logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

kabanata 7

Game or love?
Nakagayak na si Tita at si kuya Harold nang maabutan Kong kumakain ito sa dining. Agad naman akong ngumiti at binati ang mga ito.
"Good morning!" Bati ko.
"Ang aga mo naman nagising iha?" puna ni Tita Esme sa akin.
Tinungunan ko naman ito nang ngiti.
"Si Tito po? Nasaan? "
"Nasa farm pa iha. Mukhang nawili doon, ayaw na yatang umuwi." humalakhak ito sa sinabi.
" Siguro po ay komportable at tahimik roon." Ngumiti ako at tuluyan ng umupo sa dining table.
"Hindi mo ba hahanapin si---.
nakangisi nitong pagputol sa kanyang sasabihin. Kumunot naman ang noo ni tita sabay hampas sa braso ng anak. agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Mukhang may nangyari talaga kagabi! hindi siya pumasok ngayon. Mukhang may problema." Nakatayo na ito habang inaayos ang kanyang neck tie.
"Hay naku! Harold tigilan mo na nga si Aya." saway naman ng kanyang ina rito.
"Oh. Paano, ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Siniko ako nito sabay kindat sa akin.
nakahinga lamang ako nang maluwag nang matanaw ko na papalayo na ang sasakyan nito. Napailing na lang ako sa panunukso nito.
Kung hindi man siya pumasok ay Wala na akong pake roon. Baka may importante lamang siyang tatapusin. Bahala siya. may pasok ako ngayon. pero mamaya pa naman Kaya hahanapin ko muna si Manang Fe para makahanap ng gagawin. halos suyurin ko na ang buong parte nang bahay na hindi nahahanap ang sinumang tauhan. bakit wala atang mga tao rito. pabalik na ako sa Sala nang tumunog ang cellphone mula sa aking bulsa. pinindot ko ang message na dumating.
Manang Fe:
Aya, iha. Mukhang matatagalan kami rito sa pamimili. gusto ko lamang sanang ibilin na si sir Paulo ay nariyan. Hindi pumasok baka hindi pa lumalabas ng kwarto. pakisuyo na dalhan ng makakain kapag hindi pa lumabas. Pasensya na iha. Salamat.
Ako:
Ayos lang ho manang! ako na pong bahala. Ingat po kayo.
Halos magising ang buong ulirat ko sa pag-kalito. Bakit ngayon pa? iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay. Hindi pa rin siguro ito lumalabas.
pinusod ko ang nakalugay kong buhok. dadalhan ko na siya ng pagkain sa kwarto niya para matapos na ito. kumatok ako nang marahan sa pinto. baka naman natutulog pa ito. Nagpasya akong pihitin ang door knob dahilan para masilip ang loob. papasok na sana ako nang marinig ang halakhak nito mula sa balcony.
isinawalang bahala ko ang na narinig na pagkikipag-usap niya. Tuluyan akong pumasok nang marahan at maingat upang hindi ito makahalata.
Naisip kong tatawagin ko na lamang ito pagkatapos Kong mailapag nang maayos ang dala Kong tray.
"Don't try me Cynthia! Bakit ka nakikipag-bet sa akin? I know her more than you!" Pasinghal nitong tugon.
"But I know you more than her!" sagot naman nung nasa kabilang linya.
"So what do you want evil woman!" tila naghahamon na ito.
" court her and then will see!" humagikhik ito.
"I know there's a reason why you're avoiding her! you're scared John Paulo!" halata sa kilos ni Paulo ang pagkairita sa kausap. Kung kanina ay humahalakhak pa ito. Ngayon naman ay halos mapikon na.
" Are you sure you're going to win this?" usal nito sa malumanay na tinig.
"Sigurado ako Paulo, Kung Si Melissa ay hindi umobra, I'm sure this girl will own you!" Mariin ang tono ng pananalita nito na para bang siguradong-sigurado.
Pamilyar sakin ang boses niya. I know I heard her voice before.
Cynthia?
Tiningala ko ang aking ulo para mag-isip.
Cynthia? Who is she?
Sigurado akong kilala ko siya. Naputol ang pag-iisip ko nang may pumasok galing sa balcony.
"Why are you here?" Gulat nitong tanong nang mabungaran ako.
"Dinala ko lang 'yong pagkain mo, kasi di ka pa lumalabas." Pinilit kong tumungo upang hindi magmukhang kinakabahan.
"Kanina ka pa?" Malumanay na ang boses nito ngayon.
" Ah. Hindi ngayon lang, kakalapag ko nga lang nung tray, napuwing lang ako kaya tumingala ako." ngumiti ako para maibsan ang tensyon.
"I see, kumain ka na?" dagdag nito nang makaupo na. kinuha nito ang kubyertos at saka sumubo.
"Sit." Hindi ko nakuha ang sinabi niya kaya napailing ako.
"I said sit! Umupo ka Aya! alangan namang tatayo ka riyan hanggang makatapos ako rito."
Tumango ako at kinamot ang aking ulo.
"May pasok ka ngayon Di ba?"
tumango lamang ako.
"Ihahatid na kita, tatapusin ko lang ito at maliligo na rin ako.” Tugon nito habang abala pa rin sa pagsubo.
"Hindi ka ba papasok? Wala ka bang gagawing importante?" sunod-sunod na tanong ko.
Nakatuon na ang paningin nito sakin ngayon habang sumusubo.
"Wala naman kaya hihintayin na rin kita pauwi." Napakunot naman ang noo ko sa narinig.
"Bakit? bakit mo ako kailangang ihatid at sunduin?" kumunot ang noo nito.
"Bakit? Hindi pwede?” nagtaas ito nang kilay. namula ang kanyang pisngi ngunit hindi ko alam kung bakit?
"Hindi naman sa ganoon, nagtataka lang ako." binigyan niya ako ng walang kahulugang tingin.
"Maliligo lang ako. Pagkatapos ay ihahatid na kita." tumalikod ito at tumungo sa banyo.
Naiwan naman akong nakatulala. niligpit ko na lamang ang kanyang pinagkainan at lumabas sa kanyang kwarto para mahugasan ang mga plato sa kusina.
pumanhik ako sa aking kwarto para maligo. nagbihis ako ng aking uniporme. puting blusa iyon na may logo ng University namin. may neck tie ito at may nakasulat na Fine arts sa likod. Ang kapares naman nitong pantalon ay kulay asul na sakto lamang ang haba sa akin.
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Wala pa rin akong pinagbago. bilugan pa rin ang aking mukha at manipis ang labi. may mapungay na mata. hindi ganoon katangusan ang ilong. Ni wala akong panama sa mga babaeng tipo ni Paulo. Hindi ako ganon katangkad. halos dibdib lang ako ni Paulo kapag nagkatabi kami. ang mga tipo niya ay iyong slim at matangkad. Maganda at sopistikada ang dating. malamya ako manamit at medyo boyish ang galaw.
pinasadahan ko ulit ang itsura ko sa salamin bago umalis. bumuga ako nang malalim na hininga saka kinuha ang aking back pack.
Tinungo ko ang staircase nang malaki ang hakbang. luminga-linga ako nang makababa.
Nasaan na kaya 'yon?
"ma'am nasa labas na si sir nag-aantay sayo." Si Manong Rey iyon. Ngumunguya ng tinapay.
"Sige ho. Salamat Manang! Alis na po kami.” tumango naman ito habang patuloy ang pagnguya.
Nadatnan ko itong nakasandal sa kanyang Mercedes-Benz. may kausap sa kanyang telepono. nang makita ako nito ay agad nitong binuksan ang front seat at sumignal na pumasok na ako.
Sinunod ko naman ito at umayos sa pagkakaupo. Sinuot ang aking seat belt. nanatili ito sa labas pinagpatuloy ang pakikiusap ngunit agad rin namang tinapos ang tawag. Umikot ito papunta sa driver seat.
nang makaupo ay pinihit ang manibela at nagdrive nang marahan.
"Susunduin na lang kita mamaya. May aasikasuhin lang ako saglit.” nasa kalsada pa rin nakatuon ang atensyon nito.
"Sige." matipid kong sagot. sa totoo lang ay walang kaso sa akin iyon. kahit nga di na niya ako sunduin.
maikli lamang ang aming naging biyahe. Malapit lang naman kasi iyon. pinarada niya ang kanyang sasakyan sa gate Kung saan maraming nakatingin.
"Salamat." nilingon ko ito habang tinatanggal ko ang aking seat belt. tumango naman ito at matamlay na ngumiti. itinulak ko ang pinto at Dali-daling lumabas.
mabilis ang lakad ko at Di ko na ito nilingon upang makita ang pag-alis. maraming matang nakatitig sa akin habang ako ay naglalakad.
"Sino 'yon? Ang gwapo!" sambit noong babae nakasuot ng medical uniform.
"Paano mo nakita girl?" baling nung isang kakurso niya rin.

"Hello! binaba niya 'yong bintana, mukhang nakatingin sakin!" napairap ako.
ito ang mahirap kapag kasama siya. maraming nakatingin at tila manghang mangha sa kakisigan nito. Hindi ko naman sila masisisi. Kung ako nga ay ganoon rin.
"Aya!" Mula sa malayo ay nakikilala ko na ang makahulugang ngiti ni Cristy.
"Bessy!" Sinong naghatid sayo?” inirapan ko ito.
"Ah. 'yong man of your dreams ba?" sabay hagikhik nito.
"Iwan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" pag-iwas ko.
"Sino 'yang tinutukoy mo Cristy?" nagulat kami parehas ni Cristy sa lalaking sumabat mula sa likuran. halos mahawakan ko ang aking dibdib sa gulat.
"Walangya ka talaga Jayson!papatayin mo ba kami sa nerbyos?" halos hestirikal na si Cristy at halos umusok ang ilong sa kakahampas Kay Jayson.
"Aray ko! makahampas ka Naman! San ba kayo pupunta Kasi?” patalon-talon pa ito habang iniiwasan ang hampas ni Cristy.
"Papasok malamang!" nakabusangot na bulyaw ni Cristy.
"San ka Aya pagtapos mo sa isang subject mo?" Tanong nito.
"Hahanapin ko si Alex." ngumiti ako.
"Bakit di pa rin kayo nag-uusap Mula kagabi?” Umiling ako.
"Hindi pa."
Nagbuntong hininga ito.
"Nagtatampo lang 'yon kasi si Paulo 'yong sumundo sayo, alam mo na seloso 'yon." tumango lamang ako rito. manangha lang ako na. Kabisado niya ang ugali ni Alex.
"Sige, una na kami ni Jayson.”
tinangnan ko lang ang kanilang likuran na papunta sa building ng information technology department.
Tinungo ko ang aking building. Ang Fine Arts Department. Mag-aalas dyes na kaya mas mabuting maaga akong makaupo. Wala namang masyadong pinagawa sa amin sa subject na iyon.
hinintay Kong makalabas si Alex sa kanyang building.
Nakaupo ako sa bench dito malapit sa may garden. kanina ko pa ito tinitext na hinihintay ko siya rito sa labas. Ngunit mag-iisang oras na ay Wala pa rin akong reply na natatanggap.
Ako:
Al, hihintayin kita dito sa labas ng building nyo. Nandito ako sa bench na malapit sa garden. Mag-usap tayo.
isang subject na lang naman ang meron siya ngayon. Kaya maya-maya lamang ay lalabas na ito. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at tsaka niyakap ang aking back pack. pumikit ako at dinama ang hanging nanggagaling sa mga halaman sa hardin.naramdaman ko ang pagtakas ng ulirat sa aking katawan. Para bang dinuduyan ako ng malamig na hangin. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakatulog ako.
Mula sa pagkakapikit ay may dumamping malamig sa aking noo. Hindi ako sigurado kong ano 'yon. Bastat ang alam ko ay ngayon lamang ito dumapo sa akin. ilang segundo rin ang inilagi nito sa aking noo bago mawala. Binaliwala ko 'yon nasa kalagitnaan ako ng pagkawala ng Malay at pagkagising. naramdaman Kong may dumapong kamay sa aking tenga. May ipinasok itong buhok sa gilid nito.
"Aya!" Malambing ang boses ng umuusal nito. Mukhang kalmado at puno ng pagmamahal ang pagkakasabi.
"Aya!" malumanay pa rin ang pananalita nito. hinaplos nito ang aking pisngi nang marahan sabay tawag ulit saking pangalan.
"Aya! Gising na!" pamilyar ang boses niya. nabuntong hininga ito saka nagsalita.
"Sabi mo mag-uusap tayo! Tapos natutulog ka riyan!" Napabukas ang aking mata sa sinabi nito.
naaninag ko na ang nakabusangot na mukha nito.
"Alex?"
wala sa sarili kong Sabi. may Kung anong liwanag ang umilaw sa mukha ko. nawala ang liwanag nito nang alisin ito ni Alex sa mukha ko. tuluyan na kong bumalik sa aking ulirat nang iharap nito sakin ang maliit na litrato na kuha nito sakin ngayon ngayon lang.
"Tara na! Tama nang tulog 'yan!" Mag-uusap pa tayo!"
Inayos ko aking gusot na buhok at isinaklay ang back pack sa likod ko sabay tumayo.
"Tara!” Yaya ko.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko habang sinusuklay ko ng aking kamay ang aking magulong buhok.
"Hindi Naman." Matipid nitong tugon.
"San tayo?” Agaran kong tanong muli.
"Samahan mo muna ako saglit sa SCF (scholarship Commission for France) magsasubmit lang ako ng requirements." ngumiti ito nang bahagya.
"Magpapasa ka na?" tumango ito.
"Oo, kailangan ko na kasi. Alam mo na." Nagkibit balikat ito.
"Tutuloy ka na ba pag-nakapasa ka?" Nakatuon ang atensyon ko sa sagot nito.
"Oo" matipid ulit nitong reply.
"Galit ka ba sakin?” Sa wakas ay naisingit ko.
"Hindi. Hindi sayo." Mariin nitong Sabi.
"bakit naman ako magagalit sayo?” dagdag nito.
"kasi matigas ang ulo ko at hindi ako nakikinig sayo." Tumawa ito nang bahagya. hinaplos nito ang aking buhok saka iniharap ako sa kanya.
"Wala naman akong magagawa. Alam ko namang siya pa rin ang pipiliin mo." Ngumiti ito nang matabang.
"Paano kung ikaw 'yong piliin ko?" hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Tumango lamang ito at pinisil ang aking kamay.
"imposible 'yon Aya!" binitawan nito ang kamay ko saka tumalikod.
"Al." Tawag ko rito bago ito makapasok sa opisina na pag-aaplayan sana namin noon ng scholarship.
"hintayin mo na lang ako sa labas, mabilis lang naman ito." tumango na lang ako.
naupo ako sa benchmark na naroon. nakayuko ako at nakatulala sa aking sapatos habang kinukuyakoy ito. nakatuon lang ang paningin ko roon nang may biglang tumambad na paa sa tapat ng aking binti. malaki ang kumikinang nitong balat na sapatos. pinapadyak niya ito nang marahan hanggang palakas ng palakas.
Napatingala ako upang tingnan kung sino ito. Namilog aking mga mata nang magkasalubong ang tingin namin. nakataas ang kilay nito sakin. nakapamulsa habang patalas nang patalas ang titig na pinupukol nito sakin.
"Bakit ka nandito?” Nauutal ako sa pagtanong.
"hindi ba ikaw ang dapat tanungin ko niyan? Di ba sinabi kong susunduin kita? Bakit narito ka?" Madiin ang bawat pananalita nito na para bang may malaki akong kasalanan.
"Sinamahan ko si Alex. Nasa loob." Agaran ko namang sagot habang umiiwas sa mapanuya nitong tingin.
"Let's go!" tiningnan ko lang ito.
" I said Let's go!" malakas na ang pagkakasabi niya ngayon.
"Hindi pa ko uuwi! hihintayin ko pa si Alex. Mauna ka na lang.”
Seryoso ang pagkakasabi ko nito sa kanya at wala akong balak iwanan si Alex rito. tila ba ay naestatwa ito sa narinig.
Tumindig ito nang maayos saka iritabling pinunasan ang kanyang labi. Kung kanina lamang ay hindi pa sagad and pagkamuhi nito sakin. Sa awra nito ngayon ay halos manliit ako. Hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinatatayuan.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" buong buo ang kanyang boses habang sinasabi ito.
"Mauna ka na, magkokomyut na lamang ako mamaya.”
Piniplilit ko pa ring maging kalmado kahit na nangangatog na ang binti ko sa kaba.
"Damn!” malutong ang naging pagmura nito. napayuko ako. nagpupuyos na ang mumunting galit sa akin sa kinikilos nito.
"Bakit ba kasi hindi ka makaintindi. Sabi ko hihintayin ko pa si Alex. Kung gusto mong umuwi ay di naman kita pinipigilan." sa wakas ay nagkaroon ako nang lakas ng loob para sumagot at tapatan ang inaasta nitong di maganda.
"May importante tayong pupuntahan!" mariin nitong sabi. napakunot naman ang aking noo.
"Saan?” tugon ko.
"Basta! Importante kaya wag ka nang makipagmatigasan sakin.”
pagkasabi nito ay hinigit nito ang aking braso at hinila ako palapit sa sasakyan.
"paano si Alex?" Nag-aalala ko pa ring Sabi.
"Itext mo na nauna ka na, anong mahirap ron?" Mukhang asar na talaga siya sa akin.

Comentário do Livro (104)

  • avatar
    Bernadez Vengiee

    ok ok

    29d

      0
  • avatar
    CaroPearlien

    makalla

    26/07

      0
  • avatar
    Guaves John Nexus

    Napaka Ganda po talaga ng novel nato

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes