logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 14

Miggy’s POV
Nagkakwentuhan kami habang kumakain pero hindi ‘yon tungkol sa kasong hawak niya, iba-ibang bagay ang mga napag-usapan namin mayroong tungkol sa ‘community’, sa mga ‘current events’, maging ang ‘politics’ ay nasali sa napag-usapan namin.
Tulad ng dati nag-order ako ng inumin habang pag-uusapan namin ang ‘main agendum’ ng meeting na ito.
“Kumusta ang naging lakad mo?” si tito ang nagbukas ng usapin.
“Ano pala ang mahalagang sasabihin mo sa amin ngayon?” Nakita kong may kinuha siyang mga dokumento para ipakita niya sa amin tulad ng dati.
“Ayaw ko na pong magpiloy-ligoy pa, nalaman ko pong patay na pala si Teresa dalawang taon na ang nakakaraan, dahil nadisgrasya ang sinasakyan nitong bus. Kung naalala ninyo ang isang bus na nahulog sa may sky way two years ago, isa po siya sa mga pasaherong nakasakay doon,” sabay pagpapakita niya sa amin sa death certificate.
“Pero hindi niya kasama ang anak niya sa mga oras na ‘yon dahil nasa skwelahan ito. Naiwang lumaki ang bata sa naging malapit nilang kapitbahay na siya nang kinalakihan ng anak niya. Ngayon ay nag-aaral ito sa isang State University sa may Bulacan habang nagtatrabaho bilang waitress sa mga oras na walang siyang pasok at minsan part time waitress sa isang bar doon lang din sa Bulacan para maitaguyod ang kanyang sarili. Dahil makalipas ang ilang taon na paninirahan niya sa kasama ang pinakamalapit na kaibigan ng ina niya namatay ang matanda sa sakit, kaya mag-isa na siya saktong pagkatapos ng kanyang high school. Pero doon pa rin siya nagtyatyagang nakatira sa bahay na ‘yon na naiwan ng matanda dahil matandang dalaga ‘yon, tapos nasa Mindanao ang mga kamag-anak ng matanda,” paliwanag niya sa amin. Tulad ng mga nakaraan nakakagulat ang mga impormasyon na unti-unti naming nalalaman tungkol sa mag-ina.
Napalingon ako kay tito nang makita kong napahawak siya sa kanyang ulo tapos napailing dahil sa mga narinig.
“Nakita mo na ba siya? O nasubukan mo bang puntahan siya sa mga pinagtatrabahuhan niya?” hindi ko napigilang maitanong.
“Isang beses, nakita ko siya dahil pinuntahan ko ang pinagtatrabahuhan niya. Pero noong bumalik ako doon wala umano ito dahil nagpaalam na hindi papasok dahil kailangan niyang mag-aral para sa exam.”
“I can’t believe it! She must’ve living so hard to survive while I am here living comfortably with my father’s presence when I was growing up. Everything I needed has been well provided by my parents while she on other hand, strive harder as much as she could so she can have food to eat and so she can continuously go to school.” The guiltiness within me is now swallowing me alive, all over again. “I pity her, my sister. I know she deserve more, she deserves a comfortable life, a better world to live with. I don’t know who am I going to blame for what happened to her life? I am sure that she doesn’t deserve to suffer a lot because daddy has sufficient amount of money to support her. But what I can do if her mom, Teresa chose to stay away from my father to avoid chaos to our family. I am not sure if it is right for me to say that I should be thanking her for staying away from dad but when I think about my poor sister, I felt anger and guilty I don’t know why? I wanna see her so I could help her and provide her the things that she supposed to have it long time ago.”
Pero habang abala ang isip ko sa gusto kong gawin para sa kan’ya, naalala ko bigla si mommy. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya. Natatakot akong baka hindi niya maintindihan o kung maiintidihan man pero mas piliing niyang ayaw intindihin dahil mas mangibabaw ang sakit na ginawang pagtataksil sa kanya ni daddy ng isang gabi.
“Tito, gusto ko po siyang tulungan para at alang-alang kay daddy dahil alam kong hindi matutuwa si daddy na makitang naghihirap ang nag-iisang anak niya na babae. Alam kong Nakagawa siya ng malaking kasalanan kay mommy at pati ako nasaktan nang malaman ang lahat nang ito. Pero hindi ko rin maitatanggi na kapatid ko pa rin siya,” malungkot kong sabi.
“Oo alam ko, pero ang inaalala ko ang mommy mo paano natin ito ipapaalam sa kanya?”
“Hindi ko rin po alam, pero naisip ko ngayon baka panahon na para ipaalam ko ito kay tito Manuel baka sakaling matulungan niya tayong maipapaintindi kay mommy pagdating ng oras na ipakilala ko na siya sa kanya. Dahil alam kong hindi habang buhay pwede kong itago kay mommy, habang patuloy kong itinatago ang tungkol dito mas lalo akong nilalamon ng konsyensya ko.”
“Mabuti pa nga na ipapaalam natin ‘to kay Manuel, hayaan mo tutulungan kitang kausapin siya.” Nakahinga ako ng maluwag sa mga narinig ko dahil alam kong hindi talaga ako pababayaan ni tito Rick sa problemang ito.
“Alam kong nahihirapan ka pero kung maaari ingatan mong ‘wag mahalata ng mommy mo ang mga nalalaman mo,” pagpapaalala niya sa akin.
“Paano kaya natin ito sasabihin sa kan’ya?”
“Kailangan muna nating pagplanuhan ang bagay na ‘yan dahil alam kong tulad natin ikakagulat din niya kapag malaman ang totoo.”
“Pwede mo ba siyang kausapin, I mean subukan mong kaibiganin para kahit papaano may makuha tayong dagdag na impormasyon sa kanya habang paghahandaan namin ang pagpapakita at pagpapakilala sa kanya?” nag-aalangan tanong ko kay Willie.
“No problem sir. I’ll do it.”
Hindi nagtapos doon ang naging usapan namin, marami pa kaming napag-diskusyunan pati ang pagpapalano kung kami magpapakita para magpakilala sa kanya. Hindi ito pwedeng biglain para hindi siya mahirapan, alam kong hindi ito madali para sa aming lahat ang mga susunod na gagawin. Alam kong pare-pareho kaming mag-a-adjust sa darating na mga araw para sa ikabubuti ng lahat.
Dahil matagal kaming natapos, napagsedisyonan kong ‘wag na munang umuwi sa bahay nila tito Manuel, kaya tinawagan ko na lang si mommy maging si tito para ipaalam sa kanila na nag-overtime ako sa trabaho. Labag man sa loob ko pero dahil hindi ko pa pwedeng sabihin ang totoo wala akong ibang magawa, kung hindi ang gumawa ibang rason kung bakit ako ginabi kung kaya hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko na rin pina-uwi si Meynard dahil alam kong pagod na rin siya para babyahe pa siya pauwi sa kanila.
Hindi ako nakatulog ng maayos, kahit ilang beses akong pabaling-baling sa ibabaw ng kama ko hirap na hirap akong makatulog. Ni hindi ako dinalaw ng antok ko pero hindi tulad ng dati hindi na ako uminom ng alak, habang nakaupo sa may veranda tanaw ang iba’t-ibang mga gusali na kumikinang sa maliliit na ilaw maging ang mag sasakyan na binabaybay pa rin ang kahabagan ng kalsada kahit sa dis-oras ng gabi. Tulala lang akong nakatitig sa kawalan pero blanko ang utak ko, siguro napagod sa sobrang madaming impormasyon na pumasok sa kanina kaya ngayon wala, blanko.
Early morning came, I walk like a zombie obviously because I didn’t get enough sleep last night.
“Hindi na naman nakatulog ng maayos?” bungad sa akin ni Meynard nang makita niya akong nakaupo sa veranda may hawak ng mug na may lamang kape.
Napailing lang ako bilang sagot sa tanong niya sa akin.
Siya naman narinig kong bumuntong hininga bago umalis at naglakad papuntang kusina, alam ko na ‘yon kahit hindi ko pa titingnan dahil halata naman sa mga yapak niya. Ilang sandali nang tinawag niya akong nakahanda na ang pagkain, bread toast lang naman kasi ‘yon at saka nagluto siya ng bacon at scramble eggs kasi walang masyadong stocks ang ref since, ilang araw na akong hindi umuuwi rito dahil pansamanatala kaming nanunuluyan kina tito Manuel para samahan ko si mommy.
Binawi ko na lang sa pagkain ang kakulangan ko sa tulog para kahit papaano may energy ako mamaya sa office. Hindi pwedeng maapektuhan ang trabaho dahil sa personal kong problema.
Pero hindi ko maiwasan ang maging lutang ang pag-iisip ko habang nakaupo sa conference room, para sana makinig sa isang team para sa kanilang presentation para sa isang project. Mabuti na lang sana tabi ko Meynard para kaya kahit papaano nababalik ako sa kasalukuyan. Pero dahil wala akong naintindihan sa naging presentation nila, sinabi ko na lang na pag-aaralan ko muna ang concept nila saka ako magbibigay ng feedback. Dahil ayaw kong isipin nila na sinayang ko ang oras nila sa pag-present tapos wala pala akong pakialam. Pero sa totoo lang hindi naman sa wala akong pakialam kaya lang kahit anong gagawin ko hindi ko napapansin na nakatulala na naman ako.
“Sir, pinapatanong po ng team nila Andrew kung pupunta ka ba raw sa Sabado sa shooting?” si Meynard habang kumakain kami ng tanghalian, kasi saktong lunch time natapos ang naging presentation ng isa pang team.
“Kung walang maging aberya pwede naman,” pagpapalusot ko, pero ang totoo plano ko talagang pumunta para makita ko siya, kasi hindi ko siya naabutan noong contract signing.
“Nabanggit din niya na darating daw ang isa sa boss ng company client natin kasi ibinalita raw ito sa kanya noong isang staff na laging nandito.”
“Oh, okay. No problem I’ll be there if that’s the case,” mabuti ‘yon para hindi masyadong mahalata kasi kunware may kailangan akong i-entertain. Pero ang totoo siya ang dahilan kung bakit ako pupunta sa gagawing shooting sa sabado. Ingat na ingat ako masaydo sa mga kinililos ko dahil alam naman nila na hindi ako tumatambay tuwing may shooting for commercial. Pumupunta lang ako sa location to check on them but I’m not going to stay longer than an hour.
“As much as possible I don’t want anyone will notice how I look at her, that I like her. I already admit it to myself but I am not ready yet to announce to the public. In the first place, I don’t want to publicize it I prefer to remain my personal as private as it could be. Kaya kahit kay Meynard na trusted person ko hindi ko makayang masabi sa kan’ya dahil iniiwasan kong magiging rason ‘yon ng palagiang pangangantyaw niya sa akin.”
“Sasama ka sa sabado sa akin?” tanong ko, bilang respeto na sa kanya na alam naming pareho na may personal na buhay naman siya talaga. Kahit pa sabihing assistant ko siya binibigyan ko pa rin siya ng option kapag weekend, kung sasama siya o hindi. Maliban na lang kung kailangan talaga niyang sumama.
“Oo naman.”
“Wala ba kayong date ni Shane?”
“May trabaho siya kaya susunduin ko lang siya sa trabaho pagkatapos ng lakad natin, dahil mauuna naman matapos ang pupuntahan natin bago pa siya matapos sa duty niya.”
“Baka nagtatampo na ‘yang girlfriend mo dahil sobrang naging abala tayo lately?”
“Hindi, pinapaliwanag ko naman kasi sa kan’ya ng maigi tapos tulad ko abala din naman siya sa trabaho niya.”
“Kahit na, eh, paano naman ‘yong panahon na off duty siya tapos ikaw kasama ko kasi may pinuntahan tayo o ‘di naman kaya busy tayo dito sa office?”
“Huwag mong intindihin ‘yon, alam niya ang mga nangyayari kasi sinasabi ko palagi sa kan’ya para mabigyan ko siya ng assurance na ganoon talaga kailangan kong magsumikap. Para rin naman sa amin ‘to pagdating ng araw. Saka noong una pa lang tinapat ko siya na hindi ako mayaman kaya kailangan kong kumayod ng husto. Eh, siya rin naman kasi siya lang ang inaasahan sa ngayon na hindi pa nakapagtapos ang kapatid niya, kaya naiintindihan niya.”
“Talaga? Mabuti naman kung ganoon?”
“Alam mo sir, kung ako sa’yo simulan ko nang hanapin ang babaeng mamahalin ko at gusto makasama sa habangbuhay.”
“At bakit napunta na naman sa akin ang usapan?”
“Mas maganda kasing hindi lang ang love life ko ang mapapag-usapan natin tulad ngayon ‘di ba?”
“Naku! Sa tingin mo maiisisingit ko pa ang tulad na bagay na ‘yan ngayon sa estado ng buhay ko? Ang gulo-gulo na nga tapos ngayon ko pa itaon ang paghahanap? Kung may makita man ako alam mo, kawawa lang siya kasi marami siyang kahati sa oras ko. Saka ayaw ko siyang madamay sa kaguluhan ng buhay ko ngayon, darating din ang tamang oras para d’yan. Kapag okay na ang lahat, sa ngayon kahit gustuhin ko man, hindi pa ako handa kasi kailangan kong matutokan si mommy lalo na malapit nang bubulaga sa kan’ya ang tungkol sa sekreto ni daddy na matagal niyang pinagkatago-tago.”
“May punto ka, magulo pa nga. Tama ka na tatpusin mo muna ang problemang ‘yan bago ka maghahanap. Hmmmm…” nakita ko siyang nakahawak sa baba niya habang nag-iisip ng kung ano.
“Ano na naman ang iniisip mo d’yan?” parang alam ko na ang kasunod nito, kung tama ang hinala ko tiyak kalokohan ang susunod nito.
“Iniisip ko lang kung ilang taon ka ngayon tapos ilang ka magsisimulang maghahanap ng makakasama mo sa buhay,” seryosong sagot niya na tila nag-iisip pa rin.
“Eh, ano ngayon ang gusto mong palabasin?”
“Wala naman, umeedad ka na kasi kuya, baka ‘ka ‘ko mahirapan ka ng makahanap ng mapapangasawa. Kasi s’yempre ‘di ba pag may nakilala ka may getting to know each other stage pa ‘yan, hindi natin kung ilang buwan ang itatagal noon. Tapos ligawan stage not sure din kung ilang buwan kang manunuyo para sagutin ka niya. Tapos magiging kayo na, alangan namang pagkasagot niya sa’yo magpoprose ka agad ng marriage proposal sa kan’ya, hindi naman ‘di ba? Pag susumahin natin ang lahat nang ‘yon aabutin ng ilang taon hindi natin alam. Naku! Patay pihadong matanda ka na noon!”
Hindi na ako nakakibo pero nabatukan ko naman siya kaagad.
“Ikaw, kahit kailan hindi ka nakaka-usap ng matino na pangmatagalan kasi lagi mong hinahaluan ng kalokohan!” mabuti na lang kami lang dalawa sa loob ng office kung hindi kanina pa ako napahiya sa mga pinagsasabi niya.
“Aray ko naman! ‘To talaga ‘di na mabiro lahat na lang siniseryoso,” nakanguso niyang pabulong habang hinihimas ang tinamaan ko sa ulo niya pero naririnig ko pa rin.
“Ah ganoon! So, kasalanan ko pa talaga? Ikaw, makikita mo isang araw pupuntahan ko si Shane sa pinagtatrabahuhan niya at hindi ako magdadalawang isip na siraan kita sa kanya,” pagbabanta ko kunware, pero hindi ko naman tutuhanin para matakot ko lang siya at nang tigil-tigilan na niya ako sa kalokohan niya.
“Ay! ‘Wag namang ganoon kuya, sorry na. Hindi na kita aasarin promise, maging mabait na ‘ko sa’yo,” pagpapaawa niya. Pero hindi ko na siya pinansin dahil…
“Naku! ‘Wag naman po sanang magkatotoo ang mga sinabi ng mokong na’to. Knock on the wood three times. Nakakatakot isipin baka ma-‘jinx’. Kung kailan nakita ko na ang babaeng nagugustuhan ko tapos ganoon ang maririnig ko sa kan’ya, aba! Hindi naman tama ‘yon! Sana wala pang boyfriend si Gabie, dahil kapag may boyfriend na siya ibig sabihin hindi siya para sa akin. Pero kapag wala siyang boyfriend hehehe… isa lang ang ibig sabihin noon we’re meant to be.” Natutuwa kong bulong sa sarili ko.
“Luh! Kuya! May sakit ka ba?”
“Ha? Anong pinagsasabi mo d’yan?”
“Kasi kani-kanina lang nambatok ka sa inis tapos ngayon nakangiti ka d’yan, para kang ewan!”
“Isa pang pang-aasar totohanin ko na ‘yong sinabi ko!”
“Hindi na nga, ito na oh, magliligpit na ako ng pinagkainan natin kasi marami pa pala akong gagawin, tama marami pa kuya,” pangungumbensi ko.
Napailing na lang ako. Hindi naman ako totoong naiinis sa kan’ya naging mormal na talaga sa amin ang mag-asaran mula pa noon mga bata pa kami. Siya lagi ang mapang-asar sa aming dalawa, noon napipikon pa ako pero kalaunan nasanay na ako, pero kapag ako naman ang nakabwelta sa kanya ng pang-aasar pikon na pikon sa akin ‘yan, asar talo kasi ‘yan sa akin.
Nakakatuwa lang isipin na kahit gaano kabigat ang problema natin sa buhay may ginagawang pang balanse ang Diyos sa lahat ng bagay. Tulad sa akin, hindi ko inakala o ni sa panaginip na ganito magiging kagulo ang buhay na mararanasan ko. Dahil mula pagkabata maayos at masaya akong lumaki kasama ang mga magulang ko at kaibigan. Pero ngayon, parang nasa gitna ako ng isang lugar na maraming landmine na nakatanim, isang maling hakbang ko may sasabog. At sa pagsabog na ‘yon marami ang magiging casualty hindi lang ako. Kaya kahit gaano na nakakangawit ang posisyon ko kailangan kong tibayan at patatagin ang loob ko para manatili akong malakas at hindi ko maaksidenteng mai-apak ang paa ko sa maling lugar. Kailangan kong maging sobrang maingat sa bawat kilos ko, kahit gaano ako nahihirapan hindi ako basta-basta gagawa ng hakbang na marami ang masasaktan.
Ang bigat-bigat para sa akin dahil alam kong sa aking nakasalalay ang lahat, kung paano kumilos na hindi gaanong masaktan ang mga taong nakapaligid sa akin. Dahil kahit ano ang gagawin ko may masasaktana talaga pero maiiwasan ang malala kung makakaya kong mabalanse ang lahat, at mailagay sa tama ang mga bagay-bagay.
Lumipas ang mga araw na madalas akong nilalamon ng pagkalutang ko dahil hindi mawala sa isip ko ang tungol sa anak ni daddy kay Teresa, si mommy pero mabuti na lang kahit marami ang pinoproblema ko kung ano ang dapat gawin. Kahit papaano may nagpapasaya sa akin na ako lang ang nakakalam. Hindi ko alam kung bakit ako naduduwag na ipaalam sa iba o kahit kay Meynard man lang. Hindi ko maintindihan kung magaan at masaya sa pakiramdam tuwing nakikita ko siya, lalo na ang makita siya nakangiti. Nakokontento na ako sa puntong kahit hindi kami nagkaka-usap basta nakikita ko siya para bang nagiging ‘energtic’ ako bigla. Kung baga siya ang taga balanse ng buhay ko na puno ng katanungan at gulo, siya ang nagbibigay ng rason para maging mas malakas ako npara labanan ang lahat ng problemang mayroon ako ngayon.
Simula ng una ko siyang nakita nararamdaman kong may kakaiba sa akin pero hindi ko masabi. Wala akong mahanap na salita kung anong kakaiba hindi ko mailarawan. Ang alam ko gusto ko siyang makilala pa ng lubusan pero alam ko malayo pa mangyari ‘yon, kaya kailangan ko munang pagkasyahin muna ang sarili ko patingin-tingin sa kanya sa ‘di kalayuan.
Saturday morning came, maaga akong nagising dahil alam niyo excited akong makita ang magandang babae na nagugustuhan ko. Pero s’yempre hindi ko p’wedeng ipapahalata ‘yon kahit kanino, kaya kailangan panatilihin ko ang normal na kilos ko. Kahit ang totoo eh, parang sasabog na dibdib ko kanina pa dahil ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.
“Sir, nandito na po si sir Meynard,” sabi ng katulong nila tito habang nilalapag ang mga pagkain para sa almusal.
“Pakisabi pong dumeritso na ‘ka mo siya rito para sabayan na niya akong kumain,” utos ko. Ako ang naunang dumating sa mesa mag-uumpisa pa lang akong kakain. Pababa pa lang sila tito Manuel, tita Beth at mommy.
“Opo,” saka umalis na siya para puntahan si Meynard siguro nasa may garahe tinitingnan ang sasakyan ko.”
“Good morning!” si mommy tapos ikiniss niya ako sa pisngi.
“Good morning mom.”
“Ngayon ‘yong sabi mong shoot ng commercial ‘di ba?”
“Yes mom,” sabay binigyan ko siya ng ngiti.
“Muntik ko nang makalimutan kung hindi pa kita nakitang nakabihis na ngayon hindi ko maalala.”
“Bakit? Is there anything you want us to do?”
“Oh, wala naman,” saka siya uminom ng kape niya.
“Aalis kami ni Carla mamaya kasi may schedule ako sa psychiatrist.”
“Kumusta naman po?”
“So far, okay nalilibang ako kasi may nakaka-usap tapos hindi na ako umiinom pero may mga gabi pa rin nahihirapan akong makatulog pero hindi na tulaad ng dati.”
Naputol ang usapan namin ni mommy nang makapasok si Meynard.
“Good morning po,” bati niya sa amin pagkalapit niya sa mesa.
“Good morning hijo, halika sit down. Sabayan mo na kaming kumain,” pag-aya ni mama sa kan’ya.
“Good morning,” bati ko rin sa kanya nang magkatinginan kam sabay tinuro ko ang mesa na maupo siya.
Siya namang pagdating nila tito at tita.
“Good morning!” sabay nilang bati sa amin.
“Good morning, nauna na kami sa inyo,” si mommy.
“Tamang lang naman, hindi na dapat kami hinihintay basta may pagkain na dito sa mesang nakahanda kumain na kahit wala pa ako o Manuel,” si tita pagka-upo at naglalagay ng pagkain sa plato niya.
“May work kayo ngayon?” si tito pagkatapos uminom ng kape niya na kakabigay lang ng katulong, na kanina pa abala sa pag-aasikaso sa mga pagkain paroo’t parito sa kusina.
“May shooting for commercial kailangan kong pumunta kasi dadalaw daw ang big boss mamaya,” paliwanag ko.
“Ah, hindi na po kami magtatagal baka abutin kami ng matinding traffic, bawi na lang ako sa kwentuhan pag wala akong lakad o trabaho,” pagpapaalam ko sa kanila saka kami sabay na tumayo ni Meynard.
“Mauuna na po kami, Salamat po sa breakfast,” pagpapaalan naman ni Meynard.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes