logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Jannelle's POV.
Para akong mababaliw sa nakita ko kanina, anserep. Aysst ba't ba ako pumasok sa kwarto niya? Eh di ko naman alam na kwarto niya pala iyon. Parang nag-aaway ang aking isipan, mababaliw na yata ako sa mga nangyayari. Ito ay dahil sa nakita ko at sa mga nangyari kahapon.
Nandito ako ngayon sa ikalawang palapag, yata nang bahay no'ng lalaki. Hinahanap ko ang libro na regalo sa akin ni Lola Corazon sa lahat ng kuwarto rito sa loob ng bahay niya, lahat na yata nang kwarto napasukan ko except sa isa. Pagpasok ko, hinalungkat ko lahat ng gamit na nadoon at di ko inaasahan na mahalungkat ang isang six packed abs ni bampira. No'ng una ay napatulala ako dahil first time ko 'yon. Ang noo'y virgin kong mata, ngayon ay hindi na dahil sa kabobohan ko.
Aysst kalimutan na... What happened is what happened kaya dont mind it, ika nga ni bampira.
Hinahanap ko ngayon ang library nitong bahay dahil iyon ang bilin ko sa lalaki, nagsinungaling pa talaga ako. Hindi ko alam kung na saan ang library, at mabuti na lang at maliwanag ang dinadaanan ko. Para na akong naliligaw, tawagin ko na lang kaya siya? Nasa baba na ako nang bahay na ito at naglakad pa ako at do'n ko nakita ang isang k'warto. Wala itong pinto at sa tingin ko ito na ang hinahanap ko.
"Tao po?" tanong ko. Pagpasok ko sa loob, bumungad agad sa akin ang maraming libro na nasa kaniya-kaniya nitong shelves. Halos abot na nito ang bubong, nasa sampung bookshelves ang nakapalibot sa loob nitong k'warto. Pansin ko ito ang pinakamalaking k'warto sa lahat ng k'wartong napasukan ko, at sa gitna niyon ay may nakita akong tulog. Tulog si Mr. Bampira, nakatulog yata habang nagbabasa nang libro.
"M-ma?" rinig ko sa kaniya, mukhang binabangungot.
"Hoy! Gising... " gising ko dito.
Nakita ko namang nagising siya at may isa pang upuan sa harapan niya kaya umupo na ako at tiningnan siya.
"Mahilig ka magbasa?" tanong ko.
"Is it obvious?"
"Sabi ko nga."
"Ano ba powers mo? Atsaka weakness?" sunod sunod na tanong ko.
"Run fast, super strenght, hypnotized, and sunlight weakens me."
"Galing naman..."
"What do you want?" biglang tanong nito na ikinabigla ko.
"Eh? "
"You said you have something to tell."
"Ayy oo nga pala sorry, anong libro meron ka rito?"
"Math and Science only," sagot niyang ikinagulat ko. May libro palang ganito rito sa mundo nila? 'Di ba siya na-bo-boring sa binabasa niya? Nakakatuyo kaya nang utak tapos ibig pang sabihin no'n e walang lumang libro rito na ikinagulat ko.
"Ano! Wala ka bang luma na libro dito?"
"I don't know, this place was owned by my roots."
"Ahhh..."
"Pwede ba tayong maghalungkat dito?"
"This place was well arranged then your going to ruin it?" Aba ang hambog tsk, gusto ko lang naman umuwi sa mundo ko!
"Gusto ko na umuwi..."
"I can assure you that theres no old ancient book here."
"Gano'n?"
"Mmm," sagot niya at kinuha ang librong na katabi niya. Sa tingin ko Math at Science ang nandoon, at di ko mapigilang magtanong kung anong topic ang binabasa niya.
"Ano binabasa mo?" tanong ko.
"Math book," pilosopong sagot niya.
"Tss pilosopo, I mean anong topic?" pagkaklaro ko.
"I read math book a while ago and I begin to be curious of Hipparchus of Nicaea"
"Sino naman 'yon?" nagugulumihanang tanong ko.
"A mathematician, geographer and an astronomer."
"Wow galing! sana lahat," manghang saad ko.
"P'wede pabasa rin?" dugtong ko.
"Mmm," sagot niya habang nagpapatuloy sa pagbabasa nang mathematics.
Kinuha ko ang science book na nasa tabi niya, binuksan ko iyon at do'n ko nakita ang Hipparchus of Nicaea na sinasabi niya.
Tama nga ang sabi niya, pero nakasaad dito na ang pinaka-famous na na-discover niya ay ang precession of equinoxes.
This book says that motion equinoxes along the orbit caused by the cyclic precession of earth's axis of rotation. A slow westward motion of the equinoxes along the eclip caused by the gravitational action of sun and moon upon the protuberant matter about the earths equator.
Mundo ko ang earth, eh anong mundo ba ito?
"Excuse me sorry for interrupting you Mr. Bampira pero ano pangalan mo?" tanong ko.
"Dave Zhaylord," sagot niya.
"Anong mundo ba ito?"
"Earth," sagot niya na ikinagulat ko.
"What? "
"Can't you hear?"
"Eh na saang parte ako ng earth?"
"I don't know," sagot niya. Bakit hindi niya alam?
"Halungkatin na lang natin mga libro dito," saad ko ngunit patuloy pa rin siya sa pagbabasa.
"Sige na please... " saad ko pero di niya pa rin ako pinansin.
"Woy! " tawag ko dito at tinabig ang kaniyang librong binabasa.
"Tsk," singhal lamang niya.
"Sige na Zhay," saad ko at nabigla ako nang bigla siyang tumayo, at lumutang.
Lumutang siya hanggang sa halos maabot niya na ang bubong ng bahay niya. At nabigla ako nang may ihulog siyang libro, ngunit 'di ko ito nasalo.
"Catch it! Tsk, " usal pa niya. Tsk maldito!
"Pasensya, 'di mo sinabi eh..."
Patuloy pa rin ang pag-itsa niya nang mga libro galing sa taas at dahil sa ang bilis din niyang mag-itsa, yung ilang 'di ko na nasasalo.
Ilang oras pa ang nakalipas at nakatambak na ang mga librong pinag-i-itsa niya, at halos lumabas ang mata ko sa dami nito. Umupo ako sa tabi nito at nagsimulang tingnan ang mga cover nito, halos Math at Science nga ang nababasa ko sa mga cover. Jusko... 'Di ba natutuyo utak niya rito? Aysst...
Hindi pa yata ako nakakalahati, e napagod na ako sa pagkuha nang mga libro. Sino ba naman kasi ang 'di mapapagod kung halos pare-pareho lang ang nakukuha at nakikita mong libro?
"Are you fine?" biglang tanong ng bampira.
"Ok na lang," sagot ko habang nakatingin sa mga librong dapat ko pang tingnan.
"Ok, " saad niya. Tumingin ako rito at doon nakita ko pa rin siyang nagbabasa.
"Wala ka ba talagang super luma na libro dito? Except sa Math at Science mong libro?" sunod-sunod na tanong ko.
"I've already tell you that all books here was all about Math and Science," seryosong sagot nito.
"Sige balik mo na lang 'to."
"Tss, then ibalik mo!" saad nito na ikinabigla ko. Aba may pa english-english pang nalalaman, marunong naman pala magtagalog.
"Tsss sige na, balik mo na!" saad ko.
"No one ordered me what to do!" mababasa sa mukha niya ang pagkairita.
"Eh ang taas niyan, baka diyan pa ako mamatay," saad ko. Ang taas ng pinagkuhanan niya, jusko.
"Then get out of here," seryosong saad niya.
"Oo na! Takte, pag ako namatay ikaw una kong mumultuhin! " sigaw ko at tumayo.
"Wala bang hagdan?" tanong ko at hinanap kung nasaan nakalagay ang hagdanan para paakyat sa bookshelves. Tinuro niya naman ito at nakita kong isang buton ang itinuro niya, at napamangha ako roon baka may lumitaw na hagdanan, alam ko na 'tong paandar na 'to tsk.
Pinindot ko ang buton at nabigla ako nang may mga tubig na lumutang na pawang mga alon, kasunod nito ay ang paghaligi nito sa gilid ng mga libro dahilan para lumutang din ang mga ito. Ilang minuto lang ay naibalik na ang lahat ng libro sa mga wasto nitong kinalalagyan habang ako ay namamangha pa rin sa mga nakita. "Pa'no nangyari 'yon?" ang tanging katanungan na nasa aking isipan.
"P-pa'nong..." ang aking tanging nasambit.
"The weight force on an object must be balanced by the upward push by the water on the object. The amount of material and the type of material that makes up the object affects the size of the weight force on the object. The volume of the object, which can often be altered by changing the shape, will affect the size of the upward push on the object," paliwanag nito. Puro science aysst wala akong maintindihan.
"B-bat may tubig?" naguguluhang tanong ko.
" 'Yan ang kapangyarihang hindi ko nasabi sa 'yo," sagot niya at tumayo sa kina-u-upuan.
"Nagtatagalog ka?"
"Is it obvious?" sagot niya. Tsk nag-English na naman.
"Ba't hindi nabasa?"
"Made of clear vinyl," sagot niya. Pansin ko ngang may mga cover ang mga libro.
"A-anong... "
"One of my powers is to control the water"
"Pero pa'no? Ba't pagpindot ko no'ng buton nagsilutang ang tubig kasama nito ang libro?"
"I don't think you felt me ​​observing your actions, I'm the one who controlled the water while you press the button and when the water comes out when you press the button I immediately control the water, when you press the button the water comes out and that's my way to make everything easier," explain niya habang nakatayo kung sa'n siya naka-upo kanina.
"Ba't 'di mo sinabi sa 'kin? "
"To impress you and see what I can do with anyone who can fool me," sagot nito habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
"Hindi naman ako manloloko kaya ba't ako matatakot?" seryosong saad ko.
"I didn't say, that you should be scared of me," seryosong saad niya rin.
"Mabuti na ang malinaw," saad ko.
"Sa"n mo ba nakuha 'yang mga libro mo?" 'di mapigilang tanong ko.
"It doesn't matter," masungit na sagot niya.
"Sungit! "
"Tsk," singhal lamang niya.
Kakaiba talaga ang lalaking ito, sa'n kaya siya nagmana? Na sa'n kaya pamilya niya?
Bigla akong naging interesado sa buhay niya, at 'di ko mapigilan ang mapatanong. Iniwanan ba siya nang pamilya niya? Ba't siya lang mag-isa ang nakatira sa bahay na 'to? Hindi ba siya nalulungkot? Aysst...
Bumalik na ako kung saan ako naka-upo kanina at 'yon ay sa harapan niya. Nagbabasa na ulit siya nang libro, ang kaninang Math book na hawak niya ay napalitan na nang Science book. May tanong na naman sa isipan ko at hindi ko talaga ma-iwasan ang mapatanong sa lahat ng mga kilos niya.
"Ba't ang hilig mo magbasa?" tanong ko rito habang nakatingin sa librong hawak niya. Nakatabon ang librong iyon sa mukha niya kaya sa halip na mukha niya ang makita ko, cover ng libro ang nakikita ko. Mabuti na rin 'yon para 'di ko makita ang masungit niyang mukha, nakaka-bad trip din kasi minsa.
"I have nothing else to do in this house but to read," sagot niya habang nasa libro pa rin ang focus.
"Meron naman ah... " saad ko.
"Mmm?" Ibinaba ang libro at nakataas kilay na tiningnan ako nang derestso. Dahilan para magulat ako dahil sa ilang dipa lang ang layo namin, nakita ko ang g'wapo niyang mukha. G'wapo nga masungit naman, kaya naman umiwas ako nang tingin.
"Mmm... P'wede naman na mag-exercise ka rito sa loob ng bahay mo," suhestiyon ko.
"I don't need that," masungit na saad nito.
"Edi magtanim ka dito"
"Nice idea, then where can I get flowers?" tanong nito at nag-cross arm.
"Ewan... Hingi ka na lang do'n sa mga asong lobo," saad ko. Baka mabait talaga ang mga asong iyon, nakulang lang sa aruga aysst, sa mundo ko may kalayaan samantalang dito 'di mo ma-fi-feel ang kalayaan. Ang kaibahan nga lang sa mundo ko ginagamit ng ilan ang kalayaan sa kasamaan samantalang dito kahit walang kalayaan patuloy pa rin ang pagsugpo nang kasamaan. Nabasa ko sa libro na bigay ni Lola ay ang pagsugpo nang kasamaan sa bawat panig ng asong lobo at bampira. Gusto kong tanungin ang lalaki ngunit hindi pa yata ngayon ang tamang panahon para magtanong ng mga bagay na masyadong kritikal.
"Tsk." Nagising lamang ang aking diwa nang suminghal siya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"S-sorry may iniisip kasi ako eh," dugtong ko pa.
"Nothing," deretsang sagot niya.
"Sigurado ka?" tanong kong muli. Tulad nga nang sabi ko kanina, mabuti nang sigurado. Kaso hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
"Alam mo gusto ko maging botanist," saad ko
"Eh?"
"Mmm... Mahilig ako sa bulaklak, wala nga lang nakakaalam," paliwanag ko pa.
"Then why your telling me that?" malamig at seryosong tanong niya.
"Wala lang, share ko lang... Bawal ba?"
"Tsk," singhal niya at tumayo.
"Alam mo ang sungit mo! Kung 'di lang talaga ako biniyayaan ng patience ni Lord baka matamaan ka sakin," saad ko nang makitang aalis siya.
"I'm not afraid," saad pa niya habang nakapamulsang naglakad palabas. Tumayo ako at mabilis na hinabol siya.
"Tsk," singhal ko. Tsk akala ko mga mortal lang ang mga hambog, may mga immortal din palang hambog aysst nako...
"Na saan ba pamilya mo?" tanong ko
"None of your business," seryosong sagot niya.
"Eto naman, ako lang naman makakaalam. Trust me, 'di ko ipagkakalat," pangako ko ngunit mukhang 'di niya gustong i-share, may nangyari sigurong 'di maganda.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ko ulit.
"Hoy! Mamansin ka naman!" sigaw ko nang 'di niya ako pansinin.
"Daig mo pa menopause tsk, bahala ka nga diyan," saad ko at sinundan na lamang siya.
"Pasalamat ka immortal ka kundi baka maaga pa lang matanda ka na," natatawang biro ko.
Palatanong talaga akong tao, sabi nga nang ilan mas maganda raw kung mag-re-reporter ako. Pero mas lamang sa 'kin ang magdiskobre nang mga halaman, I love nature to be exact and I want to protect it.
Naglalakad lang si Dave at sinusundan ko lang siya, 'di ko alam kung sa'n siya pupunta. Hindi na rin ako nagtanong at baka ikapahamak ko pa. Kitang kita sa mukha niya ang galit, parang halos araw-araw may galit sa loob niya. At na-cu-curious ako sa buhay niya, alam kong mali ang maki-alam sa buhay ng iba pero mas mabuti nang alam ko para malaman ko kung tamang immortal ang pinagkatiwalaan ko. Oo, kahit na masungit at maldito siya. Alam kong mabait siya dahil sa pagtulong niya sa akin ng mapadpad ako sa mundo nila, kung mali man ako nang pinagkatiwalaan sana no'ng una pa lang patay na ako.
Ang tanging hiling ko lang ngayon ay ang maka-uwi at makita ang pamilya ko...

Comentário do Livro (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes