logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Jannelle's POV.
"Hoy! 'di ka talaga mamansin?" tanong ko rito habang nagpapasi-unang lumalakad. Sunod pa rin ako nang sunod sa kaniya at 'di ko alam kung saan kami pupunta.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko ulit. Pero hindi niya pa rin ako pinansin, aysst...
Sumunod na lang ako sa kaniya kahit na napapagod na ako sa kakalakad, tumingin na lang ako sa ibaba habang sinusundan siya dahil wala namang magandang tingnan kung ang kasama mo masungit.
Sa gitna nang paglalakad namin nabigla ako nang biglang huminto ang lalaki, at dahil sa paghinto niya, napahinto na rin ako. Hindi na muna ako nagtaas ng tingin dahil sa baka mawalan lang ako nang pasensiya.
"Ba't ka napahinto?" tanong ko.
"Looked," seryosong saad niya kaya naman nagtaas na ako nang tingin at do'n ko nakita ang isang napakagandang hardin...
Ang dami nang mga bulaklak na nakikita ko at sobrang manghang-mangha ako sa mga ito. Mapa-bulaklak na mamahalin at mapa-ordinaryong bulaklak ay naro'n.
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko naman siyang nakatingin lang din sa mga bulakak, mabuti pa ang mga bulaklak rito may kulay at may buhay habang ang kasama ko, seryoso pa rin ang mukha niyang nakapamulsa na pawang walang kulay at kabuhay buhay ang buhay.
"Let's go," biglang saad niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Ang layo nang nilakad namin tapos uwi agad? Gusto ko pa nga hawakan ang mga bulaklak na nandito eh," angal ko sa aking isipan.
"P-pero—,"
"It's going to be late, I wanna eat, " sabat niya dahilan para 'di ko natuloy ang sasabihin.
"B-ba—,"
"If you don't, then dont," sabat na naman nito. Anong pinagsasabi nito? Bago pa lang kami nakatayo rito, tapos kakain na siya? Eh ang layo kaya nang nilakad namin.
Nagpasi-una na naman siyang naglakad at 'di ko alam kung ano ang mararamdaman ko, naiirita na ako! Arggggh...
'Di na lamang ako umimik kasi useless lang din naman, sayang ang laway ko or should I say. Magsasayang lang ako nang laway!
Naglakad lang ako kasunod niya, hanggang sa makarating kami sa kitchen. Ngayon ko lang napansin na meron pa lang refrigerator, stove at iba pang mga equipment sa pagluluto. Bampira ba talaga 'to? Aysst ang dami kong na-iisip na kawirduhan tungkol sa lalaking ito.
Nakatingin lang ako sa mga ginagawa niya, nangangalay na nga ang paa ko dahil sa nakatayo lang ako habang nakamasid sa kaniya.
"Merong upuan diyan, and your allowed to be sitted," saad nito na imbis nakatingin sa akin ay nakatingin sa ginagawa niya. "Eh bat ko naman nanaisin na tingnan niya? Eh puro nga masamang tingin ang ibinabato niyan sa 'kin eh tsk!" dada ko sa isipan ko.
"Mmm, " tanging saad ko at sinunod na lamang ang sinabi niya.
Nagluluto siya at wala akong nakikitang puwedeng gawin habang nagluluto siya, wala na akong ibang pagpilian kundi ang tingnan ang pagluluto niya.
Ilang oras pa ang nakalipas ay natapos na siya sa pagluluto, naglapag siya nang pagkain sa lamesa at pagtingin ko roon. Nakita ko ang masarap na pagkain, isa itong dinuguan.
Ang tagal ko nang di nakakain nito...
"Let's eat," saad niya at umupo. Kumuha na ako at kumain, 'di ko na naisipang umimik dahil paniguradong singhal or cold na pagtrato lamang ang ibabato niya sakin.
Madali kong inubos ang pagkaing nasa plato ko, masarap naman siya magluto at isa rin sa paborito ko ang niluto niya. Pero sinadya ko iyon para ma-iwasan ang pag-init ng dugo ko sa kaniya, oo gusto nang humarurot ng ulo ko dahil sa pagkairita kaya ako na mismo ang iiwas para 'di na lumala pa.
"Punta na ko sa kwarto," paalam ko. Nakatayo na ako habang siya ay tinatapos ang kinakain.
"Ok," malamig niyang saad.
Inayos ko muna ang upuang inupuan ko bago umakyat, tinahak ko ang daan ng mag-isa. Aaminin kong may takot pa rin na nakakubli sa loob ko, maraming mga kaisipang dumadapo sa isip ko. At isa na rito ang pagkatakot ko na baka may hangin na umihip sa dinadaanan ko at mamatay ang ilaw ng mga kandila na nagsisilbing liwanag at 'di ako makahinga.
Ilang minuto at pag-iisip ang nakalipas, namalayan ko na lamang ang sarili ko na naka-upo sa kama nang kwarto. Isa sa mga bagay na naiisip ko ay ang kwartong kinalalagyan ko ngayon, napapaisip ako kung kaninong kwarto ito. Ilang sandali pa nang pag-iisip ng ma-isipan kong wala pa akong ligo simula kahapon, aysst nakalimutan ko na yatang alagaan ang sarili ko dahil sa mga kakaibang nangyayari... Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo, at pagpasok ko roon nakita ko kaagad ang isang closet. Binuksan ko ito at do'n ko nakita ang napakaraming damit, ngunit nagtataka ako kung bakit halo ang damit ng panlalaki sa pangbabae? Kahit ang palaisipang ito ay nag-stay sa utak ko. Ilang segundong pagkatulala ay na isip kong baka mga magulang ni Dave ang nagmamay-ari nang mga ito. Kaya pagkatapos mag-isip ng kung ano-ano ay napagpasiyahan kong maligo at manghiram ng damit, pero dahil natatakot na akong bumaba pa. Napagpasiyahan kong huwag na magpaalam at baka pagbaba ko wala si Dave at baka may mangyari na naman, maraming damit ang nasa koridor pero purong dress ang naroroon. Lahat ng damit ay maganda at mukhang elegante ngunit mas napagtuunan ko nang pansin ang isang sky blue dress na hanggang tuhod ang haba na may mga dekorasyon, at sa tingin ko bagay ito sa akin. Tutugma ang kulay ng damit sa morena kong kutis, kinuha ko na iyon at nagsimula nang maghanda para sa pagligo.
Ilang oras ang nakalipas, natapos na ako sa pagligo. Ang inakala kong ordinaryong shower room, ay isa palang eleganteng shower room at mabuti na lang at may mga gamit doon na panligo at baka maging useless ang pagligo ko kung wala ang mga kagamitang iyon.
Pinatuyo ko muna ang aking buhok, at dahil sa pagligo naibsan ang bigat na nararamdaman ko. At feel na feel ko na ang pagtulog ng mahimbing, wala na akong nagawa dahil na rin siguro sa pagod ay di ko namalayang nahiga ko na ang aking katawan sa kama at marahan na isinara ang aking mga mata dahilan para makatulog ako nang mahimbing.
Nagising ang diwa ko sa di maipaliwanag na dahilan, napaaga yata ang pagtulog ko kaya napaaga rin ang paggising ko. Nakahiga pa rin ako sa kama habang pinagmamasdan ang kisame, alam kong walang makikita sa kisame ngunit ito ang isang bagay na nakapagpapakalma sa utak ko. Pagkatapos ma-i-relax ang isipan ay tinungo ko naman ang tingin ko sa bintana, sa tingin ko ay madaling araw pa lamang, dahil sa nakikita ko konti ang kadiliman sa manipis na kurtina.
"Blagggh," tunog galing sa bubong at kasabay nito ang isang nakakakilabot na kaluskos dahilan para mapa-upo ako sa kama habang takot na pinagmamasdan pa rin ang bintana.
Ilang saglit ay napag-isipan kong tumayo para tingnan kung ano ang naroon, ngunit pagtayo ko ay meron na naman akong narinig na kaluskos na parang na-s-lide sa bubong patungong bintana. Agad kong hinanda ang sarili, pinatatag ko ang sarili para makita at malaman kung ano ang naroon. Nanginginig ako sa kaba at takot, pagkatayo ay dahan-dahan akong humakbang patungo sa bintana. Ilang sandali, pagtingin ko sa bintana at dahil sa nipis ng kurtina ay may isang ulong duguan akong nakita. Napatakip ako nang bunganga at pangingig sa takot ang tanging nadarama, at dahil doon napaluhod at napahagulgol na lamang ako sa tabi nang kama.
"Blagggh!" tunog ng malakas na pagbukas ng pinto dahilan para mapalingon ako habang lumuluha. Nakita ko si Dave na mukhang nag-aalala at di ko mapigilan ang sarili kong mapatayo at mapayakap sa kaniya nang mabilis dahil sa takot.
"W-what happened?" nabubulol na tanong niya.
"M-may ulo," maluhaluhang saad ko.
"Calm down," mahinahong saad niya na wari tiningnan din ang bintana.
Ngayon ko lang narinig ang boses niyang mahinahon, 'di tulad no'ng mga lumipas na araw na halos di matinag ang pagkaseryoso. Kumalas na ako sa pagkakayakap at nagpunas ng luha gamit ang aking kamay, tinatagan ko ang loob ko para muling tingnan ang ulong nasa bintana. Dahan-dahan kong nilapitan ang bintana at saka hinawi nang mabilis ang kurtina, at doon ko nakita ang isang duguan, mukha itong tao ngunit ang pinagkaiba lang nito ay meron siyang mahabang tainga. 'Di ko alam kung anong uri siya ngunit may nakita akong isang asong lobo na nakatingin rito na wari'y nalulungkot at nababasa ko ito sa itsura nito.
'Di pa rin nawala sa dibdib ko ang kaba at takot, 'di ko pa rin maiwasan ang umiyak at mapatanong, bakit nangyayari 'to sa buhay ko? Bakit kailangan ko 'tong maranasan? Mga tanong na dahilan para mapahagulgol akong muli, napaupo na lamang ako sa kama at do'n nagtabon ng mukha at umiyak.
"B-ba't nangyayari 'to?" tanong ko habang umiiyak.
"Expect it everyday, all the time," seryosong saad nito habang nakatayo sa harapan ko.
"B-bakit?"
"Dahil ito ang mundo ko, namin. Puno nang galit, kasamaan, kasakiman, digmaan, at patayan."
"Di ba kayo nagsasawa sa mga ginagawa ninyo? Alam niyo bang dahil sa ginagawa niyo nauubos ang lahi at lakas ninyo?" sunod sunod na ma-awtoridad na saad ko.
"Yan ang nagagawa nang galit," seryosong sagot niya.
"P-pero—,"
"Just rest, for you to be fine," saad niya dahilan para 'di ko matapos ang sasabihin ko. Gusto magpasama para alam kong tapos na ang nangyaring iyon, aysst...
"P-pero—."
"Babantayan kita," sabat na naman niya na pawang nababasa ang isipan ko. Nakalimutan kong isa pala iyon sa mga kakayahan niya.
Humiga na ako at pinunsan ang mga luhang nasa mata at mukha ko, tiningnan ko pa muna siya at kita kong nakatayo pa rin siya.
"Umupo ka please," saad ko. At nabigla ako nang sundin niya ito, umupo nga siya at tiningnan ako nang may pagkaseryoso.
"Sleep," seryosong saad nito kaya naman dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata dahilan para makatulog ako.

Comentário do Livro (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes