logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

chapter 3

Gill's PoV
Akmang sasagot pa ako nang nagsalita ang lalakeng nasa tabi niya na nananahimik lang kanina. Pagtingin ko sa kaniya, nagulat ako nang mapagtanto kong siya yong isa sa mga lalakeng umakyat sa pader kanina. Pero hindi siya yong may asul na mga mata. Brown yun mga mata niya.
"Stop it. Drey don't argue nonsense things with people who are lower than you and especially with kids." engliserong sabi ng lalake sabay tingin sa akin. The fuck?! Kids?! Lower than him?! Nag init lalo ang ulo ko sa sinabe niya.
"Are you insulting me, Mr.?" pilit kong pinakalma ang sarili ko pero bakas parin ang galit sa mga mata ko.
"Yes, if you are insulted, kid." mayabang na sagot niya. Aba! Talaga namang inuubos niya ang pasensiya ko ah?
Magsasalita pa sana ako ng sumingit na sa usapan ang lalake kanina.
"Hey guyz, stop that already! 'Wag nyo ngang pagtulungan 'tong si Gill." awat niya sa amin. Hala, bakit alam niya pangalan ko samantalang hindi ko alam sa kaniya? Ang unfair naman!
"Oh, playing nice, Charles? I see." Nakangising sagot nung mayabang. Ah Charles pala ang pangalan niya. Fair na kami ngayon. Nakita ko naman ang pag iba agad ng mood ni Charles.
"Huwag mo kong pakialam Frost. Mind your own business." malamig na tugon nito sa mayabang na Frost pala ang pangalan at hinila na ako palayo sa kanila.
Pasalamat sila at inawat na kami ni Charles kung hindi bugbug sarado na sila ngayon.
Napatigil lang kami sa paglalakad ng nasa harap na kami ng hindi kalakihang building dito sa university.
"We're here." Anunsiyo ni Charles.
Napatingin ako sa kaniya at nagulat ng makitang bumalik na sa jolly ang face niya. Wow lang ha, ang bilis naman mag-iba ng mood neto.
"Sorry nga pala sa gulo kanina, ah? Ang bago bago mo pa naman dito, napagtripan ka na kaagad. Mga gago kase yon." Wiee ang bait naman niya.
"Aysus! Wala yon! Nasa pangalan na nga sa university diba? Puro mga gago at demonyo ang mga nag aaral rito kaya okay lang sa akin yon." Tumawa pa ako sa huli. "Ay oo nga pala, pwede magtanong?"
"Sure. What is it?"
"Bakit ka nga pala napunta sa ganitong lugar? Mukhang mabait ka naman yata eh." Tanong ko. Tumawa muna siya ng mahina bago sinagot ang tanong ko.
"Eh, ikaw ba, mukhang mabait ka rin naman ah. Bakit dito ka mag-aaral?"
"Sus! Ako mabait? Wala ka naman yatang alam sa akin, eh."
"Ganun ka din naman sa akin ah?" Nakangiti paring sagot niya at binuksan na ang pinto ng building. Pagkatapos, nauna na siyang pumasok. Eh? Ganun din sa kaniya? Oo nga naman. Lampas kinse minutos nga lang pala kami nagkakilala
Sumunod naman ako sa kaniya. Pagkapasok ko, doon ko lang namalayan na ang dilim pala dito at.... Hm! Bakit ang baho dito? Amoy patay! Pero bakit naman kayang amoy patay rito?
Teka, nasaan na ba si Charles?
"Charles?" Tawag ko sa kaniya pero walang Charles na sumagot.
Anong nangyayare? Bakit nawala agad si Charles?
"Hoi, Charles! Magpakita ka na nga! Hindi ko alam kung saan dapat ako pupunta." Tawag ko ulit sa kaniya pero isang mahabang katahimikan na naman ang sumagot sa akin.
Hay naku! Pinagtritripan ba ako neto?
Tumalikod na ako at hahakbang na sana palabas ng building na 'to ngunit biglang sumara ang pintong pinasukan ko kanina.
What the?! Anong nangyayare? Ang dilim! Wala akong makitang kahit ano.
"Charles!" Sigaw ko dahil baka pinagtritripan nga ako ng isang 'to.
Aba naman! Wala siyang karapatang pagtripan ako noh. Hindi kaya kame close! Kakakilala lang namin ano!
Kapag talaga nagkita kami ulit non, makakatikim talaga sya sa 'kin ng mega sabunot ko! Tapos kapag hindi pa ako makokontento, hahambalusin ko sya netong dala kong bagaheng sobrang bigat!
Napatigil lang ako ng pag iisip ng itotorture ko sa kaniya ng biglang umilaw ang buong paligid.
Ohmy! Nag aadjust pa yung mga mata ko pero sigurado ako sa nakikita ko ngayon.
"Fvck! Sh*t!!" Malutong akong napamura ng makita ko nang tuluyan ang pailigid.
Puno ng dugo ang paligid. May mga patay sa bawat sulok. May nakaupo sa isang silya. May mga nakahiga rin sa isang lamesa at may nakabigti. Ngunit lahat sila ay halatang namatay dahil sa matinding sakit dulot ng mga pasa nila sa katawan. Halos lahat sila ay mga lalake, dalawa lang ang babae.
Sa totoo lang, kung normal lang sana akong babae baka kanina pa ako nawalan ng malay sa mga nakikita ko. Pero, sanay na ako sa ganito.
Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit mga patay yung mga andito? Akala ko ba pupunta kami sa exam room? Bakit napunta ako sa tambakan ng mga patay?
Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong lugar. Sa isang sulok, may nakita akong mga bagay na nakakapatay. Gaya nalang ng kitchen knife, cutter, may katana rin, tsaka may hammer. Meron pang dos por dos at mga tali. Tapos may mga baril pa akong nakita.
Iniwan ko yung mga bagahe ko sa gilid ng pinto nitong building pati narin yung dala kong backpack kong may laptop. Nilapitan ko yung mga deadly weapons na nakakalat sa isang tabi at chineck kung totoo nga ba ang mga ito.
Kinuha ko yung katana na favorite kong gamit sa sparring. Hmm, totoo nga sila. At ang ganda pa ng pagkagawa neto.
Binaba ko na yung katana at hahawakan ko na sana yung revolver na baril ng biglang may nagsalita di kalayuan sa akin.
"Well, well, well. I'm surprised that you didn't collapse or shout at what you see in this room, Ms. Anderson." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng babae. Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali.
Madame Pef.
Nakita ko syang 10 meters lang yung layo sa kinatatayuan ko.
Ngumisi ako sa kaniya. "Oh, I'm used to this."
"You're used to see dead bodies?" Tanong niya ng nakangisi rin. Tumango ako.
"Actually," kinuha ko yung revolver at chineck kung may bala ba ito. "Mas malala pa rito yung mga nakikita ko noon." Napangisi ako lalo ng makitang may tatlong bala ito.
"Is that so? Well, hindi naman nakakagulat yun dahil anak ka rin naman ni Mr. Anderson." Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong pumitik sya. Ano naman kayang pakulo ng matandang eto? May nalalaman pang papitik pitik.
Nasagot lang ang tanong ko nang makita kong may nagsisilabasang apat na kalalakihan. Malalaki ang katawan nila at mukhang nasa late twenties na silang lahat.
"Ms. Anderson, are you ready for your exam?"
"I was born ready, Madame Pef." Sagot ko sa kaniya. Kasabay ng pag cocondition ng katawan ko. I know, this will be going easy. *ngisi* "What are the rules of this exam?" Tanong ko kapagkuwan.
"Rules?" Tumawa siya ng malakas na para bang isang joke yung tanong ko sa kaniya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "There are no rules, my dear Gill. You just going to fight them until your opponent or you," sabay turo sa akin saka ngumisi "will die."
WHAT THE FVCK?!

Comentário do Livro (491)

  • avatar
    Kristel Tuando

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    mahilig siya gumawa ng stories kaso mahilig din siyang mamitin😟🤣 completed na pero prank lang 😁😂🤣✌

    21/05

      0
  • avatar
    Mary Jane Villamayor Intig

    701 1

    27/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes