logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

05

"REESE, are you sure siya nga si Zee?" tanong ni Mart sa kanya nang nasa may café ni Sofie silang anim na magkakaibigan lang ang nagkita-kita ngayon nang itext niya ang mga ito tungkol sa hinala niya. Siya, si Mart, Emcee, Aria, Saji, at Charles. Rhian had a shooting, and Daren and Kenzie is on a mission.
"Not really, I'm not really sure yet. Pero alam niyo ba yung feeling na siya talaga yung kaharap ko? The way she talk, the way she moves… though English speaking na siya pero iba eh… alam niyo yun?" wika pa ni Reese sa mga kaibigan.
"Nalaman mo ba kung saan siya ngatratrabaho? Nakakwentuhan mo ba siya? Have you sk her something that might relate to Zee?" tanong naman ni Emcee ditto.
"Nakausap ko siya pero hindi nagtagal. Mas kinukuha kasi ni Ace ang atensiyon niya kaya sila ang nagkaka-usap that night." Sagot pa ni Reese.
"Why don't you invite her sometime? Nang makilatis din namin kung siya nga talaga ang kaibigan natin at tama ang hinala mo." Wika naman ni Aria.
"Sure, basta ba pumayag siya at hindi siya busy." wika pa ni Reese.
"Basta, try to call her para ma-meet din namin siya. And kung sino man ang magkaroon ng time sa atin at maswerteng ma-contact sila tita abroad, siya nalang magtatanong at magko-kompirma." Wika naman ni Charles.
"I almost forgot, she gave me her calling card pero hindi ko na pinansin dahil occupied ako sa pag-iisip kung siya talaga yung nakita ko. But it's in my other bag, I'll check it later." Sagot ni Reese.
Nagkakwentuhan pa sila habang nagkakape nang madako ang paningin ni Saji sa pumasok na babae kaya siya napatigil. "Oh my gosh," wika pa nito.
"Napano ka?" takang tanong ni Reese ditto.
Hindi sumagot si Saji at nanatiling nakatingin sa babaeng kapapasok na dumeretso ng counter para kumuha ng order. Nilingon naman ng tatlo pa ang tinitgnan ng kaibigan at nagtaka. Nakatalikod na kasi sa kanila ang babae.
"S-si Zee," wika pa niya na parang hindi makapaniwala.
"Asan?" tanong pa ng iba at luminga-linga sa paligid.
Saktong napatingin naman sa dereksiyon nila ang babaeng nasa counter na parang hinihintay ang inorder nito para mai-serve. Napangiti ito sa kanila, specifically kay Reese.
"Reese, ngumiti sayo." Punto pa ni Mart.
"That's Zada, that's her… yung tinutukoy ko sa inyo." Wika pa ni Reese sa mga ito at kinawayan ang babae. Matapos makuha ang order nitong kape ay lumapit ang babae sa kanila na nakangiti.
"Hi," bati pa nito kay Reese.
"Hi," bati naman nito pabalik at napatingin sa hawak nitong kape.
"Don't tell me you drove all the way here just to buy that coffee?" tanong ni Aria dahil alam niyang medyo malayo ang subdivision sa café na iyon.
"Hindi naman, I'm on my way to the company, to get some stuff, nakalimutan ko kasi kaninang kunin. Fred bought a coffee this morning, and it taste so good, it actually makes me feel like I miss this kind of taste. When I ask Fred kung saan niya nabili, sabi nga niya ditto raw. Tamang-tama na nadaanan ko, so I decided to drop by." Paliwanag nito.
"Aaaah, namiss daw. Hulaan ko kung anong coffee yan, creamy latte?" tanong naman ni Charles.
"How'd you know?" tanong pa ni Zada na nagtataka.
"Di nga? Totoo?" tanong pa ni Emcee na nanlaki pa ang mga mata.
"Yeah," sagot naman niya. "I'm sorry, you are?" tanong pa nito.
"Ow, sorry… nakalimutan kong ipakilala sila. They are my friends, Charles, Aria, Emcee, Saji, and Mart." Pakilala ni Reese sa lima. "Guys, si Zada, yung new neighbor nila kuya." Kunwaring pakilala nito kahit kanina pa nila ito pinag-uusapan.
"Can I ask you something Zada? Yun ay kung hindi ka nagmamadali?" tanong pa ni Saji ditto.
"Sure you can, I'm not rushing anyway, what is it… ow wait, can I sit here?" tanong nito at tinuro yung bakanteng upuan sa tabi ni Reese.
"Sure-sure." Sagot naman nilang anim kaya umupo na nga si Zada doon.
"I was just wondering if you have a tattoo on your back?" tanong pa ni Reese nang makaupo na si Zada sa bandang hrapan nito.
Nakalugay kasi ang buhok ni Zada at natatakpan ang likod nito kahit na naka-off shoulder ang damit nito kaya hindi nila kita kung may tattoo nga ito doon o wala. Si Zada lang kasi ang may tattoo sa kanila. Kung pareho sila ng dalaga ng posisyon ng tattoo at maging ng design nito, malaki ang posibilidad na ito nga ang kaibigan nila.
"Yeah, how'd you know that?" tanong pa ni Zada na nagtataka at tinaas ang buhok para ipakita sa mga ito ang tattoo sa may bandang likod, saktong baba ng leeg niya. Nagkatinginan naman ang anim na babae at nag-usap ang mga mata.
"Zada, tanong ko rin, are you allergic to nuts?" tanong naman ni Aria.
"Yeah," sagot na nito na nagtataka na kung bakit alam nila ang tungkol sa mga iyon.
"And hate eating cooked carrots?" tanong pa ni Saji at tumango lang siya.
"What is your whole name again, Zada? I'm sorry but I guess I fail to ask that to you. I'm sure Zada is not your whole name, right?" tanong naman ni Reese.
"It's Zarina Danica Yelena," sagot nito na lalong nagpatigagal sa anim. "Wait… it's kinda freaking me out. How'd you know about my allergies and that carrot thing?" tanong pa nito. "And why are you asking me those questions like you know me before?"
"It's just our lucky guess; Ace is the same as you. Kaya siguro kayo nagkasundo agad kasi parehas kayo," paliwanag nalang ni Reese ditto.
"Ow, akala ko kasi ano…" wika nalang niya at napatango. "Anyway, I'm sorry but I think I have to go, baka kasi magsara na sila eh hindi ko pa makuha yung mga gamit ko." Paalam niya at tumayo.
"Ang cute mo namang magsalita ng tagalog," wika pa ni Mart.
"Thanks," wika lang nito.
"Zada, we hope this will not be the last time na makasama ka, you can come here anytime, I'll give you free snack some other time." Wika pa ni Aria.
"Sure, I'll do that. Thanks guys, have to go." Paalam pa nito at umalis na.
"OMG!" biglang wika ni Mart pagkalabas ng babae.
"Wag muna tayong pakampante na siya nga talaga yun, malay niyo hindi pala, umaasa lang tayo at baka pati sila Bough paasahin rin natin. We need to confirm things first." Wika pa ni Reese sa kanila.
---
NAGTATAKA man si Zada sa mga tanong ng kaibigan ni Reese at sa mga reaction nila ay hindi niya nalang pinansin iyon at baka dahil nanaman sa kamukha raw siya ng nanay ni Ace who happened to be Reese's best friend. Kahit pa nakaramdam nanaman siya ng weird feelings habang kasama ang mga ito, na para bang matagal na niya silang kakilala. Parang ayaw pa nga niya kanina na umalis at iwanan sila para makipagkwentuhan sa mga ito pero kailangan niyang balikan yung camera, na naiwan niya sa studio, para ma-edit ang mga pictures sa bahay nila at nang din na siya mahirapan sa pagpasok bukas.
"Miss Zada, eto na po yung camera niyo." Wika ng receptionist pagkapasok niya sa may lobby. Tinawag niya kasi sa kanila na naiwan niya ang camerang iyon at dadaanan niya nalang doon, para hindi na niya kailangang sumakay ng elevator paakyat sa may studio. "Thanks," wika lang niya at kinuha iyon tiyaka umalis narin. Habang nasa loob siya ng taxi ay may mga imaheng nagpakita sa isip niya dahilan para sumakit ang ulo niya.
"Miss okay lang po ba kayo?" tanong ng driver na bigla ring nag-alala.
Hindi siya sumagot at patuloy lang siya sa pag-ungol sa sakit ng ulo niya. May mga nakikita siyang imahe na may mga kasama siyang mga babae at nakasuot ng parehong uniform na gaya sa kanya nong high school pero hindi niya makita ang mukha ng mga ito. Parang flash lang ng camera ang mga imaheng nakikita niya.
"Miss dalhin na kita sa hospital." Rinig niyang wika ng driver.
Mayamaya pa ay naramdaman niya nalang na linalabas siya sa loob ng taxi at pinaupo sa wheelchair tiyaka patakbong pinasok sa loob. Namimilipit parin siya sa sakit ng ulo niya hangang sa naipahiga na siya sa hospital bed at may kung anong tinurok sa kanya hanggang sa kumalma na siya.
"Okay ka lang Miss?" tanong ng doctor at tumango lang siya at napatitig sa kisame.
Nang maalala ang driver ng taxi ay agad din siyang napabangon at nakitang kasama niya parin doon ang driver. Nagpapasalamat siya at isang mabuting tao ang nasakyan niya.
"Manong thank you po," wika niya ditto.
"Okay lang po ba kayo Miss?" tanong pa ng mamang driver at inabot ang mga gamit niya sa kanya.
"Opo, salamat po," wika niya at kinuha ang wallet sa sling bag niya at kumuha ng isang libo. "Here po, bayad ko po sa inyo. Keep the change narin po." Wika niya ditto.
"Naku Miss, sobra-sobra na po ito. Wala pa naman pong isang daan yung metro niyo eh." Sagot ng manong driver.
"Take it manong, that's a change of your kindness to your passengers." Wika nalang niya.
"Naku maraming salamat Miss, pagpalain ka sana lalo ng Panginoon sa kabaitan mo." Wika pa ng manong driver. "Hintayin ko nalang po kayo hanggang sa makalabas kayo ditto miss."
"No, wag na po, ayos lang po I'll be fine. Ituloy niyo nalang po ang biyahe niyo," wika niya pa ditto.
"Sigurado po kayo miss?" tanong pa ng driver.
"Opo," sagot niya.
"Sige po miss, alis na po ako, pagaling po kayo." Paalam pa ng driver at umalis na.
"Miss, do you know why your head hurts?" tanong ng doctor kapagkuwan.
Umiling lang si Zada dahil wala talaga siyang ideya kung bakit sumakit ang ulo niya ng ganun. Kahit pa nakakaramdam siya ng sakit ng ulo at pagkahilo dati pa pero yung hindi ganun kalala.
"It's not because of my migraine, is it?" tanong niya ditto.
"I don't think it's just a simple migraine hija, if you like we can have some check-up using some device for us to see if there's something wrong with your head. Do you remember if you have an accident before?" tanong pa ng doctor.
"Accident? I don't think so." Sagot pa niya. "Pero sige po doc, let's do those check up." Sang-ayon nalang niya para narin malaman kung anon gag meron sa kanya.
Marami pa ngang check-up ang ginawa sa kanya at pagkatapos ay muli siyang kinausap ng doctor para bigyan ng gamut na pain killer kung sakaling umatake nanaman ang sakit ng ulo niya. Malalaman niya ang resulta ng tests na ginawa rin sa kanya sa susunod na araw kaya pinayagan siyang umuwe. Pagkauwe niya ng bahay niya ay dumeretso na siya sa kwarto niya at hindi na kumain ng gabihan dahil parang nawalan na siya ng gana. Hindi narin siya nakapag-edit pa ng pictures dahil para siyang nanghihina.
Matapos makapaghilamos at magbihis ay nahiga na siya sa kama at muling napatitig sa kisame.
Ang daming weird feelings na naramdaman niya sa mga nagdaang araw na naroon siya sa Pilipinas.  Kahit pa noong nasa New Jersey siya noon… nong may nakasabay siya sa hospital noon nong nagp-check-up siya na isang buntis, bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan na para bang pakiramdam niya ay naranasan niya ang ganoon, yung lumubo ang tiyan niya at may may buhay na nabubuhay sa loob nun.
Napabalikwas siya ng higa at muling naalala yung panahong nakakakita siya ng bata na naglalaro, na parang meron siyang nami-miss na bata na kailangan niyang puntahan. Nakakapagtaka man sa kanya pero nang makita si Ace, ang anak ng kanyang kapit-bahay… hindi ganoon ang naramdaman niya ditto, yung pakiramdam niya noon sa tuwing nakakakita ng bata, bagkus ay parang feeling niya nahanap na niya ang matagal na niyang hinahanap. Kaya naman hindi na siya tumanggi ng magtanong ang bata na kung pwede siyang tawaging nanay. Sa pagbigkas palang nito at pagtawag sa kanya ng salitang 'nanay' ay kakaiba na ang naramdaman niya.
Nawe-weirdohan na siya sa mga feelings na iyon at lalo pa yung mga panaginip niya tungkol sa isang lalake na lagi niyang kasama. Hindi niya mawari kung panaginip ba talaga iyon o totoong nangyari. Maging ang mga flashbacks na nangyyari sa isip niya na paminsan-minsan lang dumarating at nagpapasakit pa sa kanyang isip. Sa pag-iisip ng mga iyon ay nakatulog na siya ng hindi niya namamalayan. Makalipas ang ilang araw… kanina pa umiinit ang ulo ni Zada sa babaeng reklamo ng reklamo sa kahihintay sa doctor. Para kasi itong nakakain ng ilang libong 'pwet ng manok' sa kakabunganga. Kung hindi lang dahil kailangan niyang kunin at alamin yung results ng check-up niya nong nakaraan ay hindi niya matitiis na pakinggan ang babae.
"Mamamatay na ako ditto sa kahihintay, hindi pa matapos yang doctor na iyan, if I know pineperahan lang naman ang mga pasyente niya." wika pa ng babae.
Napapatingin nalang si Zada sa ibang nananahimik na mga tao sa palihid at hinahayaan lang ang babeng magdada-dada.
Maging ang mga nurse na umaasisa sa mga tao ay tahimik rin at nagpapakiramdaman nalang. Ilang minuto pa ay hindi na niya napigilan ang inis.
"Missis, if you don't want to wait, look for another doctor or another hospital for you child. Kung alam mo naman pala na pineperahan ka lang ni doc, edi lumipat ka sa ibang doctor." Mahinanong wika niya.
"Bakit ka ba nakikialam? Eh kesa gusto ko nga ditto eh, ditto ang gusto ng asawa ko na pagpatinginan ditto sa anak ko." Wika pa ng babae at tinuro ang anak na kanina pa nahihiya.
Kung namumula na ito dahil sa lagnat ay mas lalo pa itong namumula dahil sa kahihiyan. Kung wala lang itong lagnat ay nagtatakbo na siguro ito palayo doon.
"Gusto mo naman pala ditto, edi try to shut your mouth. Simula dumating ka, you're always nagging and nagging. Hindi mo ba pansin na pinagtitinginan ka na ng ibang tao ditto? Even your child, hiyang-hiya na sa inaasta mo." Medjo inis na na wika ni Zada pero pilit paring pinahinahon ang tono.
"Eh totoo naman ang sinasabi ko eh. Ang tagal-tagal ng paghihintay, parang kanina pa yung nasa loob ah." Reklamo pa ng babae.
"Missis can you please shut up? Rinding-rindi na kami sa boses mo. Even the nurses, naiinis na po sa iyo. If you don't want to wait, umalis ka nalang at hintayin mong mawala ang mga pasyente ni doc bago ka bumalik." Wika pa ni Zada ditto na halata ng pinipigil ang inis.
"Inaaway mo ba ako Miss?" tanong pa ng babae at tumayo para harapin siya at linagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.
"Hindi po, ang sinasabi ko lang po ay tuma---." Udlot na wika ni Zada.
"Is there any problem here?" singit ng isang lalake na kararating, at pagkatingala ni Zada, nakita niya ang kapit-bahay niyang lalake, yung ama ni Ace.
"Eh ito kasing babaeng ito doc, pinapaalis ba naman ako, sabi niya maghanap na raw ako ng ibang doctor, ang kapal ng mukha niya." wika pa ng babae.
Tahimik lang ang ibang nasa loob ng clinic ng hospital na iyon, marahil ay ayaw masali sa kakadadakdak ng ginang. Bigla ulit siyang nainis sa sinabi ng babae at napatingin ditto na taas na ang kilay. Sa ayaw niya sa lahat ay yung binabaliktad ang sitwasyon para siya ang mapasama.
"Hindi kita pinapaalis Missis, what I was just saying is that you shut your mouth, kasi po kanina ka pa po dada ng dada diyan and keep on reapeating all over again yung reklamo niyo, na kesho ang tagal mong naghintay, na pineperahan lang ng doctor ang mga pasyente niya, at kung anu-ano pa. I'm am the one who's beside you since you came in po at binging-bingi na ako sa boses mo, kaya nakiusap akong tumahimik ka na, kung pwede lang." wika na ni Zada sa babae na hindi na naitago ang inis.
"Ang yaba---." Udlot na wika ng babae.
"Stop it!" singit pa ng lalake. "Ipapacheck-up mo ba yang anak mo o hindi? Halika na sa loob at ipapauna na kita kay doc." Wika pa ng lalake at pumasok sila sa loob. Sumunod naman ang mag-ina. Nakahinga lang ng malalim si Zada nang umalis ang babae sa tabi niya. Nakita niyang napangiti nalang ang ibang tao sa paligid nila.
"Pagpasensiyahan mo nalang yung isang iyon, ganun talaga iyon, masyadong mabunganga. Magkapit-bahay kami nun dati at sobrang madaldal talaga nun. Kung makasigaw kala mo nasa bundok eh, walang araw na hindi nagreklamo." Wika pa ng isang babaeng buntis na katabi tumabi sa kanya at hinihintay rin ang kanyang the Obi.
Iisa lang kasi ang waiting area ng mga nagpapacheck-up sa clinic na iyon, katabi lang ng hospital. Iba't-ibang clinic ng mga doctor ang nasa establishment na iyon pero iisa lang ang waiting area kaya lahat ng nagpapa-check-up ay naroon.
Ngumiti lang siya ditto ng pilit bilang pagsagot dahil wala narin siya sa mood makipag-usap pa. Ilang minuto pa ay pinapasok na siya ng nurse sa office ng doctor na nag-asikaso sa kanya nong gabing iyon. Napatingin siya sa kasama nito at kausap na doctor, ang kanyang kapit-bahay.
"Have a sit Miss," wika ng doctor sa kanya. Ito rin yung umasikaso sa kanyang doctor noong check-up niya. "This is doctor Zambrano; he's the one of the best doctors here and also an overall doctor and surgeon. Noong una, nagpatulong ako sa kanya when I found out about the fracture in your left arm bone, when suddenly I saw some serious problem about the results of your head tests." Wika ng doctor kaya napatingin si Zada sa lalake na nakatingin lang sa kanya. "Are you sure hija na hindi ka naaksidente dati?"
"Wala po akong matandaan doc," sagot niya. "Maging sa sinabi niyong arm injury." Napatingin naman ang doctor sa kabit-bahay niya.
Nagtaka pa si Zada nang sabihin ng ginong, na doctor yung kapit-bahay niya and one of the best doctors pa ng hospital at kailanga nito ng tulong, eh mas matanda naman ito.
"I think doctor Zambrano will be the one to explain it to you about your case." Wika pa ng doctor kaya napatingin siya sa bagong kapit-bahay.
"Follow me to my office Miss Yelena, para hindi na matagalan ang ibang pasyente ni doctor Arellano." Wika pa ng lalake kaya lumabas siang dalawa ng office na iyon at nagtungo sa 2nd floor ng hospital kung saan ang office ng lalake. "Have a sit,"
"Is it really complicated? Am I dying?" tanong niya pa ditto pagkaupo kaya napatawa ang lalake pero agad itong nakabawi.
"Of course not, don't worry." Medyo natawang sagot pa ng doctor. "It's not like you have some deases or something like that." Naupo narin ito sa upuan niya at may kinuhang folder sa isang cabinet. "Anyway, back to business. Doctor Arellano approached me about your case and asked me to check if you have some medical cases here or abroad, kasi parang nakita na raw niya yung x-ray sa skull mo noon. So, when he gave me your form, we tried looking for your name in our database and found out that you were admitted here 6 years ago." Wika pa ng lalake. "By the way, Doctor Arellano is the founder of this hospital."
"Here? As in ditto sa pilipinas?" tanong pa ni Zada na nagtataka.
"Yes," tango pa ng lalake na ngayon ay medjo seryoso na.
"Paano nangyari iyon? This is my first time coming here." Takang tanong pa ni Zada. Napatahimik ang lalake at napatingin lang sa kanya. "Wala akong maalalang pumunta na ako ditto noon. All my life I'm in New Jersey." Wika pa ni Zada.
"Maybe that's just what you thought." Wika naman ng lalake kaya muling napatingin si Zada sa kanya. "Base on your files, tests and results 6 years ago, natakbo ka ditto sa hospital because you met an accident, car accident to be exact." Wika nito na hindi nakatingin sa kaniya.
Hindi alam ni Zada ang isasagot kaya para siyang natulala lang sa kawalan habang nakikinig sa lalake sa pagpapaliwanag nito.
"Ulo mo ang napuruhan that cause you to have amnesia." Wika pa nito.
"Amnesia?" taka at gulat na tanong pa niya. "Is it permanent?" tanong pa ni Zada ditto.
"Maybe," sagot ng lalake at sinara ang kanina pa tinitignan na folder at hinarap siya. "Maybe not, and maybe coming back here triggered you to remember something." Wika pa nito.
"That's why my mingraine came back all of a sudden?" tanong niya sa sarili niya. "Wait… can you make it stop?" tanong niya sa lalake. "I mean, me remembering things?"
"Bakit, ayaw mo bang maalala ang nakaraan mo?" tanong pa ng lalake sa kanya.
"It's not that, I just don't want to experience the pain again. Masakit eh, para akong mamamatay sa sakit, if not remembering things will be the only way para hindi ko ulit iyon maramdaman, then let it be. Siguro naman wala akong nakalimutang tao kasi all of my family visited me at home when I was in New Jersey, some of my friends too." Wika pa ni Zada at napatigil ulit ang lalake sa sinabi niya at nakatingin lang ulit sa kanya. "Actually, that night, its not the first time I've experience it." Tuloy pa ni Zada at napayuko.
Tahimik lang ang lalakeng nakatingin at nakikinig sa kanya.
"When I was in New Jersey, nakakaranas na ako ng sakit ng ulo everytime a memory pop out in my mind, and I thought it was just simple migraine, iyon rin ang sabi ng doctor nong nagpatingin ako, that's why I'm ignoring it and just drink pain releaver. I can still tolerate the pain actually, not until I came here. After going home from your house, the pain attacked me again, but that time, the pain is really killing me. I thought I'm gonna die. I just ingrored it coz maybe I just forgot to drink my meds kaya nangyari iyon, pero that night, when I was riding a taxi, the same pain attacked me again, and it really hurts. If that's the consequence of me remembering my past, gugustuhin ko pa ba? Siguro naman maiintindihan ng mga taong nakalimutan ko na mas pipiliin kong wag na sila maalala kung nakikita nila akong nasasaktan ng ganun, diba?" wika pa ni Zada sa lalake na parang naluluha na. "I'd rather die than to feel that pain again coz it's the same as toruturing me like hell."
"I'm sorry," wika ng lalake sa kanya. "If I could just help you to stop remembering things, gagawin ko. Pero hindi ko naman hawak ang brain cells mo. The only thing I could do is to prevent you from having that pain again. Binigyan ka na ni doctor Arellano ng pain killer sa tuwing aatake nanaman iyon, hindi ba? The only advice I can give you is not to overthink about your past. If you could feel na sasakit nanaman yung ulo mo, think of another memories na naaalala mo talaga. Sumasakit lang naman yang ulo mo pag pinupwersa mo ang utak mong makaalala." Paliwanag pa ng lalake. "O kaya naman ay kung may mga bagay na nakapagtriggered sayo para maalala mo ang nakaraan mo. Have you told your parents about your head aches or pains?"
"No, because I thought it's just a simple migraine. Plus, that doesn't make sense doc. I'm not forcing my self to remember my past. Ni hindi ko nga alam na may amnesia pala ako e. Maybe my mermories, kusa silang bumabalik." Wika pa niya.
"In that case, I can't help you anymore. Just bring your pain killer with you, always. That's the best advice I can give you. Or maybe try approaching a psychologist." Wika nalang ni Bough.
Napahinga ng malalim si Zada at muling napayuko nang may masagi ang mata niya sa isang cabinet na nasa harapan niya. Cabinet iyon ng mga picture frames ang awards na nakuha na ng lalake. Napatitig siya sa picture ng doctor at nang babaeng sinasabi nila Reese na kamukha niya, yun yung imahe na ginuhit ni Ace sa kanyang drawing book, yung pagkaharap ang dalawa na nakaside-view sa may camera pero parehong nakatingin ditto at nakangiti.
"Is… that your wife?" tanong niya bigla sa lalake habang nakatitig parin sa litratong iyon.
"Yeah," sagot lang ng lalake na nakatingin narin sa litrato.
"Where did you take that picture?" tanong pa ni Zada kasi parang familiar sa kanya yung lugar.
"Sa café ng pinsan ng best friend nila nang unang bukas iyon sa San Manuel." Sagot naman ni Bough at sa pagkakataong iyon ay nakatingin na siya kay Zada. "Sky's the Limit Café."
"Sky's the Limit," ulit ni Zada sa sarili ng pabulong. "Yeah, I remember, I went there to buy some coffee before going to the company that night, when I got attacked by the pain. I met Reese's friends Charles, Emcee, Aria, Saji and Mart." Wika pa niya.
"Nakilala mo silang anim?" tanong pa ulit ng lalake.
"Yeah, before I got attacked by the pain, pauwe na ako nun eh, when some scenes pop out again, parang… I was wearing a uniform same with those girls, and we were so happy roaming around, and then sumakit na yung ulo ko." Kwento pa niya.
"And now that you're telling me those, hindi ba sumasakit yung ulo mo?" tanong pa ng lalake at umiling lang siya.
"Why?" Tanong niya pabalik.
"You are recollecting the scenes na bumalik sayo that night, that means na inaalala mo yung nakaraan pero hindi sumakit ang ulo mo. So ibig sabihin, kapag may mga bagay na nagpapaalala sayo ng nakaraan mo, dun kusang bumabalik yung alaala sayo at doon sumasakit ang ulo mo." Wika pa ni Bough.
"Meaning?" tanong pa ni Zada sa lalake.
"Sa tuwing may bagay kang nakikita o tao kang nakikilala na noon, part of your foprgotten past, doon lang bumabalik ang alaala mo. I guess for you to prevent the pain from attacking again, kailangan mong iwasan yung mga bagay na konektado sa nakaraan mo. And I guess you have to leave here again because this place makes you remember things."
"Are you kidding me? I just got here. And how would I know if konektado siya sa nakaraan ko, eh nakalimutan ko nga yun? Argh!!! I hate this." Wika pa ni Zada at napasabunot pa sa buhok.
"You have to ask someone na nakakaalam sa nakaraan mo to guide you." Wika pa ni Bough. "Or you should go back to New Jersey and stay there." Wika pa ni Bough.
"What? Kaya nga ako pumunta ditto because I feel the urge to stay here, tapos pababalikin mo ako doon?" wika nalang ni Zada. "Bahala na, the pain releaver can still help me, right? I won't leave everything and start over again just because of that damn pain."
"Pumunta ka lang ditto dahil nakaramdam ka ng urge na manatili ditto? Is it not because of your work or something?" takang tanong ng doctor.
"I intentionally applied in one of the company here in the country for me to have a reason on coming. Hindi ako papayagan ng parents ko na pumunta sa bansang ito nang walang dahilan. In fact they don't want me to come here, period. I just have to convince them and pester them to just let me go. Honestly, I think my forgotten past was in here."
"Akala ko baa yaw mong maalala ang mga nakalimutan mo na?"
"Kapag nangyari sa akin ang pagsakit ng ulo ko na parang sasabog, aayw ko talaga. I felt like I can't take the pain any more, but I have the feeling that I have to remember those forgotten memories of mine." Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya iyon sa isang medicine doctor. Hindi ba dapat ay sa isang psychology doctor niya iyon sinasabi?

Comentário do Livro (83)

  • avatar
    Mila Sulit

    Maganda lahat ng story mo .

    22/03

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    04/11

      0
  • avatar
    AllenañeraRonald

    the difference between an hour ago you heard of yourself 🤔 you have a good 👍 you have a 👍 you have a wonderful birthday and we can do it again soon so I will be to get a tattoo in idol sana mabigyan Moko the best thing ever to go to go with me to the best thing ever you 💬 the difference is y you have you been to bed soon so we have to do the two step verification of you have to do it again next week I will send you have a good night to go to bed now but I'll be to go with y the difference is

    03/05/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes