logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 15

"Yes, Misis," sagot ng pulis. "Hinala ko may foul play na nangyari."
"'Yon din po ang tingin ko, Sir," sagot naman ni SPO1 Cruz. Binuklat nito ang files na nasa ibabaw ng table. "Kailangan malaman natin kung sino ang nagkulong sa pamangkin mo sa loob ng cabin, at kapag napatunayan na nagkasala sila sisiguraduhin namin na makukulong sila."
Nagkatinginan ang magkapatid na sina Malou at Ester. Napalunok sila dahil kinakabahan.
Pasimpleng hinila ni Malou ang manggas ng blusa ng ina.
"Makukulong sila?" napalunok na tanong ni Matilda.
"Yes," sagot ni Police Captain, Duren. "Hindi uso dito sa presinto ang piyansa. Kung gusto mo, habang hindi pa nakikita ang katawan ng pamangkin mo ipahahanap ko na din ang taong naging kasama niya sa cabin."
"Huwag na!" Halos panabay ng mag-iina.
Nagkatinginan naman ang dalawang pulis.
"I-ibig ko sabihin, unahin n'yo na muna'ng mahanap ang pamangkin ko. Ang importante ay buhay siya," sansala ni Matilda. "Kung buhay pa siya t'saka nalang ako mag de-desisyon sa mga susunod na hakbang."
Napatango-tango naman si Police Captain, Duren. Dinampot nito ang files at binasa ang nakasulat na report.
"Aalis na kami, balitaan n'yo nalang kami kung may update na sa pamangkin ko." Hindi na hinintay ng mag-iina na makasagot ang dalawang pulis.
Nagmamadaling umalis ng presinto ang mag-iina.
Kibit-balikat naman na nasundan ng dalawang pulis ang tatlong babae.
"Mom, paano kung malaman ng mga pulis na kami ni Ester ang nagkulong kay Carmella sa cabin?" makikita sa mukha ni Malou ang takot. Nanginginig ang mga daliri sa kamay nito.
Kasalukuyan na nasa loob na ng kotse ang mag-iina.
"Ayoko makulong, Mom!" Sabi naman ni Ester na napahawak sa noo.
"Puwede ba tumahimik kayo!" Singhal ni Matilda sa mga anak. Ine-start na nito ang makina ng kotse. "Walang makukulong, okey?!"
"Anong gagawin natin?" tanong ni Malou. "Natatakot ako, Mom!"
"Dapat kasi hindi na tayo pumunta sa presinto, ayan tuloy nakakita pa sila ng butas sa maaring nangyari kay Carmella." Nakasimangot na sabi ni Ester.
"Lintek talaga ang babaeng 'yan!" tukoy ni Matilda sa pamangkin. "May dala siyang malas sa pamilya natin. Sana nga nakasama nalang siya sa mga biktima'ng namatay para wala na akong problemahin pa! Haist, buwesit!"
Ilang sandali lang ay tuluyan nang umalis ang kotse kung saan lulan ang mag-iina.
"SPO1 Cruz, gusto kong imbestigahan mo ang mag-iina. Malakas ang kutob ko na may itinatago sila," sabi ni Police Captain, Duren.
"Yes, Sir!" sagot naman ni SPO1, Cruz. Nag paalam na ito na lalabas na ng opisina.
Naiwan sa loob ng kanyang tanggapan si Police Captain, Duren. Tila nag-iisip ng malalim habang hinihimas ang kanyang baba.
KINABUKASAN...
Alas-nuebe palang ng umaga ay nakarating na sila sa Maynila. Hindi maitago sa magandang mukha ni Carmella ang saya pag-apak palang ng mga paa niya sa lupa.
Halos malula siya sa laki at rangya ng Mansiyon ng pamilya Fuentevilla.
"Dok, sobrang laki ng bahay n'yo, parang kasing laki ng kastilyo sa Isla." Sabi ni Carmella, inilibot niya ang paningin sa bakuran ng mansiyon. "Sobrang ganda ng bahay n'yo!"
Ngumiti sa kanya ang lalaki.
"Nagustuhan mo ba?"
Hindi siya nakasagot sa tanong nito. S'yempre ang isasagot niya ay 'oo'.
Tumango lang siya bilang tugon.
"Pamana sa akin ang mansiyon na 'yan ng mga magulang ko,"
"Nasaan po ba ang mga magulang mo, Dok?"
"Wala na sila," malungkot ang mukha na sagot nito. "Kaming dalawa nalang ni Tita Camellia ang magkasama sa mansiyon."
"Sorry po, Dok, nasaktan ko pa ang feelings mo," hinging paumanhin niya.
"Mi amor, hindi mo kailangan humingi ng sorry," sagot nito. "Bata pa ako ng sabay na mamatay ang mga magulang ko dahil sa car accident. Matagal ko ng tinanggap 'yon. Kaya nga isinama kita rito dahil malungkot ang mansiyon, lalo na kung naiiwan akong mag-isa kapag umaalis si Tita para mag shopping kasama ang mga kaibigan niya."
Napasulyap siya kay Miss Camellia na tahimik lang habang naglalakad kasabay nila. Tahimik lang ito at ayaw magsalita. Hindi naman niya masabi kong sa kanya ba may galit ang babae o sa pamangkin nito.
Binawi niya ang tingin sa takot na mahuli siya ni Miss Camellia na nakatingin siya rito.
Kung nakakalula ang laki ng bakuran ng mansiyon ay ganun din sa loob nito. Mukhang mamahalin ang mga muwebles. Ang desinyo ng loob ng mansiyon ay parang palasyo na napapanood niya noong bata pa siya sa mga palabas na disney princess.
"Kung buhay lang si Inay at ganito kalaki ang bahay namin, mahihirapan kami sa paglilinis. Baka nga sa buong maghapon na paglilinis namin hindi pa kami makapangalahati," tumingala siya at nakita niya ang chandelier na sobrang ganda. "Ang ganda po sana ng chandelier, pero nakakatakot naman at baka bumagsak."
Ngumiti sa kanya si Dok, Prince. "May lima kaming katulong dito sa mansiyon. Mamaya ay ipapakilala ko sila sa'yo,"
"Nabanggit mo sa akin na naninilbihan ka'ng katulong sa Tiya mo. Baka gusto mo mag-apply na katulong?" sabat ni Camellia. Seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha.
Natuwa si Carmella sa tanong ni Miss Camellia, ngunit hindi si Dok, Prince.
"Tita!" Bulalas ni Prince. "Ano ba naman'g klaseng tanong 'yan?!"
Humarap siya sa lalaki at ngumiti.
"Okey lang po, Dok," sabi niya. "Sa totoo lang, 'yon po talaga ang plano ko kapag nakabalik na ako ng Maynila. Kailangan ko makahanap ng trabaho para makapag-ipon ng pera at makapagpatuloy sa pag-aaral. Wala po akong ibang mapuntahan, kung ayos lang po sa inyo ni Miss Camellia ay sa inyo na ako mag-aapply ng trabaho bilang katulong."
"Tanggap ka na!" Mabilis na sagot ni Miss Camellia. "Tingin ko ay nababagay sa'yo ang posisyon na'yan,"
"Hindi!" Mataas na ang tono ng boses na sabi naman ni Prince.
Nagulat siya sa inasal ng lalaki. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang pagbago ng pakikitungo sa kanya ni Miss Camellia. Kung dati ay nakikita niyang concern ito sa kanya, ngayon parang ayaw nito na isinama siya sa mansiyon ni Dok, Prince.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo, Tita?" napasabunot sa kanyang buhok si Prince. "Look, napag-usapan na natin ang tungkol kay Carmella. Bisita ko siya at hindi katulong ang tingin ko sa kanya. At lalong hindi ko magugustuhan kapag nakita ko na pinagtatrabaho mo siya bilang katulong dito sa mansiyon."
"Bakit ka ba nagagalit?" Agad na reaksiyon ni Camellia. Ngayon lang niya ulit nakita ang pamangkin na nagalit sa kanya. "Si Carmella ang may gusto na mag trabaho na katulong dito sa mansiyon, sinang-ayunan ko lang ang gusto niya. Hindi ba Carmella?"
Napaigtad si Carmella nang marinig ang pangalan niya.
"O-opo," hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit ang lalaki nang banggitin niya na maninilbihan siyang katulong sa kanila.
"See?"
"Ayoko na makipagtalo!" Inis na sabi ni Prince. Namumula ang mukha nito sa inis. "Bisita ko si Carmella dito sa mansiyon, at ayokong makitang kumikilos siya na parang isang katulong. At kung maaari lang sana ay kausapin mo ang lahat ng katulong na sundin nila kung anuman ang iutos niya. Pagsilbihan nila si Carmella katulad ng pagsisilbi nila sa atin!"
Sumimangot si Miss Camellia na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Carmella.
Napapaghalataan na niya na sa tuwing magkakasama silang tatlo siya lagi ang topic at siya din ang dahilan kung bakit nagtatalo ang magtiyahin.
"Narinig mo ang sinabi ko, Tita?"
"Hindi mo naman kailangan na pagtaasan ako ng boses, Prince. Baka nakakalimutan mo na tiyahin mo pa din ako!"
"I'm sorry, Tita. Nabigla lang ako," agad na hinging depensa ni Prince. "Ngunit hindi mababago ang gusto ko,"
"Fine!" Inis na sagot ng tiyahin nito.
Palipat-lipat ng tingin sa Carmella sa magtiyahin. Nasundan niya ng tingin ang kamay ni Miss Camellia na mahigpit na nakahawak sa braso niya.
"Kung wala ka nang sasabihin, dadalhin ko na si Carmella sa magiging kuwarto niya."
"Mi amor, sige na, sumama ka kay Tita Camellia. Siya na ang bahala sa'yo. Wala ka'ng ibang gagawin kundi ang magpahinga." Sabi sa kanya ng lalaki nang mapansin na hindi siya kumikilos.
Hinila siya ni Miss Camellia kaya napilitan siyang maglakad. Lumingon pa siya kay Dok, Prince. Nakita niyang pabagsak itong umupo sa sofa.
Hindi niya tuloy maiwasan itanong sa sarili kung may problema si Dok, Prince. Wala naman siyang nakikitang mali sa mga sinabi ni Miss Camellia. Isa pa, siya naman ang nagprisinta na mag apply ng trabaho bilang katulong sa mansiyon. Dahil mas gusto niyang manatili sa poder ng magtiyahin kesa sa kanyang Tiya Matilda.
Kapag nanilbihan siyang katulong sa mansiyon, araw-araw niyang makikita si Dok, Prince. Kahit na siguro mag-asawa na ito ay gugustuhin pa din niyang maging katulong basta makita't makasama niya lang ito.
Sa ilang araw na nakasama niya sa Isla ang lalaki, naging malapit na ito sa puso niya. Kaya nga nasaktan siya nang malaman niya na ikakasal na pala ito. Na siyang mali niya, dahil binigyan niya ng kahulugan ang ipinakitang kabutihan nito sa kanya.
"Ito ang magiging kuwarto mo, Carmella." Pukaw ni Miss Camellia sa pananahimik niya.
Naiilang siyang makipag-usap kay Miss Camellia. Hindi siya manhid kaya ramdam niyang ayaw sa kanya ng babae.
"Hindi ka naman siguro bingi, 'diba? Narinig mo ang pag-uusap namin ng pamangkin ko, bisita ka niya kaya marapat lang na dito ka sa guest room mag stay."

Comentário do Livro (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes