“Saan ka pupunta? Hindi pa tayo pwedeng umuwi.” Dinig kong sambit ng seatmate kong si Christian. Hindi ako sumagot bagkus ay mabilis kong inilagay sa aking bag lahat ng mga gamit ko at nagmamadaling lumabas ng classroom. Sana lang hindi ko makasalubong ang professor namin sa last subject. “Isaac, saan ka pupunta dude? What’s with the rush?” It was Bobby, one of my closest friends and also my teammate in basketball. Mabilis kong inabot sa kaniya ang bag na dala ko. Pinakiusapan ko siyang dalhin iyon sa gym dahil may training din naman kami mamaya. “Susunduin ko si Arah. Nawala sa isip ko.” Nang tumango ito ay mabilis akong tumakbo papalabas ng La Salle. Mabuti na lamang ay laging stand by sa carpark ang sasakyan at personal driver ko na si Kuya Marlon. Bahagya pa itong nagulat nang bigla akong sumakay sa backseat. Agad nitong ibinaba ang hawak na cellphone at nilingon ako. “Saan po tayo, Sir?” “Diliman Preparatory School kuya.” Bumuntong hininga ako at pumikit nang mariin nang makita ang kahabaan ng sasakyan na hindi umuusad. Ah! Heavy traffic! It took almost an hour bago kami nakarating sa school ni Arah. Pagkababa ko ng kotse ay agad akong pumasok sa loob at hinanap siya. Most of the time ay sa playground siya tumatambay kapag naghihintay ng sundo. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang nakaupo sa swing habang nakatulala sa kawalan. “Kanina mo pa ba ako hinihintay?” nag-aalalang tanong ko kay Arah. “Hindi naman ikaw ang hinihintay ko kundi si Kuya.” mahinang saad nito dahilan para mapangiti ako. Kahit kailan, napakastraightforward nito magsalita. Sa lahat ng mga kaibigan ng Kuya Raffy niya, ako lang ata ang hindi niya tinatawag na kuya kahit na halos walong taon ang tanda ko sa kaniya. “Busy si Raffy sa council kaya ako ang napag-utusan niyang sumundo sa’yo.” paliwanag ko. Mataman lang itong tumitig sa akin bago nito inilahad sa harapan ko ang mga kaniyang examination papers. Isa-isa kong tinitingnan at agad na napangiti sa resulta ng exam niya. Halos lahat perfect score. “Sa tingin mo, matutuwa sina Mommy at Kuya ‘pag nakita nila yung result ng exam ko?” Arah asked. “Oo naman. Panigurado.” I replied, smiling to her as I put the papers inside her portfolio. “Magiging proud kaya sila sa akin?” Sa pagkakataong ito, nakatanaw na muli si Arah sa kawalan, malalim ang iniisip. “Oo naman. Ako nga proud na proud sa’yo. Syempre mas proud ang Kuya at ang Mom mo.” “You’re proud of me?” maang na tanong niya sa akin, mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. “Syempre naman.” Yumuko ako nang bahagya para makurot ang pisngi niya. Agad naman siyang ngumuso at sumimangot habang hinihimas ang namumulang pisngi. “Tara na, naghihintay na si Kuya Marlon sa labas.” Tumango siya bago humawak sa kamay ko. “Si Kuya, sasabay ba siya sa akin pauwi?” Maya-maya ay tanong nito. “May practice kasi kami at captain ng basketball team ang kuya mo. Mamayang 7 pm matatapos ang practice kaya mauuna kang umuwi.” I explained “Dito na lang ako. Hihintayin kong matapos si kuya.” saad nito. I smiled and held her hand. Her brows furrowed in confusion because of what I did. “Alam mo namang bawal dito ang bata hindi ba?” He raised one of her brows at me. I heavily sighed bago ko siya hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. “Sige ganito na lang, hindi ba may bagong ice cream parlor sa labas ng subdivision niyo? Nabanggit mo sa akin dati na gusto mong pumunta roon hindi ba? Sasabihin ko sa kuya Rafael mo na dalhin ka niya roon sa weekend. Promise. Sasabihin ko na bil’han ka niya ng poster ni Merida.” saad ko sabay taas ng kanang kamay na para bang nanunumpa. “Yung sa Brave?” masiglang tanong nito. I nodded. Her eyes lit up. Among all Disney princesses, Merida was her favorite. Arah remained silent. Panay ang buntong-hininga nito. Mukhang pinag-iisipang mabuti ang sinabi ko. “Fine. Pero pwede bang ikaw na lang ang kasama kong kumain ng ice cream?” Hindi ko na napigilang mapangiti. Mabilis akong tumango nang marinig ang sinabi niya. Sanay na si Arah na ako ang sumusundo sa kaniya lalo na at palaging busy ang kuya niyang si Rafael. Wala namang kaso iyon sa akin, mas natutuwa pa nga ako kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko, nawawala lahat ng pagod ko kapag nakita ko siyang ngumingiti. For me, Arah is a blessing and I can’t deny the fact that despite our age gap, I like her and I promised myself that I will wait for her no matter what. Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan ay saka pa lang ako pumasok sa gate at naglakad papuntang gym para sa practice. “Ano? wala pa ba si Macky? chat mo nga, itanong mo kung nasaan na. Naku, ‘pag naunang dumating si coach, masasabon na naman ang buong team.” iritadong sambit ng isa naming teammate na si Sebastien. “‘Tol, nasaan sina Rafael at Isaac?!” Hingal na hingal si Macky nang dumating sa gym. Namumutla rin ito at hindi mapakali sa kinatatayuan. “Saan ka ba galing?” inis na tanong ni Sebastien. “Si Rafael at Isaac sabi eh?!” pagalit na tanong ni Macky. “Nasa CR nagbibihis— oh heto na pala!” saad ni Bob sabay turo sa akin. Mabilis na naglakad papalapit sa akin si Macky at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “‘Tol! yung kotse niyo, nadamay sa banggaan sa mismong underconstruction area malapit sa ilog. Nalaglag ang kotse niyo at si Arah hindi pa rin nakikita ng mga rescuer.” Saglit akong natigilan at mariing umiling. Imposible. Kasama ko lang siya kanina. Kinuwelyuhan ko si Macky dahil sa labis na pagkairita. “Ulitin mo ang sinabi mo!” bulyaw ko sa kaniya. “Si Arah hindi pa nakikita. Sa lalim ng ilog malaki ang posibilidad na inanod at nalunod siya.” “Hindi… hindi!” mabilis akong tumakbo palabas ng gate ng gym hanggang makarating sa entrance ng eskwelahan. Nakasunod sa akin si Rafael. Kagaya ko ay tumatakbo rin ito. Mas binilisan ko pa ang aking pagkatakbo ngunit nakapagtataka dahil kahit anong bilis ko ay hindi pa rin ako makaalis-alis sa kinatatayuan ko. Arah… Arah… “ARAH!” Agad akong napabalikwas nang bangon sa kama. Panaginip! Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha at napasandal na lamang sa headboard ng aking kama. The aircon is on but I’m sweating a lot. Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng mga luhang halos ilang taon kong inipon. I dreamt of her once again. Ngayon na lang ulit pagkatapos ng napakaraming taon. Napamulat ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Agad na pumasok si Mama na bakas ang pag-aalala sa kaniyang hitsura. “Manang pakidalhan ng tubig si Isaac sa kwarto niya!” sigaw nito sa kasambahay. “Napanaginipan mo na naman ba si Arah, anak?” tanong nito habang hinahagod ang likuran ko. I looked at her and nodded. “Mom. Arah is just missing, hindi pa siya patay Mom. I can feel it.” my voice cracked. “Labing-apat na taon na ang nakakalipas anak, hindi naman masama ang sumuko sa kakaasa na buhay siya. Can’t you just move on?” I shook my head repeatedly. I will never get tired. I will find her. Because it’s my fault after all. Kung sana, pumayag ako na mag-stay si Arah para manuod ng practice, sana nakakasama po siya ngayon. Sana nasubaybayan ko ang paglaki niya. She’s not dead yet. I can feel it. I still believe that she’s alive. “I will find her, Ma. I will find Arah."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 30 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Ver Todos