logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

chapter 6. :THE DEMON KING

Gill's PoV
Tahimik lang akong nakaupo sa sofa ng palasyo dito sa loob din ng Demon University. Trenta minutos na din akong naghihintay sa napakalaking hall sa loob. Kung hindi lang ako natatakot don sa VP baka kanina pa ako umalis dito.
Binantaan kasi ako nung kumag na Chester na yun na kung aalis ako, bibili na siya ng kabaong ko.
Ayoko namang mamatay! Pinangako ko kaya yun kay daddy na lalabas ako sa University na to ng buhay.
"Oh buti naman nandyan ka pa?" bungad na tanong ni Chester pagkabalik niya. Inikutan ko lang sya ng mga mata. Nginisihan niya lang ako tsaka umupo sa one seater couch at kinuha yung cellphone niya.
"Anong ginagawa mo?" naguguluhan kong tanong.
"Oh, nabulag ka na agad? Di pa nga tayo nagsisimula sa punishment mo eh. Kitang-kitang nakaupo ako oh." may halong sarkasmo na sabi niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya baka kung ano pa kasi ang masabi ko sa kanya. At mamatay ako ng maaga!
"Kailan magsisimula yung punishment ko?" maayos na tanong ko.
"Gusto mo ngayon na? Ang excited mo naman. Mamaya, may hinihintay lang tayo. Relax ka lang jan. Makakapaghintay naman yung half death punishment mo." sagot niya at tumingin sakin tsaka kinindatan ako. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Half death punishment?! Jusko. Itotorture ata nila ako.
Nagsimula na ako magpanic. I mean, sino ba naman ang hindi?! Mapapalapit ka sa kamatayan! Actually, halos katabi ko naman na talaga si kamatayan.
Tumingin ako kay Chester na ngumingiti habang nakikipagtext.
Si kamatayan, guys! Inlove!
Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Inirapan ko lang siya at inilibot ang paningin ko sa buong hall na kasing laki ng buong mansyon namin. Puti ang pintura ng mga dingding. Marami namang ilaw na nakapalibot sa buong hall at halos lahat ng yun, nakabukas pa kahit nandyan pa naman yung araw.
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing palasyo ito ng mga demonyo o mga yawa. Bukod kasi sa puting dingding ng hall, may mga painting din ng mga anghel na nakasabit.
Mag aalas singko na nung kinuha ko yung cellphone ko kasi di ko na makayanang yung pagkaboring ko dito. Maglalaro na lang sana ako ng kung ano anong games na meron ako nang makatanggap ako ng text messages galing sa childhood best friend ko.
Napabuntong hininga ako nang maalala yung pangtatraydor na ginawa ni Pag-asa.
From: Pag-asa ng bayan
[Good afternoon, Hesley!]
From: Pag-asa ng bayan
[Kamusta yung unang araw mo sa bago mo nanamang school?]
From: Pag-asa ng bayan
[Idadrop ka nanaman ba? Di na ako magugulat ☺️]
Sumimangot muna ako bago ako nagreply.
To: Pag-asa ng bayan
[Pangit na nga yung araw ko, ang rude mo pang gaga ka.]
From: Pag-asa ng bayan
[Oh 🥺 Kawawa naman ng aking Hesley. Don't worry, ililibre kita ng milk tea kapag magkikita tayo ulit.]
To: Pag-asa ng bayan
[Ililibre mo talaga ako dahil NILAGLAG mo ko. Ang sabi mo, di mo sasabihin yun kay daddy eh. TRAYDOR. Huhuhu.]
From: Pag-asa ng bayan
[Hala. Guilty ako dyan. Sorry, Gill. Babawi nalang talaga ako. Anong gusto mong pambawi ko?]
Ngumisi ako nang may naisip. Itatype ko na sana yung gusto ko, kaso may dumating na naman na text.
From: Pag-asa ng bayan
[Tatawag nalang ako. Nagbibiyahe kasi kami pauwi ng bahay. Nahihilo ako. Hindi ba bawal?]
Napatingin ako kay Chester na nasa cellphone pa rin ang paningin pero wala na yung ngisi.
Umubo ako kunwari para maagaw ko yung atensyon niya. Nakakunot naman yung noo niya nung tinignan niya ako.
"What?"
Ang suplado Chester ha. Nag away ba kayo ng katext mo?
"Ahm. I have a call. Pwede bang sagutin?" Pagpapaalam ko sa kaniya at pinakita ang cellphone ko na nagriring dahil tumatawag na si Hope. Baka kasi bawal akong may kacall dito na di ko naman alam tas bigla bigla nalang niya akong susugurin dito tsaka patayin. Ayoko naman ng ganon.
Alam ko pong praning ako, pero hindi yun malabong mangyari.
Mas kumunot yung noo niya. "Bakit naman hindi? Walang patakarang nag e exist sa palasyo na hindi pwedeng tumanggap ng tawag."
Ngumiti ako ng malapad at tumayo para tanggapin ang tawag sa labas ng palasyo. Plano ko kasing ikwento lahat ng nangyari kay Hope at di ko yun magagawa kung naririnig ako nitong si kamatayan ko.
"HEP! HEP! HEP! HEP!" Napatigil ako at napatingin sa kaniya, nag iisip kung magsasabi ba ako ng hooray o ano. Nakataas pa yung kamay niya at nakastop sign. "At saan ka naman pupunta?" tanong niya at binababa ang kamay tsaka tumayo.
"Uh. Sa labas?" Patanong na sagot ko.
"At bakit ka naman lalabas?" Naningkit ang mga mata niya.
"Kasi sasagutin ko tong tawag nato?" patanong na sagot ko ulit at winave ang cellphone kong ring pa rin ng ring.
"Hindi pwede. Umupo ka. Malapit nang dumating si King." Sabi niya at umupo ulit sa one seater couch.
Sumimangot ako at sinamaan sya ng tingin. "Ayokong sagutin dito ang tawag. Kung ang pinag aalala mo ay tatakas ako, hindi yun mangyayari."
"Hindi pa rin pwede."
"Wala kang magagawa, lalabas ako." Pagmamatigas ko at tinalikuran siya.
"Anong wala?" sabi niya na gamit ang nakakatakot niyang boses kaya napalingon ako.
Pagkalingon ko, kitang kita ko kung paano nahiwa ng kutsilyo na lumilipad ang iilang hibla ng buhok ko. Ibinato iyon ni Chester sakin pero masuwerteng hindi ako natamaan kaya sa pader iyon nakatusok ngayon.
Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan habang mabilis ang tibok ng puso ko.
MUNTIK NA AKO DUN AH.
Kung hindi ako lumingon, nakatarak na yung kutsilyo sa utak ko.
"Don't go easy on me, Ms. Anderson. Remember, I'm the Vice President. I can take you down in a blink. LITERALLY." Pambabanta niya sakin bago kinuha ulit ang cellphone at nagtetext nanaman.
Sa takot na naramdaman ko, hindi ko na nasagot yung tawag ni Hope a.k.a. Pag-asa.
Bumalik na lang ako sa inuupuan ko kanina at tahimik na tinext si Hope.
To: Pag-asa ng bayan
[Let's talk next time, Hope.]
From: Pag-asa ng bayan
[Sure, sure. I understand. Take care, Hesley. Love you.]
Hindi ko na nagawang replyan siya dahil tumayo na si Chester at sinalubong ang mga kalalakihang nakasuit. Seryoso akong tinignan ni Chester kaya tumayo na rin ako at sinundan sila.
Lumabas kami ng palasyo at naglakad papunta sa isang black na limousine na nasa harap lang ng palasyo.
Naunang sumakay si Chester na pinagbuksan pa ng isang lalaki. Sumunod naman ako at umupo sa harap ni Chester.
May isang pumasok sa front seat at yung iba naman, sumakay sa isang black na sasakyan na nasa likuran namin.
Tahimik lang kami hanggang sa makalabas kami ng Demon University.
Marunong naman akong makipag away pero hindi ko mapigilang matakot nang mapagtantong papalapit na yung parusa ko. Sigurado kasi akong sa pupuntahan namin ako itotorture.
Lagpas sampung minuto na kaming nagbabyahe at malapit na ring dumilim. Tahimik pa rin kami ni Chester sa loob ng sasakyan. Hindi nanaman siya nag secellphone pero halatang stressed pa rin siya.
"San tayo pupunta, VP?" tanong ko nang hindi na makayanan yung katahimikan sa pagitan namin.
Nilingon niya ako pero umiwas lang din agad. "Wala ang hari sa palasyo kaya pupunta tayo ngayon sa bahay niya."
Duda ako sa bahay na sinasabi niya. Kasi sigurado akong mala mansiyon yung bahay ng tinawatawag nilang hari. Kung hindi man mansiyon, baka kasinglaki ng palasyo yung tinitirhan niya.
At tama nga ako.
Pumasok ang sasakyan namin sa isang pulang malaking gate. Automatic itong bumukas nang dumaan kami. Unang bumungad samin ang isang napakaking fountain na nasa gitna pagkapasok namin.
Gabi na nung dumating kami pero kitang kita ko pa rin ang ganda ng fountain nila dahil sa maraming ilaw na nakapalibut sa buong lugar. I am awfully amazed kaya di ko napansin na tumigil na ang sasakyan. Kinakailangan pa akong tapikin ni Chester.
Tapik lang yung ginawa niya.
As in tapik lang talaga.
Yung tipong tapik na yayanig yung buong kalamnan mo.
Ay, hampas na pala yun.
Paki remind nalang sakin na papatayin ko ng patalikod yang si chester, okay? Tsk! Ang sakit ng balikat ko.
Gill's PoV
"Stop spacing out, Gillian. Nasa bahay tayo ng hari." sabi ng kamatayan ko sakin habang naglalakad kami papasok ng bahay. Este ng castilyo.
"Anong pinagkaiba ng palasyo sa University at ng palasyo ng hari?"
Liningon niya ako at tumigil sa paglalakad. Tumigil din ako at lumingon din sakanya.
"Pareho lang naman ang dalawa. May mga papatay sayo ano mang oras. Pero dito, wala ang mga Zullivans na magpoprotekta ng mga bago. Better watch out. You are in the house of the Demon King." Sabi niya at ngumisi.
Naiinis man ako sa tono ng boses niya ngayon, hindi ko naman maipagkakailang tama sya.
Napatigil ulit kami sa paglalakad nang sumalubong sa amin ang isang lalaking naka itim na suit.
"Vice President Chester Lacoste. Kanina ka pa po hinahanap ng hari." sabi nung lalaki at yumuko.
"Tsk. Kasalanan niya kamo. Ang sabi niya, sa palasyo sya maghihintay sakin. Umuwi ba naman." pagrereklamo ni kamatayan tsaka pinaalis yung lalaki.
Naglakad ulit kami sa tila walang katapusang hallway.
Ang sakit sakit na ng paa ko kakalakad pero di naman ako makapagreklamo!! Baka kasi may kutsilyo na naman ang lumilipad papunta sakin.
Nauuna siyang naglakad at huminto sa isang napakalaking pinto sa katapusan ng hallway. Kumatok siya ng tatlong beses at naghintay.
Iilang segundo lang ay biglang bumukas yung malaking pinto. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang taong nagbukas.
Si Marquez!!
Siya yung lalaking tumulong sakin sa paglilibing ng mga bangkay. Yung lalaking muntik na akong patayin. At yung lalaking medyo tumulong sakin para makawala dun sa mga Alcadians kanina.
"Ikaw!! Bat ka nandito?!! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kaniya at tinuturo pa sya.
Gaya nung mga nauna, tinawanan niya ako.
"Buti naman nakapagsalita ka na." sabi niya at hindi man lang nag abalang sagutin yung mga tanong ko. Nilingon niya si Chester na tahimik lang at nakayuko!
Si kamatayan, nakayuko!!
"President. Magandang gabi." sabi ni Chester kay Marquez.
Teka lang.
Hindi naman ako nagkamali ng dinig diba?
President ng student council si Marquez?!
"Chester, kanina pa naghihintay sa inyo yung hari ng mga demonyo." Sabi niya kay kamatayan. Lumingon siya sakin. "Good luck, Gill. Mauuna na akong umalis sa inyo." paalam niya at naglakad na nga paalis.
Nauna na namang naglakad papasok si Chester at sumunod ako.
May nakita akong lalaking nakaupo sa harapan. Nakatalikod siya kaya di makita ang mukha niya.
Huminto kami sa tapat ng table niya.
"Good evening, King Alessander. The princess is here." sabi ni Chester habang nakayuko.
Princess?!
Lumingon ako sa paligid upang tignan kung may ibang tao pa bang nandidito bukod samin. Pero nabigo lang ako nang wala akong makita.
"Sinong princess ang pinagsasabi mo, kamatayan este Chester? Eh tayo tayo lang naman ang nandito." bulong ko sa kaniya. Baka kasi akala niya nandito yung prinsesa na tintukoy niya eh wala naman talaga. Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko.
Unti unting humarap samin ang lalaking nakaupo sa harap namin.
Kung kanina nagulat ako dahil nandito si Marquez. Mas nagulat naman ako ngayon dahil nakilala ko yung lalaking nakaupo sa harapan namin.
Tumingin siya sakin. Walang reaksiyon ang mukhang di ko makakalimutan.
Nakatitig ako ngayon sa asul niyang mga mata. At tulad nung una ko itong makita, ramdam na ramdam ko yung bilis ng pagtibok ng puso ko.
The blue eyed guy on my first day in Demon University. Yung isa sa mga lalaking umakyat sa pader papasok ng University.
Siya yun!
"Finally, you are here." sabi niya habang nakatingin pa rin sakin.
Hindi ko tuloy malaman kung para sakin ba yung sinabi niya o para kay kamatayan. O baka naman para saming dalawa?
Tumunghay na si Chester. "I am very sorry to made you wait for us, King Alessander."
Seryoso niyang tinignan si Chester. "Yes. You will have your punishment at 12 in the midnight. Same room." sabi niya kaya napasinghap ako. Walang reaksiyon namang tumango lang si kamatayan.
Grabe naman tong hari na to. Anong gusto niya? Lumipad kami papunta rito para hindi na niyang magawang maghintay kahit sampung minuto?
Tsk.
"Gwapo sana, pangit naman yung ugali." bulong ko at umirap ng palihim.
"What did you say?" Biglang tanong nung hari sakin kaya napapikit ako ng mariin habang nakayuko yung ulo.
Narinig ba nyaaaa??? Omg.
Ang bobo mo, Gill!!!
Tumunghay ako at ngumiti ng malapad sa hari. "Ang sabi ko po, ang gwapo niyo po tsaka parusahan niyo lang si Chester. Hehe."
Kumunot ang noo ng hari. "Stop talking nonsense." utos niya tsaka tumayo at pumunta sa one seater couch niya dito din sa loob at doon umupo.
Sumunod naman kami ni kamatayan at magkatabing umupo sa long couch.
"My time is precious so let's make this quick. Start talking, Mr. Lacoste." utos niya kay kamatayan na sumunod naman agad.
"Gillian Hesley Anderson. A 17 year old fourth year high school student, Section B. Staying at the Zullivan Demon's House." panimula niya. Eto na yun. Hahatulan na ako sa kung anong paraan ako itotorture. "She beat the 4 former strongest in the Alcadia alone. She recently successfully punched me and almost killed me with a knife which no one in the school except the student councilors can do. That's all." pagsasabi ni Chester sa mga nagawa ko simula nung unang tumapak ako dito.
Sa unang pagkakataon, nakita kong ngumisi si King Alessander.
"Hm. Very nice." sabi nung hari at tumango tango pa.
"What should we do about her, King? I personally think that her skills are very unique and usefull." Sabi naman ni kamatayan at sumandal sa couch.
Usefull?!! Unique?!!! What the? Compliment ba yun?
"I think so, too. Sa tingin mo, as a Vice President of the student council in Demon University, what should we do about this woman?" tanong ng hari kay Chester pero sakin nakatitig.
Heto na, ibibigay na sakin yung parusa ko.
Umubo si Chester at umupo ng maayos. "I suggest that I'm going to make her part of the student council." sabi ni kamatayan kaya gulat ko siyang tinignan.
"Teka, teka lang! Anong part ng student council?! Di ba dapat parusa yung ibibigay mo sakin Chester?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
He looked at me flatly. "Parusa nga. Being part at the student council is a kind of punishment. Actually, it is the hardest punishment but at the same time, a benefit for you." sagot niya.
Gulong gulo ko pa rin siyang tinignan. "Diba dapat ang ipaparusa mo sakin ay yung half death punishment??"
"You really don't know what you've been through, huh? I'll let you know." sabi ni King Alessander sakin. "The Alcadians you killed were the oldest and strongest among the Alcadian Troupe. Chester Lacoste, the Vice President you almost killed, is the fastest and strongest assassin among the assassin clan." napalunok ako sa nalaman ko. "Now, do you think a position in the student council isn't the right punishment for you?" ngumiti yung hari na nakapagtigil ng pagtibok ng puso ko.
Is someone like him can be this gorgeously handsome?
Hindi na ako nakapagsalita.
"So, it's settled then. Starting tomorrow, you will be training with the student council. The other details will be given by him." sabi niya na ang tinutukoy ay si kamatayan. "Is there anything else, Lacoste?"
"No. That's all." sagot ni Chester.
"You may now leave first. I need to talk to Ms. Anderson." sabi nung hari. Tumango naman si Chester.
"Huh? B-bakit? May iba pa bang dapat p-pag usapan?" natatarantang tanong ko. Tumayo na si kamatayan kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilan. "Wag mo kong iwan dito, kamatayan. Parang awa mo na. Gusto ko pang mabuhay." bulong ko kay Chester.
"Bitawan mo ko kung gusto mo pang mabuhay tayong dalawa." mariing bulong naman ni Chester sakin kaya napabitaw ako sa kaniya. Nanlulumo ko nalang pinanood si kamatayan na naglalakad palabas ng malaking kwarto.
I'm so dead.
Nilingon ko si King Alessander na nakakunot ang noo at parang handa nang pumatay.
Lunok/*
"Do you like him?" tanong niya habang matalim niya akong tinignan.
Gill's PoV
Huh?!! Ano daw???
"Sino? Si kamatayan este si Chester?" tanong ko para makasigurado!
Ampota pano niya natanong yun?
"Yes. Do you like him?" tanong niya ulit.
Holy Moly! Pano ako magkakagusto dun?! Eh ang gago nun. Tsaka siya yung kamatayan ko. Ano yun? Inlove ako sa mismong kamatayan ko? Kahibangan!!
Umiling ako. "Hindi no!" sabi ko pa.
Napabuga naman ng hangin yung hari na parang nakahinga ng maluwag kaya nagtaka na ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto.
Hindi kaya.....
Gusto niya si Chester??!!! Tas nagseselos sya samin dahil hinawakan ko si Chester sa braso!!
Sayang yung kagwapuhan mo King! Bakla ka naman pala!
"That's good to hear." sabi nung hari.
Kita mo?! Nagseselos talaga sya!
Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya.
Nakatitig lang siya sakin. Hindi ko naman kayang makikipagtitigan sa kaniya kaya yumuko nalang ako.
"Didn't you recognize me?" tanong nung hari. Lumingon ako sa kaniya.
"Kilala kita. Nagkita tayo nung unang araw ko pa lang sa Demon University. Ikaw yung may kasamang umakyat sa pader diba?" tanong ko sa kanya.
"Yes that's me. But other than that, wala ka nang naaalala tungkol sakin?" tanong niya naman.
Umiling ako. "Wala. Ito pa lang po yung unang pag uusap natin. Tas nung araw na yun naman yung unang pagkikita natin. Pero hindi naman talaga yung pagkikita kasi nagtama lang naman yung paningin natin." sagot ko naman habang umuupo ng maayos kasi lumapit yung mukha niya.
Tinititigan niya lang ako habang sumasagot ako na tila ba inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Oh, I see." sabi niya at napatango tango. Bumuntong hininga sya at umayos na rin ng upo. "That's all. You can now leave." sabi niya.
Napatayo agad ako at nagbow sa kaniya. Salamat naman at hindi niya ako pinatay!!
"Salamat po! Aalis na ako." mabilis na sabi ko at lakad-takbong lumabas ng kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag nang madatnan doon si kamatayan. Naghihintay ata sakin.
Buti naman! Di ko pa naman kabisado yung buong lugar dito. Tas madali akong maligaw!
"Tapos na kayo? Anong pinag usapan niyo?" Tanong niya.
Sasabihin ko ba?
Baka kasi mabuking yung hari na gusto niya si kamatayan.
Wag na nga lang. Pag nabuking si King tas malaman niyang sakin yun galing, patayin niya pa ako.
"Wala. May itinanong lang sya sa tungkol sakin." half truth na sabi ko.
Tumango lang siya tsaka nagsimula nang maglakad.
Tahimik lang ulit kami buong biyahe pabalik ng University. Di na rin ako nag abalang makipag usap sa kaniya kasi nagugutom na ako at inaantok.
"After dismissal tomorrow, pumunta ka sa office ng student council. Pag usapan natin ang pagpasok mo. Ihanda mo na rin yung katawan mo para sa training bukas. Alis na ako." sunod-sunod na sabi niya pagkababa ko ng sasakyan sa harap ng Zullivan Demon's House. Hindi na rin niya ako nagawang pagsalitaan. Sumakay na sya ulit sa limousine tas umandar na din kaagad ito paalis.
Napabuntong hininga nalang ako at pagod na pumasok sa mansiyon.
"Kyaaaaaaa!! Nandito na si Gill!!!!" biglang sigaw ni Hevs pagkapasok ko.
Nandito halos lahat ng mga Zullivans.
Nakarinig naman ako ng kalabog sa kusina.
"Hinay-hinay kasi Nics. Tumayo ka jan. Walang tubig jan." rinig kong sabi ni Mandy.
Lumabas si Nicole galing sa kusina habang paika ikang naglalakad.
"Anong nangyari sayo, Nic?" tanong ko sa kanya at kinuha ang dala dala niyang box.
"Eh kasi nung nalaman ko na nandito ka na dali dali kong kinuha yang box na yan na may lamang first aid kit. Nadulas ako." sabi niya at tinuro pa ang box na hawak ko. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinignan ang kabuuan ko. "Ba't wala akong nakikitang sugat sa katawan mo? Anong nangyari? Tumakas ka ba, ha?" sunod-sunod na tanong niya. Habang niyuyugyog ako.
Binigay ko kay Hevs yung box. Tinanggal ko yung mga kamay ni Nic na nakahawak sa mga braso ko.
"Hindi ako tumakas." sabi ko.
"Eh bat wala kang mga sugat, ate?" tanong naman ni Lucy na napag-alaman kong kapatid ni Heaven.
"Mahabang kwento." sabi ko at napabuntong hininga.
"Edi simulan mo nang magkwento para matapos mo na agad! Dalii." sabi ni Hevs.
"I want to know what happened." sabi naman ni Quin na minsan lang makisali sa chismis.
"Sige sige. Pero pakainin niyo muna ako, please? Kanina pa ako nagugutom." sabi ko at naglakad papuntang kusina.
Sumunod silang lahat sakin at umupo din sa dining handa nang makinig.
I started telling them what really happened habang kumakain ako. Simula nung nasa palasyo kami hanggang sa matapos yung pag-uusap namin ng hari.
"I think, hindi naman ata bakla si King Alessander." komento ni Mandy, at napahawak pa sa chin niya.
"Truee. Kahit iilang beses ko pa lang siyang nakita, masasabi kong napakamanly niya." sabi naman ni Nichole.
"Baka bakla talaga siya. Hindi naman talaga natin siya kilala personally diba?" sabi naman ni Felise, isa din sa mga Zullivans.
Tumango silang lahat.
"Pero kung hindi talaga siya bakla? Ibig sabihin..." Sabi ni Heaven.
Napasinghap at tumingin silang lahat sakin.
"Ibig sabihin?" tanong ko dahil di ko sya magets.
"Hindi kaya...... Hindi kaya may gusto yung hari sayo, Gill?" tanong ni Hevs.
Gulat ko siyang tinignan.
Imposible!!

Comentário do Livro (491)

  • avatar
    Kristel Tuando

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    mahilig siya gumawa ng stories kaso mahilig din siyang mamitin😟🤣 completed na pero prank lang 😁😂🤣✌

    21/05

      0
  • avatar
    Mary Jane Villamayor Intig

    701 1

    27/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes