logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 15

Miggy’s POV
Hindi ko maintindihan kung bakit habang papalapit kami sa pupuntahan namin mas lalo akong kinakabahan at pinagpapawisan ng malamig. Pero as much as possible hindi ko pinapahalata kay Meynard baka kasi ano na naman ang iisipin.
“Kuya? Okay ka lang?” nagtataka niyang tanong.
“Ito na bang sinasabi ko, pinapigilan ko na nga ng mabuti na hindi mahalata pero para napapansin na niya,” bulong ko sa sarili ko.
“Ha? Oo naman. Bakit?”
“Eh, para ka kasing hindi mapalagay. Masakit ba ang tyan mo, pinagpapawisan ka kasi ng butil kalalaki oh! Sabay turo niya ng kanang kamay niya sa gilid ng ulo ko habang ang kaliwa naman ang nakahawak sa manobela.
“Hindi, naiinitan lang,” palusot ko.
“Ha? Mainit pa ‘yan sa’yo naka-full na ang ac oh, para na nga akong maninigas dito habang nagmamaneho,” reklamo niya.
“Ah, ganoon ba? Naka-full na ba ‘yan?” kunwareng tinitingnan ko. “Ay, oo nga nakasagad na nga pala.”
“Baka masakit ang tyan mo, magsabi ka lang para makabili tayo ng gamot kung kinakailangan habang possibleng may madadaanan pa tayo,” seryoso niyang sabi.
“Hindi na kailangan, hindi ko lang alam kung excitement lang ba ito kung bakit ako kinakabahan ng ganito ka tindi kaya ako pinagpapawisan din na gabutil,” muntik ko ng sabihin.
“Hindi wala. Okay lang naman, hayaan mo na mawawala din ito.”
“Sigurado ka ha?”
“Oo, sure!”
“Nang magpark na ang sasakyan mas lalo akong kinabahan na nakakaconcious kasi baka sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko baka marinig niya. Kay feeling ko namumutla na ako ngayon sa kaba, bakit nga ba ako nagkakaganito? Bad trip naman!”
“Dadaan lang akong cr, mauna ka na doon,” sabi ko sa kan’ya sabay binilisan ko ang lakad baka makaiwas sa possible niya pang sasabihin.
Hindi naman ako naiihi gusto ko lang tingnan ang sarili ko salamin, saka baka kailangan nkong maghilamos baka mahimasmasan ako.
“Relax, ‘wag kang sobrang atat na makita mo siya para hindi ka napaghahalataan. Naku! Mahirap na pag marami ang makakaalam. Kailangan mong maingat, double ingat. Kaya relax. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Para naman yata akong bumabalik sa pagiging teenager nito, ang hirap palang matagal nang walang nagugustuhan. Feeling ko tuloy para akong first timer,” kausap ko sa sarili ko habang nanalamin, pero sinigro ko muna na ako lang ang mag-isa sa cr baka mapagkamalan pa akong nasiraan ng bait. Saka ako lumabas nang medyo kumalma ako ng konti.
“Good morning sir!” bati nila sa akin nang makita nila akong papalapit sa kanila na may tinitingnan sa monitor.
“Good morning. Nag-umpisa na kayo?”
“Ah, papaumpisa pa lang po hinihintay lang po namin na matapos silang mag-set up sa lightings at sa gagamiting set,” sagot ni Neri, kabilang sa team.
“Upo ka muna sir, malapit na pong magsimula chini-check na lang tamang timpla ng liwanag na gagamitin na parang natural pa rin tingan ang mukha ng model,” binigyan ako ni Neri ng upuan na nasa tabi niyang wala namang gumagamit.
“Okay, thank you,” sagot ko pero nakatutok ang mata ko sa tinitingnan nila sa monitor ng camera, ‘yan ‘yong video sa araw ng audition. Pinapanood nila si Gabie. “Relax, Miggy. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Video pa lang ‘yan kinakabahan ka ulit, paano na lang kung makikita mo na siya mamaya?”sa isip ko sabay tingin ko sa paligid baka may nakakakita sa akin, mabuti abala silang lahat. Si Meynard naman nasa tabi ni Neri abala din sa panonood ng mga audition videos.
Five minutes later, nakita ko siyang lumapit na sa set tapos kina-usap siya ng director ng commercial. Sinumpong na naman ako ng matinding kaba, pero hindi ko na maiaalis ang paningin ko sa kanya. Paminsan-minsan lumilingon ako sa paligid para kunware magmamasid- masid sa team at staff ng production para commercial. Para hindi masyadong halata tumayo ako sa kinaaupuan ko at tumingin sa monitor at nagtatanong-tanong, kunware attentive ako sa ginagawa nila.
“Anong oras daw ang dating ni sir?” tinanong ko si Neri nang malapitan ko siya.
“Wala pong sinabing eksaktong oras ng pagdating, pero baka paparating na po ‘yon kasi alam niya po na limited po ang oras ng pagstay natin dito,” paliwanag niya.
“Oh, okay.” Saka niya ako iniwan at kina-usap ang baklang laging kasama ni Gabie.
“Ah, baka siya ‘yong sinasabi ni Meynard na manager niya,” sa isip ko.
“Okay! Silence please! Ready for take na tayo!” sigaw ng director. Kaya bumalik ako sa upuan ko dahil nasa tabi lang ito ng camera kaya sentro sa kanya. Habang naka-upo naman sa kabilang gilid ang director nakatingin sa monitor sa harap niya.
Nagsimula ang shooting tahimik na ang lahat, tapos lahat nakatutok sa kanya, kaya hindi ako nag-aalangan na matitigan siya kasi alam kong lahat kami sa kanya nakatingin. Sa madaling salita hindi walang makakaalam na titig na titig ako sa kanya.
“Hay, ang ganda talaga niya. Maamo ang mukha ang feature ng mukha niya sa tingin ko hindi purong Pilipino eh, kasi ‘yong hugis ng ilong niya na maliit pero matangos, saka ang mga mata niya bilugin na may pagkasingit, ‘yong pilik mata niya parang likas na makapal at mahahaba, tapos ang labi niya manipis na kulay pink. Siguro ang lambot niyan? Ang buhok niya nakatali tapos may suot siyang headband para walang nakatabon sa mukha niya kapag maghihilamos na siya. Ang kinis ng balat niya, maputi na namumula-mula at may iilang frickles sa kanyang balikat niya. Nakasuot siya ng tube para mukha siyang nakatapis lang ng tuwalya, kaya nakikita ang iilang frickles niya sa balikat. Pero hindi pangit tingnan bagay sa kanya, parang nakadagdag pa sa kagandahana niya. Ang tangkad niya sapat lang na babagay sa akin. Teka? Ano ba naman ‘tong pinag-iisip ko? Pero oo nga naman, malay natin baka isang araw magiging kami. Sabi nila kapag may pangarap ka raw, ‘you believe it and claim it!’ dahil matutupad daw ‘yon. So, I claim it one day so, she will be my girl! Para naman akong tanga nito, buti ako lang at walang ibang nakakaalam,” natatawa ako sa sarili ko saka napailing-iling tuloy ako.
Sa sobrang lunod ko sa pag-i-imagine hindi ko namalayan na dumating na pala ang boss namin, saka ko na lang nalaman nang kalabitin ako ni Meynard na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
Nagmadali akong tumayo at sinalubong siya para nakipagkamay at bumati.
Para magka-usap kami ng maayos medyo lumayo kami sa ongoing na shooting para hindi makadistorbo.
“How’s everything here?”
“Everything’s fine sir. The shooting is on-going and I think they’re almost done. I can request them for you to see the raw material of the video if you want to check it later,” offer ko.
“No, it’s okay. I’ll just wait for the video to be completed. Let’s just watch it together during the presentation before the launching. I just came here to visit but I won’t stay long because I have to be with my family who’s waiting for me for our family lunch.” sabay tatango-tango niyang sabi sa akin.
“Okay sir.”
“Hindi naman kasi ako sanay na dumadalaw sa mga ganito, but since malapit lang dito ang pupunta ko kaya I decided to drop by. Did the team order food for everyone? Para sa lunch bago uuwi ang lahat dapat nakakain na, anyway, we have budget for that.”
“I believe it’s already settled by Neri sir, she’s the one in-charged for that,” sabay turo ko kay Neri na nakatayo malapit sa director may yakap-yakap na folders sa kan’yang dibdib.
“Very good. Well, I’m sorry to tell you I have to go. Alam kong naghihintay na ang mag-iina ko. Alam kong maayos ang lahat dito lalo na nandito ko kaya malaki ang tiwala ko sa’yo kasi maayos ang resulta ng lahat ng mga ginagawa mo at ng mga teams,” nakangiti niyang sabi.
“Thank you, sir,” sa ganoon lang nagtapos ang pag-uusap namin saka sabay kaming naglakad palabas para ihatid ko siya sa kany’ang sasakyan.
Dahil medyo natagalan ako sa labas pagkahatid ko sa President ng kompanya, tapos na sila sa shooting at nag-uumpisa nang magligpit ang production staff.
“Tapos na?” tanong ko nang makalapit kay Meynard.
“Kakatapos lang. Good take daw kasi sabi ni direk kaya hindi na kailangan ulitin. Gusto mong panoorin ang mga kuha?” tanong niya. Tumango ako saka sumunod sa kan’ya.
“Direk, papanoorin daw ni sir ang video,” pagpapaalam niya.
“Sir, perfect ang pagkakapili sa model kasi madali siyang katrabaho, lahat ng sinabi ko sa kan’ya ginawa niya. Hindi siya halata na first time sa ganito,” pagmamalaki ng director na halatang tuwang-tuwa ang expression ng mukha niya.
“Mabuti kung ganoon para matapos natin ito agad kasi gustong-gusto na itong makita ng client natin.”
“Hindi po tayo mapapahiya, maganda ang magiging resulta ng lahat ng ito,” tapos tinuro niya ang monitor na nakaready na for play video. Pinanood ko ang mga raw video. Maganda nga ang kuha natural ang kanyang kilos pati ang pagsasalita niya. Pare-pareho ang komento ng mga iilan sa mga kasama kong pinapanood ang naturang video. Nang matapos ‘yon pumunta na agad ang iba sa mesa kung saan nakahanda ang pagkain para sa lahat. Pinalibot ko ang paningin dahil hindi ko siya nakikita sa mga nandoon sa mesa kumakain.
“Sir, kain na po,” yaya ng isang team.
“I’m good. Thank you. Kumain lang kayo. Neri, siguraduhin na makakain ang lahat.”
“Yes, sir. ‘Yong model po sir at ‘yong kasama niya papunta na po rito nagbihis lang po saglit si Gabie,” paliwanag niya.
“Sir, ba’t ‘di pa po kayo kumakain?” si direk nang makalapit sa akin.
“Sige lang, busog pa ako Meynard ikaw? Sumabay ka na sa kanila,” yaya ko habang busy sa kakakotingting ng cellphone niya.
“Hindi na po sir, mamaya na ako may lakad pa po ako after dito.”
“Ah, oo nga pala,” dahil narinig nga karamihan naging tampulan tuloy ng kantyawan. Nag-iingay pa ang lahat nang saktong lumapit si Gabie kasana ang manager niya.
“Gabie, dito kayo umupo,” si Neri sabay turo sa bakanteng upuan na nasa malapit ko pala.
Kaya naglakad sila papunta sa gawi ko pero bago pa man sila tuluyang nakaupo…
“Ah, siya nga pala ang isa sa boss namin sa agency si sir Miguel,” pagpapakilala sa akin ni Neri.
“Sir, si Jhay po manager ni Gabie.
“Nice to meet you sir,” bati niya sa akin.
“Glad to meet you too,” sagot ko naman.
“Saka si Gabie po ang bagong facial wash endorser natin,” si Neri.
“Nice to meet you sir,” nahihiyang bati niya sa akin, pero magandang ngiti.
“My pleasure to meet you. You did great! Keep it up!” puri ko sa kan’ya.
Nag-aalangan pa akong makipagkamay sa kanila kasi nanlalamig ang kamay ko baka nga pinapawisan pa, sobrang nakakahiya kung ganoon.
“Kain po sir,” yaya sa akin ni Jhay.
“I’m good. Thank you. Kain lang kayo,” saka sabay silang umupo at nag-umpisang kumain.
“Sir, marami pa pong pagkain, sobra-sobra pala ang na-order kanina, ba’t hindi na lang po kayo kumain na lang muna sayang naman po ang mga ito, Meynard ‘lika na para sabay na akyo si sir!” nagyaya muli si Neri.
“Oo nga naman sir, marami pa talaga,” si Andrew ang head ng team.
Marami talaga ang pagkain nakahain sa mesa kaya kahit hindi pa naman gutom kakain na lang ako nakakahiya na kasi marami na ang nagyaya baka kung ano pa ang masabi nila sa akin.
“Meynard, mamaya na ‘yan sabihin mo na lang kay Shane na sigurado naman siyang masusundo mamaya,” dahil sa sinabi ko bumalik ang ingay ng lahat napuno na naman ng kantyawan. At dahil nasa kasunod na mga upuan nila Gabie ang may mga bakante doon na ako naupo.
“Inhale, exhale. Inhale, exhale. Kaya ko ‘to hindi nila ako dapat mapaghahalataan,” bulong ko sa sarili ko. Tss, ang pinaka-ayaw ko pa naman ang maging tampulan ng tukso.
Nasa kanang bahagi ko si Meynard habang nasa kaliwa ko naman si Gabie. Dahil sa kaba para bang hindi ako makalingon ng maayos, saka naging sobrang conscious na tuloy dahil baka magkamali ako. Tahimik lang siyang kumakain, habang may mahinang sinasabi ang manager niya sa kan’ya na sinasagot niya naman paminsan-minsan.
Gusto ko sana siyang kausapin pero nag-aalangan ako kasi baka kung ano ang isipin niya sa akin. Hindi dapat maging pangit ang impression niya sa akin, kaya hindi ko na aam kung ano ang dapat kong gawin. Si Meynard naman kasi abala sa mga kausap niya dahil hindi pa rin matigil-tigil ang tuksuhan nila. Ayaw ko namang makisali kasi hindi ako sanay na makipagbalahuraan sa mga katrabaho ko. Kay Meynard lang ako sanay magbiro o mang-asar pero hindi tulad ng mga ginagawa ng mga magkakasama sa team ibang klase kasi sila magbiruan may halong balahuraan.
“Buti, hindi ka tulad ng ibang boss na strikto?” hindi ko inasahan na kakausapin niya ako. Mahina ang pagkasabi niya pero alam kong ako ang tinanong niya noon.
“Wala namang problema sa akin na maging masaya sila o mag-relax minsan pagkatapos ng trabaho. Ang importante lang sa akin ginagawa nila ng tama ang mga trabaho nila at seryoso at tutok sila kapag oras ng trabaho para maganda ang quality ng gawa,” paliwanag ko sa kan’ya sabay binalingan ko siya ng tingin.
“Ang swerte naman nila sa boss nila. Sana lahat ng boss katulad mo sir,” nakangit niyang sabi.
“Alam mo ang ganda-ganda mo talaga lalo nakangiti ka ng ganyan. Hinay-hinay lang naman kasi nagwawala na ang puso ko sa lakas ng pintig,” muntik ko ng sabihin pero hindi, hindi dapat kaya sa isip ko na lang ’yon.
“Depende naman kasi ‘yon. Strikto rin naman ako minsan sa trabaho.”
“Please, hindi ko kailangan makarinig ng appreciation mula sa’yo kasi lalo lang lala ang pagkagusto ko sa’yo,” gusto ko sanang sabihin, pero dahil hindi pwede hanggang sa isip na lang muna.
“Sana kapag magtatrabaho na ako kahit strikto ang magiging boss ko okay lang basta ba parte lang ng trabaho, ‘wag lang ‘yong nagsusungit kahit wala na sa tamang lugar.”
“Still studying?” kunware kong tanong kahit alam ko na ang tungkol sa bagay na ito.
“Yes po,” nahihiya niyang sabi.
“No worries, just do your job very well definitely hindi ka mapapagalita o pagsusungitan ng magiging boss mo.”
“Sanga nga po,” gusto ko sanang sabihin na ‘wag na siyang gumamit ‘po’ sa akin kapag magka-usap kami. Kasi hindi naman ako ganoon ka tanda para sa kanya. I’m only twenty-five. Kaya lang baka masamain ng mga makakarinig sa amin.

Gabie’s POV
“Seryoso rito siya uupo sa tabi ko? Naku! Ang bango naman niya, ba’t ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya at ang bango-bango pa.”
“Besh, ang fafa sa’yo tumabi. Ang yummy at ang bango,” bulong niya sa akin. Pinigilan kong matawa at saka siya binulungan.
“Tumigil ka sa pagiging malantod mob aka marinig ka niyan,” saway ko sa kan’ya.
“Eh, totoo naman kasi.”
“Oo na! Pwede bang mamaya, nakakaconscious tuloy,” reklamo ko.
“Bakit ka ba nako-conscious? Crush mo?” pangungulit niya.
“Please ‘wag dito at ‘wag ngayon mamaya na natin ‘yan pag-uusapan kapag tayong dalawa na lang,” pasimple kong irap sa kan’ya sabay may may sarkastikong ngiti para hindi kami mahalata.
“Kinakabahan kasi ako ng husto baka may makarinig sa kan’ya. Naku! Patay na!”
“Sige na nga, may utang ka sa aking chicka ha!” Umu-oo na ako kaagad para wala nang maraming tanong pa.
Napapansin kong mahina siyang kumain saka. “Baka hindi talaga siya gutom kasi nga hindi naman siya talaga kakain kaya lang nahiya siguro na marami ang nagyaya kaya napilitan,” bulong ko sa sarili ko.
Samantalang ako, kahit nahihiya pero dahil gutom kaya binalewala ko na ang hiya.
“Sa tingin ko ko mabait na boss ito, kasi kanina pag maingay nagtutuksuhan ang mga kasama namin dito sa mesa na member ng team at ‘yong iba staff sa production pati ang director nakisali, pero hindi naman siya nagagalit o nagsusungit sa kanila. Halatang matagal na sila magkakasama dahil sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. Pero hindi rin siya nakikisali sa tuksuhan, tahimik lang siyang dahan-dahang kumakain.”
Halata sa kan’ya na may kaya sa buhay pero hindi mo makataan ng kaartehan. Simple ang siyang manamit, naka plain blue polo shirt ang suot niya, tapos faded jeans, sayang hindi ko makita ang suot niyang sapatos kasi ayoko naman pag-iisipan niya ako ng masama dito kung pipilitin kong silipin ang suot niyang sapatos sa ilalim ng mesa.
“Parang tanga lang ‘di ba!”
Wala akong mairarason kapag nahuli ako kapag nagkataon. Makinis ang kutis niya saka ang mga kamay niya halatang hindi sanay sa mabibigat na trabaho. Nakasuot siya ng black leather watch sa kaliwang palapulsuhan niya, wala siyang ibang accessories. Clean cut naman ang maitim niyang buhok na maayos pagkakasuklay tapos ang bango niya sobrang manly.
Gustuhin ko mang tingnan ang mukha niya pero natatakot akong mahuli niya ako na tumitingin sa kan’ya. Ayaw kong mapahiya sa mga nandito, nakatabi ko lang ang boss nila tapos ganoon kaagad ang gawin ko, naku!
“Erase! Erase! Mali ‘yon hindi ko gagawin ‘yon paniguradong magmumuka akong timang noon. Ang bango niya talaga ang sarap niya namang aamoy-amoyin. Tsk.tsk.tsk, malala na yata ako. Hindi na tama ‘to para ko na siyang pinagnanasaan utloy dahil sa iniisip ko. Nahawa na yata ako sa kaharutan ni Jhay, delikado ‘to!”
Nang hindi na ako makatiis…
“Buti, hindi ka tulad ng ibang boss na strikto?” mukhang nagulat siya sa tanong ko, mali yata na natanong ako sa kanya. Napatingin siya sandali sa akin bago niya ako sinagot.
“Wala namang problema sa akin na maging masaya sila o mag-relax minsan pagkatapos ng trabaho. Ang importante lang sa akin ginagawa nila ng tama ang mga trabaho nila at seryoso at tutok sila kapag oras ng trabaho para maganda ang quality ng gawa,” sagot niya habang tinitingnan niya ako.
“Ang gwapo niya talaga! Sa wakas natingnan ko na rin ng diretso ang mukha niya,” bulong ko sa sarili ko.
“Ang swerte naman nila sa boss nila. Sana lahat ng boss katulad mo sir,” nakangiti kong sabi.
“Depende naman kasi ‘yon. Strikto rin naman ako minsan sa trabaho.”
“Sana kapag magtatrabaho na ako kahit strikto ang magiging boss ko okay lang basta ba parte lang ng trabaho, ‘wag lang ‘yong nagsusungit kahit wala na sa tamang lugar,” hirit ko.
“Still studying?” biglang tanong niya.
“Yes po,” nahihiya kong sabi, hindi ba halata na mukha pa akong studyante? Baka ang matured ko ng tingnan kung ganoon.
“No worries, just do your job very well definitely hindi ka mapapagalita o pagsusungitan ng magiging boss mo,” sabi niya.
“Sana nga po,” tanging tugon ko sa sinabi niya.
Masaya akong nakakwentuhan ko siya kahit papaano. Pero nauna silang umalis sa amin pagkatapos naming lahat kumain dahil may lakad pa raw ang kasama niya. Hindi ko lang alam kung ano niya ‘yon, kasi malayo naman sa hitsura noong Meynard na driver niya ‘yon, saka lagi kong nakikita ‘yon na kausap ang mga taga-team.
Umuwi kami ng bestfriend ko pagkatapos namin doon na masaya ang mga mukha namin. Hindi ako nakaramdam ng pagod kahit medyo traffic ang pauwi namin kasi maraming nasa labas dahil sabado ng hapon ang karamihan galing sa trabaho na half-day ang pasok kasi sabado tapos may mga mangilan-ngilan ding mga studyante ng kolehiyo na nakakasabay namin sa fx.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes