logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 12

"Mabuti naman at nagising ka na." natatawang mukha ni Tantalium ang nabungaran ko pagkamulat na pagkamulat ko pa lamang ng aking mga mata. May hawak siyang mga kutsilyo at maingat na pinupunasan iyon gamit ang puting tela.
"Nasaan tayo?" kunot-noo kong nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Puro puti ang kulay ng pader nito at wala masyadong gamit. Pulos puti rin ang kulay ng kumot at kobre kama. Malinis at kakaunting gamit lamang ang tanging makikita sa buong paligid.
Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang aking isang kamay na may nakalagay ng kung ano mang bagay na hindi ko alam kung para saan. Nakakabit iyon sa makapal na balot na ang laman ay tubig
Kaagad ko iyong tinanggal sa aking kamay subalit napangiwi naman dahil sa sakit niyon.
"Ospital ang tawag sa lugar na ito kung wala nito sa bundok." nang-aasar na saad niya. Bahagya namang kumunot ang kaniyang noo nang masulyapang tinanggal ko ang ano mang bagay na nakalagay kanina sa aking kamay.
"Ano naman ang isang iyan." patungkol ko sa bagay na katatanggal ko pa lamang.
"Swero ang tawag riyan kung wala niyan sa inyo." iiling-iling niyang saad. Sinabihan niya rin akong hindi dapat iyon tinatanggal subalit hindi ko siya inintindi.
"At sino naman ang nagpalit ng mga damit ko?" inis akong tumitig sa aking mga damit na kulay asul at mistulang mga pantulog.
Tumingin ako kay Tantalium subalit iiling-iling lamang siyang ngumisi habang naglilinis ng mga patalim.
Maya-maya pa ay tumayo siya at iniligpit ang kaniyang mga kagamitan na nakalatag sa isang hindi kalakihang lamesa.
"Mauuna na ako. Ang sabi ng nurse na nagpalit ng mga damit mo ay mamaya ka pa raw alas otso ng umaga maaaring umalis. Isa pa ay inalam ko lamang naman kung gigising ka pa ba o hindi." saad niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko maunawaan kung bakit napakawalang kwenta ng taong ito.
"Kapag uuwi kana ay sundan mo lamang ang lana." nababarino ako sa tono niya na parang nang-aasar kaya naman hindi ko na siya pinigilan pang umalis.
Paniguradong puro walang kwentang mga bagay lamang ang sasabihin ng isang iyon habang nasa harap ko.
Nakatingin lamang ako sa kasasaradong pinto nang biglang bumukas iyon.
"Bago ko makalimutan, ang lagayang iyon ay may lamang mga pamapalit. Kulay itim  ang mga iyon sapagkat buong akala ko ay didiretso na tayo sa morgue--
Ihinagis ko sa kaniya ang mansanas na nakalagay malapit sa akin. Bago pa man iyon tumama sa kaniya ay naisara niya nang kaagad ang pinto.
Napakawalang kwenta ng matandang iyon kahit kailan. Pati ang mga sinasabi ay palaging walang kabuluhan.
Napadako ang aking paningin sa isang orasan na nakadikit sa pader ng silid. Alas siyete y media na ng umaga. Tatlumpung minuto na lamang naman ang bibilangin subalit hindi pa rin talaga ako hinintay ng matandang iyon.
Gaano katagal naman kaya akong nanatili rito?
Mabilis kong kinuha ang mga damit at nagbihis. Lumabas ako sa silid at napangiwi dahil hindi ko alam ang daan pauwi. Ang sabi ni Tantalium ay sundan ko lamang daw ang lana.
How would I ever do that if could only find that thing in the forest?
"Miss, saan ang daan palabas?" nalilito ako sa dami ng mga pasilyo sa lugar na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa ganitong klaseng pasilidad.
Malawak ito at malaki.
"Diretso lang, Ma'am tapos kumanan ka." saad ng unipormadong babae na napili kong pagtanungan.
Katamtaman ang bilis ng aking paglalakad sapagkat nararamdaman ko pa rin ang kirot sa aking likod. May nakalagay roong puting gasa at malinis na rin ang sugat nang makita ko sa salamin. Siguro ay tinanggal na iyon habang wala pa akong malay.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ng Leon na iyon sa akin. Kapag nakita ko siya ay paniguradong magsisisi ang nanay niya sapagkat dinala pa siya sa mundo. Hinding-hindi ko papalampasin ang ginawa niyang ito sa akin.
Dodoblehin ko ang balang tatama sa kaniya at pagkatapos ay babasagin ko rin ang kaniyang mukha.
Nang lumiko ako sa kanan ay nabungaran ko agad ang isang pamilyar na lalaki. Nasandal siya sa puting pader at nakahalukipkip. Mistulang may hinihintay na dumating.
Dumapo kaagad sa akin ang malamig niyang mga tingin nang huminto ako sa harap niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumingin sa orasan na nakalagay sa kaniyang palapulsuhan.
"You're not yet discharged." seryosong aniya.
Anong discharge naman kaya ang sinasabi niya?
Umiling ako at ngumisi saka nagpatuloy sa aking paglalakad. Kailangan ko pang alamin kung pamilyar ba ako sa daan pauwi. Masyadong mataas ang tingin sa akin ni Tantalium para hayaan akong mag-isa gayong hindi pa naman ako ganoon kapamilyar sa mga pasikot-sikot sa lugar na ito.
Inilibot ko ang aking paningin nang makalabas ako sa pasilidad. Nabungaran kong kaagad ang hindi pamilyar na tanawin. Ngayon pa lamang ako nakarating sa lugar na ito. Maraming sasakyan ang dumadaan sa kalsada subalit hindi ko alam kung paanong makakauwi. Kung sana ay dinala ng matandang iyon ang motorsiklong binigay niya edi sana ay mas maliit lamang ang problema ko ngayon.
Isa pa ay hindi ko man lamang namalayan na nakarating na pala kami sa lugar na ito. Ang huli kong natatandaan ay ang pagsikip ng aking dibdib habang inaalala ang mga pangyayari sa aking nakaraan.
Muli akong nabuhayan ng loob. Muling sumiklab ang matinding pagnanais kong matapos ang lahat ng ito. Kailangan ko itong tapusin.
Hindi pwedeng hindi.
Bahagya akong nagulat nang may humigit sa aking braso. Tuloy ay sapilitan akong nahila at nakaladkad upang sabayan ang bilis niya. Pabato niyang binitawan ang aking braso nang makarating kami sa tapat ng isang pamilyar na sasakyan.
"Get in." malamig na aniya.
Tumitig lamang ako sa sasakyan dahil bukod sa hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa ay hindi ko rin naman alam kung paano ko iyon bubuksan.
"I said get in." naiinis ang tono niya nang muli akong utusan. Mabuti na lamang ay siya na rin ang nagbukas ng pintuan sa aking harapan. Lihim kong tinandaan kung paano niya iyon ginawa upang hindi na ako mapahiya sa sarili sa susunod na sasakay ako sa mga ganitong klase ng sasakyan.
Iiling-iling akong napangisi saka tahimik na pumasok sa loob. Siya na rin ang mismong nagsarado noon bago umikot upang pumasok sa kabilang pinto. Tahimik siyang nagmaneho habang ako ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana. Kinakabisado ko ang mga daan na nalalampasan namin upang maging pamilyar ako sa lugar. Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay huminto siya sa isang hindi pamilyar na bahay.
Mabilis akong lumingon sa kaniya upang tingnan kung paano bubuksan ang pinto sa aking tabi.
Nang makuha kung paano iyon gawin ay mabilis kong binuksan ang pinto sa aking tabi.
Nasalubong ko kaagad ang malamig at mistulang galit na ekspresyon niya nang makitang bumaba na ako mula sa sasakyan niya. Nagtataka man ay hindi ko na lamang siya pinansin.
Saan naman kaya ang lugar na ito?
Pinakatitigan ko ang bahay na nasa aking harapan. Katamtaman lamang ang laki niyon at gawa sa kahoy, aluminum ang bubong at sementado ang sahig. Mula sa nakabukas na pinto ay lumabas ang isang pamilyar na babae.
"Feistrielle!" magiliw na aniya at mabilis na lumapit at yumakap sa akin. Naitaas ko ang aking dalawang mga kamay dahil sa gulat.
"Mabuti naman at nakalabas ka na. Dalawang araw rin kaming naghintay ng pamilya ko hanggang sa tuluyan kang makalabas ng ospital na iyon." emosyunal na aniya. Mas matangkad ako sa kaniya kung kaya't bahagya siyang nakatingala sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap at malapad ang pagkakangiting tumingin sa akin.
"Ako nga pala si Caryl." inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin habang nakangiti. Nagaalinlangan ko namang tinanggap iyon.
Maging ang tumugon sa kaniya ay hindi ko alam kung paano gagawin. Tumingin ako sa gawi ni Malthe. Nakatingin rin lamang siya sa amin.
"Tawagin mo akong... Eist." mahinang sambit ko.
Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad sa akin bago ako hinila papasok sa loob ng bahay nila.
"Nagpapasalamat ako sa pagliligtas mo sa akin. Ang buong pamilya ko ay gusto rin na pormal na magpasalamat sa iyo kaya naghanda kami ng maliit na salo-salo." nakangiting aniya habang hila-hila ang braso ko.
Nabungaran ko ang may katamtamang laki na lamesa at roon ay may mga nakahandang mga pagkain. Binitawan ni Caryl ang pagkakahawak sa aking kamay at tinawag ang lalaki na nasa may pintuan at seryosong nakatingin lamang sa amin.
"Malthe pumasok ka na rito!" pagtawag niya.
Mula naman sa isang pinto pa ay lumabas ang isang ginang na may bitbit na mga plato sa kamay niya. Sa likod niya ay isang ginoo na may bitbit namang mga kubyertos.
Sa hapag ay may dalawang binata na inaayos ang pagkakasalansan ng mga pagkain.
"Ate, upo ka rito!" ipinaghila ako ng upuan ng isang binata na sa palagay ko ay sumunod lamang ang tanda kay Caryl. Matangkad siya. Mas matangkad pa siguro sa ate nila.
Nag-aalangan akong tumingin roon subalit nang nakangiting tumango sa akin si Caryl ay umupo na rin ako. Napatingin ako kay Malthe nang unahan niya sa pag-upo ang binata sa aking tabi.
Sumulyap lamang siya sa akin na parang balewala lamang iyon sa kaniya.
Kinausap ako ng ginang at ginoo na sa palagay ko ay mga magulang nina Caryl. Nakangiti silang nagpasalamat ng ilang beses sa  akin sa pagkakaligtas ko raw sa kanilang anak. Hindi ko alam ang mga gagawin sa ganitong mga bagay kung kaya't kahit tipid na ngiti ay nag-aalangan pa akong ibigay.
Matapos noon ay nilagyan ako nang nilagyan ni Caryl ng mga pagkain sa aking pinggan. Halos hindi ko alam ang tawag sa mga iyon. Mukhang masarap kaya naman walang pag-aalinlangan na akong nagsimulang kumain. Lahat ng inilagay ay tinikman ko at naubos. Gutom na gutom ako na sa aking palagay ay nawalan ako ng pakialam sa aking paligid.
Ang matandang Tantalium ay hindi ako dinalhan ng pagkain kung kaya't ito ang una kong almusal magmula nang mawalan ako ng malay.
Naubos ko ang lahat ng nasa aking pinggan. Nagulat na lamang ako nang mapansin na lahat ng nasa hapag ay nakangiting naka tingin sa akin.
Nasamid ako dahil roon sapagkat hindi ko namalayan na pinapanood nila akong kumain.
Paunahan pa sila sa pagbibigay sa akin ng tubig at maging si Malthe ay inabot pa mismo sa akin ang hawak niya. Mistulang alam na kakailanganin ko talaga iyon.
Mabilis ko iyong tinanggap at tumungo pagkatapos makainom.
"Paumanhin po." sa buong buhay ko ay ito ang unang pagkakataon na napahiya ako ng ganoon katindi. Napakarami kong kinain samantalang sila ay hindi pa man lamang nanganglahati.
Tumawa ang mag-asawa pati ang ilan pang nasa hapag. Pati ang lalaki sa aking tabi ay mahahalata ang pag-ngisi.
"Nakakatuwa kang panoorin, ineng. Hindi mo aakalain na ganoon kang kagana kumain gayong napakaganda ng hubog ng iyong katawan." namamanghang saad ng ginang.
Kaagad namang sumang-ayon ang isang binata at matamis ang pagkakangiti sa akin. "Oo nga, Nay! Ang sexy ni Ate at saka para siyang model doon sa mga billboard na nakikita ko!"
"Tumigil ka, Andre!  Hindi mo pwedeng pormahan iyan, baka isang suntok lang niyan sa'yo tulog kana agad." inis na saad ni Caryl sa kaniyang kapatid.
Nagsamaan sila ng tingin na kaagad namang sinaway ng ginang.
"Totoo ba talaga iyong kwento mo ate? Parang hindi naman makabasag-pinggan itong si ate Feistrielle."
"Eist na lamang itawag mo riyan. Masyadong mahaba ang Feistrielle." ngiti sa akin ni Caryl.
Nagbaba lamang ako ng tingin. Balak kong gawin iyon hanggang sa tuluyan akong makabawi ng yabang.
"Aba'y napakaganda naman pala ng pangalan ng batang ito. Ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong pangalan."
"Maging ako ay ganoon rin."
Hindi ko sinubukang mag-angat ng aking paningin habang pinag -uusapan nila ang aking pangalan.
Maya-maya lamang ay tumayo na si Malthe mula sa kaniyang pagkakaupo sa aking tabi.
"We have to go na po. Thanks for the meal." matipid siyang ngumiti sa mag-asawa bago kay Caryl.
Matapos noon ay sa akin naman niya ibinaling ang kaniyang paningin.
"Aba hijo, masyado pa namang maaga. Hindi man lamang kami nakapagpasalamat ng mas matagal sa inyong dalawa." nanghihinayang na saad ng ginang.
"It's okay na po. This woman besides me needs to take her rest." inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin, nagtataka ko naman iyong binalingan ng tingin.
Ano naman ang gagawin ko riyan?
"Naku naman itong batang ito, aba'y gwapo na englishero pa. Mabuti na lamang at nakakaintindi pa rin ako ng english kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral."
Tumayo ako at pasimpleng ibinaba ang kamay ni Malthe saka pinasalamatan ang mag-asawa. Pinuri ko rin ang masasarap na pagkain na ihinanda nila. Ngayon lamang ako nakatikim ng mga ganoong klaseng pagkain. At masasabi kong tunay na masasarap ang mga iyon.
"Caryl, mauuna na kami." kalmadong saad ko sa kaniya. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa amin.
"Ihahatid ko na kayo. Kahit naman ayaw ko pa kayong paalisin ay wala rin akong magagawa. Alam kong kagagaling mo pa lamang sa ospital."
Sinundan niya kami hanggang sa makarating kami sa sasakyan ni Malthe. Hanggang doon ay paulit-ulit pa rin siyang nagpapasalamat at sinasabing bumisita muli kami sa kanila.
"Mag-iingat kayo, Eist!" masiglang pagpapaalam niya sa akin. Matipid akong ngumiti sa kaniya saka siya bumaling sa aking katabi. "Malthe, ingatan mo iyan ha?"
"Tss."
Ako na ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan. Nagpapasalamat ako sa aking sarili nang magawa ko iyon ng tama. Kahit kailan talaga ay napakabilis kong matuto.
Tahimik na pinaandar ng lalaki ang sasakyan. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kaniya kung saan ako tumutuloy sapagkat nalaman na niya noong gabing sinundan niya ako nang magpunta ako isang lugar sa Macalelon.
"Drink tea if you have it inside your house. It could easily burn the food that you eat, especially that you had eaten too much this morning." seryosong paanyaya niya nang makalabas ako ng sasakyan. Lumabas rin siya at isang beses na sumulyap sa aking likuran bago tumalikod at pinaharurot paalis ang kaniyang sasakyan.

Comentário do Livro (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    11/06/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes