logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 five

Napamulat ako sa tunog na nililikha ng alarm clock ko kaya't marahas ko iyong pinatay saka muling isinubsob ang mukha ko sa unan.
Damn this thing! Bakit ba hindi ko pa itinatapon iyan e hindi naman ako pumapasok? Masyado pang maaga para gumawa ng kalokohan.
Bago pa man ako mahilang muli ng antok ay sunod sunod na kalampag sa pintuan ko ang ikinabangon ko ng nai-inis.
"Bwisit!" Inis kong sambit saka tumayo ng naka pikit pa ang isang mata habang nag kakamot sa ulo.
Peste talaga kahit kailan si tandang Leon. Huwag lang talaga siyang magkaka mali na bungangaan ako ngayon dahil makakalimutan kong tatay ko siya!
Binuksan ko ang pintuan at inis na tinignan ang taong nasa labas pero napa pikit ako ng mariin sa nakita ko.
"Manang Delia, ayoko!" Agaran kong sambit nang bumungad sa akin si Manang na naka pamaywang.
"Tigilan mo ako Baste sa kaartehan mo. Maligo ka na kung hindi ay bubuhusan na kita ng tubig sa kama mo." Malinaw at detalyado niyang pag babanta.
Napa kamot ako sa ulo saka tumango.
"Hihintayin kita sa baba, ipinag luto na kita ng sinangag at longganisa." Naka ngiti na niyang saad sa akin.
"Opo." Sagot ko saka tumalikod at inaantok na nag tungo sa banyo.
Manang Delia lang talaga malakas. Tuwing umaga matiyaga niya akong ginigising at ipinaghahanda ng mga paborito kong almusal. Matiyaga din naman si Dad. Sa isang pamilya niya nga lang saka sa pag buhunganga sa akin. Dinaig pa inahing manok sa kaka putak!
Matapos akong maligo ay tinatamad akong bumaba. Inaantok pa din talaga ako.
Sinalubong ako ni Manang Delia na parang isang batang kakatapos lang maligo mag isa na sobrang bine-verry good niya.
"Kumain ka na Baste, mahuhuli ka na sa klase mo." Wika niya sa akin.
Napa ngiti na lang ako. Alam talaga ni Manang Delia kung paano ako kunin. Palibhasa siya lang yung nandidito sa tabi ko sa lahat ng oras. Hindi kagaya ng magaling na si Leon na nasa babae niya.
"Hayaan mo na pong mahuli, manang." Sambit ko ng pabiro pero tinuktukan niya ako gamit ang kutsara kaya napa hawak ako sa ulo ko.
Ang sakit din nun a!
"Manahimik ka." Sabi niya ng may diin habang sinasandukan ako ng sinangag sa plato ko.
Matapos iyon ay nag simula akong kumain habang abala naman siya sa iba pa niyang ginagawa sa bahay.
Wala talaga akong balak pumasok kaya lang ay kinikilabutan ako sa bawat tingin ni Manang. Tumayo ako at yumakap muna sa kaniya.
"Aalis na po ako Manang." Sabi ko habang naka yakap sa kaniya. "Salamat sa breakfast." Dugtong ko saka bumitaw.
Ngumiti siya sa akin saka nag wave.
"O siya sige na. Tamana sa kalokohan Baste ha? Uupakan na kita." Sabi niya sa akin na sa una ay malambing pero nang banggitin ang huling linya ay nag angat ng kamao sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata.
Natatawa akong tumalikod at kumaway sa kaniya.
"Bye, Manang!" Sigaw ko saka kumindat bago tuluyang lumabas ng bahay.
Napa iling ako at napa kamot sa ulo ko ng pang isang libong beses na yata ngayong umaga. Pano ba naman? Nandito ako sa school grounds e samantalang ayokong pumasok. Gusto ko magpasakit ng ulo.
Bahala na nga, wala na din naman akong mapuntahan dahil halos lahat ng sulok sa bayang ito ay na ban na ako dahil sa mga kalokohan ko.
Nag lakad ako patungo sa klase ko pero namataan ko si Rian and Pauleen sa Hallway. Nag lalakad silang dalawa habang nag uusap. Wala naman akong balak makinig pero dahil sa nasa likuran nila ako ay hindi ko maiwasang madinig ang pinag uusapan nilang dalawa.
"It's Jade's Birthday, Rian." Wika ni Pauleen.
Whoa! Really? Birthday ni Jade ngayon?
Sa pagkaka dinig sa pangalan ni Jade ay nakuha ang buong atensyon ko. May something talaga sa kaniya na tila magnet sa akin. Masyado akong interesado sa kaniya. Well, dati pa naman talaga. Napaka tahimik niya kasi.
"Talaga? Should we buy her a gift?" Utas naman ni Rian ng malamig at sarcastic. Napa irap si Pauleen.
"Confirmed! May kalawang utak mo." Sabi ni Pauleen kay Rian.
"E ano bang gusto mong gawin ko?" Naiinis na sambit ni Rian.
Nanatili lang akong naglalakad kasunod nila. Bakit ba? Ka klase ko sila!
"Hello? Rian? Natural, we should make it memorable!" Saad ni Pauleen saka pinalo sa braso si Rian.
"Aray!" Reklamo naman ng kaibigan niya.
Tumawa lang si Pauleen kaya napa iling si Rian.
"Basta, mamaya, let's surprise her." Sabi ni Pauleen ng humahagikhik sa tabi ni Rian. Ngumisi si Rian na tila ba gusto ang ideya.
Napa irap ako. Totoo nga na ang mga tarantado ay galit sa kapwa tarantado. Napa iling ako sa kanila at sa sarili ko. Anong karapatan kong isipin na 'ano bang ginawa sa kanila ni Jade' gayong ako dapat ang tinatanong ng 'ano bang ginawa ko sa mga taong pineste ko?' nakaka tawa.
Mabilis akong nag lakad palagpas sa kanila na sa gitna pa nila dumaan.
"Sorry, girls." Sabi ko saka kinindatan sila at tumakbo na papunta sa classroom na hindi naman na nalalayo sa amin.
Dere deretso ko iyong pinasok at napa hinto lang nang marating ko ang tapat ng upuan ko. Nakita ko si Jade na abalang nag susulat sa desk niya. Wala siyang katabi kaya't lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
Kilala ko ang sarili ko bilang kumikilos ng hindi nag iisip pero nasobrahan na yata ako?
Sandali siyang napa tigil nang umupo ako pero hindi niya ako nilingon bagkus ay ipinag patuloy ang pag susulat.
Sinilip ko ang sinusulat niya.
"Oh, may assignment pala tayo sa General Mathematics?" Sambit ko habang naka tingin sa notebook niya.
Hindi siya umimik.
Nag kibit balikat na lang ako saka inilagay sa desk ang bag ko. Itutuloy ko ang naudlot kong tulog. Inaantok pa ako dahil sa napuyat ako sa pag lalaro ng COD kagabi.
Nang magising ako ay maingay ang classroom. Nag tatayuan na ang lahat at isa isa nang umaalis sa silid. Sinilip ko ang relo ko at nakitang lunch break na.
Nag unat unat ako. Napa lingon ako kay Jade na nag liligpit na ng gamit na kagaya ng dati ay wala pa ding imik.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Now that I have enough energy, makakagawa na ako ng isa pang kalokohan na ikakasakit ng ulo ng daddy ko. Pero bago pa man ako maka alis ay nakita kong lumabas si Rian at Pauleen sa classroom habang pasimpleng sumusulyap sa direksyon ni Jade na abala pa din sa pag aayos ng gamit niya.
Naalala ko ang pinag usapan nilang dalawa. Yeah, they're planning a birthday surprise for Jade. At alam ko, hindi maganda iyon lalo pa't sa utak na may sipon ng dalawang iyon nanggaling.
Nang matapos si Jade sa pag aayos ng gamit ay kinuha ko ang bag niya. Napa tingin naman siya sa akin na naka kunot ang noo.
Natigilan din ako sa ginawa ko pero alam ko kasi na kapag hinayaan ko lang na mangyari ang propesiya ng dalawang babae na iyon ay kawawa si Jade.
Nag lakad ako palabas sa desk saka siya nilapitan.
"Sama ka sakin." Sabi ko saka kinapitan siya sa pulso at hinila palabas ng classroom.
Sumunod naman siya pero naka kunot ang noo.
"Saan mo ako dadalhin, Baste?" Utas niya sa akin ng naguguluhan pero hindi natatakot. Walang bakas ng takot. Kung sa iba kasi ay kakabahan lalo na't lalaki ako na bigla bigla siyang hihilahin.
"Basta." Sabi ko saka nag dere deretsong nag lakad sa hallway.
Plano ko siyang dalhin sa may garden at doon magpalipas ng oras hanggang mag uwian pero nakita ko si Rian at Pauleen na nag lalakad naman pasalubong sa amin. May hawak silang paper bag.
Mabilis akong nag U turn at kinaladkad siya papunta sa may likod ng school.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Malamig niyang sambit sa akin nang marating namin ang likuran ng school.
Ang totoo, hindi ko din alam. Sa labas?
"Wala akong balak sayo, Jade. Mamaya ko na sasabihin." Sabi ko saka inakyat ang bakod.
Hindi naman ganoon ka taas. Sakto lang. Inilahad ko sa kaniya ang kamay ko nang maka akyat ako. Tinignan niya muna ang kamay ko bago inabot at umakyat sa tulong ko.
Hinila ko siya pataas hanggang sa pareho na kaming naka upo sa ibabaw ng bakod. Muntik pa siyang mahulog kaya napa kapit ako sa baywang niya at siya naman ay napa yakap sa braso ko.
"Wag ka kasing malikot." Saway ko sa kaniya saka tinantiya ang pag talon pababa. Inihagis ko muna ang bag namin bago ako tuluyang bumaba saka siya inalalayan din sa pag baba.
Naka baba siya at kinuha sa akin ang bag niya saka isinukbit sa balikat niya.
Did I just took her out of the school? Wait! Hindi siya nag complain.
"Bakit?" Sambit niya nang mapag tantong tinititigan ko siya.
Napa kunot ang noo ko. Ngayon ko lang na realize, bakit parang gawain niya to?
"Gawain mo din ba ang mag cut ng klase?" Tanong ko sa kaniya habang pinululot ang bag ko.
Umiling siya sa akin. Kung ganoon ay paanong hindi?
Nang maisukbit ko ang bag ko sa balikat ko ay nakita ko siyang nag lalakad paalis. Saan naman siya pupunta?
"Jade!" Tawag ko saka humabol sa kaniya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko saka sinabayan siya sa pag lalakad.
"Hindi ko alam." Tipid niyang sabi habang tahimik na nag lalakad.
"Hindi mo alam?" Nguguluhan kong tanong. "Hindi ka uuwi?" Tanong ko pang muli.
Huminto siya sa paglalakad saka ako hinarap.
"Hindi." Sabi niya.
Napatitig ako sa misteryoso niyang mga mata. Maikli ang sinabi niyang iyon pero may nahinuha akong isang bagay sa utak ko.
"Bakit? Ayaw mo ba sa bahay niyo?" Sambit ko.
"Not just home... I hate everything." Sabi niya.
Teka nga! Bakit ba napaka lalalim ng mga pinagsasasabi niya? Ano bang nasa likod ng bawat salitang binibitawan niya? Pakiramdam ko kasi ay napaka daming naka kubli sa likod noon.
"Hindi ko maintindihan, Jade." Wika ko habang naka tingin pa din sa maamo niyang mukha na walang kahit anong emosyong ipinapakita.
Ngumiti siya ng pilit saka sinabing:
"Hindi mo maiintindihan."

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    Jonjon Bao

    uigdhi

    25/07

      0
  • avatar
    Johara Vicente

    Hi thank you

    22/07

      0
  • avatar
    AlvesRaissa

    é um livro muito bom

    16/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes