logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 9

Facts about alcohol poisoning:
Alcohol poisoning is when there’s too much alcohol in your blood, and it causes parts of your brain to shut down. It’s also called alcohol overdose. Alcohol is a depressant. That means it can affect your brain and nervous system to slow your breathing, your heart rate, and other important tasks that your body does.
Symptoms of alcohol overdose include mental confusion, difficulty remaining conscious, vomiting, seizure, trouble breathing, slow heart rate, clammy skin, dulled responses such as no gag reflex (which prevents choking), and extremely low body temperature. Alcohol overdose can lead to permanent brain damage or death.
0.200-0.249% - needs assistance in walking; total mental confusion. Dysphoria with nausea and vomiting; possible black out.
0.250-0.399% - Alcohol poisoning. Loss of consciousness.
0.40%+Onset of coma, possible death due to respiratory arrest.
Sources: https://www.webmd.com; https://www.niaaa.nih.gov; https://mcwell.nd.edu


“Anong sabi ng doctor?” naitanong ko matapos ang ilang minutong pananahimik ko at panay lang ang titig na ginawa ko kay mommy habang nakahawak sa kanyang kamay.
“Kailangan niya munang manatili rito ng mga ilang araw tapos irerefer siya sa isang Psychiatrist para matulungan siya sa kanyang pinag-dadaanan. Kailangan niya ng isang professional na maipapaintindi sa kan’ya ang mga bagay, na normal lang daw na nararanasan ng isang taong nawalan ng mahal sa buhay at hindi matanggap,” paliwanag ni tita Beth habang sila Carla at tito Manuel nanatiling nakikinig at nakamasid sa ginagawa ko kay mommy.
“Wala kasi siyang nakaka-usap sa araw-araw. Kaya binubuhos niya ang lahat ng oras niya sa pag-iinom at hindi kumakain. Napipilit naming siyang kumain kapag napupuntahan namin siya sa bahay ninyo pero konti lang din naman ang kinakain dahil ang sabi wala raw siyang ganang kumain,” dagdag ni tita.
“Gan’yan din ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag binibisita ko siya, walang ganang kumain. Panay lang ang iyak niya kapag nakikita ako, kaya minsan hindi ko na maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng pag-iyak niya sa tuwing nakikita ako? Natutuwa ba siya o nalulungkot? Hindi ko rin kayang itanong sa kan’ya, niyayakap ko na lang siya. Tapos panay ang reklamo niyang hindi na raw niya kaya ang sakit,” sagot ko naman habang patuloy pa rin nakatitigi ang mga mata ko kay mommy. Hindi ko magawang maiaalis sa kanya ang paningin dahil natatakot akong baka kung ano ang mangyari sa kan’ya kapag hindi ko siya tinitingnan.
“Sa tuwing pinipilit ko po siyang kumain, parang naiinis lang siya sa akin kasi parang feeling niya hindi ko naintindihan ang mga pinagdadaanan niya. Tinatanong ko po siya kung ano po ang gusto niya hindi naman po sinasagot ang tanong ko, panay iyak lang po ang ginagawa. Tapos panay po ang titig niya sa picture ng daddy niyo sir para pong may gusto siyang sabihin pero hindi niya po masabi,” sabat ni Carla sa usapan.
“Minsan din namin siyang tinanong ni Manuel kung gusto niya bang bisitahin ang daddy mo dahil sasamahan namin siya pero ayaw naman niya,” si tita Beth.
“Ano po bang nangyari sa kan’ya kanina bakit po siya naisugod dito?”
“Natakot po kasi ako noong makita ko siyang nakahandusay sa sahig ng opisina ng daddy mo sa bahay niyo. Panay po ang gising ko sa kan’ya pero hindi po kasi siya nagigising. Kayo po ang una kong tinawagan kanina para ipaalam pero hindi niyo nasagot ang mga tawag ko. Saktong naman pong dumating sila ma’am Beth at sir Manuel kaya po sila ang tumulong sa akin na maisugod po rito kasi natakot po kami sa pwedeng mangyari sa kan’ ya kung mananatiling siyang ganoon tapos hindi siya matignan ng doctor. Habang papunta po kami rito saka ko po tinawagan si Meynard para ipaalam saka ko lang po nalaman na busy po kayo sa audition kaya po pala hindi niyo nasasagot ang mga tawag ko kanina,” mahabang paliwanag ni Carla habang naiiyak. Agad naman siyang inalo ni tita Beth dahil mga katabi lang sila sa sofa, pinagitanaan nila ni tito Manuel si tita Beth nang maiangat ko ang tingin sa kanilang tatlo.
“Ano pa ho bang ang ibang sabi ng doctor? Bakit hindi po siya nagigising?” nag-aalangan kong tanong.
“Hinihintay pa namin ang pagbabalik niya kasi kailangan pa niyang tingnan ang mga tests na ginawa nila sa mommy mo kanina. Tamang-tama nandito ka na makakausap mo na ang doctor pag dumating na iyon dito anytime,” si tita Beth. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sana nang nmay narinig kaming tumunog na cellphone.
“Sandali lang po sasagutin ko lang,” pagpapaalam mi Carla sa amin saka lumabas ng kwarto. Kaming tatlo nila tito Manuel at tita Beth ang naiwan tapos biglang bumalik sa tahimik ang buong kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako.
“Mommy, wake up! ‘Wag ka namang ganito. Sorry kung hindi kita madalas madalaw sa bahay sobrang busy lang talaga sa trabaho mom. Pero hindi naman ibig sabihin noon kinalimutan kita. Sinisiguro ko pa ring madalas kong makakatawag sa’yo kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko kaya si Carla na lang ang tinatawagan ko para makumusta kita. Mom, nandito pa po ako, si daddy lang po ang nawala kaya hindi ka dapat nagkakagan’yan mom dahil hindi ka pa nag-iisa. Nahihirapan din ako mom, pero pilit akong nagpakakatatag dahil nand’yan ka pa, alam kong kailangan mo ko at kailangan din naman kita mommy. ‘Wag mo naman sana akong iwan dahil lang wala na si daddy. Alam kong marami akong pagkukulang sa inyo bilang anak, pero ginagawan ko po ng paraan na maibigay sa inyo ang mga oras na alam kong kinakailangan niyo. Pero sorry dahil napakahectic lang po talaga nitong mga nakaraang araw kaya ilang araw na rin pong hindi kita nadalaw. Pero alam ko po ang mga nangyayari sa’yo araw-araw mom, dahil si Carla ang kinukulit ko kung kumain ka ba? Nakatulog ka ba ng maayos? At sa kan’ya ko rin syempre nalalaman na panay pa rin ang inom mo. Mom, hindi ko na po kakayanin kung may mangyaring masama sa inyo. Magtulungan po tayo, ‘wag niyo akong iwanan mom hindi ko na po kakayin talaga.”
Naputol ang pakikipag-usap ko sa kanya sa isip ko nang marinig kong bumukas ang pinto kaya napaangat ang tingin ko sa bagong pasok.
“Hi! Good evening. I’m Dr. Mortel. I am Mrs. Sansebastian’s attending physician. Kaano-ano niyo si patient Sansebastian?” tanong ng bagong dating na doctor sa amin. Kaya tumayo ako at nagpakilala.
“I am Alejandro Miguel Sansebastian, I am the son of your patient,” diretsahan kong sagot habang nakipag-kamay sa kanya.
“Kumusta po ang lagay ng mommy ko doc?”
“I’m sorry to inform you that she’s suffering alcohol poisoning or also called as alcohol overdose. This happens when a person intake too much alcohol in his or her body. Since alcohol is a depressant. It means it can affect your brain and nervous system to slow your breathing, your heart rate, and other important tasks that your body does,” paliwanag niya.
“Gaano po ba ka delikado ang lagay niya kung ganoon dahil hindi pa po siya nagigising?” hindi ko mapigilang itanong.
“Isa sa dahilan ng pagkakahimbing ng tulog niya ngayon ang alcohol overdose, tapos halatang kulang siya sa pahinga kaya ngayon bumabawi ang katawan sa tulog, saka isa pang nakita namin sa kan’ya kulang sa tamang nutrition, hindi siya kumakain ng sapat.”
“Opo doc, naging gan’yan na siya simula noong matapos ang libing ng daddy ko. Hirap daw siya makatulog tapos ayaw kumain kasi wala raw siyang gana, saka lang siya kumakain ng konti kapag pinipilit tapos panay pa ang inom,” malungkot kong kwento.
“Don’t worry she’ll be fine now. Kaya mas mabuting dumito muna siya sa hospital para mamonitor ang mga kailangan niya at mai-provide sa kan’ya para makabawi ang katawan niya. And then, I suggest it would be better for her to talk to a professional para matulungan siyang ma-overcome ang hirap ng pinagdadaanan niya ngayon. I understand na hindi madali ‘yan, nasa denial stage pa siya kaya siya nagkakagan’yan. Kaya para maiwasan natin ang possibleng malalang mangyari sa hinaharap, mas mabuting ngayon pa lang makausap na siya ng isang professional para matulungan siyang maipaintindi ang mga nangayari at paano niya malalampasan ang lahat. Kasi, I have to tell you frankly na alcohol overdose can lead to death kapag hindi natin magagawan ng paraan na matulungan siya habang maaga pa,” paliwanag niya sa amin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong sinabi ng doctor. Hindi ko akalain na ganoon ka delikado ang ginagawa ni mommy sa sarili na sa isang iglap pwede akong mawalan na isa pang magulang. Napasinghap din ng sabay sila tita Beth at tito Manuel na kanina ko pa napapansin na walang siyang imik. Tahimik lang siyang nakikinig sa maging pag-uusap at nahuhuli ko siyang nakatitig sa kawalan na para bang may malalim na iniisip.
“By the way, please excuse me I have other patients to attend to. Babalik na lang ulit ako bukas ng umaga. If you have further questions try to ask the nurses at the station or you can call me directly or anything you need regarding the patient’s needs,” sabay abot niya sa akin sa kan’yang calling card.
“Thank you, doc.”
“You’re welcome.” ‘Yon lang ang huling niyang sinabi sa amin matapos makipag-kamay ulit saka siya lumabas ng kwarto.
Muling namang bumukas ang pinto matapos ang ilang sandali at sabay na pumasok sila Carla at Meynard na may bitbit na mga biniling nilang pagkain. Sabay-sabay na kaming lahat na kumain ng hapunan at hindi nagtagal sila tito at tita nagpaalam sila matapos naming lahat kumain dahil gumagabi na rin. Nagpasalamat ako sa kanila pagkahatid ko sa may labas ng pinto.
“Sir, okay lang po bang maiwan po namin kayo sandali kasi kailangan ko pong kumuha ng mga gamit namin ni ma’am sa bahay niyo?” nag-aalangang tanong ni Carla matapos niyang mailigpit ang mga pinagkainan namin.
“Sige, walang problema Carla. Saka pasensya ka na alam kong malaking sakripisyo na ang nagawa mo kay mommy, hindi ka na halos nakakauwi sa inyo dahil sa lagay niya. Ikaw na ang nag-aalaga at kasa-kasama ni mommy palagi sa araw-araw kahit saan, at anumang oras. Pero wala akong magagawa sa ngayon Carla ikaw lang ang mapapagkatiwalaan kong pwedeng kasama ni mommy at alam kong sa’yo lang din siya komportable. Maraming salamat sa lahat nang nagawa mo sa amin ng pamilya ko, sa inyong dalawa ni Meynard. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayong dalawa na nand’yan palagi para sa amin,” nagi-guilty at nahihiyang kong sabi.
“Huwag niyo pong isipin ang mga bagay na ‘yan sir, para ko na po kasing pangalawang nanay si ma’am Barbs hindi rin basta-basta ang nagawa niyang tulong sa amin ng pamilya ko. Kaya ibinabalik ko lang po ang kabaitan na binibigay niya sa amin. Walang pong problema ang pamilya sa hindi ko po madalas pag-uwi dahil naiintindihan po nila ako saka kahit naman ganoon hindi naman po ako nagkulang sa pagsuporta ng mga pangangailangan nila,” na-iiyak niyang kwento.
Hindi ko napigilang yakapin si Carla dahil sa narinig ko kaya naiyak tuloy siya lalo, sila na ang mga naging katuwang ko daig pa nila ang mga tunay na kapamilya. Pero kahit na ganoon, kahit na wala kaming koneksyon sa dugo pero kung maituturing nila kami mas naging pamilya pa sila sa amin. Agad silang umalis para pumunta sa bahay at kumuha ng ilang gamit ni mommy at ni Carla na rin na siyang makakasama ni mommy dito sa hospital, kaya naiwan akong mag-isa.
Dahil na rin sa tinding pagod at stress na naani ko sa buong araw mula sa trabaho at sa pahirapang pagpunta rito kanina, hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang nakasandal sa sofa nang maiwan akong mag-isa. Saka lang akong nagising nang may naririnig akong mahihinang boses na nag-uusap. Kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para matignan kung sino. Agad ko namang namataan na sila Meynard at Carla pala abala na nag-aayos ng mga gamit na kanilang dala mula sa bahay.
“Pasensya na nakatulog pala ako dito habang naka-upo,” naputol ang mahinang pag-uusap nila saka sabay nilang akong tiningnan.
“Sorry sir, nagising po yata namin kayo. Okay lang po, at least nakapagpahinga po kayo kahit papaano,” nahihiyang sagot ni Carla.
“Ah, kuya, ihahatid na kaya muna kita sa condo para makapagpahinga ka ng maayos. Balik na lang po tayo bukas?” nag-aalangang tanong ni Meynard sa akin. Nag-aalangan at nahihiya akong tumingin kay Carla kasi alam kong siya man ay napagod din.
“Naku, sige na po sir, tama po si Meynard kanina pa nga po kami nagtatalo na gisingin na po kayo para makauwi na po kayo sa condo niyo. Ako na po muna ang bahala sa mommy mo, wala po kayong dapat ipag-alala dahil may mga nurses at doctor naman po na tutulong sa akin kung sakaling may kailangan si ma’am Barbs. Saka tatawagan ko po kayo agad o si Meynard kapag gumising na ang mommy niyo,” pagpapagaan sa loob kong sabi niya.
“Oo nga naman kuya,” pangsang-ayon ni Meynard sa sinabi ni Carla. Kaya sa madaling salita kahit ayaw kong iwana ang mommy eh, kailangan ko munang umuwi saka para makapagpahinga babalik na lang ako bukas.
“Saka kuya, ang dugyot-dugyot mo na kaya kailangan mo nang makaligo at makapagbihis. ‘Wag kang mag-alala pupunta dito si mama bukas ng umaga para may kasama at makakatulong si Carla, kasama ni mama si Jenny kasi sem break pa naman kaya wala pang pasok.”
Napailing na lang ako sa banat sa akin ni Meynard saka ako napatawa ng mahina, nakita kong nagpipigil din ng tawa si Carla pero si Meynard may pang-aasar pa ang tingin niya sa akin.
“Alam ko, kaya ‘wag mo nang ipagdiinan pa!” sabay hampas ko sa balikat niya.
“Buti nga sa’yo, grabe ka kay sir,” pangangantyaw ni Carla sa kanya saka sabay kaming tatlo na natawa.
“O sya, tara na kasi kailangan ko nang maligo dahil ang dugyot ko na raw. Akala mo naman nalamangan na niya ako dahil sa pagiging dugyot ko,” pagpaparinig ko kunware sa kan’ya pero inaasar ko lang naman siya.
“Oo na, talo na kung talo, pero at least may girlfriend,” agad naman niyang bwelta sa akin sabay tawa niya.
“Tara na nga, baka kung saan pa mapunta ang usapang ito. Sige na Carla, maiwan ka na muna namin. Magsabi ka kung ano ang kailangan mo para mabili agad at maihatid dito. Tumawag ka lang saka makakasama mo bukas si yaya kaya makapagpahinga ka kahit saglit. Babalik din kami bukas,” saka kami umalis pagkatapos kong maghabilin sa kan’ya.
Hindi matagal ang naging byahe namin ni Meynard papauwi sa condo dahil late na at wala nang gaanong mga sasakyan sa daan. Tahimik kaming pareho habang nagmamaneho siya at hanggang sa nakarating kami sa mismong unit ko. Nagkanya-kanya na agad kaming pasok sa kwarto marahil dahil pareho na kaming nagmamadaling makaligo at makapag-bihis para makahiga na dahil maaga na naman kami bukas sa trabaho.
Mabuti matapos akong makahiga sa kama ko hindi ako nahirapang makatulog at medyo late na akong nagising, mabuti ginising ako ni Meynard dahil kung hindi nalelate kaming pareho sa pagpasok sa trabaho. Hindi na nakapagluto ng almusal si Meynard dahil alanganin na sa oras nang magising siya dahil siguro sa pagod at late na kaming nakauwi kagabi. Kaya minabuti na lang naming dumaan sa drive thru para makabili ng pang-breakfast naming dalawa.
“Kuya, nine o’clock ang simula ang audition ng second batch kaya kailangan na nating pumunta sa hotel. Saka mo na lang papanuorin ang video sa mga hindi mo inabot kahapon pag natapos na ang second batch.”
“Tapos may iilang documents kang pipirmahan at ‘yong isang folder kailangan ‘yon ng approval mo para sa isang client natin,” pagpapatuloy niya bago kami nakalabas ng elevator pagkahinto nito at nagbukas ang pinto.
“Pakidala ng lang mga documents na kailangan ng pirma ko doon ko na gagawin para hindi na pabalik-balik kasi sayang ang oras saka nakakapagod.”
“Sige po, kukunin ko lang sa mesa mo para makaalis tayo agad. Sa lobby na lang kita hihintayin.”
Saka kami naghiwalay kasi may kakausapin pa ako bago kami babalik sa hotel para sa second and last batch ng audition.
Lunch time nang tawagan ko si Carla para kumustahin si mommy, pangalawang tawag ko na sa kan’ya dahil tinawagan ko rin siya kaninang umaga habang papasok kami sa trabaho kaso tulog pa si mommy kaya hindi ko naka-usap. Kakatulog lang daw ito uli, masaya iyang ibinalita na nagka-usap sila mommy at yaya pagkagising nito na sakto namang pagkarating ni yaya kasama ni Jenny.
Natapos ang buong araw namin sa audition at buti na lang nagkaroon pa ako ng oras na mapanood ang iilan sa mga hindi ko inabot kahapon para maging handa na ako para magiging meeting kasama ang panel para sa deliberation para isasalang sa second screening.
Another day at the office.
“Sir, your meeting with your co-panel will start at exactly two in the afternoon. Pagkatapos niyan pwede na tayong umalis kapag natapos mo nang mabasa at mapirmahan ang mga documents na nilagay ko sa table mo. Dahil naayos ko na ang ibang gagawin para bukas,” paliwanag niya sa akin.
True enough, may mga folders nga sa ibabaw ng table ko kaya ‘yon muna ang ginawa ko while waiting for the next schedule. Kasi gusto ko ng pumunta sa hospital, I wanna see my mother. Gusto ko siyang maka-usap kung kumusta na ang pakiramdam niya. Naging tutok ako sa mga documents na inaasikaso nang…
“Sir, the meeting will start in five minutes. Nasa conference room na po sila,” Meynard informed me.
“Sige, papunta na ako. Okay na ang proposal napirmahan ko na rin, ikaw na ang bahala magbigay sa kanila nito. Paki sabi na lang din sa team na in-charge sa project na ito they have to prepare for their presentation,” utos ko habang inaayos ko ang sarili ko para makapunta na sa conference room.
“Noted sir.”
Naglakad na agad ako palabas ng office at nakasunod naman sa akin si Meynard na kasama kong aattend sa meeting para sa discussion ng mapipiling qualified for the second screening. Kaagad nag-umpisa ang meeting at may labin-limang napili para sa second screening. Hindi madali ang naging discussion dahil lahat kaming limang bumubuo sa panel may iba’t-ibang nagugustuhan kaya kailangan iayon lahat ang pagpili sa criteria hindi lang porke’t nakitang maganda. Napagkasuduan naming idaan sa votes para fair ang pagpili ng mga sasalang sa susunod na screening.
Pasado alas-sais na nang matapos kami sa buong meeting dahil sa tagal sinigurado ng staff ng mag-serve ng early dinner para sa panel, pero hindi na ako kumain kasama sila dahil kinailangan ko ng umalis para pumuntang hospital. Mabuti pinauna ko ng bumaba si Meynard bago pa natapos ang meeting para makapamili ng dadalhin namin para kay mommy at pagkain dahil doon na kami kakain kasabay sila Carla at mommy mag-dinner. Nakauwi na kaninang hapon si yaya kaya saying dahil hindi na kami nagkita dahil sa trabaho ko. Kaya pagkababa ko sa parking lot nakahanda na ang lahat at ako na lang ang hinihintay.
“Nard, nasa fifteen candidates ang napili naming sasalang sa second screening. Bukas makipag-coordinate ka sa team para mai-set na kaagad ang next schedule. Ang mangyayari, gagamitin nila ang product tapos sasabihin ang lines na hinanda para sa kanila, ‘yong mismong lines para sa commercial. Kasi gustong matingnan ng company kung gaano sila ka confident kapag nasa actual commercial na. Lahat kaming panel ganoon ang nakasunduan para masiguradong tama ang pipiliing maging brand ambassador. At para matingnan na rin kung babagay ba sa kanila ang gagawin. Kailangan umaga ang umpisa niyan kasi matagal ang process niyan. Draw lots ang gagawin para sa numbering kung sino ang unang sasalang sa harap ng camera, saulo nilang mabuti ang lines para magandang tingnan sa camera. ‘Yong tulad ng mga pinapanood natin na mga commercials sa tv ganoon,” paliwanag ko habang nagmamaneho siya. Papunta na kami ngayong sa hospital natawagan ko na din si Carla na ipaalam na parating kami at sabay-sabay kaming kakain para kahit paano gaganahan siyang kumain.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes