logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Kinabukasan ay maagang nagising si Bea para maghanda sa pagpasok. Naligo na muna siya at nagbihis bago niya binalikan sa kama si Liz para gisingin ito saka siya naghanda ng kanilang agahan.
Habang naghahanda ng agahan ay pasulyap-sulyap si Bea sa pinto ng kusina para abangan ang pagdating ni Liz. Pero lumipas na ang ilang minuto at natapos na rin siya sa paghahanda pero wala pa rin ito kaya minabuti na lamang niyang mauna nang kumain. Matapos kumain ay inayos na muna niya ang pinagkainan niya at ang agahan ni Liz at tinakpan ito sa mesa saka siya nagsipilyo at nagtungong sala para doon na lang hintayin si Liz.
Halos mag-iisang oras nang naghihintay sa sala si Bea pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Liz gayong nang iwanan niya ito sa kwarto nila ay sinigurado niyang gising na ito. Napapabuntong-hininga na lamang si Bea habang matiyagang naghihintay kay Liz sa sala.
Habang mag-isa sa sala ay napapaisip si Bea kung ano na ang ginagawa ni Liz at kung bakit ito natatagalang maghanda sa pagpasok. Sa hinuha niya ay maaaring nakahiga pa rin ito hanggang ngayon o kaya naman ay tinatamad lang itong pumasok.
Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi pa rin bumubukas ang pinto sa kwarto nila. Sa inis ni Bea ay marahas siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa sopa at padabog siyang naglakad patungong kwarto.
Agad na nag-isang linya ang kilay ni Bea nang mapagtanto niyang naka-lock pala ang pinto ng kwarto mula sa loob. Ito ang unang beses na ginawa ito ni Liz kaya hindi niya maiwasang magtaka.
Sinubukan ni Bea na kumatok sa pinto baka sakaling pagbuksan siya ng pinto ni Liz pero nakakailang katok na siya ay wala man lang siyang narinig ni yabag na papalapit sa mismong pinto o kahit boses man lang ni Liz ay hindi niya narinig na nagsalita mula sa loob.
“Liz! Hindi ka pa ba tapos diyan?” sigaw ni Bea mula sa kinatatayuan niya dahil hindi naman siya makapasok dahil naka-lock nga ang pinto ng kwarto.
Hindi tuloy maiwasan ni Bea na mapaisip kung anong ginagawa ni Liz sa loob ng kwarto at ngayon pa talaga nito naisipang mag-lock ng kwarto kung kailan nagmamadali sila. Wala ba itong balak pumasok?
“Sandali na lang!” sigaw rin ni Liz pabalik na kung tama ang hinala ni Bea ay mukhang nanggagaling pa sa loob ng banyo.
Mas lalo pang nagdikit ang kilay ni Bea nang may maisip siya. Kung nasa banyo pala si Liz‚ bakit kailangan nitong i-lock ang pinto ng kwarto? Nababaliw na ba ito? O wala lang talaga itong magawang matino kaya pati pinto ay pinagdidiskitahan nito?
“Sandali ka riyan‚ e mag-iisang oras ka na riyan sa loob! Ma-le-late na tayo!” inis nang sigaw ni Bea at mas nilakasan niya pa ang pagkatok sa pinto baka sakaling mainis si Liz at maisipan na nitong pagbuksan siya ng pinto.
“Mabuti pa ay mauna ka na lang pumasok! Susunod na lang ako!” muling sigaw ni Liz na ikinataas ng kilay ni Bea.
Napamura na lang sa isipan niya si Bea sa narinig na sinabi ni Liz. Ibig sabihin lamang nito ay sa halos isang oras na paghihintay niya kay Liz ay hindi pa rin ito tapos sa paliligo. Hindi tuloy niya maiwasan maiwasang mapatanong kung tao ba talaga ang kasama niya. Daig pa kasi nito ang pinagsamang pagong at suso sa kupad nitong kumilos.
“Sigurado ka?” paniniguro ni Bea dahil baka mamaya ay nag-iinarte lang si Liz at hindi ito seryoso sa sinabi nito. Nakakapanibago kasi na ito pa mismo ang nagboluntaryong magpaiwan gayong gustong-gusto nitong palagi silang sabay na pumapasok.
“Oo! Sige na‚ mauna ka na! Ikaw na ang bahalang magpalusot kay Miss Santos ah!” bilin ni Liz kay Bea na mas lalong ikinataas ng kilay ni Bea.
Napailing-iling na lamang si Bea sa narinig. Nakakagulat at talagang mas nag-aalala pa si Liz sa teacher nila sa first subject sa halip na alalahanin at atupagin nito ang pagligo at nang makapasok na sila nang sabay on time. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ni Liz kahit pa nga sabay silang lumaki at nagkaisip.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Bea bago sumagot. “Okay‚ fine. Mag-iingat ka. Make sure na papasok ka ah‚” mariing bilin ni Bea kay Liz sa isiping may iba pa itong lakad kaya ganoon na lang ito katagal sa banyo.
“Papasok ako‚ don’t worry. Text na lang kita kapag on the way na ako‚” paniniguro ni Liz kay Bea.
Nakahinga naman na nang maluwag si Bea sa sagot ni Liz. Mabuti at wala itong balak lumiban na naman sa klase.
“K. Una na ako‚” huling sinabi ni Bea bago siya umalis ng apartment at nauna nang pumasok ng university ayon na rin sa kagustuhan ni Liz.
Nang makaalis si Bea ay halos mataranta naman si Liz sa pagmamadaling maligo. Katatapos lang niyang isampay ang nilabhan niyang bedsheet na natagusan ng kaniyang dugo na dahilan ng pagkukulong niya sa banyo nang matagal.
Hindi naman kasi alam ni Liz na ngayon pala siya magkakaroon ng buwanang dalaw kaya nagising na lang siyang may dugo na ang bedsheet. Mabuti na nga lang at hindi nakita ni Bea ang bedsheet na may dugo dahil natakpan ito ng kumot. Kapag nagkataon kasi ay lagot talaga siya. Ayaw na ayaw pa naman ni Bea na nadudumihan ang bedsheet dahil mahirap itong labhan at malinis masyado sa gamit si Bea. Kaya nga agad-agad itong nilabhan ni Liz para agad na matuyo at hindi na malaman pa ni Bea ang tungkol sa tagos niya.
Mabuti na lang din talaga at nakandado ni Liz ang pinto. Kung hindi ay baka nagkabukingan na at malamang ay nasermunan pa siya ni Bea na nanay niya na kung umasta. Magmula kasi noong lumuwas sila ng Manila para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ay si Bea na ang tumayong nanay at tatay niya. Dito dumadaan ang allowance niya tuwing buwan at madalas din itong tawagan ng mga magulang niya para kumustahin ang lagay niya at alamin ang mga pinaggagagawa niya.
Nang matapos na si Liz na maligo at magbihis ay bagsak ang balikat na napaupo siya sa gilid ng kama habang pinag-iisipan kung papasok ba siya o matutulog na lang at magpapahinga. Napagod din naman kasi siyang maglaba. Ni hindi na nga siya nakapag-almusal.
“Huwag na lang kaya akong pumasok?” tanong ni Liz sa kaniyang sarili pero agad na tinangay ng hangin ang plano niyang iyon nang tumunog ang phone niya at makatanggap siya ng mensahe mula kay Bea na agad niyang binasa.
Are you on your way? It’s okay if you can’t attend Miss Santos’ class. I already made an excuse. Just make sure to be here before the second subject starts if you want to live. If you won’t be here before that‚ ISANG BUWAN KANG WALANG ALLOWANCE. And may bonus pang isang napakalakas na BATOK‚ KUROT at PINGOT SA TAINGA galing sa napakalambing at napakabait mong best friend. Sa akin pinapadala ni tita ang allowance mo‚ remember? Kaya kung gusto mong makakain sa loob ng isang buwan‚ better be here within 30 minutes. The clock is ticking😉
YOUR TIME STARTS NOW! 30 minutes‚ my dear. 30 minutes. Bye. Mwah. Love you.
“Patay‚” wala sa sariling sambit ni Liz.
Sa sobrang pagkataranta ni Liz dahil sa nabasa ay mabilis siyang kumaripas ng takbo palabas ng apartment at kamuntik-muntikan niya pang makalimutang i-lock ang pinto ng apartment nila sa sobrang pagmamadali niya. Nang makalabas siya ng gusali at may makita siyang taxi ay agad niya itong pinara at mabilis pa sa kidlat na sumakay siya rito.
“Manong‚ sa Thartz University po‚” agarang sabi ni Liz sa driver pagkasakay niya ng taxi.
Sampung minuto na ang nakalilipas magmula nang makasakay ng taxi si Liz pero parang hindi pa rin sila nangangalahati sa daan papuntang Thartz University. Kaya sa sobrang pagkataranta at pagmamadali ni Liz ay pinakiusapan niya na ang driver ng taxi na sinasakyan niya.
“Manong‚ pakibilisan naman po. Kung kailangan po ninyong paliparin ang taxi na ‘to‚ gawin po ninyo‚” nag-pa-panic na pakiusap ni Liz sa driver.
“Hija‚ taxi itong sinakyan mo‚ hindi eroplano‚” natatawa pang sagot ng driver na ikinainit ng ulo ni Liz.
Naningkit ang mga mata ni Liz dala ng inis. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay iyong pinagtatawanan siya gayong wala namang nakakatawa sa sitwasyon niya ngayon. Saka isa pa‚ hindi siya payaso para patawanin ang ibang tao. Kapag hindi talaga siya nakapagpigil ay baka masipa niya palabas ng taxi ang driver.
“Basta gawin na lang po ninyo‚” mariing utos ni Liz sa driver na may bahid na ng inis.
“Sige. Pero baka sa ospital o sementeryo ang bagsak natin kapag nagkataon‚” babala ng driver kay Liz.
Napaikot na lang ng mata niya si Liz. Mas lalo lang siyang nainis dahil sa pag-iinarte ng driver gayong pinagmamaneho niya lang naman ito nang mabilis.
“Ayos lang po. Para na rin naman po akong pinatay sa sobrang sakit na mararanasan ko sa kamay ng best friend ko kapag hindi ako nakaabot sa school within 30 minutes. Kaya‚ manong‚ please lang po. Paliparin na po ninyo ‘tong kotse ninyo. Mahal ko pa po ang buhay ko‚” pagdadrama ni Liz para hindi na mag-inarte pa ang driver at sumunod na lang ito sa gusto niya na mukhang effective naman dahil narinig niya pa ang malalim nitong pagbuntong-hininga bago ito ulit nagsalita.
“O sige‚ hija. Kumalma ka na riyan‚” naiiling na wika ng driver na mukhang naiinis na sa sobrang pag-pa-panic ni Liz.
“Salamat po‚” nakangiting sagot ni Liz pero ang ngiting ‘yon ay agad ding nabura nang i-full speed ng driver ang pagmamaneho nito ng taxi.
“Aaahhhh!” buong lakas na sigaw ni Liz habang hindi na siya makatingin sa daan dahil sa bilis ng takbo ng taxi.
Sa buong biyahe ay walang ibang ginawa si Liz kundi ang tumili at kumapit nang mahigpit sa kahit anong pwedeng makapitan sa loob ng taxi para lang hindi siya mapasubsob sa unahan ng sasakyan. Makalipas ang sampung minuto ay nagulat na lamang siya nang mamalayan niyang nasa tapat na sila ng gate ng Thartz University.
“Ano‚ hija? Ayos ka pa ba?” nag-aalalang tanong ng driver kay Liz pagkatigil na pagkatigil ng taxi sa tapat ng gate ng Thartz University.
Hilong binalingan ng tingin ni Liz ang driver at lutang niyang iniabot dito ang bayad.
Kahit hindi manalamin si Liz ay natitiyak niyang mukha na siyang sabog sa itsura niya ngayon na isinisisi niya sa driver dahil sa pagiging kaskasero nito. Hindi niya naman sinabing magpaharurot ito ng takbo. Ang sabi niya lang ay bilisan nito ang pagmamaneho. Para sa kaniya ay magkaiba ‘yon.
“Sa palagay ko naman po ay ayos pa ako. Naiwan nga lang po ‘yong kaluluwa ko sa kalye. Gusto po ninyong balikan?” sarkastikong sagot ni Liz at pinagtaasan niya ng kilay ang driver.
Hindi na naitago pa ni Liz ang inis niya sa driver dahil nakita na nga nitong nahihilo pa siya at halos mawalan na siya ng boses kasisigaw niya tapos tatangungin pa siya nito kung okay siya. Lakas din nitong mang-asar.
Agad na nagsalubong ang kilay ni Liz nang bigla na lang tumawa nang malakas ang driver na para bang nahipan ito ng masamang hangin.
“Nakakatawa ka talaga‚ hija. O siya‚ bumaba ka na at baka patayin ka na ng kaibigan mo‚” pagpapababa ng driver kay Liz nang tumigil na ito katatawa.
Agad na namilog ang mga mata ni Liz sa sinabing iyon ng driver. Pakiramdam niya rin ay parang bulang nawala ang lahat ng hilo niya kaya dali-dali siyang lumabas ng taxi at kumaripas na siya ng takbo papasok ng university.
Patay talaga siya nito kay Bea. Tinutubuan pa naman ng sungay ang kaibigan niyang ‘yon kapag ganitong sitwasyon.
Sa sobrang pagmamadali ni Liz ay hindi na niya napansin pa ang isang lalaking kasabay niyang pumasok kaya hindi sinasadyang nasagi niya ito na dahilan ng pagkahulog ng lahat ng gamit na dala niya.
“Sorry‚” magkapanabay na sabi ni Liz at ng binatang nasagi niya.
Dali-daling yumuko si Liz para pulutin ang ilang gamit niyang nagkalat nang hindi inaasahang yumuko rin ang binatang nasagi niya kaya ang nangyari ay tumama ang noo nila sa isa’t isa.
“Sorry‚” muling paghingi nila ng paumanhin sa isa’t isa.
Itutuloy na sana ni Liz ang pagpulot sa nagkalat niyang gamit sa semento nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya na nasa loob ng bulsa ng pantalon niya. Sa pagkataranta ni Liz sa isiping si Bea ang nag-text ay mas inuna niya pang basahin ang text message na natanggap niya kaysa sa pulutin ang mga gamit niyang nagkalat.
Where are you? Your 30 minutes is almost over. You know what will happen if you can’t make it‚ right? You only have 10 minutes left. Be here before your time ends.
Halos lumuwa na ang mata ni Liz sa nabasa niya pero pilit niya pa ring kinalma ang sarili niya para pulutin ang mga gamit niyang nagkalat. Babalik na sana siya sa pagpulot ng mga ito sa semento nang mapansin niyang hawak na ng lalaking nasagi niya ang mga gamit niyang nagkalat kanina.
“Akin na‚” mataray na wika ni Liz at aagawin niya sana mula sa binatang nasagi niya ang mga gamit niya pero agad itong inilayo sa kaniya ng binata.
“No. Ako na‚” pagprisinta ng binata at mas inilayo pa niya kay Liz ang mga gamit na hawak niya para hindi ito maagaw ni Liz.
“Akin na sabi e!” iritang sigaw ni Liz sa binata at muli niyang sinubukang agawin dito ang mga gamit niya. Pero tulad kanina ay muli lang nito itong inilayo sa kaniya.
Sa halip na sumuko si Liz at magpaubaya na lang ay pinilit niyang abutin ang mga gamit niyang hawak ng binata. Nagtagumpay naman siyang mahawakan ito sa ilang subok niya. Ang kaso ay ayaw pa rin itong bitiwan ng binata kaya ang nangyari ay nag-agawan sila sa gamit niya.
“No. Ako na. I insist‚” pagpupumilit pa rin ng binata na mas lalong ikinainit ng ulo ni Liz na kanina pa nag-iinit sa inis.
Sa inis ni Liz ay inihampas niya sa dibdib ng binata ang mga gamit niya na pareho nilang hawak.
“Edi sa ‘yo na. Dalian mo. Sumunod ka sa ‘kin. I’m in a hurry‚” mataray na utos ni Liz sa binata at nagsimula na siyang maglakad habang nakasunod naman ito sa kaniya.
Halos lakad-takbo na si Liz kung maglakad kaya hindi na siya nagulat pa nang makarinig siya ng marahang pagtawa sa asungot na nasa likuran niya.
“Miss‚ be careful. Hindi mo naman siguro ikamamatay kapag na-late ka‚” natatawang sabi ng binata na mukhang natutuwa pa yatang makita si Liz na natataranta at hindi mapakali.
Iritang binalingan ng tingin ni Liz ang binata dahil sa pagiging madaldal nito.
“Hindi nga pero mapapatay naman ako ng best friend ko. Kaya pwede ba‚ pakibilisan mong maglakad. Epal ka kasi e. Nakita mo na ngang nagmamadali ‘yong tao‚” iritang sagot ni Liz at inirapan ang binata.
Muling tumawa ang binata at halos malaglag ang panga ni Liz dahil sa tawa nito. Ngayon niya lang napagtanto na ang gwapo pala ng kausap niya. Ito iyong tipong pinag-aagawan ng mga babae. Medyo masingkit ang itim na itim nitong mga mata‚ mamula-mula ang manipis nitong labi‚ makinis at maputi ang balat‚ matangos ang ilong‚ medyo magulo ang itim nitong buhok at nasa anim na talampakan ang taas nito.
Marahas na ipinilig ni Liz ang kaniyang ulo nang mapagtanto niyang titig na titig na siya sa mukha ng binata na para bang ito na ang pinakaguwapong lalaking nasilayan niya.
‘Liz‚ umayos ka kung mahal mo pa ang buhay mo. May sampung minuto ka na lang na natitira‚’ pagpapaalala ni Liz sa kaniyang sarili bago pa siya maglupasay sa kilig dahil sa lalaking nasa harapan niya na mala-Adonis ang kagwapuhang taglay.
“Tara na‚” yaya ni Liz sa binata at aktong tatakbo na siya nang maramdaman niya ang paghawak ng binata sa kamay niya.
Puno ng pagtataka na tiningnan ni Liz ang binata dahil sa ginawa nito na ginantihan lang nito ng isang malapad na ngiti.
“Let me hold your hand para safe ka‚” tanging sabi ng binata bago ito nagsimulang tumakbo.
Dahil nga hawak ng binata ang kamay ni Liz at lutang pa rin si Liz hanggang ngayon dahil sa kagwapuhang taglay ng binata ay nagpatangay na lang din si Liz dito at magkahawak-kamay nilang tinahak ang daan patungong ABM classroom kung saan naghihintay ang kaibigan niyang tiyak niyang papatayin siya sa walang katapusang sermon.

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Joahanna Pedro

    magandang ang pag kasulat ng May akdang ito at naiinganyo ang nakararami sa pagbabasa ng storyang ito!

    13/01/2022

      0
  • avatar
    John Guerrero Sena

    Ganda

    13/07

      0
  • avatar
    Ashley Nicole Bagadiong

    love this story

    27/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes