"Uy, bes! Saan kayo pumunta nung party ko?" tanong ni Erin. "Wala bang good morning muna d'yan?" biro ko habang umupo sa tabi niya. "Ay, sorry! Hihi," paumanhin niya. "Hindi ka na nga nakapasok, tapos tanong ka nang tanong. Halos interogasyon ginawa ng proof natin!" "Si Lucas, nakita mo ba?" tanong ko agad. "Speaking of that man... diba kayo ang magkasama after mong mawala sa party ko?" wika ni Erin, sabay taas ng isang kilay. "Y-yah, diba nagpaalam pa kami sa'yo?" "H-huh? 'Di ko maalala. Baka lasing na ako nung time na 'yon," natawa siya. "Baka nga," sang-ayon ko na lang. "Balik tayo sa topic-nakita mo ba siya today?" tanong ko ulit, kunwari chill lang. "Aaah, oo. Mukhang wala ngang tulog, e." "Aba, bwisit 'yon. Iniwan talaga ako doon sa rooftop ng mag-isa! Pano kung may nangyari sakin, ha?!" bulong ko sa sarili ko habang umiiling. "Bakit mo naman natanong?" usisa niya. "Aah, wala... itatanong ko lang. Parang... parang nalasing din siya kagabi, e." Sinampal ko ng mahina ang sarili ko. Sinungaling ka, girl. "Ganun ba..." tumango si Erin. "Ya-" "Mga bess! Nandito lang pala kayo?" sigaw ni Michelle sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi namin. "Actually, kanina pa nga!" sagot ni Erin, sabay tawa. "Alam niyo na ba ang balita?" tanong ni Michelle habang lumalapit. "Hindi eh, ano ba 'yon?" tanong ko agad, naintriga. "Nadukot daw si Marcus... 'yung kapatid ni Lucas!" Bigla akong napatayo. "Huh? Paano nangyari 'yon?!" sabay naming tanong ni Erin. "Hindi ko pa ba nakukuwento sa inyo?" tanong ni Michelle, parang sinadya pang bitinin. "Nope. Last time, magsasalita ka na sana kaso malelate ka na!" sagot ni Erin habang humihigop ng kape. "Ay oo nga pala! Okay, ganito kasi 'yon... May dalawang paaralan ang Santifiego-'tong school natin, saka ang Imperviseo. Sa dalawang 'yon may magkabilang grupo ng gang. Si Lucas ang namumuno sa atin, tapos 'yung sa kabila... ugh, nakalimutan ko na pangalan nun!" "It's okay, just continue!" sabad ni Erin, nag-aabang. "So ayun na nga. Si Marcus-'yung kapatid ni Lucas, na ka-batch niyo rin, diba?-eh na-target ng kabilang gang. Since hindi nila makaganti kay Lucas directly, si Marcus ang pinuntirya nila. Sabi ng source ko, pagkauwi niya galing ng party mo, Erin, habang kasama niya 'yung barkada niya, bigla raw may dumating na van. Mga taga-Imperviseo 'yon. Tinakot siya na babarilin ang mga kaibigan niya kung hindi siya sasama." "Grabe! Anong nangyari next?!" tanong ko, halos hindi makahinga. "Wala na raw siyang choice. Sumama siya para 'di madamay 'yung tropa niya. Since then, nawawala na siya. Ngayon pa lang nila Lucas ipaplano ang pagkuha kay Marcus mula sa mga taga-kabilang school." "Wait... so after ng party ko siya dinukot?" tanong ni Erin, napalunok. "Yup. As in gabi ring 'yon. Hindi ba andon siya buong party? Tahimik lang nga 'yon, pero ang bait." "Oo nga. Kahit hindi kami close, ang bait niya sa akin no'n. Hindi mo akalaing may mangyayaring ganito." "Sana magtagumpay sina Lucas," sabi ni Erin, seryoso ang mukha. "Sana nga," sagot ko, kasabay ni Michelle. KRIIIINGGGG! Tumunog na ang bell hudyat ng umpisa ng klase. Nagmamadali ang ilan pumasok habang ang iba naman ay nag-aayos pa ng gamit. Kami nila Erin ay agad nang pumasok sa room. "Bes, tara na. Baka pagalitan na naman tayo ni Ma'am Azucena," sabi ni Erin habang sabay kaming pumasok. Pagsilip ko sa classroom, agad kong napansin ang bakanteng upuan ni Lucas. Wala siya. Tiningnan ko ito ng matagal. Doon siya lagi nakaupo-pangalawang hilera, sa tabi ng bintana. May laman 'yung puwesto niya kahit wala siya. Parang may kulang. Bigla akong napabuntong-hininga. 'Yun nga pala-hindi siya pumasok dahil kay Marcus. "Uy, bes," tawag ni Erin, "dito muna ako uupo ha, sa upuan ni Lucas. Ayoko dun sa dulo, ang lamig ng aircon." Tumango lang ako. Hindi ako makapag-focus. Habang naglalakad papasok si Ma'am Azucena, nagsimulang bumukas ang projector sa harapan. _ "Okay class, settle down!" sigaw ni Ma'am Azucena. "Today, we'll continue our lesson on 'Power Dynamics and Loyalty in Modern Mafia Structures'. This is under Criminology 102, so makinig kayo." Naglabas siya ng visual slide ng mafia hierarchy - Boss, Underboss, Consigliere, Capos, Soldiers... "Our focus today is the Code of Silence, or 'Omertà'. Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Omertà?" Tahimik ang klase.. "Ms. Rylie? Pakisagot." Nagulat ako. Ha? Ako? Saglit akong napatingin sa projector-mabuti na lang, nabasa ko agad kanina. "Omertà po... is the mafia's code of silence. It means loyalty to the group above all, and never cooperating with the law," sagot ko, medyo kabado. Tumango si Ma'am. "Good. But next time, please stay focused. Nakatingin ka sa labas ng bintana kanina. Akala mo siguro nasa pelikula ka." Tahimik ang iba. Medyo napangiti si Erin pero tumingin siya sa akin, may halong pag-aalala. Hindi ko namalayan na naka-tulala na pala ako buong oras. Ang ingay sa loob ng classroom, pero parang wala akong naririnig. Wala si Lucas. Hindi lang basta absent-wala siyang paramdam, ni isang text. At alam naming lahat kung bakit: dahil kay Marcus. Nasa harap ang teacher, nagsasalita tungkol sa kung paano gumagana ang mga loyalty code ng mafia, pero ni hindi ko masundan. Para akong nasa ibang mundo. Napansin kong may kumalabit sa braso ko. "Uy, bes," bulong ni Erin. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa lutang." Tumingin ako sa kanya saglit, pero umiling lang ako. Wala akong masabi. Parang kahit anong sabihin ko, kulang. Hindi na siya nagtanong pa. At sa totoo lang, thankful ako doon. __ "Oy, bess… 'di ba sila Lucas 'yon?" mahina pero excited na sabi ni Michelle, sabay turo gamit ang labi. "Oo nga no!" sang-ayon agad ni Erin, lumapit pa ng kaunti para makita nang mas maayos. "Baka ngayon na sila magpaplano kung paano nila kukunin si Marcus!" dagdag ni Michelle. "Baka nga," sagot ni Erin, medyo nag-aalalang tono. "Tara!" aya ko, hindi na nakapagpigil. "Teka, saan ka pupunta, bes?" tanong ni Erin, hinawakan pa ang braso ko. "Edi aalamin ko. Curious ako eh!" sagot ko habang tinatanggal ang kamay niya. "Ano ka ba? Baka masyadong delikado do'n!" pag-aalala ni Erin. "Kaya nga, baka mapahamak lang tayo," sabat ni Michelle. "Okey, ako na lang mag-isa," sabi ko at naglakad palayo. "Anooo?! Hoy, bes!" tawag pa nila pero hindi na ako lumingon. Sinundan ko si Lucas at Rassel hanggang sa parking lot ng eskwelahan. Umalis si Rassel, mukhang may nakalimutan o may kukunin. Naiwan si Lucas na may kausap sa telepono. Habang abala siya, sinamantala ko ang pagkakataon. Dahan-dahan akong pumasok sa likod ng kotse at agad humiga sa upuan para hindi mahalata. Ang sikip! Pero tiis lang. Ilang saglit lang, bumalik na si Rassel. Nilagay nila ang gamit sa likod ng sasakyan, tapos pumasok na rin sila. At umandar na ang kotse. "Ugh! Kating-kati na akong bumaril!" biglang sigaw ni Lucas habang nasa kalagitnaan ng biyahe. "Easy lang, dude," sabi ni Rassel, parang sanay na sa ugali ni Lucas. “Ambilis naman magmaneho nito…” bulong ko sa sarili. Medyo nangangalay na ako. Madulas pa ‘yung upuan, kaya todo kapit. "Red light!" sigaw ni Rassel. Sa biglang preno, nahulog ako mula sa pagkakahiga. "Arghh!" napasigaw ako, masakit sa likod. "Ano 'yon?" tanong ni Lucas, napatingin sa likuran. "Ano ba yan! Bakit ba kayo magmaneho parang kayo ang may-ari ng kalye? Ang sakit nun ah!" reklamo ko habang bumangon. "Anong ginagawa mo dito?!" gulat na gulat si Lucas. "Edi nakahiga. Kung naka-upo ako, edi nakita niyo agad!" sagot ko. "Ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka? Delikado 'to. Baka mapahamak ka!" seryosong tono ni Lucas. "Na-curious lang ako kung saan kayo pupunta..." sagot ko, sabay iwas ng tingin. "Hay nako… wag kang aalis diyan ha. Yumuko ka lang pagdating natin." "Sir, yes, sir," biro ko, sabay salute. "Andito na tayo," sabi ni Rassel matapos ang ilang minuto. "Wala pa siguro ang mga kutong lupa na 'yon," ani Lucas habang lumilingon sa paligid. "Hindi. Nandito sila," sagot ni Rassel. "Ha? Saan?" tanong ni Lucas, sabay may kumatok sa bintana. Isang batang lalaki ang nasa labas. Binuksan ni Lucas ang bintana. "Ano 'yon, bata? Bakit andito ka pa? Gabi na, baka hinahanap ka na sa inyo," tanong ni Lucas. "Napag-utusan lang po ako na sabihin sa inyo na isa lang daw ang dapat bumaba sa inyo," sabi ng bata. "Ha... sige, umuwi ka na. Baka madamay ka pa at masaktan," utos ni Lucas. "Sige po," sagot ng bata at agad tumakbo palayo. "Ano na balak mo, pre?" tanong ni Rassel. "Ako na lang ang bababa. Dito na lang kayo. Kapag naligtas ko si Marcus, dito ko siya dadalhin. Kung hindi ako agad makabalik... umalis na kayo. Magpadala ka na lang ng ibang tauhan." "Sige, ingat ka." __ Lucas' POV Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad papalapit sa dalawang van. Nang medyo malapit na ako, bumaba na ang ilang lalaki mula sa kabilang sasakyan. “Hindi ba sinabi namin na isa lang ang pupunta? Bakit nagsama ka pa? At babae pa talaga. Ano’ng laban naman n’yan?” "Ha?" Napalingon ako sa likod ko. "Bakit ka sumunod?" tanong ko kay Riley. "Nag-aalala kasi ako sa'yo," sagot niya habang nakakapit sa damit ko. "Dito ka lang sa likod ko," utos ko sa kanya, protective ang tono. "Salamat sa papuri mo, pero hindi po ako babae. Isa po akong serena," sagot ni Riley sa lalaking kaharap namin. "HAH! Bakla ka pala? Napeke mo ako dun ah!" natatawang sabi ng lalaki. "Let’s go back to business. Nasaan ang kapatid ko?" tanong ko, seryoso na ang boses ko. Sinenyasan ng lalaki ang mga tauhan niya. Ilang saglit pa, inilabas nila si Marcus mula sa kabilang van. Mukha siyang pagod at may pasa sa mukha. "Marcus!" sigaw ko, at lalapitan ko na sana siya. "Horray!" biglang sigaw ni Riley. "Hindi yun ang ibig kong sabihin, bakla!" iritadong sagot ng lalaki. "Ano, ganu'n na lang ‘yon? Basta na lang siya aalis?" puna pa ni Riley. "Ano bang gusto n’yo?" tanong ko, inilabas ko na ang tensyon sa dibdib ko. "Ikaw!" sagot ng lalaki, nakangisi pa. "Ay, kunwari ka pa. Ka-uri din naman pala kita! Alam mo, bes, sa’kin na ‘to eh. Gusto mo, tulungan pa kitang gumawa ng account—Pacebook? Glindr? Whisper?" sunod-sunod na sabi ni Riley. "Gagi! Hindi ako bakla! Wag mo akong itulad sa’yo!" sigaw ng lalaki. "Ikaw ang magiging kapalit ng kapatid mo. Papakawalan namin siya kung sasama ka sa amin at magpapakulong ka." "At saan nyo naman siya dadalhin, aber?" sabat ni Riley. "Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" "Aba’t ang damot! Hmp!" reklamo ni Riley, nakanguso pa. Habang nag-uusap sila, sinubukan kong makipag-eye contact kay Marcus. Umiling siya. Ako naman, nagbigay ng senyas gamit ang mata. "Anooo naaaa?" tanong ulit ng lalaki. "01:38 na eh. Bakit kasi gabi kayo nagba-bargain? May pasok pa kami bukas!" banat ni Riley. "Hindi ‘yan ang tinutukoy ko. Kaya pwede ba? Wag kang sabat nang sabat—hindi ikaw ang kausap ko!" singhal ng lalaki. "Aba, malay ko. Hindi mo naman sinabing sino ang tinatanong mo! Malay ko ba kung ako 'yon!" sarkastikong sagot ni Riley. "Ano na ang desisyon mo, Lucas?" tanong ng lalaki, ngayon ay mas seryoso, sabay tingin kay Riley. "Ganyarn!" singit ni Riley, pilit pa ring nagpapatawa. "Sige. Sasama ako," pagpayag ko sa wakas. "Ayun!" sigaw ng lalaki, mukhang masaya sa kasunduan. "Ano?! Teka—bakit?!" gulat na gulat si Riley. Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Wag kang mag-alala. May plano ako. Pag sinabi kong takbo... takbo!’” Habang tinatalian na ako sa kamay, inaalis na rin ang tali kay Marcus. Bigla, tinadyakan ni Marcus ang lalaking nagtatanggal ng tali sa kanya—direkta sa ari! Napayuko agad ang lalaki sa sakit. Nagkagulo. "Kuya, ngayon na!" sigaw ni Marcus. Tinadyakan ko ang isa pang lalaking papalapit, sabay sigaw ng, "TAKBO NA!" "Saan?!" tanong ni Riley. "Sa kotse!" sigaw ko. "HABULIN SILA!" sigaw ng lider sa mga tauhan niya. Tumigil si Riley bigla habang tumatakbo kami. __ "AYUN SILA! WAG NYONG HAYAANG MAKATAKAS!" sigaw ulit ng lider. "Tara na!" sigaw ni Lucas habang hila-hila ako. "Sige, kuya!" sigaw ni Marcus habang kumakaripas ng takbo. Tumakbo kami sa kabilang eskinita, patagilid, paakyat sa isang makipot na daan. Biglang may dalawang anino kaming nasalubong. Habang tumatakbo, nakasalubong pa namin ang dalawang beki na tila naistorbo sa lakad nila. "Omg! Ginoo! Saan ang sunog?!" sigaw ng isa. "Char, baka action scene ‘to!" ani pa ng isa. "Tara na!" sigaw ni Lucas habang hila-hila ako. Tumakbo kami sa kabilang eskinita, patagilid, paakyat sa isang makipot na daan. Biglang may dalawang anino kaming nasalubong. "Mga baklaaa!" sigaw ko, halos matapilok sa gulat. "Hi siz!" kaway ng isa sa kanila, naka-shorts lang at may dalang payong na parang props lang. "Oh? Bakit siz?" tanong ng isa pang naka-tube top, nilalagay pa sa tenga ang daliri na parang pang-artista. "Papunta ba kayo ro'n?" sabay turo ko sa pinanggalingan namin. "What he say?" tanong ng isang englisera. "If you're going there, wag na, may shoot out. As in 'pow-pow' ganern!" sagot ng kaibigan niya. "What?! I love shooting! Is Carla Abellana there? Idol ko siya!" balik ng englisera. "Hay naku, girl! Hindi to teleserye, baka madamay kayo!" sabat ni Lucas, habang hawak pa ang braso ni Marcus. "Okay, sige na nga, good luck siz! Kayo na ang bida!" sabay kumaway sila at naglakad paatras pa—runway style. Napatigil si Marcus, humihingal. "Kuya… anong plano?" Huminto kami sa isang kanto, may waiting shed doon na medyo tago. Umuulan na rin ng mas malakas. Basang-basa na ang suot ko, nanginginig na rin si Lucas, pero hawak pa rin niya ang balikat ni Marcus na parang ayaw na niyang pakawalan. "Uuwi na tayo," sabi ni Lucas, seryoso. "Di na puwedeng dito pa tayo magtagal. Mas delikado kung paghiwa-hiwalayin pa natin ang lakas natin." "Ayoko rin kayong iwan," sagot ni Marcus. "Kasama ko kayo, safe ako." Tumango ako. "Sama-sama tayo. Basta buhay tayong lahat." Walang isa man sa amin ang ngumiti, pero ramdam ko ang bigat na unti-unting gumagaan. Kahit pawis, ulan, at putik na ang katawan namin—buo pa rin ang loob naming makauwi. __ Lucas' POV Nakahinga ako ng maluwag nang maisara ang pinto ng sasakyan. Si Marcus, hingal at pawis, ay agad na bumagsak sa upuan. "Safe ka na, bro..." bulong ko, sabay tapik sa balikat niya. "Thanks, kuya…" sagot ni Marcus, mahina pero may halong ngiti. Napatingin ako kay Riley. Medyo namumutla siya at halatang nanlalamig ang mga kamay habang hawak ang dibdib niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko. "Oo... ‘di ko lang akalain na totoo ‘yung mga ganon. Parang pelikula ‘yung nangyari." Pilit siyang tumawa, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya. "Sinabi ko naman sa’yong delikado. Bakit ka pa sumama?" "Edi para masabing kasama kita sa adventure. Tsaka…" tumigil siya sandali. "Wala rin naman akong ibang uuwian." Tahimik. Tumingin ako sa bintana. Mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan, pero parang bumagal ang oras. "Lucas," bulong ni Riley. "Kanina… nung tinanong ko kung bakit hindi ka madalas sa rooftop… sinabi mong si Safiera lang daw ang laging nandun." "Oo." "Gano’n mo rin ba siya kaalagaan kagaya ng pag-aalaga mo kay Marcus?" Napatingin ako sa kanya. Iba ‘yung tanong niya. Iba ‘yung tono. "Hindi ko alam…" sagot ko. "Pero ikaw, alam kong sinadya mong sumama. At alam mong baka mapahamak ka." "Pero sumama pa rin ako." Nagkatitigan kami. Seryoso siya, pero may halong lambing sa mata. "Siraulo ka." "Alam ko." ngumiti siya. "Pero at least ‘di mo na ako iniwan sa rooftop." Natawa ako kahit papaano. Huminto kami sa isang tahimik na parking lot sa likod ng lumang convenience store. "Dito muna tayo magpalamig," sabi ni Rassel. Bumaba kaming lahat. Si Marcus, naupo sa bangketa. Si Railee, tumabi sa akin. "So…" simula niya. "Kailan ulit ang susunod na misyon?" "Hindi na dapat maulit ‘to." sagot ko, pero napangiti rin. "Well, kung sakaling maulit… ayoko nang nakahiga sa likod ng kotse ha. Next time, shotgun seat na." "Next time?" "Oo, kung papayagan mo pa akong sumama." "Depende." "Sa ano?" "Kung hindi ka mawawala sa party, baka pagbigyan." Nagkatawanan kami. At sa gitna ng gulo, sa simpleng sandaling ‘yon—para bang saglit naming nakalimutan ang delikadong mundo sa paligid namin. Back at the university gate... Binuksan ni rassel ang emergency side gate gamit ang spare key card mula sa wallet niya. Buti nalang at walang guwardya sa ulan. Pagkapasok namin, dumiretso kami sa infirmary. Tahimik ang campus, ang tunog lang ng ulan sa bubong ang kasama namin. "Sa wakas," bulong ni Lucas. "Safe na tayo." ___
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
maganda
11d
05.0
11d
0Ver Todos