sa receiving area. Ah, sakit ng katawan ko. “Good morning ate Faye” nakangiting bati sa akin ng pinakabatang miyembro ng Photography Club na si Colin Chen. Kumaway lang ako sa kaniya saka pumikit. “Yo, people!” Inis na naihilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha sa sobrang pagkainis kay Maui. Kitang may natutulog, bigla-biglang sisigaw. “Itikom mo ‘yang bibig mo Maui, nagdidilim ang paningin ko sa’yo.” “Sorry na madam.” aniya saka ngumiti sa akin. Itinaas pa niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. Si Maui Tang, ang film at video editor ng club. Pareho kaming nagte-take ng Liberal Arts. Third year siya samantalang ako ay graduating na. Si Colin naman ay nagte-take ng Business Management habang si Jan na isa pa naming miyembro ay under ng College of Computer Studies. “Faye!” Ay kabayo! Muntik na akong mahulog sa sofa dahil gulat nang sumigaw si Jan. Hingal na hingal ito at pawis na pawis nang makalapit sa kinaroroonan ko. Parang gusto ko na siyang sapatusin dahil sa ginawa niya. Mukhang imposible atang makapagpahinga ako ngayong araw. Gusto ko lang naman ng katahimikan sa buhay Lord, kahit ngayon lang. “Faye! nagustuhan ng head office yung portfolio na pinadala natin sa kanila and guess what, Sir Rafael Evangelista himself gave this to me.” Excited na excited pa ito habang mabilis na inabot sa akin ang isang puting envelope. “Sir Rafael himself? Rafael as in yung anak ng presidente ng school?” naguguluhang tanong ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ang envelope na inabot niya sa akin. “Bakit ano bang laman nito?” “That’s an invitation for us. Actually, this year, tayo ang magiging official photography team na maghahandle sa Foundation Week.” “Hindi na Recreatives? prank ba ‘yan?” “Open it.” utos niya sa akin. Hindi naman sa dina-down ko ang club namin. Nasanay na kasi kaming ma-reject sa tuwing magsa submit kami ng portfolio sa Head office kaya medyo skeptic pa ako. Sa loob kasi ng tatlong taong pananatili ko rito, palaging Recreatives ang kinukuha nila dahil talagang bihasa na ang mga ‘yon sa larangan ng pagkuha ng litrato. Ano namang laban ng team namin sa professional na gaya nila ‘di ba? Kaya nakapagtataka. “Pumunta ka raw sa Head office ngayon. Kakausapin ka raw ni Sir Rafael.” “Bakit ako?” Agad siyang nagkibit-balikat. “Usapang kontrata raw eh.” “Bakit hindi na lang si Maui o kaya ikaw? Kayo na lang, busy ako.” saad ko kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang talagang magpahinga dahil pakiramdam ko magkakasakit na ako dahil sa ilang araw na pagpupuyat at isa pa ‘pag pumunta ako roon panigurado hindi ako makakapanuod ng performance nila Johan. Sayang ang samgyup, laman tiyan din ‘yon. “Bakit ano bang gagawin mo?” “Manunuod ng dance performance nila Johan sa audi.” Agad namang kuminang ang mga mata ni Jan nang marinig ang pangalan ni Johan. Crush niya nga pala ‘yon. “Ako na lang proxy mo!” Nginisihan ko siya. Baklang ‘to! Wala rin naman akong choice kundi pumayag. Sayang, baka magbago pa ang isip ni Sir Evangelista. Malaking opportunity rin ‘yon para sa aming mga baguhan. “Sige-sige na. Magwawarp-zone na lang ako papuntang Gokongwei.” Kaya nga ayaw kong pumunta roon sa head office dahil malayo ‘yon dito. Nasa Miguel Building ang office namin samantalang nasa Gokongwei naman ang HO. “Ito na ‘yon Faye, this is the official debut of Malikhaing Lente.” naluluhang saad ni Jan na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Ako, si Jan, at Maui ang founder ng photography club dito sa DLSU. First year college kami noon nang magkakilala kami during the orientation seminar for freshies. We share the same passion in photography kaya nagdesisyon kaming bumuo ng isang club. We founded Malikhaing Lente because we love photography and film-making. Kahit walang gustong sumali sa amin, minabuti pa rin naming ipagpatuloy ang club na ito dahil umaasa kami na isang araw, may makaka-appreciate rin sa ginagawa namin. Tatlo lang kami noong una at nasa risk pa kami ng disbandment dahil kailangang apat pataas ang bilang ng miyembro ng isang club para mapanatili ito. Kaya sobrang saya namin nang mag-apply sa amin si Colin. Bumalik ako sa sarili kong table upang kunin ang aking bag. “Aalis ka na ba?” tanong ni Maui. “Oo, pupunta ako ng Head Office” saad ko saka ipinakita ang puting envelope sa kaniya. Paglabas ko nang opisina ay agad kong tinungo ang warpzone na nagkokonekta sa Miguel Building patungong Gokongwei. Warpzone is like a tunnel connecting the three buildings which are Gokongwei, Yuchengco and Miguel. Kaya karamihan sa mga estudyante at mga teachers ay ginagamit ang tunnel para hindi ma-late sa kani-kanilang mga klase or kung may pupuntahan sila among the three buildings. At dahil abala ako sa pagmamasid sa mga announcements sa bawat bulletin board na nadadaanan ko kaya hindi ko agad napansin ang lalaking makakasalubong ko. “Ouch!” reklamo ng lalaki nang magtama ang balikat namin. Nasapo ko ang aking noo nang makitang nagliparan ang mga papel na hawak niya. Agad siyang yumuko upang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. Mabilis din ako yumuko para tulungan siyang pulutin ang iba pa. “Sorry, sorry po.” paghingi ko nang paumanhin. Bakas naman ang pagkairita sa kaniyang mukha habang pinupulot ang iba pang natitirang papel. “Sorry talaga.” Agad kong inabot sa kaniya ang mga napulot ko habang panay ang paghingi ng paumanhin. Nang magtama ang aming paningin ay bigla siyang natigilan. May bahid ng pagkagulat ang kaniyang hitsura. “Arah?” Kumunot ang noo ko at mabilis na umiling. “Hindi ako si Arah.” Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya naman itong sinagot at nagmadaling umalis. Arah? Who’s that?
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 73 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Ver Todos