logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 10

“Sige, pwede ko namang tawagan mamaya si Andrew para maayos nila kaagad.”
Medyo maganda ang byahe namin ngayon kahit medyo traffic pero umuusad naman kahit paano kaya hindi kami masyadong nagtagal sa daan.
“Hi mommy!” bati ko kaagad nang makita kong gising siya at nag-uusap sila ni Carla.
“Miggy, anak!” masaya niyang bati sa akin tapos ngumit din siya kay Meynard.
“We brought some food s’yempre hindi mawawala ang favorite mong pasta,” balita ko sa kan’ya habang inilalapag ko ang pagkain sa mesa saka ako lumapit sa kanya para i-kiss siya sa noo.
Habang naging abala sila Carla at Meynard sa paghahanda para makakain na kami kaagad.
“How are you feeling?” tanong ko kay mommy.
“I’m good, anak. Sorry for making you worry,” malungkot niyang sagot.
“It’s alright mom, basta promise mo sa akin ‘wag na ‘wag mo nang ulitin ‘yon ah?” hindi na siya kumibo at tanging pag-iling lang ang kanyang isinagot sa sinabi ko, nakita kong maluha-luha ang kanyang mga mata.
“Are you hungry?” pag-iiba ko sa usapan. Natuwa ako kasi tumango naman siya agad at tiningnan niya ang mesa na nakalagay ang mga pagkain na dala namin.
“Saglit ikukuha kita ng pagkain,” sabi ko at agad namang lumapit si Carla para alalayan si mommy na maupo at inilagay niya ang bed table para makakain ng maayos si mommy.
“Here, you want me to feed you?”
“No, ako na. Kaya ko naman. Kumain ka na rin para sabay na tayo. Carla, Meynard sige kumain na rin kayo sabay-sabay na tayong lahat,” pag-aya niya. Nagkan’ya-kan’ya na kaming kuha ng pagkain namin dahil hindi nag-umpisang kumain alam naming naghihintay siya sa aming tatlo na kumain. Nang makita niyang may kan’ya-kan’ya na kaming hawak na plastic container at handa nang kumain ay saka lamang siya nag-umpisang sumubo.
Naging maayos naman ang lahat habang nagkukwentuhan kami habang kumakain. Sinisiguro naming puro masaya ang usapan para kahit paano gumaan ang pakiramdam niya. Hindi man siya gaanong nagsasalita pero sumasabay naman siya sa tawanan namin, though hindi katulad dati ang naging tawa niya, pero maganda na rin ‘yon ang importante may magandang development sa kan’ya.
Hinintay muna naming makatulog siya bago kami umalis ni Meynard para makauwi na.
“Carla, paano maiwan ka muna namin uli. Ikaw na ang bahala sa mommy,” bilin ko sa kan’ya.
“Sir, pwedeng usap muna tayo sa labas?” pabulong niyang sabi sa akin.
“Sige, halika. Nard, sandali lang mag-uusap lang kami saglit dito ka muna baka magising si mommy. Paki sabi lang bumili kami ng kape,” bulong ko sa kanya saka lumabas kami ni Carla.
“Sir, kinausap po kasi ako ng doctor ni ma’am kanina pero sinadya pong hindi pinarinig sa kan’ya ang pinag-usapan namin,” paunang sabi niya pagkasarado ko ng pinto.
“Bakit anong sabi ng doctor?”
“Pinaalala niya po kasi ang tungkol doon sa kailangan ni ma’am na ipakiusap sa isang professional tulad ng psychiatrist para maasses po ang condition niya. Kasi sabi po ng doctor may mga bagay daw pong hindi sinasabi sa atin si ma’am, na nagpapabigat ng kalooban niya kaya po nauuwi sa pag-iinom dahil hindi siya makatulog. Maari raw pong may mga bagay siyang gustong sabihin sa daddy niyo pero hindi niya nasabi noong buhay pa o di naman kaya may mga bagay na hindi malinaw sa kan’ya. Tapos dinibdib niya ng husto ang pagkawala ni sir G, mahirap daw po kasi ‘yan sir kapag hindi naagapan baka raw mapunta sa depression. Kaya habang maaga pa mabuti raw na may maka-usap na siya para maipaintindi sa kan’ya at matulungan siyang ma-cope up o makapag-move on,” paliwanag niya.
“Sige, no problem. Nakapagtanong ka ba sa kanya kung may mai-recommend siyang kakilala na psychiatrist?”
“Ay, hindi ko po naitanong. Mamaya po, pag rounds niya uli itatanong ko po. Saka sir, kanina po kasi hindi naiwasang napag-usapan ang pagkawala ni sir G. Kanina po ‘yong nandito pa ‘yong dati mong yaya, tinanong po kasi niya si ma’am kung gusto niya raw bang bisitahin si sir G pagkalabas dito para samahan namin o tayo tapos magdala raw ng pagkain doon para raw hindi malungkot si ma’am. Kaso ang sagot po ni ma’am, wala raw siyang bibisitahin sa Heritage kasi hindi naman daw patay si sir G.” malungkot niyang sabi.
“Kailangan ng ani mommy na maipakausap sa isang psychiatrist kasi nakikita kong nahihirapang siyang tanggapin ang totoo,” saka napabuntong-hininga ako.
“O sya, bukas magtanong ka sa doctor tungkol sa pwede niyang mai-recommend tapos kung nandito lang mismo sa hospital na ito mabuting kausapin mo na ang mismong psychiatrist para malaman natin kung kailan pwedeng magsimula si mommy. Kasi hindi kakayanin ng schedule ko kung ako pa ang kakausap sa doctor at sa psychiatrist. Pasensya ka na, may hinahabol kasi kaming deadline para screening dahil gusto na din ng team na makapag-umpisa na sa shoot para sa commercial dahil may deadline ding hinahabol para sa launching na commercial,” pagpapaintindi ko sa kan’ya.
“Wala pong problema sir. Okay lang po. Hayaan niyo aasikasuhin ko po bukas na bukas din tapos babalitaan ko na lang po kayo pagpunta niyo dito bukas,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Thank you talaga Carla. Ang dami mo na talagang ginawa para sa amin lalong-lalo na kay mommy. Don’t worry, babawi ako kapag maluwang na ang schedule ko. I understand kailangan mo ring makapagpahinga at makapag-enjoy.”
“Okay lang po sir, nakakaawa rin po kasing iwan si ma’am mag-isa. Alam ko po at naintindihan ko po na abala po kayo sa trabaho. Magaan lang naman po ang ginagawa ko saka maayos naman po akong nakakapagpahinga sa gabi kaya sapat na po ‘yon. Hindi naman po ganoon kaalagain si ma’am kasama lang po ang kailangan niya.”
“Oo nga eh, nakaka-guilty nga kasi hindi ko siya mabigyan ng sapat na oras para magkasama kami lalo na ngayon ang dami naming ginagawa.”
“Bumawi ka na lang po kay ma’am sa susunod, alam ko naman pong naiintidihan kayo niyan. Sige po, masyado na kayong gagabihin sa daan. Bukas na lang po uli.”
“Sige, maraming Salamat. Hindi na ako papasok pakisabi na lang kay Meynard na aalis na kami baka magising pa si mommy dahil baka maingayan. Dito na ako maghihintay sa kan’ya. Salamat.”
Saka siya naglakad papasok sa kwarto ni mommy, hindi naman nagtagal nakita kong palabas na si Meynard kaya sabay kaming naglakad papunta sa elevator para makababa na sa parking lot ng hospital.
The following day.
“Sir, nakapag-set na po ng schedule for the next screening. The day after tomorrow po ang sabi ng team kasi ‘yon din daw ang available ng magiging representative ng company client natin, same place daw po para hindi na magakagulo. Inaayos na po ngayon ni Neri ang para sa venue. Tapos ‘yong para sa isa pang nating project pinapatanong po ng in-charge na team kung kailan daw po kayo pwede para sa presentation nila,” basa niya sa mga update para sa mga gagawin ko.
“’Yan ba ‘yong sa toothpaste commercial ng local company?”
“Yes, po sir. Ikaw na ang bahala mag-set niyang kasi mas kabisado mo ang schedule ko. Sabihan mo na lang ako kapag fix na.”
“Okay po. Tapos po, gusto raw kayong makausap ng President pwede raw po kayong umakyat sa office niya anytime before lunch. Wala pong sinabi kung para saan sinabihan lang din po ako ng secretary niya kanina.”
“Okay. Tapusin ko lang itong ginagawa ko tapos aakyat na ako. Anything else?”
“Wala na po so far. Pupuntahan ko po muna ang team,” pagpapaalam niya saka lumabas na ng office ko.
Naging abala naman ako sa kakareview ng mga documents na nasa mesa ko nang maiwan akong mag-isa. Hindi ko na hinintay na makabalik si Meynard pumunta ako sa office ng company president tulad ng habilin sa akin.
Kinamusta niya ako at ang kalagayan ni mommy, nakarating na pala sa kanya ang nangyari noong nakaraang araw. Tapos pinag-usapan namin ang tungkol sa trabaho, medyo matagal ang naging pag-uusap namin dahil maraming kaming pinag-usapan tungkol sa mga projects, kaya lunch time na ako nang makabalik sa sarili kong office. Naabutan ko si Meynard na may binabasa habang naghihintay sa akin para makakain na kami ng lunch.
Gabie’s POV
“Besh! Besh!”
“Ikaw pala Jhay, pasok ka muna,” rinig kong sabi ni mama naliligo pa si Gabie kasi kakagising lang noon napuyat kasi ‘yan kagabi may ginagawa para sa school.”
“Hi my beautiful tita!” bati na bakla kong best friend kay mama. Gan’yan lagi ang bati niya kay mama.
“Hoy! Ano ba ang ingay-ingay mo talaga! Rinig na rinig ang boses mo sa buong barangay!” sigaw ko pagkalabas ko ng banyo habang papasok naman sa kwarto ko para makapagbihis.
“Tse! Ito naman masaya lang! Ikaw din hindi kita babalitaan!” pang-aasar niya. Hindi ko na sinagot, nagmamadali na lang akong magbihis para maka-usap ko na kasi sa tono ng pananalita niya alam kong may dala siyang magandang balita. Ugaling-ugali niya talaga ang mag-ingay kapag masaya siya kaya pasensya na lang talaga sa mga kapitbahay namin. Buti nga walang nagrereklamo sa kanya, dahil siguro nasanay na rin sa ingay ng bunganga niya.
“Anong balita ang sinasabi mo?” tanong agad pagkalabas ng kwarto ko pagkatapos magbihis ng uniform kasi may pasok ako ngayon ala-una.
“Well, tumawag lang naman sa akin ang taga ad agency para ipaalam na pasok ka for second screening!” sabay tili niya at talon-talon akala mo nanalo sa lotto. Mas excited pa siya sa akin kung makaastas, eh.
“Hoy! ‘Wag kang maingay nakakahiya sa kapitbahay! Ano ba?” saway ko sabay hinampas ko siya sa balikat niya.
“Ouch! Grabe ka! You’re so harsh! Tita beauty ‘yong anak mo oh, mapanakit ng kapwa,” parang bata siyang nagsumbong kay mama, na tinawanan lang naman siya habang naayos si mama sa mga ipapadala niya sa kan’yang mga online customers. ‘Yan ang mama kong maganda na masipag pa, kung anu-ano ang binebenta niyan mula sa damit, sapatos, alahas, make-up pati pagkain hindi pinapaglagpas.
“Uy, ba’t parang hindi ka naman yata natuwa sa balita ko besh? Ayaw mo bang maging sikat?” nagtataka niyang tanong kasi natulala ako sa salamin habang tinitingnan ko si mama na abala sa ginagawa niya.
“Hindi naman sa ganoon, kaya lang hindi mo maiaalis sa akin na kabahan ng todo kasi first time kong gagawain ito noh! Mas madali kasi para sa akin ang print ad kaysa sa ganito, naninibago lang. Iniisip ko pa lang na haharap na naman ako sa camera parang nanlalamig na agad ang buong katawan ko sa kaba. Saka ‘wag ka munang magpakasiguro kasi hindi pa natin alam ang mangyayari sa second screening na ‘yan, in fairness marami rin kasing magaganda roon,” paliwanag ko.
“Kaya nga hindi ba sabi ko susubukan mo lang. Malay mo ikaw pala ang mapili. Saka tama ka naman eh, maraming magaganda pero ang tanong confident ba sila? Balita ko sinadya raw na hindi kumuha ng dati nang commercial model kasi gusto umano ng management na fresh new look. Hindi raw ‘yong nakikita na sa tv dahil may ibang product na ini-endorse.”
“Basta pasalamat na lang tayo na nakapasok ako para sa next screening pero ‘wag muna tayong pakampante kasi hindi pa natin alam. Saka hindi ko talaga iniisip ‘yan para hindi ako umasa sa wala.”
“Bakit ano pala ang pinapagawa sa inyo sa audition?” sabat ni mama sa usapan namin.
“Nagkilala lang tapos ngumiti sa harap ng camera tapos naka-close up raw ang shot para makita nila ang texture ng balat,” sagot ko.
“Aba’y hindi naman pala mahirap. Ba’t ka naman kinakabahan, akala ko ba sanay ka na sa mga gan’yan?”
“Ma, kasi po iba naman po ang kuhaan ka ng video kompara sa magpose ka lang sa harap ng camera tapos kukunan ka ng picture. Doon po ako nasanay iba pop ‘yong para sa commercial ma na makikita sa tv,” pagpapaliwanag ko.
“Makinig ka lang mabuti sa sasabihin nila at sundin mo ang lahat ng gusto nilang ipagawa sa’yo. Sulit naman siguro ang bigayan d’yan kaya pagtyagaan mo na. Gusto mong kumita hindi ba? Malinis naman na paraan ‘yan kaya walang problema. ‘Wag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano para hindi ka kabahan,” payo niya.
“Opo, Sige na ma, aalis na ako baka matraffic pa ako,” pagpapaalam ko sabay humalik ako sa pisngi niya.
“Sige anak, mag-iingat ka ha!”
“Ma, ikaw ang mag-ingat sa pupunta mo. Maayos akong naglalakad sa kalye at lagi akong nag-iingat,” pagsesermon ko.
“O, sya besh ikaw na muna ang bahala kay mama. Salamat sa balita. Kita na lang tayo maya pagka-uwi ko dalawa ang naman ang subject ko ngayon kaya maaga akong makaka-uwi, bilin ko Jhay.
“No problem beshie! Ako na bahala kay tita beauty sasamahan ko siya ngayon kasi wala naman akong ginagawa.”
“Sige, bye!”
Yan ang best friend ko, lagi kong maasahan. Regular tambay na ‘yan sa bahay namin, minsan d’yan na rin ‘yan nakikitulog kapag ginagabi kami sa mga pinupuntahan naming photo shoot. Lagi kasi talaga akong sinasamahan niya sa lahat ng mga lakad ko. Para akong nagkaroon ng instant na kapatid sa katauhan niya. Walang dull moment kapag siya ang kasama mo, maliban kung may problema ‘yan dahil sobrang kabaliktarana ang makikita mo sa kan’ya. Kung gaano siya kaingay kapag nasa mood siya daig naman niya ang pipi sa pagiging tahimik kapag may ininda siyang problema. Tulad na lang noong nadisgrasya ang tatay niya sa pinagtatrabahuhang construction, aksidente kasing nabagsakan ng bakal ang tatay niya habang naghahalo ng semento. Mabuti na lang hindi naman pinabayaan ng kompanya at sinagot ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa hospital, at may natanggap din silang konting tulong dahil hindi na muna makakapagtrabaho ang tatay niya habang nagpapagaling. Kaya naawa ako sa kanya ‘yong kinailangan niyang huminto sa pag-aaal kasi hindi na nila kakayanin kung ipagpapatuloy niya. Kasi ang kinikita niya sa mga racket namin pamabayad niya iyon sa school at iba pa niyang kailangan at nagbibigay din siya sa nanay bilang tulong sa mga gastusin nila sa bahay. Tatlo kasi silang magkakapatid si Jhay ang panganay.
Miggy’s POV
“Nard, may gagawin pa ba ako pagkatapos nito?”
“So far, wala naman po unless po may mga biglaang gagawin. Bakit po sir?”
“Tumawag kasi sa akin ngayon lang ang private investigator, na Willie pala ang pangalan niya ngayong ko lang nalaman kung hindi ko pa tiningnan ang calling card na binigay niya. Kailangan daw naming magkita kasi may importante raw siyang sasabihin.”
“Sige po, ako na po muna ang bahala dito tapos tatawagan na lang kita.”
“Ay hindi kasama ka na kasi dederitso na tayo sa hospital pagkatapos kasi kailangan ko rin kausapin ang psychiatrist ni mommy.”
“Ah ganoon po ba, sandali lang po ibibigay ko lang po ito sa finance at kausapin ko lang po saglit si Andrew,” saka nagmamadali siyang umalis. Alas-tres pa lang pala, mabuti nga maaga pa at hindi pa gaanong siksikan ang traffic pag ganitong oras.
“Sorry tito biglaan ang pagtawag ko sa inyo, kanina lang din kasi ako tinawagan,” nang magpang-abot kami sa lobby ng hotel, sa dating hotel na pinuntahan namin noong nakaraan kasi nagustuhan ko ang privacy.
“It’s alright. Wala naman akong ginagawa at kahit may ginagawa ako pupunta pa rin ako kasi importante para sa akin ang bagay na ito.”
“Salamat po. O, narito na pala siya. Tara doon po tayo sa dati,” saka kami sabay-sabay na naglakad papasok sa dating private room na pinabook ko.
“Good afternoon po. Pasensya kung biglaan ang pagtawag ko sa inyo. May nakuha po kasi akong impormasyon. Pinuntahan ko po ang address na binigay mo sa akin sir, tapos nagtanong-tanong po ako doon kung may nakakilala sa kanya o nakakaalam kung saan siya nakalipat.
May nakapagsabi na ‘yong isang kapitbahay niya dati may asawang taxi driver ‘yon ang daw ang naghakot ng gamit nito noong lumipat. Kaya ‘yon po ang sunod kong hinanap para makausap. Nang maka-usap ko na po binayaran ko para ako samahan sa lugar kung saan lumipat si Teresa, kaso nang mapuntahan namin ang apartment na nilipatan niya wala na rin siya doon. Dahil ang sabi ng may-ari lumipat din daw ito pagkatapos ng anim na buwan mula nang manganak. Babae nga raw ang naging anak nito pero walang makapagsabi kung saan ito nakalipat. Sinuyod ko ang mga hospital na posibleng doon siya nanganak baka sakali may makuha akong lead, nalaman kong sa Ospital ng Maynila siya nakapanganak,” pagpapaliwanag niya habang isa-isang nilalapag ang mga dokumentong kanyang nakalap sa kanyang ginagawang pag-iimbestiga.
“Pati ang mga skwelahan na posibleng pasukan ng anak niya iniisa-isa ko ring puntahan para ma-trace ang current address niya. Pero sa tuwing makuha ko ang address at puntahan ang sabi nakalipat na. Isang lugar ang tinirhan nila mag-ina noong elementary ang bata. Hanggang doon pa ang mga nakuha kong impormasyon, ang importante nalaman ko ang mga naging tirahan nila mag-ina kaya malakas ang kutob kong malapit ko na matagpuan ang tinitirhan nila ngayon,” pagtatapos niya.
“Ibig sabihin nito ayaw niya talagang malaman ni Gabriel kung saan sila nakatira na mag-ina,” komento ni tito Rick.
“Ganoon na nga po, sa madaling salita pinaninindigan niya po ang sinabi niya sa card na ‘wag na siyang hanapin,” sagot ni Willie kay tito, at kaming dalawa ni Meynard tahimik na tinitingnan ang mga documents na nakalatag sa mesa habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.
“Ngayon lang ako nakakakilala ng isang babaeng ganito. Siya ang kusa lumalayo, ang iba d’yan naghahabol para sa karapatan ng anak nila,” komento uli ni tito na parang may malalim siyang iniisip habang nakangalong-baba sa mesa.
“Ibig lang po sigurong sabihin ayaw niya ng gulo at ayaw niyang maraming nakakaalam kasi alam niyang kilala si Mr. Sansebastian. Maswerte po siya sa babaeng ito dahil hindi naghahabol at gumawa ng eskandalo, hindi tulad ng iba d’yan,” si Willie.
“Oo nga, nakakamangha! Lalo na sa ginagawa niyang palipat-lipat ng tirahan tapos may anak pa siya kaya alam kong hindi madali para sa kanya ang mga ginagawa, si tito na nailing pa.
“Ngayon lang din po ako nakilala ng gan’yang klaseng babae, matapang siya at talagang nakakabilib ang ginawa niya palakihin mag-isa ang anak nila,” pagsang-yon ni Meynard sa pinag-uusapan. Habang ako, ito natulala na naman sa mga nalaman.
“Ibig sabihin hindi niya talaga intensyon na magulo ang pamilya namin. Kahit man lang tungkol sa usaping pinansyal hindi siya humingi ng tulong kay daddy. Ano kaya ang naging buhay nilang mag-ina? Maayos kaya ang tinitirhan nila? Nakakakain kaya sila ng sapat? Ano kaya ang naging kabuhayan niya kung hindi naman siya nakapagtapos ng kolehiyo?”
“Hijo?” ang pagkalabit sa akin nit ito ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan kasi lumulipad na naman ang isip ko.
“Ano po ang gawin natin kapag nakita natin sila tapos lilipat na naman sila para makalayo sa atin?” naitanong ko pagkatapos kong matulala.
“Huwag kang mag-alala tutulungan kitang kausapin silang mag-ina. Para maipaliwanag sa kanilang mabuti kung bakit natin sila ipinahanap.”
“Pero tito paano pala kung hindi niya sinabi sa anak nila kung sino si daddy?” biglang pumasok sa isip ko.
“Kasi hindi po ba natural sa isang bata na magtatanong kung sino ang ama niya habang lumalaki,” dugtong ko.
“Sa ngayon, hindi pa natin masasbi ang bagay na ‘yan kasi wala tayong idea kung ano ang explanation na sinabi niya sa anak niya para hindi ito maghanap.”
“Oo nga naman, pwede naman kasing sinabi niyang patay na ito o kaya naman hindi niya alam kung nasaan na. Sa tingin ko kasi natakot siyang makarating sa mommy mo at sa media. Paniguradong may idea na siya kung sino ang asawa ni Mr. Sansebastian, palagay ko natakot ‘yan na madamay ang bata sa gulo kaya minabuti niyang lumayo na lang sa gulo, nang ganoon maproteksyunan niya ang anak niya,” pagsabat naman ni Willie.
“Nagpapatunay lang ‘yan na hindi siya bastusing babae,” si tito.
Marami pang napag-usapan bago kaming tuluyang naghiwa-hiwalay para umuwi na si tito at ganoon din si Willie habang kami ni Meynard dumeritso muna sa hospital.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes