logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

"Prince, ano-"
Mabilis na sumenyas si Prince sa kanyang tiyahin. Hinila niya ito palayo sa pinto ng silid.
"Sandali," reklamo ni Camellia sa pamangkin. "Bakit?"
"Galing ako sa silid ng pasyente," pag-amin ni Prince. "Natutulog siya nang pumasok ako sa silid, hindi ko akalain na magigising siya."
"O, tapos?"
Napakamot sa kanyang batok ang binata.
"Bakit parang natatakot ka? Siguro may ginawa ka 'no?"
"Wala tita, I swear!" Mabilis na sansala ni Prince. "Papunta ka sa kanyang silid 'di ba?"
Tumango ang tiyahin niya.
"Kapag nagtanong siya kung sino ang pumasok sa silid na kinaroroonan niya, huwag mo sasabihin na ako 'yon , tita."
Napataas ang isang kilay ni Camellia.
"Bakit?"
"Basta." Sagot niya.
"Ang weird mo,"
"Kapag nagtanong siya, ikaw na ang bahalang mag-isip ng isasagot."
"Pambihira ka, Prince. Bakit kasi kailangan ko pa magsinungaling?"
Nahihiya si Prince aminin sa kanyang Tiyahin na nagising niya ang kanilang pasyente dahil kinakausap niya ito habang himbing na natutulog. Nagawa pa nga niyang haplusin ito sa braso.
Hindi pa rin siya makapaniwala na dumating na ang babaeng matagal na niyang hinihintay. Ang kanyang bride from the sea.
"Sige na tita, pupunta muna ako sa lighthouse. Mauna na kayong kumain ng hapunan, kayo na bahala kay Carmella."
Hindi pa man nakakasagot si Camellia ay umalis na sa harapan niya ang pamangkin. Naiiling ang ulo na lumakad ito patungo sa silid ng pasyente.
Muling narinig ni Carmella ang tunog ng bumukas na pinto.
"Sino 'yan?" tanong ni Carmella.
"Mabuti at gising ka na, Carmella."
Nabosesan niya ang nagsalita, si Miss Camellia. Nakahinga siya ng maluwang."
"Miss Camellia, may itatanong sana ako,"
"Ano 'yon?"
Napakagat sa ibabang labi niya si Carmella. Nagdadalawang isip siya.
"Carmella?"
"Miss Camellia, a-ako ba'y nasa loob ng silid?" pabulong na tanong niya.
"Yes. Why did you ask?"
Pabulong ulit siyang nagtanong. "Narito pa ho ba iyong nauna sa inyong pumasok dito?"
Hindi agad nakasagot si Camellia. Nag-isip ito ng isasagot sa dalaga.
"Miss Camellia, ano ho ba siya, babae o lalake? Ayaw niya kasing magsalita kanina habang tinatanong ko siya." Kinapa niya ang unan na nasa tagiliran niya at niyakap ito. "Pipi't bingi rin ho ba siya? Kasi ayaw niya ngang magsalita."
"Carmella, hija..." Simula ni Camellia. "Wala akong nakitang ibang pumasok sa silid na ito."
"A-ano po?" hindi siya makapaniwala. "P-pero kani-kanilang bago kayo dumating may naramdaman akong pumasok dito at tumayo pa sa tabi ko. Naramdaman ko pa ngang hinaplos niya ako sa braso."
Parang gustong kilabutan ni Carmella.
Narinig niyang mahinang tumawa si Miss Camellia.
"Imposible ang sinasabi mong iyan hija," wika nito. "Gaya ng sinabi ko sayo, walang ibang may pumasok sa silid na ito."
Nawalan siya ng imik sapagkat wala siya sa posisyon na ipag-giitan sa kausap ang paninindigan na may ibang tao na pumasok sa silid.
"I-think, epekto lang 'yan nang ininom mo na gamot kanina bago ka makatulog." Sabi sa kanya ni Miss Camellia. "Mataas siguro ang dosage kaya nagha-hallucinate ka. Maaring ang narinig mo kanina o naramdaman ay hallucination lamang. Puwede din na epekto ito ng mahaba mong pagtulog,"
"Po?" hindi pa din siya kumbinsido.
"Oo tama, puwedeng ganun." Paniniyak pa nito. "Kaya nang magising ka ay kung anu-ano ang naramdaman mo.Siguro'y paggising mo'y naghahanap ka nang makakausap kaya inakala mo na may dumating nga nang makaramdam ka ng kaluskos na maaring likha lang ng daga."
Daga? Hiyaw ng utak ni Carmella. Tunog ng sapatos na naglalakad ang narinig niya kanina at hindi kaluskos ng daga.
"Baka namimis mo na ang iyong kapamilya," dugtong pa nito.
Biglang sumagi sa isipan niya ang kanyang Tiya Matilda at dalawang pinsan. Malabong mamiss niya ang mga ito, kalbaryo ang naging buhay niya sa piling ng mga tao na dapat ay nagmamahal sa kanya bilang kapamilya.
"S-siguro nga po tama kayo, Miss Camellia." Kunwa'y sang-ayon niya.
"Narito ako para sana gisingin ka. Pero dahil gising ka na, papuntahin ko na dito si Maila para madalhan ka ng pagkain."
"Katatapos ko lang ho kumain, Miss Camellia." Sagot niya. Nakabenda siya kaya hindi niya mawari kung umaga pa din.
"Almusal 'yong kinain mo kanina, pasado alas-otso na ng gabi at oras na para kumain ka ng hapunan."
"Ang haba po pala ng naitulog ko. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Pasensiya na Miss Camellia. Wala kasi akong makita, baka nga po tama ka na nagha-hallucinate lang ako, dahil ramdam ko na din ang gutom."
"O siya, maiwan na muna kita at kakausapin ko si Maila. Kailangan ka din niyang linisan at mapalitan ng kasuotan."
Tumango siya.
Nagpaalam na nga sa kanya si Miss Camellia. Narinig pa niya ang tunog ng nagsarang pinto.
MATAMAN na nakatanaw si Prince sa karagatan. Pinapanood niya ang mga alon na tila sumasayaw. Pabalik na siya sa castle, huminto lamang siya sa mga batuhan kung saan doon niya nakita ang walang malay na dalaga.
Si Carmella.
Nalaman niya ang pangalan nito mula sa kanyang tiyahin. May mahalaga kasi siyang nilakad kaya ipinaubaya na muna niya sa Tiya Camellia niya ang pag-aalaga sa dalaga.
Naaalala niya noong gabing makita niya ito na palutang-lutang malapit sa damuhan. Unang kita palang niya sa maganda nitong mukha ay nabighani na agad siya. Ramdam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na siya na ang babaeng matagal na niyang hinihintay.
Kring! Kring!
Mabilis na dinukot ni Prince ang kanyang mobile phone sa bulsa ng kanyang maong short. Alas nuebe na ng gabi at wala naman siyang inaasahan na tatawag dahil nag file siya ng vacation leave. May humalili sa kanya na ibang doktor habang wala siya.
Hindi naka-rehistro ang numero sa kanyang contact list.
"Hello?"
"Hi!"
Nakilala niya ang boses na nasa kabilang linya.
"Napatawag ka, Nicole, naka-duty ka pa rin sa hospital?"
Si Nicole ay kaibigan niya at katulad niya ay isa din itong doktor at sa iisang hospital lang sila nagtatrabaho. Sa Gentri Pasabuena Private hospital na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
"Ngayon ko lang nalaman na naka-vacation leave ka pala." Sabi ni Nicole. "Malapit na ang Annual Medical Mission natin, hindi ka ba sasama?"
Dalawang linggo pa bago ang Annual Medical Mission nila. Ang layunin nila ay hindi lamang isang pagsisikap na magbigay ng libreng serbisyong medikal sa mababang kita at mga komunidad na walang kita, ngunit upang kumilos bilang isang ilaw. Ilaw at pag-asa para sa mga taong madalas na pakiramdam na inabanduna at nakalimutan na.
Libreng medikal na pagsusuri, kasama na ang pagbibigay ng mga libreng gamot, pagbubunot ng ngipin, eye check up at malalim na kaugnay na pamamaraan sa kultura at kalinisan. Ang pagtutuli, na gumaganap bilang isang ritwal ng daanan para sa mga batang lalaki.
"One week lang ang bakasyon ko. Sisiguraduhin ko na makakasama ako sa Annual Medical Mission. Magpapahatid ako sa chopper plane papunta sa San Miguel." Sagot ni Prince.
Nagsimula siyang maglakad, mabagal habang nakikipag-usap kay Nicole.
"Let me guess?" narinig pa niya ang bahaw na tawa ng kausap. "Nariyan ka na naman sa Destiny Island,"
"Yes," sagot ni Prince. "Itong lugar lang naman ang madalas ko puntahan,"
"My god, Prince! Hanggang ngayon hindi ka pa din nawawalan ng pag-asa na makikita mo ang babaeng sinasabi mo na nakatakda mo maging asawa."
Hindi nakaimik si Prince. Hindi lingid sa kaalaman ni Nicole ang tungkol sa kuwento ng buhay pag-ibig ng pamilya na kanyang pinagmulan.
"Hindi." Matapat niyang sagot. "Gaya ng ipinangako ko saiyo, patutunayan ko sayo na nagmula sa dagat ang babaeng nakatadhana kong maging asawa."
Humagalpak ng tawa si Nicole.
"Baka naman ang iyong bride from the sea ay Sirena?"
Alam ni Prince na nagbibiro lang ang dalaga.
"You will see," kahit hindi man niya kaharap ang kaibigan ay napangiti siya nang maalala ang kanyang pasyente.
"Ewan ko ba saiyo, Prince, madami naman magagandang babae na malapit lang sayo, bakit nagtitiyaga kang maghintay sa babaeng hindi naman darating."
"Kaya kong maghintay kahit gaanu katagal,"
"Narito naman ako, mah-" hindi natapos ang sasabihin ni Nicole sa kabilang linya.
"Sandali lang," inilayo ni Prince ang aparato sa kanyang taenga nang marinig ang boses ng kanyang Tiya Camellia.
"Prince!" Muling sigaw ni Camellia nang matanaw nito ang binata na naglalakad hindi kalayuan sa lighthouse. "Pambihira ka, gabi na't nariyan ka pa din sa labas,"
"Nicole, tatawagan na lang kita bukas." Paalam niya.
Mabilis na ine-off ni Prince ang kanyang mobile phone.
"Hindi ka pa kumakain ng hapunan," sabi sa kanya ni Tiya Camellia nang malapitan niya.
"Kumusta si Carmella?" Tanong niya.
"Tapos na siyang kumain. Naroon si Maila sa kanyang silid upang palitan siya ng kasuotan."
"Napainom na ba siya ng gamot, tita?"
Tumango si Camellia.
"Pumasok ka na sa loob para makakain na. Pinapuntahan kita kay Gorio sa lighthouse pero wala ka raw roon."
Si Gorio ay isa sa mga caretaker ng castle at Isla.
Ngumiti si Prince bago magsalita.
"Namasyal lang ako, tita,"
"Namasyal sa ganitong oras ng gabi?"
Natatawang inakbayan niya si Tiya Camellia.
"Tayo lang naririto sa Destiny Island. At pagmamay-ari ito ng ating pamilya, kaya safe mamasyal kahit gabi na." Sagot niya.
"Kahit na,"
Natatawang pinisil ni Prince ang tungki ng ilong ng kanyang tiyahin bago sila pumasok sa loob ng castle.

Comentário do Livro (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes