logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fat Wife Revenge (Chapter 2)

Gabi iyon at nakahiga si Kathrene sa kaniyang kama at nakatitig sa kisame habang iniisip ang mga sinabi ni Loren. Paano nga ba kung hindi siya magawang ibigin ni Jonard? Ipinilig niya ang ulo at inisip ang positibo at hindi ang negatibo.
"Darating ang tamang panahon na mamahalin niya ako! Gagawin ko ang lahat mapaibig ko lamang siya!" determinado niyang sabi sa sarili. Huminga siya ng malalim dahil pakiramdam niya sumakit ang ulo niya. Ipipikit na sana niya ang mga mata ng biglang tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa bedside table. Inabot niya iyon at tiningnan ang caller. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang numero iyon ni Jonard. Kaagad niya iyong sinagot.
"Hello," kinakabahan niyang bati sa nasa kabilang linya. Tumikhim muna ito.
"Good evening, Kathrene," bati nito sa kaniya. Gusto niyang kitusan ang sarili dahil hindi niya pala ito nabati dahil sa sobrang excitement.
"Good evening din. Ahem, bakit ka nga pala napatawag?" tanong niya sa mahinhing boses.
"Gusto sana kitang anyayahan na mananghalian bukas. I mean, lunch date. Pwede ba? Wala ka bang gagawin bukas—"
"Oo naman pwede ako bukas! Wala akong gagawin!" bulalas niya dahil sa sobrang excitement. Napakagat-labi siya dahil sa hiyang nararamdaman. Para siyang teenager na excited na makita ang crush.
"Sorry. Ah kasi na-excite lang ako na makilala ka," pagdadahilan niya. Natawa si Jonard. Napakasarap pakinggan ng tawa nito. Ganoon ba talaga kapag in-love? Lahat ng bagay sa kaniya maganda para sa'yo?
"Ayos lang. So bukas, magkita tayo. I will message you the time or maybe sunduin na lang kita. Okay ba sa'yo 'yun?" tanong nito. Tumango-tango siya na para bang nasa harap ang kausap.
"Sure! Hihintayin kita," aniya.
"Good night, Kathrene. Sleep well," paalam nito.
"Good night, din. See you tomorrow," aniya at pinatay na ang tawag.
Nang maibaba ang cellphone ay humiga siya sa kama at nagpagulong-gulong dahil sa kilig na nararamdaman. Akalain mo iyon. Niyaya siyang mag-date ni Jonard?! Sisiguraduhin niya bukas na magiging maganda siya pero bigla ding nanghina ng maalala na mataba siya. Napatingin siya sa sarili.
"Bakit ba kasi ang taba ko?" aniya. Nakatulugan niya ang pag-iisip sa kung paano niya mababago ang sarili.
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Kathrene. Nag-text sa kaniya si Jonard na susunduin siya ng alas-onse ng umaga. Kaya heto siya ngayon, alas dyes pa lang ay tumitingin na ng damit na susuotin para mamaya. Ang dami na niyang damit na nailabas pero wala siyang mapili. Pabagsak siyang naupo sa kama. Nang makapagpahinga, namili ulit siya at ng may mapili, pumasok na siya sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagbihis na siya. Nakasuot siya ng dress na hanggang taas ng hita ang haba kaya litaw ang matataba niyang hita. Nag-ayos siya ng sarili at sinigurong maganda talaga siya. Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan sa labas ng bahay.
Tumayo siya at nagpunta sa bintana para silipin kung sino iyon. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib ng makitang bumaba sa mamahaling sports car si Jonard na kaagad namang sinalubong ng kaniyang magulang. Napasandal siya sa dingding ng mag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang kanilang mga mata. Kinuha niya ang hand bag na nasa kama at lumabas ng kwarto at tinungo ang salas. Naabutan niyang nag-uusap ang kaniyang ama at si Jonard. Nang makita siya ay ngumiti si Jonard pero pansin niyang parang pilit lamang iyon. Tumayo ito saka binalingan ang kaniyang ina at ama.
"Mauna na po kami ni Kathrene, Tito at Tita," anito saka nilapitan siya.
"Let's go," anyaya nito.
Pinauna siya nitong maglakad at ng matapat na sila sa kaniyang magulang ay sinabihan sila na mag-enjoy sa date nila. Si Jonard na rin ang nagbukas ng pinto ng sports car sa kaniya. Walang nagi-imikan sa kanila habang nasa daan patungo sa restaurant kung saan sila magda-date. Hanggang sa marating nila ang restaurant ay hindi ito nagsasalita. Gusto niya tuloy isipin na napilitan lamang ito dala ng gusto ng magulang nila na mag-date sila. Iwinaksi niya iyon at sinabi sa sarili na baka wala ito sa mood makipag-usap.
Nang mai-park ang sasakyan ay pinagbuksan siya nito ng pintuan ng passenger's seat. Matapos magpasalamat ay iginiya na siya nito papasok sa loob. Natigilan siya ng makitang walang katao-tao pagpasok nila. Nilingon niya ang kasama na abala sa cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan dahil hindi nakatuon ang atensiyon nito sa kaniya. Isinantabi na lamang niya iyon at inisip na baka may importanteng ka-text.
"Bakit tayong dalawa lang?" tanong niya ng tuluyan na silang makapasok sa loob. Itinigil nito ang kung anuman ang ginagawa sa cellphone at ibinulsa iyon saka siya tiningnan.
"Nirentahan ko ang buong restaurant para sa date natin. Para walang hassle," sabi nito at na-ngiti.
Parang may humaplos sa puso niya dahil sa sweetness nito. Ngunit biglang may tanong na sumagot sa kaniyang isipan. Paano kung nirentahan nito ang buong restaurant dahil baka nahihiya ito na makita ng iba na may kasama itong isang matabang babae na kagaya niya? Huminga siya ng malalim para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Pilit niyang isinisiksik sa isip ang unang dahilan na naisip niya kung bakit nito nirentahan ang restaurant. Ayaw niyang masira ang araw niya.
"Thank you," tugon niya. Tipid lamang itong ngumiti at iginiya siya patungo sa pan-dalawahang mesa na nasa gitna. Pinaghila siya nito ng upuan.
"Salamat," wika niya. Tumango lamang ito at naupo na sa harap niyang upuan. Tinawag nito ang waiter at kinuha ang menu saka ibinigay sa kaniya ang isa.
"Order ka na. Pero, okay lang ba na huwag masyado marami? Iyong sakto lang?"
Napakagat-labi siya. Pakiramdam niya nainsulto siya sa sinabi nito. Oo, matakaw siya pero kapag ganitong may mga taong nakapaligid sa kaniya ay desente siya pagdating sa pagkain. Tumango na lamang siya. Sabagay, hindi pa naman siya ganoong kilala ng binata at saka maayos naman ang pagkakasabi nito. Nang makuha ng waiter ang order nila ay umalis na ito.
"Nagkausap kami ni dad. Ang sabi, sa susunod na linggo na tayo ikakasal. Sa kumpare ni dad na isang judge ang mang-kakasal sa'tin," panimula nito. Tumango-tango siya. Heto na, tatanungin niya na ang bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan.
"Bakit mo ako gustong pakasalan?" tanong niya. Tinitigan siya nito.
"Of course, because of business. Hindi naman kita kilala para pakasalan kita agad ng walang dahilan, di ba? Pero sabi naman nila, natututunan mahalin ang isang tao na hindi imposibleng maramdaman ko iyon sa'yo. Pero kung gusto mong umatras, umatras ka na habang maaga pa," anito. Nanlaki ang mga mata niya.
"No, hindi ako aatras. Ginagawa ko ito para kay dad para sa pagtanaw ng utang na loob sa kaniya. Pero gaya nga nga sabi mo, natututunan ang magmahal kaya walang dahilan para umatras ako," aniya. Ayaw niyang sabihin na gusto niya rin ito at baka mapahiya lamang siya. Tumango-tango ito.
"At least may rason tayo. Kaya walang napipilitan sa'tin," anito sabay tingin sa kaniyang braso at kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito. Ilang sandali lamang ay dumating na ang order nila.

Comentário do Livro (289)

  • avatar
    فروخيعادل

    ddd

    20/08

      0
  • avatar
    Crismark Amarga

    Nice

    19/08

      0
  • avatar
    SuleimanHalima

    900,0000

    18/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes