logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fat Wife Revenge (Chapter 5)

Gabi, habang hinihintay ni Kathrene ang pag-uwi ni Jonard ay nag-impake na siya. Hindi niya maiwasang mapatulo ang luha dahil sa sakit na nararamdaman. Akala niya matututunan siyang mahalin ni Jonard pero nagkamali siya. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, sana hindi na lang siya nagpakasal. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan.
Marahil, si Jonard na iyon. Isinara na niya ang travelling bag na siyang pinaglagyan niya ng kaniyang damit ng unang araw nila bilang mag-asawa ni Jonard. Hinila niya iyon palabas ng kwarto. Natigilan siya ng makitang papasok si Jonard. Maging ito rin ay natigilan rin ng makita siyang pababa at may hilang travelling bag. Bumaba ang mga mata nito sa travelling bag na hila-hila niya.
"So, lalayas ka?" tanong nito na hindi man lang mahimigan sa boses nito ang guilt dahil sa ginawa nitong panloloko sa kaniya. Bumaba muna siya ng hagdan bago ito hinarap.
"Oo, alam ko na hindi ako ang tipo mong babae dahil mataba ako. Pero sana, kung lolokohin mo lang ako mas maganda na maghiwalay na lang tayo. Kung balak mo lang pala ako lokohin eh di sabihin mo sa'kin na hindi mo'ko mahal. Maiintindihan ko pa iyon. Kaysa iyong ganito!" aniya na medyo napataas ang boses dahil sa galit na nararamdaman. Hindi rin niya maiwasang mapaluha dahil hindi siya sanay magalit.
Sino ang hindi magagalit? Niloko siya nito! Oo, mataba siya pero may dignidad siyang pinanghahawakan. Naningkit ang mga mata nito.
"Alam mo ang dami mong satsat! Noong una pa lang alam mo na ipinagkasundo lang tayo kaya dapat alam mo kung ano ang kahihinatnan ng set-up na ito! Kung gusto mong lumayas, lumayas ka! Ang dami mo pang ka-dramahan sa buhay!" balik-sigaw nito sa kaniya na nagpadagdag sa sakit na nararamdaman niya.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na lang sana ako nagpakasal sa'yo!" sigaw niya para kahit papano maibsan ang sakit nararamdaman. Tumawa ito ng malakas at napangisi.
"Sa tingin mo ba gusto kong magpakasal sa'yo? Syempre hindi! Pinakasalan lang kita dahil gusto kong makuha ang kompanya! Sa tingin mo ba magugustuhan kita? Hindi! Never kitang magugustuhan dahil napakataba mo!" sigaw nito. Sinampal niya ito ng ubod lakas. Akmang pagbubuhatan siya nito ng kamay ng tingnan niya ito ng masama.
"Subukan mo! Hindi ako mangingimi na kasuhan ka!" gigil niyang sabi saka dali-daling umalis sa harapan nito at lumabas ng bahay. Muli tumulo na naman ang luha niya pero makakaya niya ito! Ito ang napapala ng pagdedesisyon ng padalos-dalos. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan.
Pagdating ni Kathrene sa kanilang bahay ay agad niyang pinindot ang door bell. Mabuti na lang at may sarili siyang sasakyan na naroon sa bahay ni Jonard kaya hindi nahirapang makauwi. Mas minabuti niya kasing magkaroon ng sariling sasakyan na magagamit kung sakaling gusto niyang mamasyal. Nahihiya kasi siyang gumamit ng sasakyan ni Jonard. Ilang sandali lamang ang lumipas ng may magbukas ng gate, walang iba kundi ang kaniyang ina. Gulat ang makikita sa mukha nito ng makita siya.
"Anak? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong nito na mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito. "Nag-away ba kayo ni Jonard?" Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang ina. Wala siyang maapuhap na sasabihin sa ina kundi ang nagawa lang niya ay yakapin ito ng mahigpit at umiyak. Hinagod nito ang likod niya.
"Iiyak mo lang iyan, anak. Kung iyan ang mag-papagaan ng loob mo gawin mo lang," anito habang patuloy pa rin na hinahagod ang likod niya. Nang sa tingin niya ay ayos na siya ay humiwalay na siya sa kaniyang ina. Makikita sa mga mata ni Kathrene ang pamumugto niyon dahil sa pag-iyak. Sinapo ng kaniyang ina ang kaniyang pisngi.
"Mas mabuti siguro na sa loob na lang tayo, anak. Para mapag-usapan na rin natin ang dahilan kung bakit ka narito," tumango siya at sabay silang naglakad ng kaniyang ina papasok sa loob ng bahay. Nang makapasok sila ay pababa ng hagdan ang kaniyang ama.
"Mariz, sino ang nag-door bell?" tanong ng kaniyang ama habang kinukusot ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya.
"Anak?!" bulalas nito at dali-daling bumaba ng hagdan at sinalubong siya.
"Bakit ka narito? Nag-away ba kayo ni Jonard?" nag-aalala nitong tanong. Umiling-iling siya at ayun na naman ang luha sa kaniyang mga mata na hindi na matapos-tapos.
"May ibang babae po si Jonard," aniya at naupo sa sofa at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Tumalim ang mga mata ng kaniyang ama, samantalang lungkot naman ang makikita sa mukha ng kaniyang ina.
"Mag-uusap kami ni June! Hindi makakalampas sa'kin ang ginawa ni Jonard sa'yo!" gigil na sambit ng kaniyang ama. Nakakuyom ang kamao nito at lumalabas ang litid nito sa leeg dahil sa matinding galit. Umiling siya. Wala naman mangyayari kahit sabihin ng kaniyang ama at ginawang pagtataksil sa kaniya ni Jonard.
"Hindi na po kailangan, dad. Dahil kahit sabihin mo man iyon ay hindi na magbabago ang lahat. Desisyon iyon ni Jonard at kasalanan ko dahil pumayag akong magpakasal sa kaniya," nagsisisi niyang sabi. Huminga ng malalim ang kaniyang ama. Tinabihan siya ng kaniyang ina sa sofa at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ano ang desisyon mo ngayon?" tanong ng kaniyang ina habang nakatingin sa kaniya. Kitang-kita sa mukha nito ang awa sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang ama.
"Gusto ko muna mapag-isa, dad and mom. Gusto ko muna mag-unwind baka sakali makapagmove-on ako," sagot niya. Tumango-tango ang kaniyang ama.
"Sige, kung iyan ang makakapagpagaan sa loob mo, gawin mo anak," Tumabi ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay. "Gusto kong humingi ng tawad sa naging desisyon namin sa'yo anak. Kung alam lang namin na ganito ang mangyayari. Sana, hindi ka na lang namin ipinagkasundo," punong-puno ng pagsisisi nitong sabi. Tiningnan niya ang ama at masuyong nginitian.
"Ayos lang po iyon, dad. Nangyari na eh. Wala ring mangyayari kung magsisisihan pa tayo, di ba? Natuto ako sa nangyari na huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon sa buhay. Okay lang po iyon," pagpapalakas loob niya sa sarili pero sa toto lang naninikip ang dibdib niya.
Pero pasasaan ba't mawawala din ang sakit na nararamdaman niya. Time heals all wounds naman. Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay nagtungo na siya sa kaniyang kwarto para makapagpahinga at pinilit ang sarili na makatulog. Nakapagdesisyon na siya. Bukas na bukas rin ay pupunta siya sa Mila's Resort na pag-aari ng kaniyang Ninang Vangie. Mayaman kasi ang pamilya nito at matalik na kaibigan ng kaniyang ina.

Comentário do Livro (289)

  • avatar
    فروخيعادل

    ddd

    20/08

      0
  • avatar
    Crismark Amarga

    Nice

    19/08

      0
  • avatar
    SuleimanHalima

    900,0000

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes