logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 12

HINDI inaasahan ni Carmella na bubuhatin siya ni Prince at pinaupo sa ibabaw ng kama.
Bahagya siyang tumagilid at napakagat labi dahil sa naramdaman niyang kilig.
"Maraming salamat," nagkunwari siyang matamlay. Tinulungan siya nitong mahiga sa kama. "Maari mo na akong iwan para makapag-almusal ka na, Dok."
Napansin niyang parang alanganin itong lumabas ng silid.
"Okey na po ako,"
"Sigurado ka, mi amor?"
Tinawag na naman siyang mi amor ng lalaki, kahit hindi niya alam kung ano ibig sabihin ng salitang 'yon mayroon itong hatid na kiliti sa pandinig niya. Parang musika na masarap pakinggan.
"Mi amor?"
"Ah, eh-" nabigla siya. "O-opo, okey na ako."
Ang hindi alam ng lalaki ay nag-iinarte lang siya. Hindi naman sumasakit ang ulo niya, gusto lang niya maka-points sa guwapong Doktor niya. Dumada-moves ba.
Hindi niya maikakailang humahanga siya kay Prince. Katulad nito ang lalaking pinangarap niya na sana ay maging unang nobyo niya, s'yempre maging asawa na din.
Nalungkot siya bigla nang maalala na magkaiba ang estado ng buhay nilang dalawa ni Dok, Prince. Langit at lupa ang pagitan nila. Kung sana pinanganak din siyang mayaman para bagay sila.
"Sige, maiwan na muna kita. Magpahinga ka, papupuntahan kita rito kay Tita Camellia, mamaya."
"Naku! Huwag na po!" Agad niyang sansala sa sinabi nito. "Kailangan din ni Miss Camellia ng pahinga. Okey lang po talaga ako, promise!
Ngumiti siya labas na yata pati gilagid niya.
Kumibit-balikat si Prince
"Ikaw ang bahala," sabi nito. "Sige labas na ako,"
Tumango siya.
Muli itong nagpaalam sa kanya na lalabas na ng silid, humahakbang ito ng patalikod kaya nakaharap ito sa kanya.
"Dok, palayo kayo ng palayo sa pinto," natatawa niyang sabi.
Ngumiti ito sa kanya na kumakamot sa batok nito. Tumalikod na at tuluyan na ngang lumabas ng pinto.
"Hay!" Mahigpit na niyakap niya ang malambot na unan. "Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkagusto ang isang babae sa lalaki. Ang hirap ipaliwanag. Basta ang alam ko masaya lang ako."
Nagpagulong-gulong siya sa ibabaw ng kama habang humahagikgik. Hindi niya namalayan na nasa gilid na siya ng kama.
"Aray!" Patagilid siyang bumagsak sa sahig.
DUMIRETSO si Prince sa kusina. Naabutan niya ang tiyahin niya na abala sa pagluluto.
"Ang aga mo yatang gumising?" tanong sa kanya ng tiyahin kahit na nakaharap ito sa niluluto.
"Maaga kasi akong nakatulog kagabi, Tita," sagot ni Prince. Kumuha siya ng tasa at nagsalin ng kape mula sa coffee maker.
"Pinuntahan mo siya sa silid?" tukoy ni Camellia sa dalaga.
"Yes," sagot ni Prince. Humugot siya ng silya at naupo. "Nagkuwentuhan kami saglit. Nabanggit ko sa kanya ang tungkol kay Lolo Roque,"
Natigil sa paghahalo ng sinangag na kanin si Camellia. Humarap ito sa pamangkin.
"Hulaan ko, binanggit mo sa kanya ang tungkol sa love story ng lolo mo?"
Humigop muna ng kape si Prince bago magsalita.
"No," sagot niya. "May napag-usapan lang kami at nabanggit ko lang si Lolo. Biglang sumakit ang ulo niya kaya iniwanan ko na siya sa silid para makapagpahinga."
Pero hindi naniwala si Camellia sa sinabi ng pamangkin. Muli nitong hinarap ang pagluluto.
"Sandali na lamang at maluluto na ang sinangag,"
"Sabayan mo ako kumain, Tita,"
"O sige, hindi pa din naman ako nakakapag-almusal."
"Tita, babalik ako ng Maynila mamaya."
"Kababalik mo lang kahapon, aalis ka na naman?"
"Binago kasi ang araw ng Annual Medical Mission namin. Dapat sa susunod pa na linggo. Naka-chopper plane naman ako kaya makababalik agad ako rito sa Isla."
"Kasama mo ba si Nicole?" tanong ni Camellia. Inilapag nito sa mesa ang bandehado na may laman na sinangag na kanin.
Tumayo si Prince. Kumuha siya ng plato. "Yes, kasama si Nicole. Lagi naman siyang sumasama kapag may mga Medical Mission."
Naupo sa silya si Camellia. Nilagyan nito ng kanin ang plato ng pamangkin. Muli itong tumayo upang kunin ang piniritong longganisa at itlog.
"Para kayong kapit-tuko. Lagi magkasama sa hospital, sa mga Medical Mission. Bakit hindi mo magawang magustuhan si Nicole?"
Naupo sa silya si Prince, saglit niyang tinapunan ng tingin ang tiyahin.
"Matalik kaming magkaibigan ni Nicole. Kahit noong nasa high school palang kami lagi na kami magkasama ngunit wala akong ibang nararamdaman na espesyal sa kanya."
"Baka naman may pagtingin ka sa kanya, hindi mo lang mapagtuunan ng pansin dahil ang isipan mo ay nakakulong sa fantasy mo na ang magiging asawa mo ay bigay din ng dagat. Iniisip mo na ang kapalaran mo ay halintulad ng sa iyong ama."
Hindi natuloy ang pagsubo ng pagkain ni Prince. Muli niyang inilapag sa plato ang kutsara.
"Dahil 'yon din ang kapalaran ko, Tita.  Halos lahat ng mga lalaki sa pamilya Fuentevilla ang mga napangasawa nila ay bigay din ng dagat. Iba-ibang dahilan, iba-ibang insidente pero lahat ng love story nila ay may kinalaman ang dagat."
"Naku bahala ka na nga," pagsuko ni Camellia sa pamangkin. "Ang sa akin lang naman ay baka nabibigla ka lang. Baka kung kailan ikinasal ka na kay Carmella, t'saka mo ma-realize na si Nicole ang mahal mo at hindi ang babaeng pinadpad ng alon rito."
"I'm sorry to dissappoint you, Tita, hindi lingid sa pakiramdam ko na ayaw mo kay Carmella para sa akin. Pero kahit na ano pa ang sabihin mo hindi magbabago ang pasya ko na pakasalan siya. Mahal ko na siya kahit ilang araw ko palang siya nakakasama,"
Naiiling ang ulo na itinuon na lamang ni Camellia ang kanyang pansin sa pagkain. Hindi na siya nakipagtalo dahil alam niyang hindi siya pakikinggan ni Prince.
"O siya, tapusin mo na ang iyong pagkain. Mamaya ipahahanda ko na kay Maila ang mga gamit na kakailanganin mo." Ito na lamang ang nasabi ni Camellia.
Tahimik na nga nilang tinapos ang pag-aalmusal.
PAGKATAPOS kumain ay bumalik si Prince sa silid ng dalaga. Kumatok siya sa pinto pero hindi ito sumagot.
"Mi amor,"
Wala pa din sagot kaya pinihit na ng binata ang seradura. Napangiti siya nang makita ang dalaga na himbing sa pagtulog.
Muli niyang isinara ang pinto. Tinungo niya ang kanyang kuwarto. Nakapamulsa na naglakad siya palapit sa bintana. Saglit niyang pinagmasdan ang karagatan.
Kring! Kring!
Napalingon si Prince sa bedside table kung saan nakapatong ang kanyang mobile phone.
"Napatawag ka, Nicole?" tanong niya nang sagutin ang tawag nito.
"Gusto ko lang malaman kung makakasama ka sa amin sa Medical Annual Mission." Sagot ni Nicole sa kabilang linya
"Yes," sagot niya. "Dederetso na ako sa Bayan ng San Roman. Doon nalang tayo magkita,"
"Sige. Pero puwede ba akong sumama sayo pagkatapos ng ating Medical Mission? Namimis ko na si Tita Camellia, ilang weeks ko na din siyang hindi nakikita. Alam ko na kasama mo siya riyan sa Isla."
Bahagyang natigilan si Prince. Hindi niya alam kung ipapabatid ba niya sa kausap na may panauhin sila sa Destiny Island. Si Carmella, at hindi lang basta panauhin dahil espesyal ito sa kanya.
Nag-alangan siya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may pagtangi sa kanya si Nicole. Matagal na niya 'yon napapansin.
"Are you still there, Prince?"
"Y-yes," sagot niya. Nag-isip siya ng maidadahilan sa kausap. "Hmm, sorry pero hindi kita maisasama dahil may importante pa akong lakad after ng Medical Mission natin."
Narinig ni Prince ang pagbuntong-hininga ng dalaga. Alam niyang nalungkot ito. Ayaw lang naman niya na mabigla ito kung makita nito si Carmella sa Isla.
"Ganun ba," sabi nito. "Sige, next time na lang Prince. I'll end this call now para makapaghanda ka na sa pag-alis mo diyan sa Isla. Pakisabi kay Tita Camellia na kinamusta ko siya."
"Makakarating sa kanya,"
"Salamat," at nawala na sa kabilang linya si Nicole.
Napabuga ng hangin si Prince.
Naiiling ang ulo na ibinaba niya sa bedside table ang mobile phone. Tinungo niya ang closet at kumuha ng maisusuot, pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo para maligo.
TANGHALI na nang magising si Carmella. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.
"Hmmmm!"
Nag-iinat siya ng mga braso nang mahagip ng mga mata niya ang mga red roses na nakapatong sa tokador. Nangunot ang noo niya.
Bumaba siya ng kama.
"Ang gaganda naman nito," tukoy niya sa red roses na ngayon ay hawak na niya. "Para sa akin ba ito?"
Nasundan ng paningin niya ang maliit na card na nahulog sa sahig. Dinampot niya ito at binasa.
"Your so special to me, Mi Amor..."
Prince,
Kinilig ang puso niya sa nabasa. Espesyal raw siya kay Dok, Prince. 'Yon ang unang beses niyang nakatanggap ng bulaklak. Kapag laging ganito sa kanya ang lalaki baka hindi na niya mapigil ang sarili na umibig rito.
Knock! Knock!
Napatingin siya sa pinto.
"Carmella!"
Nakilala niya ang boses nito. Si Maila.
"Pasok ka, Maila, bukas 'yan!" sagot niya. Inamoy niya ang talulot ng bulaklak.
"Mukhang kinikilig ka ah," narinig niyang sabi ni Maila. Inilapag nito sa maliit na mesa na naroon sa silid ang dala nitong tray na may pagkain.
Nakangiti siyang humarap kay Maila.
"Ngayon ko lang kasi naranasan mabigyan ng bulaklak," pag-amin niya. Inilapag niya ang bulalak sa ibabaw ng kama. "At galing pa kay Dok, Prince,"
Ngumiti ng makahulugan sa kanya si Maila.
"Kumain ka na dahil iinom ka pa ng gamot," sabi nito. "Babalikan nalang kita dito mamaya."
"Maraming salamat, Maila,"
Tumango lang si Maila at lumabas na ng silid.
Isang sulyap muna sa mga bulaklak bago siya nagsimulang kumain. Naroon pa din ang kilig sa puso niya.

Comentário do Livro (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes