logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Choosing my Forever (Book Two)

Choosing my Forever (Book Two)

jhelly_star


Simula

Simula
--
Nakapikit kong sinalubong ang malamig na simoy ng hangin ng umaga. Iyon na naman yung pakiramdam na para akong nitong niyayakap. Nakakarelax at nakakagaan ng pakiramdam.
Ngunit kahit gaano yata ito nakakagaan sa pakiramdam, ang sakit sa puso ko ay hindi pa rin nito kayang pawalain.
Dahan dahan, naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Kahit nakapikit, hindi ko pa rin ito napigilan. Nang dahil sa paulit ulit na kirot ng puso ko, ang mga luha ay ayaw na namang tumigil.
Siguro nga ganon talaga. May mga bagay tayo na hindi pwedeng makuha, lalo na at alam mong hindi nararapat sayo ang bagay na iyon. Ang mayaman ay para lamang sa mayaman. At ang isang tulad ko na mahirap at hindi maayos ang pamilya ay nararapat lang rin sa mga katulad ko.
Nakakatawa.
Naiintindihan kong iba iba ang isip ng mga tao, iba iba ang opinyon natin sa mga bagay bagay at hindi pare pareho ng ugali. Pero tama bang pumagitna sa dalawang tao? Tama bang pigilan sila nang dahil lang sa paniniwala mo?
Hindi ba pwedeng respetuhin nalang natin ang bawat isa? Respetuhin ang opinyon ng isa't isa at respetuhin ang bawat estado ng buhay nila? Hindi ba pwedeng ganon nalang? Yung hindi namimilit? Hindi nanghuhusga? At hindi nananakit? Kasi sa totoo lang? Sobrang sakit.
Totoo ngang napaka lupit na ng mundo. Marami nang tao ang walang respeto sa kapwa, nahumaling na sa pera at wala nang pagmamahalan. Bakit ako nabuhay sa modernong panahon na ito? Pwede ko bang hilingin na sana nabuhay nalang ako sa nakaraan? Kung saan lahat ng tao ay puro lang pagmamahalan? Yung walang inggit, walang mayabang, walang masasama at walang nanghuhusga?
Kaunti nalang ang taong simple lang ang gusto. Ang mamuhay ng tahimik at masaya. Yung hindi nanghihingi ng higit pa at kuntento na sa kung ano man ang meron sila.
Dumilat ako at mas lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ako makapaniwalang napunta ako sa sitwasyon na ito. Ang akala ko magpapatuloy ang kasiyahan na nararamdaman ko pero hindi pala.
Siguro nga ganon talaga ang buhay. Minsan nasa taas ka, at minsan naman nasa baba. Pagsubok kung baga. At wala kang magagawa kundi tanggapin iyon at matapang na harapin dahil iyon lang ang tanging paraan para marating mo ulit ang masayang buhay na gusto mo. Kahit masaktan ka pa, o kahit mawasak ka pa, wala kang magagawa kundi tanggapin ang lahat.
Mas lalo akong napaiyak nang makita ang mukha ni Joshua noong sinasabi ko sa kanya ang mga masasakit na salita na halos durugin rin ako. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi lahat. Alam ko kung gaano sya nasaktan at mas lalo akong nasasaktan roon.
Kalungkutan, sakit, takot at galit. Iyan ang mga nakita ko sa kanyang mga mata nang sabihin kong gusto ko nang maghiwalay kami. Gustuhin ko man syang balikan ngayon din para bawiin lahat ng sinabi ko, alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko. At hindi ako sigurado kung babalikan nya pa ako sa lahat ng mga sinabi kong masasakit na salita. Galit na siguro sya sa akin ngayon.
Yumuko ako at nilagay ang dalawang kamay sa mukha. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. At ang kirot sa dibdib ko ay mas lalo lang lumalala habang nagtatagal. Hindi ko mapigilan at wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak.
Matagal na simula nang maramdaman ko ang ganito katinding sakit. Natatandaan kong nasaktan rin ako ng ganito noong iniwan kami ni Papa. At hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ito sa pangalawang lalaking mamahalin ko.
Inalis ko ang kamay sa mukha at pinunasan ang basang basa kong pisngi. Suminghot ako kahit sobra nang nagbabara ang ilong ko sa kakaiyak. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim at tinampal tampal ang dibdib ko.
Ayos lang yan, Amora. Kaya mo yan. Nakayanan mo na ito noon, makakaya mo ulit ito ngayon. Ikaw pa. Eh, ang lakas lakas mo kaya.
Pakiramdam ko kahit anong pagpapalakas ko sa sarili ko, hindi pa rin ako magtatagumpay. Bibigay at bibigay pa rin ako.
Natakpan ko ulit ang mukha ko at hindi na napigilan ang mahinang hagulgol. Ang sakit sakit. Paulit ulit na tinutusok ang puso ko. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang sakit na ito. Pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay ako.
"Anak..." narinig ko ang boses ni Mama sa likod ko.
Agad akong umayos at pinunasan ang mga luha ko kahit pa alam kong alam nyang umiiyak ako. Bakas rin sa mukha ko panigurado iyon dahil ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng buong mukha ko. Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin kay Mama.
Nasabi ko na sa kanya ang lahat pagkarating ko kagabi. Sa kanila ni Amara. Iyak ako nang iyak kagabi at kung hindi nya lang ako binantayan habang sinusubukan kong matulog, baka hindi ako nakatulog at umiyak lang buong gabi.
Malungkot at nasasaktan rin sya para sa akin. Kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata. Gusto ko nang tumigil dahil ayoko syang nasasaktan pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Sobrang nasasaktan ako.
Umupo sya sa tabi ko at hinarap ako. Nangingilid rin ang kanyang luha, talagang nasasaktan rin sya para sa akin.
"Mama..." para akong batang nanghingi ng tulong sa kanya.
Kahit alam kong wala naman syang magagawa sa nararamdaman ko, sinubukan ko pa rin at inisip na lamang na isa lamang itong maliit na bagay. Na inagawan lang ako ng candy ng kalaro ko at humihingi ako ng tulong sa kanya.
Hinaplos nya ang buhok ko at bahagyang ngumiti sa akin.
"Alam ko ang nararamdaman mo, anak. Alam kong sobra kang nasasaktan. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Nandito lang si Mama para sayo..."
Humagulgol ako at niyakap sya. Mahigpit ko syang niyakap para kumuha ng lakas. Ito ang kailangan ko ngayon. Ang kayakap at karamay. Ang mapapagsabihan at makakaintindi sa akin.
"Mama wala naman akong kasalanan..." patuloy akong umiyak. "Wala naman akong ginagawang masama. Pero bakit sinasaktan ako ng ganito? Bakit hindi ko pwedeng makuha ang gusto ko? Hindi ba talaga yon nararapat sakin?"
Hindi sya nagsalita. Mas hinigpitan nya lang ang yakap sa akin at hinalikan ako sa buhok.
"Mama kailangan ko pa bang maging mayaman para maging pwede?"
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa ganoong posisyon. Basta ang alam ko lang ay patuloy akong umiyak at nagsalita. Nilabas ko lahat ng nasa isip at puso ko at paniguradong sobra na ang pamamaga ng mga mata ko.
Akala ko hindi na ako titigil. Akala ko magpapatuloy ako sa pag iyak. Ngunit sa isang iglap ay bigla nalang nawala ang sakit. Siguro sa sobrang sakit, naging manhid nalang ako. Wala na akong maiiyak pa.
"Anak..." hinaplos haplos ni Mama ang buhok ko.
Nanghihina akong tumingin sa kanya. Nahimasmasan na ako. Yun nga lang, hindi ko magawang magsalita. Hindi ko na magawang ngumiti. Tulala lang ako at ang kalungkutan ay nasa sistema ko pa rin. Pakiramdam ko hindi na yon mawawala pa.
"Alam mo kasi... hindi basehan ang estado ng buhay sa pag ibig..."
Alam ko yon. Pero bakit ganon sila?
"Napatunayan iyon ni Joshua, hindi ba? Minahal ka nya bilang ikaw. At hindi nya tinignan kung anong klase ng pamumuhay ang meron ka. Binalewala nya ang kahirapan natin at imbes ay tinignan ka nya," ngumiti sya. "Masasabi kong sa ilang oras nyong pagbisita noon, mahal ka nya, Amora,"
Yumuko ako.
"Pero may mga bagay pa kayong dapat pagdaanan. Mga bagay na matutunan. Hindi pwedeng palagi lang kayong masaya. May mga pagsubok rin na dadaan sainyo at para sakin, siguro dito na susubukin ng tadhana ang pagmamahalan ninyong dalawa..."
Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti si Mama. "Sana sa susunod na mga araw, makangiti ka na, anak. Sa isang araw mo palang rito kasi ay hindi ko na kayang makita ka ng ganyan,"
Hinaplos nya ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan roon.
"Umaasa akong ngingiti ka pa rin, anak. Dahil kung talagang tunay ang pagmamahalan nyo sa isa't isa at kayo talagang dalawa.. kayo naman sa huli, hindi ba?"
Ngumiti sya sa akin.
"Iiyak mo lang, tapos tulungan mo ang sarili mong bumangon ulit. Subukan mo ulit ngumiti at maging masaya. Mag isip ka ng positibo. Marami ka pang kailangang gawin sa mundo. Marami ka pang dapat na gawin, Amora..."
Nang dahil sa mga sinabing iyon ni Mama, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, bahagya akong nabuhay at bahagya akong napangiti.
Tama si Mama. Kailangan kong mag isip ng positibo. Pagsubok lang ito. Pwede akong umiyak, pero hindi yung sobra. Masasaktan ako pero kailangan ko pa ring magpatuloy. Hindi pwedeng iiyak nalang ako araw araw.
Sobrang sakit nung nangyari. Pero hindi pwedeng magmumukmok nalang ako araw araw. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong gumalaw. Kailangan kong magpatuloy. Dahil kung sya nga naman ang para sakin, sya pa rin naman sa huli, hindi ba?
Nagdaan ang araw na yon na napaka bilis para sa akin. Tulala pa rin ako. Kahit bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko, may bumabagabag pa rin sa akin. At iyon ay ang mga sinabi ni Mr. Antonio Salvador.
Pumikit ako at umiling. Napaka lupit talaga ng mundo. Kahit anong gawin kong pagpapatapang, kahit anong gawin mong paglaban, hindi ka pa rin nya hahayaan.
"Amora!" Ang tumatakbong si Bea ay sinalubong ako ng yakap.
Nagwawalis ako sa harapan ng bahay namin nang dumating sya at ng iba ko pang mga kaibigan. Nagulat ako.
"A-Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ko at tumingin sa likod ni Bea kung saan nandoon rin sina Pearl, Joy, Sofia at Thea.
Niyakap rin nila ako.
"Sabi ni Tita Anna kagabi dumating ka. Excited akong makita ka kaso tulog ka na daw kaya ngayon ko nalang naisipang pumunta, sinama ko rin sila," si Thea.
Tumili si Pearl. "Ano? Bakit ka umuwi? Pinayagan ka? Whaa! Bonding tayo!"
Sabado ngayon kaya walang pasok. At sigurado akong wala pa silang alam tungkol sa mga nangyari. Ngunit nang makita ko ang pag aalala ni Thea ay nalaman kong may alam na sya. Siguro nagsabi na si Mama kagabi.
"Ano ka ba, Pearl!" Saway ni Sofia. "Kasasabi lang kanina ni Thea na may problema si Amora. Anong bonding?"
"Oh!" Tumingin sa akin si Pearl. "What happened?"
Bahagya akong ngumiti at tinabi ang walis sa tabi.
"Upo muna kayo," sabi ko at nauna nang umupo sa lamesa.
Umupo naman sila. Sa tabi ko ay si Thea at Bea. Sa harap naman namin ay si Pearl, Joy at Sofia. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa harap at malungkot na ngumiti sa kanila.
Hindi tulad kahapon, medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Wala pa rin akong lakas at gana pero pinipilit kong kumilos at maging masigla ulit. Pero sadyang hindi ko pa yata kaya. Bumuntong hininga ako.
Nag aalalang tumingin sa akin si Thea. Ngumiti ako sa kanya para sabihing ayos lang ako. Mukhang alam na nga yata nya ang nangyari.
Kinwento ko sa kanila ang nangyari. Pinilit kong sabihin sa kanila ang lahat kahit sobra akong nahihirapan. Alam kong ang magkwento ng ganito ay makakagaan sa pakiramdam ko. At tama nga ako. Nang matapos ako ay bahagya akong nakahinga ng maluwag. Nangilid man ang mga luha ko, naitawid ko naman ng maayos ang lahat.
Hindi sila nakapagsalita. Mga naka awang ang labi nila at gulat sa mga sinabi ko.
Malungkot akong ngumiti. "H-Hiniwalayan ko sya..."
"Oh my gosh..." naitakip ni Sofia ang kamay nya sa kanyang bibig.
Nagtiim bagang si Bea. "Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ng isang Salvador. Ang taas taas ng tingin ko sa kanila tapos ganon pala!?"
"Bea..." sambit ko.
"Argh! Akala ko mabait ang matandang yon! Sobra sya, ah!"
Bumuntong hininga ako. Alam kong hindi ko sya mapipigilan rito.
"Bumalik ka kay Joshua, Amora. Tell him the truth," si Joy.
Umiling ako. "Alam nyong hindi pwede..."
"Then what are you gonna do, Amora? Hayaang magkahiwalay kayong dalawa!?" Si Bea na iritadong iritado talaga.
Yumuko ako. "Wala naman akong ibang magagawa..."
Bumuntong hininga sila.
"Hayaan na muna natin si Amora. She's hurt," si Pearl.
Umiling iling si Bea at inayos ayos ang buhok ko. Bumuntong hininga sya.
"Eh, anong plano mo? Umalis ka roon kaya paniguradong hindi ka na papasok sa school nila. Saan ka mag aaral? Mag e-enroll ka rito?"
Umiling ako. Pagkatapos naming mag usap ni Mama kahapon, pinag isipan ko na ito. At nakapag desisyon na ako.
"Gusto ko sanang... pumuntang Maynila..." sabi ko.
"Oh?" Si Bea. "Nasa Manila ka na, Amora," halatang hindi sya sang ayon sa gusto ko.
"Sa Maynila, Bea. Sa exact na Maynila. Hindi rito,"
"Delikado roon, Amora," si Pearl. "Malaking syudad iyon at ano namang gagawin mo don?"
"Mag iingat naman ako. Tsaka isasama ko naman sina Mama at Amara. Wag na kayong mag alala,"
Kahit hindi ko pa ito nasasabi kina Mama.
"Aano ka nga roon?" Si Sofia naman. "Tama sila. Delikado roon!"
Ngumuso ako.
"Bakit naman doon mo pa napiling pumunta, Amora?" Si Thea. "Pwedeng pwede kang mag aral rito!"
"Oo nga," pang sang ayon ni Joy. "Libre pa, hindi ka na gagastos,"
"Pero... gusto kong magtrabaho. Hindi na pwedeng bumalik si Mama sa paglalabada," sabi ko.
"Maraming trabaho rito, Amora. Hindi mo na kailangan pang lumayo!" Si Bea.
Yumuko ako. Tama naman sila pero... gusto kong lumayo. Gusto kong makalimot dahil kahit wala ako sa Laguna, naaalala ko sya. Naaalala ko kung paano kami nagkulitan sa bahay na ito. At alam ko rin na hindi sapat sa kanya ang mga eksplenasyon ko. Hindi ako nag aassume pero alam kong pupuntahan nya ako rito.
Masasaktan lang ako ng paulit ulit.
Ang dahilan na yon ay hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Mas malaki ang kikitain ko roon kaya doon nalang..."
"Tsk," inirapan ako ni Pearl. "Ang layo layo, Amora! Malalayo ka na naman samin!"
"Yeah. Tsaka alam naming kailangan mo kami. We know you are still sad and you need a friend. Please dito ka nalang," si Joy.
Parang may humaplos sa puso ko. Dinaan ko iyon sa tawa at yumuko. Kahit papaano naman pala, mabait pa rin sa akin ang tadhana, swerte pa rin ako, dahil meron akong mga kaibigan na handa akong damayan sa mga problema ko. At nagpapasalamat ako roon.
Pero buo na ang desisyon ko. Gusto ko rin naman silang makasama, pero gusto ko ring magpatuloy. Pwede akong magpatuloy rito pero kung maaalala ko lang sya habang nandito ako, sa tingin ko hindi ko magagawang magpatuloy. Kaya mas mabuti nalang sigurong lumayo.
"Buo na ang desisyon ko. Pupunta akong Maynila..." sabi ko.
Bumagsak ang mga balikat nila. Para bang sobrang tigas ng ulo ko.
"Ano namang trabaho ang kukunin mo roon, Amora Braze? Malaki ang Maynila at maraming pwedeng trabaho pero delikado roon! Paano kung mapano ka?" Si Bea.
Ngumiti ako. "May pinatayo kayong coffee shop, hindi ba? Gusto ko sanang doon mag apply. Pwede ba ako roon? Para hindi na rin kayo mag alala sakin,"
Natigilan sya. "M-Meron pero... argh!" Inis nya akong tinignan. "Ewan ko sayo, Amora!"
Bahagya akong natawa. "Sige na. Mag iingat ako, promise..."
Tinignan ko silang lahat. Mga hindi sila sang ayon pero maya maya ay bumagsak na lamang ang mga balikat. Napangiti ako dahil alam kong naiintindihan na nila ako.
"Fine!" Si Bea. "I will talk to ate Bianca," inirapan nya ako.
Napangiti pa ako lalo roon.
Pagkatapos noon ay kinamusta nila ulit ang kalagayan ko. Hindi na sila masyadong nagtanong dahil alam kong alam nila ang nararamdaman ko. Alam nilang nasasaktan pa rin ako kaya nagkwento nalang sila ng mga masasayang bagay na nangyari sa kanila nung mga panahong wala ako. Naging masaya naman ako kahit papaano. Sobrang naa-appreciate ko ang ginagawa nilang ito. Napaka swerte ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang kagaya nila.
Kailangan kong magpatuloy. Nasasaktan ako pero buhay pa rin ako, kailangan kong kumilos para makatawid sa napaka lupit na pagsubok na ito. Kaya ko ito. Maraming bagay na akong napag daanan. At lahat ng iyon ay nalagpasan ko nang maayos kahit nasasaktan. Ito pa kaya?
Kaya ko ito. Makakalimutan ko rin sya. Oo, gusto ko syang kalimutan. Pero ipinapangako kong mananatili sya sa puso ko habang buhay. Hinding hindi sya makakalimutan ng puso ko. Sya lang ang nakakapag pasaya rito kaya sisiguraduhin kong dito lang sya. Kahit pa sobrang sakit, mananatili ang pagmamahal ko sa kanya. Mamahalin ko pa rin sya ng buong buo kahit pa alam kong sa huli, mas lalo lang akong masasaktan.
Bahagya akong ngumiti. Sana nga makayanan ko ito. Kasi aaminin ko, sobrang mahal ko na sya. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa sya. Naitakip ko na lamang ang aking kamay sa mukha.

Comentário do Livro (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes