"Bes, anong nangyari? Ayos ka lang?" tanong ni Erin, may halong pag-aalala. "Nailigtas ba si Marcus?" sabat naman ni Michelle. "Oo, okay na siya." sagot ko, pilit na ngumiti. "Buti naman," sabay nilang tugon. Biglang may narinig kaming anunsyo sa speaker ng paaralan. "To all students, please proceed to the gymnasium now. I repeat, to all students, please proceed to the gymnasium now." "Ha? Ano kayang meron?" tanong ni Erin habang nag-aayos ng bag. "Oo nga eh, biglaan ah," saad naman ni Michelle, kararating lang din. "Magsiupo na ang lahat," utos ng head teacher na si Mrs. Wernualos mula sa stage. "Okay, nandito ngayon ang isa sa mga dahilan kung bakit may Santifiego University. Isa sila sa mga shareholders ng paaralang ito, at narito sila dahil may magandang balita raw silang ibabahagi!" Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante, hindi alam kung ano ang aasahan. "Please welcome Mr. Jon and Mrs. Sherine Felicio!" Lumapit ang isang eleganteng mag-asawa sa principal. Kinuha nila ang mikropono. "Like what Mrs. Lourde Wernualos said, me and my husband Jon have a news for all of you. But before that, we’d like to call our son, Lucas, to come up here on stage." Umakyat si Lucas, kita sa mukha niyang naguguluhan pa. "Naging malapit na sa amin si Mrs. Wernualos, dahil ang kanyang yumaong asawa ay isa sa mga matagal na naming kaibigan. Kaya ngayon, masaya kaming ianunsyo… ang nalalapit na kasal ng aming anak na si Lucas at ng anak ni Mrs. Wernualos." Nanlaki ang mga mata ng halos lahat. Natahimik ang gym sa gulat. "Ladies and gentlemen, to all the students here… let's give a round of applause to Ms. Larena Wernualos!" Umakyat ang isang babaeng naka-red dress, parang model kung gumalaw. Kumaway siya sa crowd, confident. "Hello sa inyo. Sana'y maging masaya rin kayo para sa amin ng fiancé ko!" sabay lapit at kapit kay Lucas. Parang linta. At ako? Hindi ko na kaya. Tumayo ako at naglakad palabas ng gym. "Bes! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Erin. "Besss!" tawag din ni Michelle, pero hindi ko na sila nilingon. Pagdating ko sa gate, hinarangan ako ng dalawang lalaki. "Wala pang utos na pwede nang lumabas." "Wala akong pake. Padaanin niyo ako," mariin kong sabi. Pero hindi sila gumalaw. Kaya sinipa ko ang isa sa maselang bahagi. Napaluhod siya sa sakit. Yung isa, natigilan lang. "Riley!" sigaw ni Lucas mula sa gym, pero hindi ko siya pinansin. "Riley! Sandali!" Tumigil ako saglit. Huminga nang malalim. "Ano?" malamig kong tanong, hindi pa rin lumilingon. "Wala akong alam sa nangyayaring 'yon," sabi ni Lucas, halatang nangangapa pa rin sa mga nangyari. Tumango ako, mabagal. "Alam ko." Napakunot ang noo niya. "Alam mo?" "Oo." Hindi ko siya tiningnan agad. "Kita naman. Sa itsura mo pa lang... parang ikaw rin, nabigla." Huminga ako nang malalim. “At naiintindihan ko 'yon.” Tumahimik siya sandali. Tila may binubuo sa isip. "Salamat," aniya sa wakas. "Akala ko magagalit ka." "Hindi ako galit..." Umiling ako, pilit ngumingiti pero ramdam ko ang bigat sa dibdib. "Pero pagod na rin akong umasa sa mga bagay na hindi naman malinaw." Natahimik si Lucas. Nakatitig lang sa akin, parang gustong magsalita pero walang masabi. "Ayokong ipilit ang sarili ko sa mundo mo kung hindi ako sigurado kung may puwang ba ako ro'n," patuloy ko, mahina ang boses pero totoo ang bawat salita. "Ayoko rin namang pilitin kang pumili sa pagitan ng kung ano ang gusto mo... at kung ano ang gusto ng mga tao sa paligid mo." "Railee..." Hinakbangan niya ang distansya sa pagitan namin, pero di ko na hinayaang makalapit pa siya. "Lucas... sa totoo lang, I think we need space." "Space? Dahil lang sa announcement kanina?" "Lucas," mariin kong sambit, "hindi lang ito tungkol do'n. Matagal ko na rin 'tong nararamdaman. At ngayon... mas malinaw na." "Pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Kahit sa kanila," sagot niya, halos pabulong. "Alam ko. Pero alam mo rin kung anong gusto para sa'yo ng pamilya mo." Lumingon ako sandali. “At ayokong maging dahilan ng kalituhan mo. Ayokong dumating yung araw na pagsisisihan mong pinili mo ako.” Wala siyang nasabi. Na para bang kahit gusto niya, hindi niya kayang kumontra. Huminga ako nang malalim, tinapunan siya ng isang huling tingin — hindi galit, kundi puno ng kabiguan at pag-unawa. "This is what we need, Lucas." Tumalikod ako. Tahimik akong naglakad palayo, habang ang bigat na matagal ko nang kinikimkim ay dahan-dahang gumaan. Hindi dahil masaya ako — kundi dahil, sa wakas, pinili ko rin ang sarili ko. ___ Kinabukasan, habang naglalakad kami ni Erin pauwi galing sa klase, napansin naming may pamilyar na tao sa di kalayuan. "Michelle?" tawag ni Erin habang bahagyang kumaway. Napalingon si Michelle, halatang naghanap muna bago kami napansin. Nang makita niya kami, agad siyang lumapit. “Uy, mga baks!” masiglang bati niya. Napansin ko ang kasama niyang lalaki. “Ay, may kasama ka pala?” “Ah, oo! Si Ken nga pala. Matagal na kaming magkaibigan. And yes, he's also gay—katulad mo,” biro niya, sabay kindat sa akin. “Really?” Ngumiti ako. “Kaya pala ang smooth ng pakikitungo mo sa amin.” “Hello,” bati ni Ken, magalang pero may lambing ang tono. “Hi, I’m Erin,” sabay abot ng kamay ni Erin. “Railee,” sabi ko naman at nag-shake hands din kami. “Balak naming gumala. Gusto niyong sumama?” alok ni Michelle. “Sige ba!” agad na sagot ni Erin, halatang sabik. “Tara na!” aya ni Michelle. “Wait lang,” sabat niya. “Hindi pa nga pumapayag si Railee.” “Hindi na kailangan,” biro ni Erin. “Alam kong sasama din 'yan. Diba?” Tumingin sila sa akin. “G,” sagot ko, sabay ngiti. __ “Grabe, ang sarap ng mami dito!” bulalas ni Erin habang sumusubo. “I agree,” sabat ni Ken. “Parang gusto ko pa nga ng isa.” “Bakit ngayon lang tayo napadpad dito? Promise, lagi na akong kakain dito,” dagdag pa ni Erin, habang sabik na sumisipsip ng sabaw. Habang umiinom ako ng tubig, bigla akong nasamid. Napa-ubo ako nang malakas at napaatras sa gilid. “Waaaah!” sigaw ko, sabay upo sa lupa. “Bes! Okay ka lang?” lapit agad ni Erin, halatang nagulat. “Bakit ka kasi pumunta sa tabi? May asong nakatali do’n!” “Malay ko ba,” sagot ko, habol pa ang hininga. “Hindi ko naman alam!” “HAHAHA! Nagulat ka talaga?” asar-tawang tanong ni Erin. Tiningnan ko siya nang masama. “Hindi bes… I was shocked! Oh my gosh, there’s a dog! Hindi ko napansin,” arte kong sagot, sabay taray sa kanya. Tawanan kami lahat. Kahit si Ken, napahagikgik. “Sa susunod ulit, ha,” sabi ni Erin habang papalapit na kami sa dormitory. “Syempre!” sagot ni Michelle. ____ Kinabukasan, tahimik akong pumasok sa classroom. Maaga ako ngayon, pero hindi dahil sa sipag—gusto ko lang maiwasan si Lucas. Ayokong mapilitang umupo sa dati kong pwesto na malapit sa kanya. Pagpasok ko, dumiretso ako sa likod kung saan nakaupo sina Erin. “Bes, dito ka na?” bulong niya, halatang nagulat. “Dito muna ako ngayon,” maikli kong sagot, sabay labas ng ballpen. Umupo na rin si Michelle sa tabi namin, may hawak pang iced coffee. “Ganda ng umaga natin ah, may tsismis ako later!” “Not now, Michelle,” sabay naming bulong ni Erin. Ilang saglit pa, dumating si Lucas. Napatingin siya sa dating upuan ko—bakante. Napako ang tingin niya sa akin, pero umiwas ako. I kept my eyes on my notebook, kahit wala pa namang sinusulat. Pumasok si Prof. Donvales, ang teacher sa subject naming "Mafia History and Strategy 101." Suot pa rin niya ang usual niyang all-black coat. “Good morning, future leaders and strategists,” panimula niya. Tahimik ang buong klase. “Today, we’re going to discuss a very critical topic—‘Territorial Negotiation and Silent Power Wars.’” Narinig ko si Erin na parang napa-‘whoa’ sa tabi ko. Pero ako, tahimik lang. “Let’s define it simply,” patuloy ni Sir. “Kapag dalawang mafia ang gustong kunin ang parehong territoryo, madalas hindi agad ito nauuwi sa barilan. Minsan, it's a silent game. Psychological warfare. Hidden deals. Double agents.” “Like chess?” tanong ng isang estudyante sa harap. “Exactly,” sagot ni Sir. “Ang moves mo, hindi agad pinapakita. Minsan, fake moves pa nga. At kung mahina ang loob mo? Well... you lose the war without firing a single shot.” Napatingin ako kay Lucas nang saglit. Parang ang bigat ng sinabi ni Sir. Parang ako 'yung war na walang putok—pero may sugat. “Now,” pagpapatuloy ng guro, “I want each of you to imagine you’re in a standoff with your rival mafia. You both want the same port. Do you send someone to negotiate? Set a trap? Walk away? Or burn everything?” Tumahimik ang klase. Si Lucas, naka-sandal, nakatitig sa board—pero ramdam kong nakikiramdam siya sa paligid. Baka inaantay niyang lumingon ako. Hindi ko ginawa. “Riley?” Naputol ang iniisip ko. “Po?” “You’re the strategist. What would you do?” Umupo ako ng diretso. Tumikhim. “It depends. Kung alam kong may taong mahalaga sa akin na posibleng madamay... I’d walk away. Kasi kahit anong panalo, kung may mawawala, talo pa rin.” Tahimik ang buong room. Si Sir, tumango lang. “Well said,” sabi niya. “That’s a choice not every leader can make.” Napansin kong si Lucas, hindi na sa board nakatingin—kundi sa akin. Pero hindi ko na muling tumingin pabalik. ___ “Uyy, guys, tignan n’yo!” “Bagay sila, ‘no?” “Talaga!” “Syempre naman!” “Gwapo at maganda. Perfect match!” Usap-usapan ng mga estudyante sa hallway habang nakatitig kay Lucas. Kasalukuyan niya kasing nililibot si Larena sa buong campus. At ang babae? Nakalingkis sa braso niya na parang pulseras na ayaw matanggal. Pinikit ko ang mga mata, saka mariing ibinagsak ang libro sa mesa. Napalingon tuloy ang ilan sa paligid. “Una na ako,” sabi ko sabay tayo. “Ayos ka lang ba, bes?” tanong ni Erin, may halong pag-aalala. “‘Oo nga, baks. Parang badtrip ka?” dagdag ni Michelle. “Okay lang ako. Ako pa ba?” pilit kong sagot saka tuluyang lumakad palayo. Matapos ang ilang klase, naubos na ang pasensya’t lakas ko. Masakit ang ulo ko sa dami ng iniisip. Kaya imbes na tumambay pa, nagpasya akong dumiretso na sa dorm. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin si Lucas—nakahiga sa sofa, nanonood ng TV. Nakapatong ang mga paa sa center table, suot ang paborito niyang itim na sando at blue striped boxer shorts. Pero dumaan lang ako. Walang tingin, walang salita. Para lang siyang isa sa mga pader ng dormitoryo—nandiyan, pero hindi ko ramdam. Pagkapasok ko sa kwarto, ibinagsak ko ang bag sa gilid ng kama. Nagpalit ng pambahay, saka humiga. Binuksan ko ang phone, hoping na kahit papano, makalimot. Nag-download ako ng ilang games, pero imbes na antok ang dumapo, gutom ang umabot sa akin. Naglagay ako ng earphones, nag-play ng random playlist, at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina. Pagkarating ko, may nakita akong nakatakip na ulam sa mesa. Hindi ko na inusisa kung kanino, basta gutom ako. Kumuha ako ng plato, kanin, at sinandok ang natirang ulam. Tahimik akong naupo at kumain. Sa bawat subo, sinusubukan kong lunukin pati na rin ang tanong na hindi ko masagot. Habang kumakain ako, naramdaman kong may gumalaw sa likuran ko. Bahagya akong lumingon. Si Lucas. Nakatayo sa may pinto ng kusina, tahimik lang. Wala pa ring suot na kahit anong effort—sando, boxers, tsinelas. Pero ang mas nakakainis, parang wala siyang alam. Parang walang nangyari kanina. Parang okay lang ang lahat. “Hindi mo sinabi na uuwi ka agad,” aniya, bahagyang nagkamot ng batok. “Hindi ko kailangan magsabi,” sagot ko, hindi man lang lumingon. Tahimik. Tiningnan ko lang ang pinggan ko. Tinapos ko ang huling subo, saka marahang ininom ang tubig ko. Tumayo ako, dinala ang plato sa lababo, at sinimulang hugasan. “Railee…” “Gabi na. Baka gusto mong matulog.” “Hindi mo ba ako titingnan man lang?” tanong niya, mas mababa na ang boses. Bumuntong-hininga ako. Pinunasan ko ang kamay ko sa tuwalya sa tabi, at saka lumingon sa kanya. Matagal. Tahimik. “Okay na ‘yon, Lucas. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi naman ako ‘yung dapat tanungin. Wala naman tayong kung ano, ‘di ba?” Pilit ang ngiti ko. “Rileyyy…” “I’m tired,” putol ko sa kanya. “Tulog ka na.” Pagkatapos kong isara ang ilaw sa kusina, dumeretso ako sa kwarto. Ini-lock ko ang pinto. ___ Pagpasok ko sa classroom, hindi ko agad hinanap si Lucas—kahit automatic na yun dati. Ngayon, ang hinanap ko ay si Erin. Nakaupo siya sa usual spot niya sa second row. Agad akong lumapit. “Bes, dito muna ako,” sabi ko, hindi na nagpapaliwanag. Tumango lang siya, medyo gulat pero hindi na nagtatanong. Naupo ako sa tabi niya, binuksan ang notebook, saka nagkunwaring busy. Alam kong may mga matang sumusulyap sa akin, pero mas pinili kong hindi mag-react. Hindi ngayon. Wala pa si Lucas. Bumukas ang pinto. Pumasok si Mrs. Elaira—ang mafia history teacher namin. Isa sa paborito kong subject dati. Pero ngayon, wala akong gana. “Okay class, today’s topic is Strategic Power Structures in Mafia Organizations.” “Whoa,” sabi ni Michelle mula sa likod. “Big word.” Tumawa ang iba. Ako, wala. Nakatulala lang ako sa notebook ko, kunwaring nagsusulat. “Can anyone tell me what a right hand is in a mafia hierarchy?” tanong ni Ma’am. Tumahimik ang buong klase. “Riley?” Napatingin ako agad. Ilang segundo bago ko naproseso ang tanong. “Uh… ang right hand po… siya ‘yung pinaka pinagkakatiwalaan ng boss. Usually, siya ang nag-aasikaso ng mga sensitive na bagay. Hindi lang basta alalay, pero parang extension ng boss mismo.” Nagulat si Ma’am. “Very well said. Mukhang may future ka sa… organized crime, ha?” Tawanan. Ako, pilit tumawa. Pero habang umiikot ang usapan sa mafia power, betrayal, loyalty, at pagtataksil… para akong binabalikan ng tanong: Sino nga ba ako sa buhay niya? Right hand, alalay… o placeholder? Napatingin ako saglit sa pinto. Doon siya biglang pumasok—si Lucas. Nakaayos pa rin, parang laging handa. Umupo siya sa usual seat niya sa likod. Pero ngayon, walang katabi.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
maganda
6d
05.0
7d
0Ver Todos